Chapter 1
POV CLAIRE DAPHNE
"Im sorry I think were not for each other" na shock ako sa sinabi nya, nabitawan ko tuloy ang dala dala kong yema cake na pasalubong ko sa kanya.
" teka, huh? Ano? Teka, bakit, paano mo nasabi" di ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Gulo gulo kasi ako eh, akala ko okay kami, kasi tawa naman kami ng tawa kahapon. Nalilito ako kung anong nangyari.
"uhmmm, I think….."
" ano??" kabang tanong ko.
" di ko kasi bet ang mga babae, naramdaman kong mas bet ko ang boys" sabay ngisi nya sa akin.
Ohhh my goshh, di ko inexpect ang sasabihin niya yun. Akala ko matatagalan pa sya, salamat at umamin din.
" I know" kindat ko naman sa kanya
" wait, what?? How did you know??" gulat na tanong niya sa akin, duh halatang halata kaya sya whahahaha
" duh, halata ka kaya. Bigla ka na lang nag eenglish dan, eh dati naman hindi eh " mag tatago na nga lang ng secret di pa magaling.
" edi okay lang sayo, kahit na break na tayo??" aba nag tanong pa, alangan naman diba na maging kami eh di nga nya ako bet
" Alangan naman diba, sya sige na mag hanap ka na ng boys mo doon, wag mo akong tinitignan ng ngiti na yan. Oo masakit pero kesa naman nag cheat ka diba"
Aba di na nag paligoy ligoy ang bakla at tumakbo na agad palabas sa gate namin.
Bigla naman lumabas ang bunso kong kapatid sa labas " ano na pano yun??"
" ahh yun, nabakla na" tawang sabi ko sa kanya.
" sabi na ate eh, amoy na amoy na HAHAHAHAHA" tawang tawa naman tong isa, habang tumatawa sya umalis na ako, kasi mamaya pa matatapos yun eh.
Dumertso na naman ako sa kwarto ko, at yes tama umiyak ako doon. Kala nyo ha, di porket alam ko na bakla sya di na masakit. Sakit pa din kaya, kunwari lang ako masaya pero nawalan nanaman ako ng magiging forever. Pangatlo ko na sya.
Ung isa sabi nya mag papari sya, at ung isa naman nag cheat sa akin. Pero malay naman natin mahanap ko na ang forever ko sa pang apat.
* Knock Knock*
" ugh sino ka naman, di nyo ba gets na broken ako need ko mag drama" inis na bulong na sabi ko sa tao na kumakatok sa pinto ko. Pag bukas ko naman ng pinto nakita ko ang dalawa kong kuya na nakatingin sa akin. Dami kong kapatid noh, apat kaming mag kakapatid intayin nyo lang yung isa kong ate lalabas din yun mamaya.
" sabi ko naman sayo na di sya okay sa amin bakit mo pa sinagot, pasalamat nga nakisama kami sa kanya" blah blah blah. Sunod sunod na sermon nila sa aking dalawa. Labas pasok sa tenga ko ang sinabi nila, bakit ba kailangan pa nila akong sermunan eh di naman sila ang makakatuluyan ng lalaki na pipiliin ko eh.
" nakikinig k aba?" napatingin na lang uli ako sa kanila nung sinabi iyon ni kuya Mark.
" oo naman, ang lapit lang kaya natin sa isat isa paanong di ko kayo na ririnig " inirapan nalang ako nina kuya at umalis na. sinara na din ang pinto ng kwarto ko at nag drama na uli. Pero may mas naiisip akong maganda. Why not matulog na lng. Tama ang naisip mo Claire.
- Time lapse -
Nagising naman ako nung nadinig ko na nag tatawag na sila para kumain. Lumabas na din ako sa kwarto at dumeretso sa dining room. Wow sosyal dining room. Btw kung di nyo na natatanong, di kami mayaman, mahirap lang kami minimum lang ang sahod ko na pinag kakasya naming. Tapos ang mga kapatid ko may mga sarili na silang pamilya pero dito lang sila malapit nakatira sa amin. Masyado naming mahal ang isat isa wag kayong judgemental.
" ate magang maga ang mata ah" tukso naman ng bunso kong kapatid.
" bakit?? May nakita ka na bang nakipag hiwalay ng nag paparty huh??" sassing sagot ko naman sa kanya. Bida bida kasi eh.
Nag simula na din kaming kuman, kasama ko lang ditto si bunso, si mama at si tatay naming. Yung dalawa kong kuya nandon sa bahay nila nakain, wala naming sinabi si nanay at tatay ko about sa break up ko. Shut up lang sila. Ganun naman lagi eh, baka sanay na sila na lagging ako broken hehehehe.
Pag katapos naming kumain deretso na ako sa kwarto ko, intindi naman siguro nila yun na broken ako kaya I always need time to myself. Nahiga na ako kahit busog pa, alam kong mali pero who cares.
Nag scroll lang ako sa Facebook at tinitignan ang mga post about love. Hay naku kalian ko kaya mararamdaman ang Love na pang habang buhay. Wala pa naman akong nakikilala na pang forever na, lagi may sabit ang mga nakikilala ko. Di naman ako maarte sa magiging forever ko, ang akin lang yung di ako iiwanan, at always kaming nag kakaintindihan.
Mamaya lang ay nakaramdam na ako ng antok, at saka pinatay na din kasi ang wifi sa kabilang bahay kaya tutulog na ako. Hoy wag nyo akong ijudge alam nila na nakiki connect ako sa kanila, di ko mag isa hinack yun noh.
Sya mag papahinga na nag pagod kong puso at mata. Pag gising ko sa umaga ay makikibalita pa ang mga katrabaho ko.