SHE'S ALMOST done packing her things. Naihiwalay nang lahat ni Ivory ang mga regalo noong anniversaries nila at birthdays niya na binigay sa kanya ni Carlos. Naka-paper bags ang mga ito. Ready na rin siya sa meet-up ng mga naging customers niya online. Ano't itatago niya pa ang mamahaling relo, bags, sapatos at alahas na ito kung tapos na ang ugnayan niya sa kanyang ex, 'di ba? Pakikinabangan pa ito ng iba sa ginawa niyang pagbenta sa mga ito. Pagkatapos ang malilikom niyang pera ay i-do-donate niya sa non-profit organization ng kaibigan niyang si Christine.
They were college friends. Noong nakapag-asawa ito ay bihira na lang silang magkita pero madalas naman silang mag-video call. Kung may spare time ay sumasama rin siya sa pag-vovolunteer sa pamimigay ng tulong ng kaibigan. Ang focus nila ay ang mga batang lansangan bilang beneficiaries, at inuunti-unti nito na mabigyan ng edukasyon at iba pang pangangailangan ang iilan sa mga bata. Napangiti si Ivory sa plano. Alam niyang marami na namang bata ang mapapangiti nila.
Inikot niya ang tingin sa pwede niya pang ibentang gamit mula kay Carlos hanggang sa mahagip ng mga mata ang photo frame na nasa ibabaw ng lamiseta niya. Wala sa sariling kinuha niya ito. Doon ay detalyadong bumalik sa isip niya ang istorya ng larawan na iyon. Makikita ang saya sa mukha nilang dalawa. Lalo sa mga mata niya. Pero ganoon na lang din ang tila pagpunit sa dibdib niya nang maalala ang dating nobyo.
"Bakit?" kausap niya sa larawan ni Carlos, at saka pinahid ang luha sa pisngi niyang hindi niya halos namalayan na nalaglag.
Dapat ang araw na ito ay isa sa pinakamahalagang araw sa buhay niya. Ngunit bumaliktad ang pangyayari dahil ito ang pinakamalalang parte sa kwento nilang dalawa ni Carlos. Kaya kasama sa mga gamit na itong ibebenta niya ay ang alaala rin ng lalaking minahal niya. Lahat ng tungkol kay Carlos ay kalilimutan niya. Hindi madali, pero lahat naman ng nasasaktan ay paunti-unti ang paggaling, lahat ng nasusugatan ay kusang naghihilom ang sugat. It will be a long process for her to start over. But as far as makikita niya ang resulta, it would be better. Besides, loving a person has limits.
Ang kahuli-huliang koneksiyon niya kay Carlos ay ang traje de boda na siya mismo ang nag-design. She's always been dreaming to become a designer. And it took her months to finish the wedding dress. Pero kapag patuloy niya itong makikita magpapatuloy lang din ang sakit sa puso niya. And she won't allow that. Not anymore. Lamang ay hindi niya ito kayang ibenta. Mas maigi na lang siguro na itabi na lamang niya ito. Dahil kung hindi ay babangon lang ang emosyon sa dibdib niya. Napahugot muli ng hininga si Ivory. Pinigil niya rin ang sarili na huwag maging emosyonal ngayon. Nagpatuloy siya sa pag-iimpake pero aminado na kahit anong pilit niyang tanggalin sa isip si Carlos ay siya ring siksik nito sa ulo niya.
Napukaw ng boses ni Spencer ang malalim na pag-iisip na iyon ni Ivory.
"You're clearing the area, huh!"
Tinapakan ni Ivory ang tapakan ng trash can at hinulog doon ang frame. Nilinga niya ang kapatid. Nakasandal ang lalaki sa hamba ng pintuan, nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na jogging pants— she could see a picture of a real ideal man of every woman in his stance. Hindi lang alam ni Ivory kung kanina pa ito roon o kararating lang, pagkatapos ay nginitian niya ito. Ang pagpapakita kay Spencer na okay lang siya ay isang kagagahan dahil ang totoo'y pinipiga siya sa sakit ng desisyon niya. Pero kailangan niyang ipakita sa lahat na hindi siya apektado. Na matapang at considerate siyang tao.
"Almost done."
"I can see that. And judging from what you're packing sa tingin ko'y buo na talaga ang desisyon mo." Pumasok ito sa loob ng kuwarto niya. Hinawi ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana. Siya naman ay nagpatuloy sa pag-iimpake ng mga personal niyang gamit.
"Yep! Sasama ka ba sa amin?"
"Hmm..." Umungol ito bilang sagot.
"Eh, si Kuya Adrien?"
"Buong pamilya ang kasama mong aalis. Pero gusto ko lang munang makasiguro kung sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong 'to?"
Tumigil siya sandali sa pagsara ng maleta niya. Mabilis na nag-isip ng sagot, at mabilis ding sumagot, "Oo naman."
She wasn't sure of this honestly pero ito ang alam niyang tamang gawin. Dagdag niya, "You know what, Kuya, minsan kasi mas masarap na bitiwan ang pangarap kaysa patuloy mo itong habulin pero sa huli madidiskubre mo na lang na hindi pala 'to para sa 'yo, na nakalaan pala 'to sa iba. So, again, I am so sure."
Sandaling nagtitigan sila. Ang naunang magbaba ng tingin ay ang kuya niya. "Okay. Hindi ka na naman mapipigilan pa sa tingin ko, ikaw na ang bahala. I wish you all the best."
Pagtalikod nito'y kaagad din na humarap. "Alam mo ba na nasa ibaba siya?"
She panicked, at alam niyang napansin iyon ni Spencer. "Si Carlos? Anong ginagawa niya rito?"
"Hinahanap ka."
"Is he still downstairs?" Unti-unti niyang kinalma ang sarili nang hawakan ni Spencer ang balikat niya.
"You're panicking, Ive. Don't worry pinalayas ko na. Hindi ko sinabing aalis ka. Pero hindi ko rin hahayaan na makalapit pa siya sa 'yo."
She wasn't good at lying. Saglit siyang yumuko para marahas na lumunok. Nakatulong naman ito dahil gumagaan na ang dibdib niyang naninikip kanina. "Thank you, Kuya." Ngumiti siya, ngiting hindi naman umabot hanggang tainga. Yet, it helps.
Sa dalawa niyang kapatid na lalaki, kay Spencer siya nag-o-open ng problema. Mas panatag ang loob niyang maglabas ng sama ng loob at mag-share ng sentimiyento niya sa buhay sa panganay nilang kapatid. Parang mommy nila ito kung umasta at mag-alala sa kanya. Minsan tuloy hindi niya maiwasan na pagdudahan ang kasarian nito. Kung bakla o straight ba ito. Close rin naman sila ni Adrien, pero mas close siya kay Spencer.
"I will do the right thing for your safety."
Heartbroken na nga siya, plano pa yatang dumagdag sa drama ng buhay niya ang kuya niya. "Salamat, Kuya."
"Ive, tell me the truth. Kasama ba sa pag-alis mong ito ang paglimot din sa gagong Carlos na iyon?"
Ito talaga ang usapan na gusto niyang iwasan sa ngayon pero kung sinadya man ni Spencer na buksan ito, mas okay na iyong harapin na niya sa huling pagkakataon.
Pinigil ni Ivory ang luha mintras kaya niya. Naging malikot ang tingin niya. Inabala ulit ang sarili sa mga iniimpakeng gamit. Saka bahaw na tumawa. "Mas mapapanatag ang loob ko kung malayo ako sa lugar na ito."
"You're not answering my question."
"Minahal ko iyong gagong iyon, eh."
"Minahal ka rin naman niya."
Napasinghap siya. Kahit paano'y gumaan ang dibdib niya na kanina pa masikip. "He's happy now. I mean matagal na siyang masaya. Naging bahagi lang siguro ako ng buhay niya kasi baka feeling niya may kulang pa at nakikita niyang napupunan ko iyong kakulangan na iyon. Pero hinding-hindi ako magiging kabet, Kuya. Kung sana nalaman ko ng maaga baka..."
"Hindi mo kasalanan," putol ni Spencer sa litanya niya. "I'm sorry."
"Don't be sorry. Sometimes, the truth is not always comforting."
Naramdaman ni Ivory ang pag-akbay ni Spencer sa kanya. His broad shoulder is now become her protection. Umunan siya roon. At niyakap ang isang kamay sa baywang nito. Again, she's holding back her tears. Kagabi pa siya umiyak. Bagay lang na nakatulong ay ang pag-apply niya ng make-up para hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata niya.
"You're young and gorgeous, look at you. Kung may lalaking babagay sa 'yo hindi si Carlos."
"Kasal ko dapat ngayong araw, di ba?"
"Hays." Ginulo ni Spencer ang buhok niya.
"Nagdadrama na naman kayong dalawa riyan. Naghihintay na sina Dad at Mom sa labas."
Kumawala siya kay Spencer, saka binalingan si Adrien. "Pababa na nga kami ni Kuya Spencer."
Pumasok ito at bigla'y niyakap siya. That flatteted her. Then she smiled. "Gusto mo rin ba mag-drama, Kuya?"
"Fair enough."
Halos magkasabay silang tumawa nang pakawalan siya nito. Maya-maya pa'y sumeryoso ulit ang mga lalaki.
"Mag-iingat ka roon, okay?" Mahahalata sa tinig at mga mata ni Adrien ang concern.
"Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Ganoon din si Spencer.
Tumawa ulit siya kasabay ng marahang pag-iling. Kung mag-alala kasi ang dalawang lalaking ito ay para siyang mawawala nang tuluyan.
"Ano ba kayo? Para naman akong mag-aabroad," aniya. Isinara niya ang maleta at binuhat pero inagaw ito ni Spencer.
"Ako na ang magbubuhat nito pababa."
"Okay, okay." Binitiwan niya ang maleta at inangat ang dalawang palad na animo'y sumusuko.
"How about those?" tukoy nito sa mga paper bags.
Binitbit niya ang mga ito. "I sold them for a cause. Idadaan ko lang ito sa buyers ko."
"Okay. Basta iingatan mo ang sarili mo at kumain sa tamang oras kapag nasa probinsya ka na," muling sabi ni Spencer, na pababa na sa hagdan.
"Tumawag ka kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo," ani Adrien na bumaba na rin.
Sumunod siya sa mga ito. "Sabihan mo kaagad kami kapag natunton ka pa ng walang hiyang lalaki na iyon," pagpapatuloy nito.
"Music in my ears pero magkikita pa naman tayo at hindi na ako batang pinapahirapan ng sipon. O.K.A.Y lang po ako." Sumimangot si Ivory pagkatapos. "You're both overreacting. Magbabakasyon lang ako kaya huwag na kayong mag-worry. I'm sure hindi ako pababayaan ni Grandpa."
Iyon lang, hindi pa rin nagpaawat ang mga kapatid niya at hanggang sa makasakay siya ng kotse ay kinukulit pa rin siya ng mga ito.
Tinapos niya ang maliit na transaction, naipadala ang naipong pera sa kaibigan bago sila lumarga papuntang probinsya. And 'YES' is her response to Spencer's question earlier. Na kasama sa pag-alis niyang ito ang tuluyang pagmomove-on.
"'NAK, hindi ka pa ba bababa? Nasa loob na ang daddy mo."
Napalingon si Ivory sa nakadungaw na ina sa labas ng bintanang nasa tapat niya. "Ang layo na naman ng iniisip mo. Halika na."
Doon niya napansing nasa tapat na pala sila ng Villa Socorro. "Susunod na lang po ako sa inyo. Mauna ka na."
"O siya, bilisan mo na lang at mukhang masama ang panahon ngayon dito." Kasabay niyon ay tumingala ito. Nang makababa ay nakita niyang tama ang ina. Dahil makulimlim nga ang langit.
Nilibot niya ang paningin sa labas ng malaking bahay. Mala-Spanish style ang disenyo niyon. Ngayon lang ulit siya makakatapak makalipas ang isang dekada. Sa harap din mismo ng bahay ay may sariling hardin ng mga pulang rosas, daisy at iba't ibang klase ng cactus at naka-hang na orchids. Sa mga rosas siya tumungo. These are her favorites— especially the red ones. Iyong hindi pa masyadong namumukadkad ang petals. Dumukwang siya, at saka ito inamoy na sinundan ng marahan niyang pagpikit sa mga mata. It smells so fresh!
Nang dumilat ay sinipit niya sa dalawang daliri ang tangkay. Wala naman siyang balak pitasin ito kahit naaakit siya. Inamoy niya ulit.
"Okay ka lang?"
Mabilis ang paglingon ni Ivory. At ang malakas niyang pag-aray. Nawala sa isip niya ang lalaking dumating dahil nabaling ito sa nasugatan niyang braso nang masagi ang tinik ng rosas.
"Careless ka kasi." Hinubad nito ang isang glove mula sa isang kamay. Kinuha nito ang face towel na nakasukbit sa leeg at tinapal sa dumurugo niyang sugat.
Hindi niya maiwasang tumitig dito. Tantiya niyang nasa limang pulgada lang ang tangkad ng lalaki sa kanya. Judging from his look— nakasuot ito ng lumang maong jeans, luma rin ang plain long sleeve na suot nito, naka-rubber boots— no wonder he's a farmer. Yet, he looks good. Magulo man ang buhok pero hindi masyadong nangangamoy araw. Makinis ang balat na halatang inaalagaan ng kung ano mang skin care. Hindi ito ordinaryong magsasaka kung ikukumpara niya sa totoong magsasaka. Nang hindi nakatiis ay nagtanong siya, "Dito ka ba nagtatrabaho?"
Hindi ito sumagot. Inulit niya ang tanong pero sa pagkakataon na ito'y tumingin ito sa kanya. "Hinihintay ka na nila sa loob, señorita."
Señorita? Hello! 21st century na, pero may ganito pa ring katawagan? Ano pa man diyan ay hindi siya sanay.
"Ivory na lang, mas malinis pakinggan."
Tumalikod ito nang hindi umiimik.
"Huy!"
"Bakit sen—"
"Ivory! Ivory ang pangalan ko."
"Alam ko."
Mukhang wala yatang balak magpakilala ito. Pero wala na siyang pake. Itinuro niya ang bitbit nitong garden tools at sinabing hihiramin ang gunting nito.
"Kung gusto mo ng mga bulaklak pipitasan kita at ihahatid ko rito mamaya. Ano bang gusto mo?"
"Talaga? Pero gusto ko 'tong nandito."
"Pasensiya na po seño... Ivory dahil hindi pwede."
"Okay. Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Senenyasan niya itong umalis na.
Sa halip na sumunod, tumayo ito nang matuwid sa harap niya. At senenyasan siyang pumasok na sa loob ng bahay. Tila ito boss na nagmamando sa employee nito, pero hindi siya nagpaawat.
Ilang minuto rin silang nakatayo roon nang walang imikan at nagpapataasan ng ego, nagpapalitan ng matalim na titig, hanggang sa maramdaman ni Ivory sa balat ang mahihinang patak ng ulan. Nagmatigas pa rin siya.
"Hahalikan kita o papasok ka?"
Sa sinabi nito'y tumaas ang kilay ni Ivory. The nerve of this man! Ang lakas ng loob na takutin siya. Huh.
"Your choice, Señorita Ivory!"
Hindi sana siya basta magpapatalo lang sa lalaki pero nababasa na sila ng ulan. Siya ang bumigay. Tiim-bagang na tinalikuran niya ang lalaki. Patakbong pinasok ang bukas na gate. Hindi pa man masyadong nakalalayo si Ivory ay narinig niya ang pagtawa ng lalaki, nangungutyang tawa na gumatong sa inis niya.
She cursed the man. Magtatagpo pa naman sila. Gaganti siya.