Chapter 8: Edrian's Way to Confess

Nang bumitiw na siya sa pagkakayakap ko ay agad siyang humarap sakin.

"S-sir?"

Umiyak ba 'to? 'yung mata niya namamaga.

"Jennifer," bigkas niya.

"I apologize,"sabay yuko ng kanyang ulo hindi na siya bata para sa ganito.

I pat him like a dog, sa buhok niya.

Parang ako 'yung matanda diba??

"Ayos lang at tsaka bakit ka pumunta rito?"

"Hindi ka pa umuwi, gabi narin," dugtong ko.

"Rito ako nakatira," saad ni Sir.

"Ha? Nakatira? Kailan pa??"

"In this past few weeks, lumipat ako rito,"

"Bakit hindi niyo sinabi, ngayon ko pa nalaman," sabay hampas kahit hindi kami ka close.

"You're busy on that guy," saad ni Sir sabay iba ng tingin.

"Selos?" sabay tawa.

"Anong problema kay Edrian?"

"I didn't say I have a problem, why would I be jealous on that guy. He's my student okay, like you,"

"Okay, ganyan pala, by the way Sir pwede pumunta sa bahay niyo?"

"Why?"

"Ahmm. Wala gusto ko lang makita,"

"Hindi pwede. Sige na pumasok kana, baka nagtataka na sila sayo,"

"Hindi ako papasok kapag hindi pa ako nakapunta sa bahay niyo Sir, sige na please," pagmamaka-awa ko.

"Next time.. just go inside,"

"Talaga ba?! Salamat Sir!" kumaway ako sa kanya at agad na pumasok sa bahay.

Nakita ko rin si Sir na nakatingin pa sa bahay namin.

"Anak, nakauwi na ba si Edrian??" tanong ni Mama.

"Oo, nakauwi na po," sabay lakad.

Bigla akong napatigil dahil may sinabi si Mama sakin.

"Alam mo gusto ko 'yung Edrian na 'yun, mabait siya, kung jowain mo kaya 'yun anak," sabi ni Mama.

"Mama naman! Bata pa ako, at tsaka kaibigan ko lang siya walang ganyanan,"

"Malay mo, gusto ka rin niya, maganda ang pakiramdam ko sa batang 'yon,"

"Mama! Itigil niyo 'yan!" Sabay lakad na padabog.

Nakakainis, binibigyan niya ng malisya si Edrian without knowing na hindi siya ang gusto ko!

Kinuha ko ang selpon ko dahil may tawag sinagot ko ito.

"Hello?"

"Hi it's Edrian, nakauwi nako sa bahay, how are u? Nabilaokan ka kasi kanina im worried baka gusto mong ipadala kita sa ospital, any symptoms??"

"Sira ayos lang ako, ito oh buhay na buhay pa." biro kung wika.

Tumawa ito, napapangiti ako kapag may napapatawa akong tao lalo na kay Patrick.

"I really want to hear your jokes, that's why I like you," wika ni Edrian na ikinagulat ko.

"G-gusto? S-saan?" ramdam ko 'yung kaba parang pangyayari na hindi dapat mangyari.

"Jennifer, I like you," saad nito sa telepono.

"E-edrian, kaibigan lang kit-

"I know, but it changed when I'm fallen into you,"

"S-sorry pero kaibigan lang talaga tingin ko sayo," parang masasaktan ko siya sa mga sinasabi ko, mas ayos na 'to para hindi na siya umasa.

Rinig kung napangiti ito.

"I'm just kidding," sabay tawa.

"Is it a nice act?? Just like how I lied to your mother for you??"

Nakahinga ako roon ah, buti at arte lang.

"Akala ko kung ano na, kinabahan ako r'on,"

"Ibig sabihin niyan maganda 'yung pag-acting ko, sige na goodnight, matulog kana, g-goodluck," sabay baba ng phone parang umiba 'yung tuno ng boses niya.

Morning.

"Malapit na 'yung event, ready nako kung darating man 'yun," sabi ko sa sarili ko.

"Hi mads! pakopya naman ng homework nakalimutan ko lang kasi," saad ni Patrick.

Araw-araw panay bigay ng answer ang sarili ko, swerte ka at kaibigan kita.

"Ito," sabay abot sa kanya.

"Thanks! mwuah," with flying kiss at umupo sa kanyang upuan.

Mukhang iba 'yung turing niya sakin, kinaibigan lang kaya niya ako para makakuha ng sagot?? Wtf. Humanda lang siya.

"Hii Jennifer!," bati ni Mark sakin, 'yung baklang chismosa, ano na naman ang kailangan nito??

"Bakit?" diniretsohan ko na agad siya.

"Baka naman, pahingi ng sagot sa homework please!!," sabay luhod.

"Maraming pin-

"Okay," putol ko sa sasabihin niya alam ko naman kung ano ang sasabihin niya gagawa siya ng excuse para makakopya, pinadali ko lang siya.

Bigla kung nakita si Edrian na papasok sa room, napangiti ako sa kanya pero hindi man lang niya ako pinansin.

Tatawagin ko sana kaso pumasok na si Sir.

"Good morning class,"

"Good morning Sir!" sabi namin lahat.

"Malapit na ang event so get ready, advance goodluck to all of you,"

"Specially to you Jennifer," ouch, este yeieiieie kinilig ako n'on ah.

Napatingin tuloy ang mga kaklse ko, pati 'yung mga kontrabida sarap nilang bogbugin ng isa².