Dito sa bayan ng San Nicolas, payapa ang bayang ito kaya ang mga taong naninirahan dito ay masayang nakikipaghalubilo sa bawat isa.
Talagang napakaganda ng lugar na ito at masasabing parteng probinsya ito dito sa parteng Luzon. Talaga nga namang hindi maipagkakailang ang kalinisan at kaayusan ay patuloy na napapanatili ng mga residente rito.
Talaga nga namang hindi mo kakikitaan ng kapintasan ang lugar na ito. Katahimikan, kaayusan at kabutihan. Ito ang sumasalamin sa bayan ng San Nicolas. Paano na lamang kung ang lugar na ito ay nagbabadya pa lang magkaroon ng kaguluhan at paglaganap ng kasamaan sa hindi nila inaasahang pangyayari?!
...
Naglalakad ngayon si Ada kasa-kasama ang mga batang naririto sa bayan na naging parte na ng buhay niya rito at nagbigay rin sa kaniya ng kasiyahan sa pamamalagi niya rito sa bayan.
Kitang-kita ang labis na kasiyahan sa mukha nito na napakaamo at talaga nga namang kakahumalingan ng sinuman ngunit may isang katangian na siyang hindi nagustuhan ng mga kalalakihang naririto sa bayan ng San Nicolas at iyon ay ang mga mata nitong hindi nakakakita. Tama kayo ng iniisip, si Ada o Adalia Bernardo na totoong pangalan nito ay isang bulag na siyang mula pa lamang ng pagkabata nito ay may ganito na itong kondisyon.
Kung dayo lamang siguro si Ada rito ay pagkukumpulan siya ng mga kalalakihan ngunit hindi. Kung sinasabi mong isang mabuting senyales ito ay nagkakamali ka.
Alam naman ng lahat kung paano kagrabe ang pamahiin at paniniwala ng mga tao sa mga probinsya lalo na ang mga naniniwala sa superstitious belief which is nag-eexist na talaga noon pa ang ganitong klaseng mga lugar lalo na sa mga bayan-bayan.
Adalia Bernardo na kilala bilang Ada ay naging tampulan ng tukso, kantiyaw at panlalait ng mga taong mga kalapit bahay niya lamang.
"Nakung bata ka, kung saan-saan na kita hinahanap kani-kanina pa dito ka lang pala?!" Inis na sambit ng babaeng mga nasa 20's na siyang nanay ng batang ito. Mabilis nitong tiningnan si Ada habang makikitang hindi maganda ang timpla ng pagmumukha nito.
Agad nitong inilayo ang anak nito palayo kay Ada. "Sinabi ko na sa'yong wag kang sumama kahit kanino lalo na sa salot na bulag na ito. Baka kung ano pang kademonyuhan ang gawin niyan sa'yo." Puno ng pangambang sambit ng nanay ng bata habang pinalo pa ang anak nito sa harap ni Ada.
UWAHHHH!
Ada didn't see anything pero nang marinig niyang umiyak ang isang batang kasa-kasama niya sa paglalakad kasama ang iba pang mga batang naririto ay talaga namang nahabag ang loob nito sa batang pinalo ng ina nito.
Humabang pa si Ada habang may stick pa itong nasa kamay nito upang magsilbing gabay nito kung maglalakad o magpupunta siya sa lugar na naririto sa bayan ng San Nicolas kung saan niya kinalakihan.
Makikita naman sa ekspresyon ng mukha ni Ada ang tila nasasaktan ito para sa bata. Talagang kahit siya ay hindi nito nagustuhan ang nangyari sa bata lalo na kung patungkol na naman sa kaniya ang pasaring ng ina ng bata.
"Aling Nena, wag niyo naman pong saktan si Boboy. Kita niyo ng pinagalitan niyo na ay mukhang pinapalo niyo pa." Pag-aawat ng babaeng bulag na si Ada. She is really care for Boboy, isa kasi ito sa batang halos palaging tumatakas at bumubuntot sa kaniya kahit saan siya magpunta.
Nag-init naman ang ulo ng babaeng si Aling Nena na siyang ina ni Boboy. Talaga namang hindi nito nagustuhan ang sinabing ito ni Ada.
"Wag kang makialam ditong bulag ka. Anak ko to at kung paano ko ito dinidisiplina ay wala ka ng pakialam doon. Kuha mo?!" Nanggigigil na saad ni Aling Nena habang dinuduro-duro pa nito ang dalagang si Ada na hindi naman nito nakita ang pagduro nito sa kaniya.
"Aling Nena, nakikiusap naman ako o. Wag niyo ng saktan si Boboy. Napakabait na bata niyan eh." Pangangatwiran ng dalagang si Ada habang rinig na rinig nito ang palahaw ng batang si Boboy. Boses pa lamang ng umiiyak na bata sa hindi kalayuan mula sa kaniya ay agad niya itong natukoy.
"Hahaha ano'ng magagawa ng isang bulag na katulad mo? Mabait ba ang tingin mo sa anak ko, talaga ba? Mukhang humahaba nga ang sungay nito simula ng sumasama-sama na ito sa'yo eh!" Bwelta ni Aling nina sa bulag na dalagang si Ada. Talaga nga namang hindi nito noon pa man nagustuhan ang bulag na si Ada lalo na ang pagiging malapit nito sa mga bata. Parang lason kasi ito at talaga nga namang hindi nakaligtas ang anak niya maging ang anak ng iba na sumasama rito.
"Aling Nena wag naman kayo magbintang o. Mapapag-usapan naman ito. They are just fun hearing my stories lalo na ang patungkol sa ----!" Saad ni Ada sa malamlam nitong boses but Aling Nena interrupted her.
Naging maingay ang paligid at rinig na rinig ni Ada ang mga taong nasa paligid niya maging ang pag-uusap ng mga ito. Mostly ay pinapagalitan ng mga ito ang mga anak nila dahil sumama ito sa kaniya.
Talagang tinuturuan pa ng mga ito ang kanilang anak na maging mapamintas sa kapwa nito which is very wrong for Ada. Hindi niya makaramdam ng lungkot patungkol rito.
Napagtanto niyang dumating na isa-isa ang mga magulang ng mga batang nawili sa pagkukuwento niya patungkol sa mga magigiting na mga ekstraordinaryong mga bayani o kilala sa mga superheroes na may mga kapangyarihan. She is even having fun storytelling it sa mga bata na siyang kinagiliwan din ng mga ito.
"Nangangatwiran ka pa talaga Ada? Ang sabihin mo ay masama kang impluwensya sa mga bata. May pagkademonyo ata ang katauhan mo na halos lahat ng mga bata sa ating bayan ay sumusunod sa iyo at ang mga magulang ng mga bata ang piniperwisyo no!" Giit ni aling nina habang hindi pa rin nababawasan ang inis nito kay Ada. Talaga nga namang hindi maipagkakailang ganito ang mga lumalaganap na kwento patungkol sa bulag na si Ada.
Maging ang ibang mga magulang ng mga bata ay hindi na rin mapigilang magsalita laban sa bulag na si Ada.
"Namumuro na talaga ang bulag na Adang ito. Tama nga siguro ang sabi-sabi na may pagkalahing impakta din ang bulag na to!" Sambit naman ng isang ale habang mahihimigan sa boses nito ang pagkadisgusto sa bulag na si Ada.
"Ano pa nga ba, kaya nga siguro wala na itong mga magulang dahil isang malas ang babaeng bulag na iyan!" Sambit naman ng isang may lalaking pumunta rito upang kunin ang anak nito mula sa kamay ng hinihinalang may pagka-impaktang bulag na ito.
"Sinumpa siguro ang babaeng bulag na yan. Hindi na natin makontrol ang anak nating sumama sa babaeng bulag na to!" Giit naman ng isang babaeng ginang habang makikitang hindi na rin iti natutuwa sa pagiging malapit ng babaeng anak nito sa impaktang bulag na nasa bayan nila.
"Anak siguro ito ng demonyo kaya pati anak natin ay kinukulam na nito!" Pagbibintang naman ng isang ginang habang nakatingin sa direksyon ni Ada ng masakit. Talagang hindi nito mapigilang sabihan ng masama ang dalagang bulag na si Ada.
Marami pang natanggap na mga masasakit na salita si Ada sa mga ito. Tila ba ang sama-sama niya ngunit wala naman siyang ginagawang masama. Ni hindi nga nila inaasikaso ang mga anak nila lalo na para bigyan ng bonding time ngunit siya itong gumagabay sa mga bata at nagiging mabuting ehemplo rito ay siya pa ang napapasama.
Maya-maya pa ay marami pang mga tao ang nakiusyuso at tumumpok sa lugar na ito. Talaga nga namang hindi nila palalampasin ang ganitong eksena.
"Tama lang na layuan siya ng mga kalalakihan rito dahil may pagka-impakta talaga ang bulag na yan!" Walang pakundangang wika ng isang dalagang hindi kagandahan na nakikiusyuso upang hamakin ang dalagang bulag na si Ada.
"Impakta talaga yang bulag na yan. Maganda sa umaga, imapkta sa gabi hahaha!" Sambit naman ng babaeng kitang-kita ang kapintasan sa mukha nito. Talagang maging ito ay nanggagalaiti kay Ada na isang hamak na bulag lamang.
"Kaya kong ako sa inyo, ilayo niyo na ang mga anak niyo sa babaetang iyan. Kunwari ay mabait ngunit isang araw magugulat na lamang kayo na nawawala na ang mga anak niyo!" Babala naman ng isang dalagang kinulang sa ganda ng mukha pati na rin sa pag-uugali. Kahit ito ay triggered sa existence ng bulag na si Ada.
"Tama! Walang naidulot na mabuti ang bulag na yan rito. Puro perwisyo lamang ang dala ni Ada sa bayan natin kaya puro tayo minamalas dahil sa kaniya!" Panggagatong naman ng isa pang dalaga na may taglay ding karikitan ngunit kinulang sa ugali.
Marami pang mga sinasabi ang mga ito na animo'y parang pinapasama pa lalo ang lagay at imahe ni Ada sa taong bayan sa kanilang bayang siyang naging tahanan niya mula noong namulat siya sa mundong ito.
Iba din talaga ang nagagawa ng inggit lalo na sa maganda at maamong mukha ni Ada ngunit dahil rin sa mga masasamang kwento-kwento ay nilalayuan si Ada idagdag pang may deperensya ito sa mata na siyang parang naging makatotohanan.
Medyo taghirap din ang bayan nila ngayon lalo pa at parang naging matumal ang ani nila at pinepeste pa sila ng mga insekto na siyang apekto ang kanilang mga tanim sa kabukiran at iba pang mga pananim nila.
Maging ang mga kalalakihan na naririto ay mukhang sang-ayon din sa mga sinasabi ng mga tao patungkol kay Ada.
"Gandang-ganda pa naman ako kay Ada ngunit ng mabalitaan ko ang ginagawa nito ay talaga nga namang nakakaturn off ito."
"Ayoko na kay Ada. Gandang babae pa naman ngunit baka malasin ako sa mga negosyo ko."
"Hindi ako maggi-girlfriend ng isang bulag kagaya ni Ada noh. Dapat pala natin siyang iwasan baka kapitan pa tayo ng kamalasan niyan!"
"Sinabi mo pa. Naghihirap ang bayan natin sa hindi malamang dahilan, sigurado akong may kinalaman yang bulag na yan!"
Ilan lamang ito sa mga sinasabi ng mga kalalakihang nakatumpok rito na tila naimpluwensyahan din ng mga pinagsasabi ng mga taong naririto magign ng mga kababaihang naririto.
Napadaan naman dito ang isang babaeng kababata ni Ada na si Mariposa. Magkaiba ang pag-uugali nilang dalawa ngunit masasabing matalik silang magkaibigan as in best of friends.
Nakita naman niya ang nagkukumpulang mga tao at hindi niya din mapigilang makiusyuso na rin. Imagine, sa daan at dinadaanan pa niya ang mga itong tumutumpok na animo'y may bigayan ng relief goods dito.
"Pag may pinamimigay ditong relief goods, ti-triplehin ko ang kukunin ko. Asan na ba kasi si Ada at nang mabigyan ko din siya ng grasya sa kung sinumang may nabibigay ng paambon rito!" Masayang wika ni Mariposa habang makikitang gusto nito ang tila may relief goods dito o kung anuman dito. Ang kapal din kasi ng mga tao rito, ano pa ba ibig sabihin nun? May paambon yun. Kanina pa niya hinahagilap ang si Adalia Bernardo aka Ada na Bestfriend niya ngunit di man lang niya mahagilap ni Anino nito.
Pero nang makita niya ang aktuwal na nangyayari at pinag-uusapan dito gamit ang sariling paningin niya ay hindi niya mapigilang mag-init ang ulo niya.
"Iba atang paambon ang nasaksihan ko rito. Wait, si Ada to ha? Talagang palagi na nilang pinagti-tripan itong Bestfriend ko ha. Humanda tong mga to sa akin hmmp!" Saad ng magandang dalagang si Mariposa sa isipan lamang nito.
Nakita nitong pinagsalitaan pa ng masama ng isang matangkad na lalaki ang Bestfriend niyang si Ada.
"Hahaha bulag na nga, nanghahasik pa ng kamalasan. Ano to sinalo mo na lahat?!" Nanghahamak na wika ng isang lalaki nang may kalakasan habang hindi nito ipinagkailang hinamak nito ang dalagang si Ada.
Ada began to feel conscious about the people saying bad things about her.
Gusto man nitong umiyak ngunit nasanay na rin siya rito. Halos lahat kasi ng mga hindi magagandang nangyayari ay sa kaniya sinisisi kaya medyo immune na siya sa mga sinasabi ng mga ito.
Gusto niya man na manlaban ngunit hindi naman tama iyon. Hindi niya rin gawain ang manakit ng kapwa niya to feel satisfied about it.
Ngunit nagulat na lamang ang lahat nang biglang umeksena ang isang babae na siyang mabilis na sumakay sa likod ng lalaking nagsalita at nanghamak sa magandang dalagang si Ada.
"Hoy, tigilan mo yan. Bumaba ka! Ano ba, masakit yan arrrgggh!" Tila hindi magkamayaw na sambit ng lalaking hindi pa nito mapigilang humiyaw ng maramdaman nitong pinipingot pa ang tenga nito.
Nakabestida pa naman si Mariposa ngunit parang linta itong pinaagpipingot ang matangkad na lalaking naabutan nitong uminsulto sa matalik niyang kaibigang si Ada.
"Pagkatapos mong pagsalitaan ang bestfriend ko ay sasabihin mong bababa ako sa'yong animal ka! Bawiin mo ang sinabi mo sa Bestfriend ko kung hindi tanggal tong tenga mo sakin!" Puno ng pagbabantang wika ni Mariposa at mabilis nitong kinagat ang tenga ng lalaking uminsulto sa matalik niyang kaibigang si Ada.
Humihiyaw naman ang matangkad na lalaking estranghero nang makaramdam ito ng labis na sakit sa tenga nitong pakiramdam niya ay mapuputol sa sobrang diin ng pagkakakagat rito na animo'y matatanggal na anumang oras mula ngayon.