Chapter 21: Cheater's Love

"Sana hindi kana sumapaw." napatingin ako sa kanya. "Baliw kana talaga. Kung hahayaan ko kayo baka may kung anong mangyari sa inyong dalawa." iniinis ako ni Scott, hindi niya talaga naiintindihan ang sitwasyon.

"Si Sir ba ang pinopunterya mo? Sabi na nga ba, you still have feelings."

Binatukan ko ito sa ulo.

"May sinabi ba'kong pangalan? Eh wala naman ah. Kung ano ano ang na iniisip mo."

"Pero sagotin mo muna. May feelings ka pa ba sa kanya. Para mas maging clear ang nararamdaman mo?"

M-meron nga ba? Sa pagkaka-alam ko. Oo, may feelings pako pero mawawala rin naman 'to kapag unti-unti akong makaka move-on.

"Yes I still have a feelings. But I will try to move on. Hindi kami pwede sa isa't isa. He's my teacher while me, I'm his student."

"That's right. Alam mo na talaga kung paano mag-isip."

"Sadyang nahuli lang. Pero saan ba punta natin? Nilagpasan mo lang 'yung buhay namin?"

Huwag mong sabihin hindi niya alam? Tang*na.

"We're going to somewhere else."

"Teka alam mo ba kung saan ang bahay namin??"

"Of course. Iniisip mo siguro na hindi ko alam."

"Oo kanina pa."

Nagmaniho lang siya I'm looking forward sa pupuntahan namin.

Huminto ang kotse kaya it looks like, nakarating na kami.

"Picnic?" bigla kung sambit.

May nakahandang carpet at basket sa damuhan.

"Yeah, I prepared it earlier. Bago kita nakita sa café, rito ako pumunta para i-set up 'to."

Napangiti ako, pero parang masyadong ano romatic. Ito 'yung madalas na napapanood ko sa movies. Pero friend naman kami kaya ayos lang.

"Ito. Sana magustuhan mo." inabot niya sakin ang sandwich na kanyang ginawa.

Masarap siya. Kaya mas napadami ang kain ko sa bigay niya. Matakaw lang talaga ako.

"You like it?"

"Syempre! Isa pa! Please Scott!"

"Okay, wait please."

Yon pinakain niya'ko ng marami, mas marami pa sa marami 'yung marami talaga.

HAAHAHA natatawa ako pero sa totoo lang masaya ako ngayon dahil sa kinain ko kanina busog ang bag ko este ang tiyan ko.

"Gusto mo pa ba? Gagawan kita ulit. Rito ka muna."

"Huwag na. Salamat pala. Ang busog ko na talaga marami akong nakain." sabay ngiti.

Natawa ito sa inasal ko.

"Sige, magpahinga ka muna maya-maya ay uuwi na tayo." sabi ni Scott.

Maganda ang view mula rito, kitang kita ko 'yung mga stars sa itaas. Tumabi na rin sakin si Scott kaya napatingin ako sa kanya at agad ko naman itong inalis.

Bigla itong nagsalita.

"Maganda talaga, pero malabong abotin."

"Oo nga. Pero kahit ganoon. Pwede naman mahalin."

"Mahalin? Parang hindi naman yata."

"Bakit?" tanong ko.

"May mahal na siyang iba."

"At sino?"

"Si moon, makikita nalang natin sila bilang isang hanga dahil sa kanilang taglay na kagandahan na kahit anong mangyari ay hindi natin maabot."

"May punto ka."

Napatingin ako sa kanya, hindi ko pansing nakatingin rin pala ito sa akin. Kaya nag abot ang mga mata namin.

Ngumiti ito sa akin. Ang puso ko.... ngayon ay mas naging agresibo.

Ramdam kung parang hahalikan ako ni Scott pero tumayo ako. Alam kung mali ito dapat maging responsable ako one mistake pwedeng ikasira ng lahat.

"Why?"

"Mali 'to kaya ihinto na natin 'to Scott. Mas mabuting magkaibigan lang tayo. Ron lang tayo dapat mapunta hindi sa ganito."

"May malisya ka rito?" sabay tawa.

"Ano bang ginagawa ko?"

"G...ginawa mo? Hahalikan mo sana ako."

Mas natawa ito dahil sa kanyang narinig.

"Halik? Lumapit ako sa mukha mo para patayin 'yung lamok na pumatong sa bandang ilong mo."

G-ganoon. So ako na naman 'tong nakakahiya. Masyado akong assuming! Ayoko siyang harapin nakakahiya. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga kamay.

"Anong ginagawa mo?"

"Nahihiya ako sa sinabi ko. Pasensya na hindi kita kayang harapin."

"Nahiya ka pa. Ganyan ka rin naman nong bata pa tayo. U don't change at all. Ganoon ka parin mahiyain kapag nakakagawa ng embarrassing moments." sabay tawa.

"Nang iinsulto ka yata, natamaan ako ron."

Nagtawanan kami nang malakas. Kakahiya Jennifer. Kapal ng face pero sabi ni Scott bebe raw peys ko sana oil.

Matapos kaming magkwentuhan ay hinatid ako ni Scott sa bahay. Mabuting makapagpasyal siya sa bahay dahil matagal na niyang hindi nakikita si mama at papa.

"Alam mo. Minsan hinahanap ka ni Denise."

"Talaga? Kamusta na siya?"

Kamusta na siya? Mukhang hindi niya pa alam nakakalungkot lang.

"Wala na siya. Yun ang huli niyang sinabi sakin. Miss ka raw niya pero sabi ko pupunta siya maghintay ka lang ng ilang oras. Pero hindi niya kinaya at pumahinga na siya."

Susubukan kung hindi maiyak para hindi rin siya ma apektuhan. Such a long time since there friend ship fade.

Hindi ko na napansin na umiiyak pala si Scott, nasa tabi niya ko kaya kita ko ang patak ng luha.

Malamang maiiyak siya dahil best friend niya 'yun.

"Kailan pa?" tanong niya habang umiiyak.

"Nong nag transfer ka."

*FLASHBACK [SHORT ONLY]

"Bro tuluyan ka na ba talagang aalis?"

"Yeah I have to this. It's my Dad's command so I shall follow."

"Pero bro, babalik ka naman diba?"

"Of course Denise. Hindi kita pababayaan. Tuloy ang plano mag c-college tayo ng sabay."

[DONE]

"Pero hindi ko naiintindihan, bakit ba siya namatay? Wala naman siyang sakit eh."

"Nasagasaan siya ng track. Dead on arival." saad ko.

Naiiyak ako pero pinipigil ko lang.

"Kung ganoon, bakit-

"Namatay siya habang sumusunod sayo, pumunta kami sa bahay niyo pero sabi nila umalis kana raw sinubukan ka naming tawagan pero hindi ka ma contact and worst your dad was trying to stop us. Hindi niya gustong mayroong mag istorbo sayo pero importante eh. Buhay ng kaibigan mo ang pag uusapan natin. Huli na ang lahat, hindi na 'yun mababalik." sabay yakap sa kanya. Yakap ang kailangan niya ngayon. This is a shocking news para sa kanya.

Umiyak ito sa aking likod, hahayaan ko siyang ibuhos lahat. Mamaya nalang siguro muna kami uuwi. Narito parin kami sa kotse niya, dinadama ang dapat niyang madama sa pangyayari.

"Saan siya nilibing?" tanong ni Scott.

Dahan dahan niyang pinahid ang kanyang mga luha. Buti at ayos lang siya.

"Sa Quezon, dun siya nilibing ng mga magulang niya."

"Okay,"

Mukhang pupuntahan niya ito total marami siyang oras. Matagal na niyang hindi napupuntahan si Denise. This time kailangan na niya talaga.

Nagmahino na ito at hinatid ako sa bahay. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi muna siya dapat humarap sa mga magulang ko. Sa balitang narinig niya ngayon, hindi niya maiwasang magulat at malungkot.

May halong galit rin ito sigurado dahil sa tagal niyang hindi nagpakita.

"Mauna nako, see you tomorrow." sabi ni Scott at umalis.

Pumasok nako sa loob nakita ko si Edrian na nakaupo. Nanonood ng palabas kila mama. Malakas ang tawa nila, maraming naganap habang wala ako.

"Anong nangyayari rito?" biro kung wika.