Chapter 20: Sense

"It was you! Kung umiwas ka lang sa nararamdaman mo sana hindi nagkaganito ang lahat! Lahat nalang ng tao gusto ang babaeng 'yun inggit na inggit na'ko Scott. Ano pa ba kailangan kung gawin para mahalin mo'ko?"

"Wala. Wala kang kailangang gawin. Iba ang mahal sa hindi ka kayang mahalin. Kaya itatak mo 'yan sa isip mo. Nanggagamit ka ng tao para lang may pagselosin, wala ka talagang kwenta." napatalikod ito at nag-umpisang lumakad pero bigla itong niyakap ni Martha sa likod.

"Scott..... Sorry!!! I-i just can't help my loved for you. Ayaw kitang nagkakagusto sa iba that's why gusto kung mapabilis ang kasal natin," humagulhol ito sa iyak, mahigpit ang pagkakayakap niya kay Scott.

Pero inalis lang niya ito.

"Apologies to her not from me, hindi ako basta-basta nakakalimot ng kasalanan hindi ako kagaya ng iba,"

Lumakad na ito ng tuluyan habang si Martha ay napaupo sa sahig, nataranta ito kung ano-ano ang sinasabi.

"Humanda ka Jennifer!! Kasalanan mo 'to lahat!! Dapat ka nang mamatay!" malakas niyang sigaw.

At Canteen.

Jennifer's Point Of View.

Nagtaka ako kung anong nauwi sa pinag-usapan nila Scott, katabi ko siya ngayon.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ni Edrian.

"At bakit naman? Hindi pa ako tapos sa kinakain ko." kalma niyang sagot.

"Edi bilisan mo. Ang bagal mo naman," galit na saad ni Edrian.

"Ano ba at pinagmamadali mo siya Edrian? Ganyan ka na ba kabaliw na tao,"

"Huwag kang magsalita kung hindi mo gustong makatikim sakin,"

"Okay ito na, tatahimik na."

EWAN KO SA KANILA PURO AWAY NALANG.

"Scott, kamusta? Ayos ka lang ba?" nagulat si Edrian magsasalita sana kaso bigla siyang tinakpan ni patrick.

Ang bibig niya ang tinakpan para magka-usap kami ni Scott.

"Nagkita tayo kanina, ganyan mo na ba ako ka-miss?"

B-bakit....natatamaan ako sa patama niya? Ang lakas ng epekto sakin.

"Nagtatanong lang ako. Alam mo kasi nakita ko kayong dalawa."

"Ayos lang naman, malinaw na samin ang lahat. Huwag ka nang mag-alala gusto parin kita."

Ginagago ba'ko ng Scott na'to? Kanina umiiyak ako ngayon magagalit na naman ako sa asar nito?

"Uyy 'yun oh, lakas ng patama sa beng ko, diba?"

Kanina pa gusto magsalita si Edrian pero dahil nga sa tinakpan ang bibig niya. Nakatakas ito sa pagtatakip mukhang kataposan na yata ni bakla.

"Ang lakas ng loob mo para gawin 'yun sakin? Hindi ka na ba natatakot sakin??" tanong nito. Umiba 'yung itsura niya mas nakakatakot.

"Sorey master, h-hindi na po mauulit hehe,"

Pagkatapos sa kunti naming pag-uusap ay pumasok na kami sa room na una si Scott sa amin dahil sa kabilang section ito.

"Hi Jen!" bati sakin ni Rose

"Hello," bati ko sa manya.

"Uhm. Classmate may gustong kumausap sayo," sabay abot ng papel sa akin, "Punta ka raw rito, inutusan lang ako ng kaibigan ko na ibigay 'to sayo," sabay ngiti. Nakakatuwa pero halatang plastik binuksan ko ang papel na ibinigay niya sakin, so si Martha pala ang gustong makipag meet up sa akin hindi pa ba sapat na may paaralan rito.

Agad na akong pumunta sa café na sinasabi nito, pero pag tanaw ko nakita ko siya pero....may kasamang lalaki? Sa likod palang parang si Sir. Nag-uusap sila, pinapunta niya ba ako rito para paselosin ako? Sorry pero hindi pa sapat ang ginawa mo, hindi ko siya naiintindihan kung bakit niya 'to ginagawa? Diba nga mabait siya pero sa pinapakita niya, mas dumumi 'yung first impression ko sa kanya.

Bigla may yumakap sakin mula sa likod.

"Pa-uto, bakit ka kasi pumunta."

"Akala ko gusto niyang makipag-usap sakin pero pag-selosin lang pala, hindi ako thirdwheel para makisapaw sa kanila."

"Good girl, bakit hindi ka pumasok? Siguro hinihintay mo'ko? Ako na ba hero mo nito??"

"Sira. Bakit pa tayo papasok kung titignan lang natin sila,"

"Yan lang ba magagawa natin sa coffee shop? Mangangape lang tayo it's not a big deal. Isipin nilang date natin 'to, let's go." sabay hila sa kamay ko.

Umupo kami kasunod sa kanila hindi na kami nagsalita. Napatingin ang mga ito sa amin.

"So honey, what's urs?" tanong ni Scott. Ang naisio ko ngayon ay ang sumasabay sa pinaplano niya.

"Honey...gusto ko. Yung gusto mo nalang total, perfect na lahat sayo,"

"We are not perfect," biglang sambit ni Sir.

"We people's, makes mistake. Kung perpekto, ano siya panginoon? Huwag kang tanga,"

Aba sumusobra siya gusto ko siyang gantihan.

"Sumasapaw talaga sa may usapan ang iba diyan 'wag na natin banggitin kasi sa pangalan palang nakakasukang bigkasin,"

Galing ko diba...nagmana lang naman ako kay patrick.

Hindi na ito sumagot pero alam kung nainis ito sa inasal ko.

"How did u do that? Parang mas naging palaban ka yata."

"Palaban naman talaga ako. At isa pa hindi ba pwedeng sumagot ng ganoon sa kanya. Anong akala niya sa sarili niya isang boss na hindi dapat pagsalitaan ng masama."

"May I correct you, wala namang masama sa sinabi mo sadyang masama talaga ang pag-iisip."

Ibinalik ko ang tingin ko sa kape ko, dahan dahan ko itong ininom. Paki ko sa paligid ko hindi naman magandang pagmasdan. Narinig ko itong nag-uusapan halatang masaya ang topic dahil sa lakas ng tawa ni Martha.

"Yeah I remember that, and even Cedric nakakahiya talaga 'yon. It's because of you kasi hindi mo siya tinulungan man lang sa bagay you're a cold person matigas pa sa yelo."rinig ko mula sa pwesto namin. Iba talaga ang tenga ko umaabot hanggang kabila. Lumipat kasi ang dalawa ng pwesto ewan ko ba sa tenga kung malakas ang pandinig nagiging aso nako sa kakayahan ko kulang nalang 'yong sisinghotin ko na lang.

"Where are u looking at? I see. You're looking at those two. Don't think that they having fun. It's just an acting. So don't fall to there trap." saad nito habang nakatingin sa kanyang kape at sabay inom.

Oo baka nga. Pero baka lang naman hindi pa natin nalalaman. Nang matapos kami ay lumabas na kami sa café wala na mang dapat gawin rito kundi ang panoorin silang masaya.

"Wait!" napalingon ako sa likod ko.

It's him.... Why he ..

"What do u need from her?" diretsong tanong ni Scott sa kanya.

"Mind ur own business, it's between on us. So don't push yourself to her."

"Stop the f*ck! And go!" galit na wika ni Scott. Sa inaasta ngayon ni Scott parang may away na magaganap.

"Tumigil kayo please! Huwag kayong mag-away madaming tao. Scott tara na at tsaka... Sir paalam."

Mabuti nato para mawala ang problema. Alam kung si Sir talaga ang puno't dulo ng lahat, pero kailangan may gawin rin ako.

Sumakay ako sa kotse ni Scott. Tahimik siyang nagmaniho at ako rin ay tahimik na umuupo.