Chapter 2
POV CLAIRE
Pag dinig ko ng alarm ko nag mulat na agad ang mata ko. Pero hirap na hirap ako imulat kasi namamaga kakaiyak ko. Di rin kasi ako nakatulog nung pinatay na yung wifi nung kabilang bahay. Iniyak ko pa din kasi masakit pa din eh.
Bumangon na ako kasi matagal ako maligo, inaabot ako ng 2 hours para lang maligo at mag bihis, alam kong oa pero di ko din alam kung bakit matagal ako. Pagising ko nakita ko si nanay ko na pinag titimpla na ako ng kape, si nanay ko kahit minsan para syang may sapak I still respect her and I love her for taking care of me. English yun wag kayo.
- Time lapse -
After 2 hours lumabas na din ako sa kwarto ko, nakita ko na naka ready na ang food ko at naka upon a si tatay sa upuan niya lagi nyang inuupuan tuwing umaga. Binilisan ko na kumain dahil napaka tagal ng oras kong mag ayos. Natapos na din akong kumain inayos ko na ang bag ko at nakita ko si tatay ko ba tumayo na sa kinauupuan niya para ihatid ako. Hindi naman nya ako ihahatid sa pinaka trabaho, ihahatid niya lang ako hanggang sa makasakay na ako sa sasakyan papuntang work ko.
Hindi man laging sinasabi na love nila ako pero I know deep inside that they care about me. Kakakdaldal ko nakarating na pala ako sa work ko.
Pag baba ko ay bumungad na agad ang mga ka work ko, siguro ay nabalitaan na nila.
" so ano na??" ngising tingin sa akin ni Thea, ang isa sa mga chismosa dito sa work ko.
" ito na nga, bakla naman pala" sagot ko sa kanya
" HAHAHAHAHAHAHA anak ng HAHAHAHAHAHA" halos di niya na matapos ang sasabihin niya kakatawa, palibhasa may asawang amerikano.
" hinga, baka naman matuluyan ka nan ha" inis na sabi ko ditto, di ba dapat malungkot sya for me, pero hindi ang loka tinawanan pa ako.
" sabi na una pa lang Claire, may pakiramdam na ako dan HAHAHAHAHAHA. Omg ano kayang susunod na madadali mo HAHAHAHAHA"
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa babaitang ito, lalong ipinamukha sa akin na ang malas ko. Hayop na toh
" ano? Kwentuhan na lang ba tayo, di na mag tatrabaho" napatalon naman kami ni Thea dahil biglang sumulpot ang Boss naming.
" Ay pasenysa na po sir. Si Claire po kasi sir broken hearted and need ko lang po sya gabayan" panlolokong sabi niya sa Boss namin, di naman kasi masungit ang Boss namin. Pero minsan strict sya.
" hoy loka, sir pasensya na po. Trabaho na po kami" tinulak ko naman si Thea paalis kasi lintik na babaeng ito ang dada.
" ano ba, tama naman sinabi ko kay Boss ahh, maka tulak ka naman dyan, dyan ka na nga ako na nga concern eh che" pag susungit naman niya sa akin. Concern nya mukha nya, tawa nga sya ng tawa concern ba yun.
Tatlong oras na ang nakakalipas at tuloy pa rin kami sa pag tatrabaho naming, hanggang sa tumabi naman sa akin si Thea.
" ano narinig mo naba?" napatingin naman ako sa kanya na nag tataka, paano ko madidinig eh nag tatrabaho ako ditto.
" ano nanaman yun kitang busy ako ditto eh"
" pag bago tayong empleyado, at sabi matangkad at gwapo daw " kilig na sabi nito.
"makapag salita ka dyan parang single ka ah"
" wag ka ngang epal dyan, oh ano pang iinaantay mo dyan tara na" bigla naman niya akong hinila patayo. Ano nanamn kayang trip ng babaeng ito.
"ano nanaman ba? Nag tatrabaho tayo"
"ano k aba, pinapatawag tayo ni Boss para I assis yung bago" bat kasi di na lang niya sinabi agad, madali naman akong kausap eh.
" oh andito na pala kayong dalawa, kayo ang mag aassist ditto sa bago natin. Kayo kasi ang pinaka matagal dito kaya kayo na ang aatasan ko sa kanya. " sabay alis ni Boss nung sinabi niya iyon. Nilingon ko
namin.
Napatingala naman ako sa kanya, ang tangkad nya, sa 5'1 kong height baka nasa 6 footer ang lalaking ito.
" Grabeh naman, ang taas mo, hirap makipag usap. Mababali leeg ko dito eh" reklamo naman ni Thea, kahit naman kasi ako mag rereklamo ang hirap nito kausapin ang taas kasi niya.
" oh siya, bahala ka na dan Claire" tawang tawa na alis naman niya, una palang naman alam ko na na mang iiwan yun. Sa lahat ng bagong pasok sa amin, ako naman ang nag aassist sa kanila.
" ano na pong gagawin ko maam" napatingala naman ako sa kanya. Muntik ko na pala siyangg makalimutan.
" ay oo nga pala. Btw don't call me Ma'am kahit ang sarap sa feeling ng tawagin ng Ma'am I prefer Claire. " sabi ko naman sa kanya
" Okay po Ms. Claire. Ako nga po pala Si Zane James Gomez" pakilala niya sa akin. Pero bakit may Miss pa, hayaan ko na nga, wala na akong magagawa.
" Hayst halika na nga, ituturo ko na sayo ang mga gagawin mo"
Inabot naman kami ng mga isang oras, pinaliwanag naman niya kung ano ang gagawin niya ditoo at ako naman tinuro ko kung ano ang mga dapat niya gawin niya.
# time Lapse #
Uwian na naming at kami na lang ni Thea ang mag isang naitira sa building.
" Thea tara na" sigaw ko sa kanya, wala naman ibang tao dito, kaya okay lang naman siguro.
" hays ang sakit ng katawan ko" reklamo niya pag punta niya sa akin. Lagi naman kasi mareklamo ang babaitang ito.
" so ano ng nangyari doon sa bago natin" lagi siyang ganito, itatanong kung anong nangyari kapag may bagong pasok sa amin.
" okay naman siya, mabilis din naman niya nagets yung mga sinabi ko, tapos after nun di ko na alam iniwanan ko na sya." Paliwanag ko naman sa babaitang ito.
" ayy, nu bayan, wala kang kwentang taga assist iniwanan ba naman" bigla naman siyang lumakad sa akin papalayo nung sinabi niya iyun. ano pa kaya siya na di niya tinuruan diba.
Sumakay na kami ng bus pauwi, nung naka baba ni Thea ako na lng ang mag isa, syempre nakababa na siya ehh.
Ilang sandali lang, natatanaw ko na si tatay ko na inaantay ako, lagi akong inaantay ni tatay at nanay ko kada uuwi na ako, medyo madalim nadin kasi ang daanan kaya siguro sinusundo pa nila ako. Alam kong 28 na ako pero ang saya parin sa feeling na mababy nila ako.
Nakababa na ako sa bus agad naman nila akong sinalubong at nag lakad na kami sabay sabay pauwi ng bahay. Pinag handa na din ako ng makakain ni nanay ko, at si tatay naman naka upo sa paborito niyang inuupuon tuwing umaga. Nang natapos na akong kumain nag palit na ako ng damit at nag handa na para matulog. Habang iniisip na di man kami perpektong pamilya pero kontento ako kung anong meron ako. Sana mag tagal pa sila nanay at tatay. Dahil sobrang masasaktan ako kapag mawawala sila.