Chapter 7: Sorry

Iniwan ko silang may galos ang mukha, nakita ko si Sir nakatayo sa gate, ang gwapo niya sa side view.

Agad niya akong nakita.

"Let's go," sabay bukas ng pinto sa kotse niya.

Lumapit nako at sumakay.

"Bad girl," biglang saad nito.

"A-ano sir?"

"Alam kung nakipag-away ka, that's why matagal kang nakalabas, right?"

"O-opo, sila kasi."

"Alright, I'm not going to nag you, just next time umiwas kalang."

"Okay," nagmumukha akong tuta na sumusunod sa sinasabi niya.

"Ako na ang hahatid sayo araw-araw tandaan mo 'yan," sabay andar ng kotse.

Nakarating na kami sa bahay, bumaba nako gayon rin siya.

"Pumasok kana," saad ni Sir.

Kumaway nako sa kanya para magpaalam. Nakita ko si Sir na agad na umalis. Parang nanibago lang ako o sadyang may inaasahan.

Pumasok ako sa bahay, nakita ko si Edrian, kaya nagulat ako.

"Narito kana Jennifer," saad ni Mama.

"Bakit nandito ka Edrian?"

Tumayo ito.

"Nag-alala ako sayo kaya pinuntahan kita rito sa bahay mo,"

Mukhang may magaganap na matinding asarin rito.

"Boyfriend mo ba 'to?" tanong ni Mama.

"Hindi po! 'wag nga kayong padalos-dalos, kaibigan ko po siya! si Edrian, 'yan pangalan niya," wika ko na may halong inis.

"Buti at 'yun lang," ayan na naman siya, hindi na dapat 'yan pagtalonan.

Binigyan ko ng juice si Edrian dahil baka nauuhaw ito.

Inabot ko ito sa kanya at ngumiti.

"Uminom ka, sorry napaghintay kita ng matagal,"

"Ayos lang, hindi naman matagal basta ikaw, saan kaba galing?"

"Ahh 'yan, sumakay ako kay Sir pauwi sa bahay,"

"Sir?"

"Oo 'yung sir natin, si sir reymark,"

Nagulat ito.

"O-okay, sorry sa abala uuwi nako," sabay tayo at ngumiti sa akin.

"Pasensya na po Tita sa istorbo," sabay bow.

"Aba, kakagaling mo lang mamaya kana umuwi," saad ni Papa.

"Oo nga ijo, mamaya kana umuwi," wika ni Mama.

Wala ng magawa si Edrian kundi ay sumunod, nasa kwarto kami ngayon pinaupo ko si Edrian sa kama ko.

Habang ako ay kumuha ng isang board.

"Do you know how to play that?"

"Syempre, magaling ako rito,"

Tinuruan ako ni Tatay simula nag-kinder ako, kaya malakas 'yung skills ko pagdating sa chess. Pati si sir nakita ko rin siya, magaling siya gusto ko sana siyang kalabanin pero 'wag nalang, sasabihan lang niya ako ng bobo, baka lang naman.

"Quite skilled," saad nito.

"Pero mas magaling ako," sabay move ng queen.

What?!? Natalo niyako? Ang galing niya first time may tumalo sakin, ang sakit ng dibdib.

"P-pano mo 'yun nagawa? Ang galing mo," wika ko with shock na expression.

"I'm also an athlete, may coach ako non kaya kung saan ako nakakapunta dahil sa laro na 'to,"

"Wow ang galing! Paturo naman, gusto ko gumaling ng sobra," paninigurado ko.

"Mag-umpisa na tayo, ituturo ko sayo ang pinaka maganda kung technique,"

"Weh? Inde nga! Beke nemen paturo, para naman walang makatalo sakin," pang-aasar ko.

"It's not about who wins, the most important is you try, keep this in your mind Jennifer."

"Pasensya, nagiging makasarili ako, biro lang 'yun,"

"Ano tuturuan ba kita o hindi?"

"Syempre tuturuan!"

Nakinig ako sa kanya ng maigi, basta si Edrian natututo ako agad pero kapag si Sir panay reklamo ako, ang laki ng pagkaka-iba.

Time check, five thirty na, malapit ng gumabi parang rito nalang kakain si Edrian.

"Teka Edrian, rito kana lang kumain," saad ko habang nakatutok sa board.

"Sige," sagot nito.

Hindi pa natapos 'yung isang round namin dahil tinawag kami ni Mama.

"Anak! Tara na kumain na tayo!

Tawagin mo si Edrian baka gutom na 'yan!" sigaw ni Mama, ang lakas talaga ng boses umabot pa talaga sa kwarto ko.

"Pababa na po!" reply ko.

"Tara na Edrian," sabay hila sa kamay niya.

Nakababa na kami nakita ko si Ate na nakatingin kay Edrian, 'wag mong sabihin na, may gusto ka rito?

Umupo nako, tumabi si Edrian sakin at ngumiti.

"Ito ijo masarap 'yan, paborito 'yan ni Jennifer sana magustuhan mo,"

"Kung ano ang gusto ni Jennifer gusto ko na rin," saad nito, sh*t nabilaokan ako.

"T-tubig!" sabi ko habang hawak-hawak ang lalamunan ko.

Agad akong binigyan ni Edrian ng tubig buti at hindi lumala.

"Are you okay na?" tanong ni Edrian.

"Ayos lang salamat binigyan mo agad ako ng tubig,"

Sila kasing mama, tumingin lng sakin parang nagpapanggap lang ako pero totoo 'yun noh, hanggang shock parin 'yung expression nila.

Biglang may kumatok.

"Jennifer paki buksan ang pinto, may tao ata sa labas," saad ni Mama tumayo ako at nagulat sa taong kumatok, S-sir??????

"S-sir??" nauutal kung saad.

"Wala ka bang planong papasukin ang bisita?" sigaw ni Mama.

"Pasok po tayo Sir," nahihiya kung wika.

Sumunod naman ito, tahimik lang siyang naglakad.

Nang makita nila Mama ay nagulat sila.

"Ikaw pala 'yan Sir reymark, ano pong kailangan niyo?" tanong ni Mama at agad na tumayo.

"Pwede po ba tayong mag-usap, tayong dalawa lang," saad ni Sir, pumayag si Mama kaya pinagpatuloy namin 'yung pagkain.

"Bakit narito si Sir?" tanong ni Lorine.

"Ewan, may kailangan ata."

"Lagot ka, dahil 'yan sa grades mo," namilog ang mata ko dahil sa narinig ko, wait what if tungkol sa grades ko, lagot na talaga ako nito.

Agad akong tumayo para puntahan sila. Makikinig ako sa pag-uusapan nila pero f*ck wala akong narinig kahit isa.

Binuksan ko ng kunti ang pintuan para naman marinig ko.

Buti ayon ko na sila narinig.

"She needs to study hard, ma'am," saad ni Sir.

Ibig sabihin nito, sinabi niya tungkol sa grades ko! Taksil!?!!! Isang taksil!!!!.

Hindi ko na napigilan at sumapaw nako sa pinag-usapan nila.

Pumasok ako sa loob, sana hindi niyako pagalitan narito pa naman si Edrian nakakahiya.

"Ano Jennifer sabihin mo sakin anong kasalanan mo?"

Tinatanong pa talaga niya, kailangan ko gumawa ng palusot.

"Ang totoo niyan kasi.....

"Ang totoo Tita we have a group project 'yun ay drama like any situation kaya kailangan naming maging specific, ang galing niya po umarte,"

Mukhang napaniwala niya si Mama, buti nilagtas niya ako ron, hanggang sa tapos na kaming kumain ay hinatid ko si Edrian sa labas dahil uuwi na ito.

"Keep safe, mag-ingat kasa daan dilim na," saad ko.

"Parang asawa na kita," sabay ngiti.

"Ito na naman siya, 'wag kang mag-biro ng ganyan baka sino pa makarinig,"

"Hmm. Wala naman ah kaya okay lang, sige uwi nako," sabay ngiti.

"Kita kits bukas!" sigaw ko.

Naglakad nako para pumasok sa bahay pero may biglang humila sa kamay ko at niyakap ako.

"S-sorry, did I hurt you? I'm sorry for that," he hugged me tightly halos hindi ako makahinga rinig ko na rin 'yung tibok ng puso niya, pero sino 'to??

-