Kabanata 2: Pamilya Ledesma

"Mariposa naman, bakit mo ginawa yun. Yan tuloy pina-barangay ka pa ng lalaking inaway mo." Sambit ni Ada habang naglalakad sila ni Mariposa patungo sa bahay niya.

Matapos kasi ang buong pangyayari ay pina-barangay ang matalik na kaibigan niya ng lalaking inundayan nito at pinagkakakagat nito. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin mabuti na lamang at nadaan sa mabuting usapan ang lahat.

"Ang bait-bait mo kasi Ada eh kaya ka inaabuso ng mga yan. Sa susunod hampasin mo ng hawak mong stick yang mga nagsasabi sayo ng masama. Sa bibig mo patamaan ng madala yang mga yan!" Wika naman ni Mariposa habang makikitang gusto nitong lumaban ang bestfriend niyang si Ada sa mga nang-aapi rito.

Napatampal na lamang sa kaniyang noo si Ada at muling nagsalita.

"Ang galing naman ng advice mo sakin Mariposa. Hindi lang ako makakapanakit ng kapwa ko baka makita mo lang ako sa loob ng rehas pag ganon. Tsaka masamang gawain iyon sa iyong kapwa. Hindi ako magiging magandang ehemplo sa mga bata pag ganon." Nakangiwing saad ng dalagang si Ada. Talagang kahit kailan talaga ay may paka-amasona itong kaibigan niya, turuan ba siya ng kabulastugan.

Napatawa na lamang ng mahina si Mariposa habang mabilis itong nagwikang muli.

"Oo nga noh. Tusukin mo na lamang yung mata nila o kaya kagatin mo sila para naman makaganti ka kahit papaano." Sambit naman ni Mariposa habang bumungisngis pa ito.

Mas ngumiwi pa ang mukha ni Ada sa narinig niyang suhestiyon ng kaibigan niyang si Mariposa.

"Talagang anlaking tulong yang sinabi mo Mariposa. Baka magkaganon ang gawin ko ay baka andun na ko sa pinakadulong presinto ilagay. Naiisip mo bang bulag ako at paano ko gagawin yun without my vision? Mas naging brutal lang yung suhestiyon mo which is very impossible to happen." Malumanay na wika ni Ada. Talagang hindi niya alam kung matutuwa siya sa kaibigan niyang si Mariposa o hindi dahil may pagka-eng eng din to minsan. Sabihin ba naman ang kabrutalan nito.

"Ahahaha oo nga noh. Wag ka namang magsabi ng ganyan Ada, hindi ka makukulong. Dapat makulong ang mga nananakit at masasamang taong nagsasabi sa'yo ng masama. Kung ako sana ang masusunod ay pinakulong ko na ang lahat ng nang-api sa'yo kanina grrr!" Inis pa ring wika ni Mariposa lalo na noong malaman niyang inaapi na naman itong matalik niyang kaibigan.

"Pag ginawa mo iyon ay mas malaking gulo pa Ada. Tsaka alam mo namang wala tayong laban sa kanila. Napakarami nila at nasa isang bayan tayo ng San Nicolas. Hindi mabuting gawain ang makipag-away kahit na sabihin pa nating pinagsalitaan nila ako ng masama." paalala ni Ada sa kaibigan nitong parang palaging gusto ng away eh siya itong hindi gusto ng away pero palaging nasasangkot sa gulo. Basta anggulo isipin. Binilisan nito ang lakad niya upang makasabay siya sa Bestfriend niyang si Mariposa.

"Tama ka nga sa sinabi mo Ada. Although pinagsalitaan ka nila ng masama ay di ka naman nila sinaktan. Medyo OA ko pala sa part na yun noh pero kahit na, mali pa rin ang ginawa nila."

"At may mali ka rin Mariposa. Hindi solusyon ang away at umaway ng kapwa natin. Yan tuloy mukhang nadamay ka pa sa gulong nilikha ko. Paumanhin Mariposa" sambit ni Ada at nanghingi pa ito ng pasensya sa matalik niyang kaibigan na si Mariposa.

"Ano ka ba Ada, sagot kita noh! Kaya nga naging Bestfriend tayo eh! Pareho tayong maganda at andaming inggetera!" Wika ni Mariposa habang binagalan nito ng konti ang paghakbang nito upang pumantay sa Bestfriend niya sa pagtahak nila ng daan pauwi.

"Loka-loka ka talaga Mariposa kahit kailan hahaha..." Natatawang sambit ng magandang dalagang si Ada habang ipinagpatuloy nila ang pagbagtas pauwi.

Hindi nito namalayan na nakarating na sila sa tapat ng bahay nilang isang maliit na kubo lamang.

"O siya Ada, mag-iingat ka sa susunod sa daan ah. Dami pa namang mga abnormal na taong pinagti-tripan ka. Kung hindi ako abala sa gawain ko sa palengke ay pasyal tayo minsan ha. " Wika ni Mariposa habang mabilis itong nag-wave upang magpaalam. Ngunit agad din niyang binaba ang kamay niya dahil bulag nga pala yung Bestfriend niya. May pagkatanga din kasi siya minsan.

"Hahaha... Kahit kailan talaga Mariposa. O siya mag-ingat ka ha. Salamat sa paghatid sakin dito. Libre mo ha!" Pahabol na sambit ni Ada sa bestfriend nitong si Mariposa na naglalakad na papalayo.

"O sige bah. Andami kong raket ngayon eh kaya sagot ko pagkain natin hehehe!" Sigaw ni Mariposa habang papalayo na talaga ito ng tuluyan.

Pansin naman ni Ada na wala na ang presensya ng kaibigan niya. Nasanay na siya rito lalo na kung ala-megaphone ang bibig nito na kulang nalang ay sumigaw ito sa buong bayan hahaha.

Creaakkk!

Narinig naman ng dalagang si Ada ang paglagitnit ng pintuan sa direksyon kung saan mismo ang maliit na kubo nila.

"O Ada, andiyan ka na pala eh. Talagang nagawa mo pang mamasyal sa bayan ng ganitong oras ha. Di ka pa nakasaing ngayong hapon eh maggagabi na. Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan!" Sambit ng isang babaeng boses mula sa direksyon ng bahay nila. Ito ang boses ng anak ng tiyahin niya na si Clara Ledesma.

"Ah eh, nawili kasi akong mamasyal kanina kaya ngayon lamang ako nakabalik rito." Wika ni Ada kay Clara na siyang rinig niyang palabas ito ng kubo nila dahil sa mga hakbang nito patungo sa kaniya.

"Nagrarason ka pa? Talagang paborito mong gumala talaga lalo na kung wala ang mommy namin. Napakadugyot pa naman sa palengke tapos bulag ka pa. Naku naman Ada!" Masungit na turan ng dalagang si Clara habang nagmamaganda na naman ito. Nakacross arms pa ito na animo'y inip na inip na rin.

"Mukhang may gala ka ngayon Clara ah. Pwede mo ba kong isama sa pupuntahan mo?! Tanong ni Ada habang pansin nitong naglagay pa ng pabango ang kinakapatid niyang si Clara lalo na at hindi lingid sa kaalaman niya na party-goer itong si Clara inshort pala-gala din sa party ito. Kahit anong party andun ito at pala-barkada kaya naman medyo hindi siya nito sinusungitan dahil siya na naman ang sasalo sa mga gawaing bahay nito na iniwan sa kaniya.

"Sa susunod na lang Ada, alam mo na medyo late na kong uuwi mamaya. Chikahin mo lang si mommy para may ibibigay ako sayong pagkain mamaya galing party. Galingan mo ha. Kainis din si Mommy eh, si Delia lang sinama niya kanina." Inis na wika ni Clara lalo na ang hindi pagsama nito kanina ni Tita Elena (Elena Ledesma) na siyang mommy nito sa kaniya ay mukhang sinusumpong naman ito.

"Walang problema Clara. O siya, mag-iingat ka mamaya ha." Simpleng sambit ni Ada sa anak ng tiyahin niya. Pinsan niya itong buo kaya masasabi niyang hindi naman niya magawang mapahamak ito noh. Ito na lamang ang natitira niyang kamag-anak kahit na may kagaspangan ang ugali ng mga ito lalo na pag hindi nakukuha ang mga gusto ng mga ito ay lumalabas talaga ang mga sungay nila. Magkagayon man ay nagpapasalamat pa rin siya dahil kinupkop siya ng tiyahin niya.

Walang iniwang yaman o kayamanang involve dito noh. Nakita na niya ang mukha ng mga magulang niya sa mga lumang litrato na itinago ng tiyahin niya at di pa alam kung buhay pa ang mga ito o hindi. Medyo malabo ang pagkakakkwento ng tiya niya at ayaw naman niyang kulitin ang tiyahin niya baka siya pa ang mapasama.

Pinalaki siya nito at nagtatrabaho naman siya para hindi siya maging pabigat noh. Even if she is blind she can do household chores. Nakakahiya naman kung tatamad-tamad siya rito.

Mabuti nga rin kung bulag siya at kahit may kagaspangan man ang ugali ng mga ito ay medyo exempted naman siya sa mga pasaring ng mga ito. Yun lang minsan nakakasakit din ang mga salita ng mga ito na sa kalaunan ay nasanay na rin siya.

Inumpisahan niya nang maglinis at gumawa ng mga gawaing bahay. Hindi naman pag sinabing maliit ang kubo na tinitirhan nila ay sobrang liit na nito. Sa labas ay mukhang may kaliitan ito ngunit kapag pumasok ka ay tatambad ang madaming partition ng mga bawat sulok ng kubo.

Nanghugas na rin siya ng mga platong pinagkainan nila. Hindi naman kasi dapat isipin ang pagod sa paggawa ng gawaing bahay, naging routine na rin ni Ada ang tumulong sa gawaing bahay at magkusa.

Siyempre noong una ay medyo mahirap pero sa huli ay nakasanayan na niya kaya inaasahan rin siya ng tiyahin niya maging ang anak nito. Yun lang ay isa sa bagay na hindi niya masyadong nagagawa ay ang pagluluto ng mga ulam at iba pa except sa pagsaing. Medyo OA din kasi ang tiyahin niya dahil baka daw masunog niya ang buong kubo nila na nagsisilbing bahay nila lalo na ang mga gamit nila. Medyo masakit din marinig iyon pero praktikal ang tiyahin niya at kung mahina ang loob mo, talagang iiyak ka sa sakit nito magsalita.

...

Medyo magtatakip-silim na rin nang umuwi ang mag-inang sina Elena at Delia. Talagang makikita ang labis na kasiyahan sa mga boses ng mga ito.

"Clara? Halika dito at may pasalubong ako sa'yo." Malakas na pagtawag ng tiyahin niya kay Clara.

Rinig na rinig naman ito ni Ada na kasalukuyang nagpupunas ng lamesa nila. Nagawa na niyang matapos ang mga gawaing bahay na di nagawa ni Clara. Medyo guilty din siya dahil di kaagad siya nakauwi.

Ayaw na niyang magsumbong patungkol sa mga nangyari kanina sa daan na naging dahilan ng pagkaalintana ng pag-uwi niya. Mabuti na lamang at saulado niya ang bawat parte ng kubong bahay nila kung hindi ay baka pumalpak siya kanina sa ginagawa niya.

Pasalamat din siya kay Mariposa dahil naging daan din ito upang makaalis siya sa lugar doon kanina.

Ewan ba niya, tinatawag siyang kung ano-ano ng mga tao sa palengke eh wala naman tumugma sa sinasabi ng mga ito. Hindi magaspang ugali niya at hindi siya kung ano-anong klaseng halimaw. Isa lamang siyang ordinaryong bulag na nangangarap na makatulong sa kapwa o di kaya ay nangangarap siyang balang araw ay makakakita siya, na makikita niya ang kagandahan ng mundong kinalalagyan niya, ng bayan g kinalakihan niya. Gusto niyang makita kung ano ang itsura ng dagat, ng puno, ng kalangitan at maging ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Gusto niyang makita ang tinatawag ng mga ito na mga kulay na nagbibigay buhay sa bawat bagay at buhay sa mundong ito.

Clara? Clara? Ano ba, bingi ka ba?! Tinatawag ka ni mommy o!" Masungit na sambit ni Delia habang makikitang sa dalawang magkakapiatid ay ito talaga ang feeling senyorita at talagang maldita kung maldita ang galawan nito. Sabi sa kaniya ng Bestfriend niyang s Mariposa ay nagbabago daw ang anyo nito kapag nakakita ng gwapong lalaki, ewan ba niya sa loka-loka niyang Bestfriend na ito eh hindi pa naman siya nakakita ng gwapo o yun bang sinasabi nilang lalaking may mala-anghel na pagmumukha. Kung di ba naman loka-loka ito eh bulag siya, paano niya makikita kung sino ang may hitsura at sinong hindi. He only see one color and that is a color black o yung tinatawag nilang walang katapusang dilim dahil sa deperensya ng mata niya.

Natawa na lamang siya sa kaibigan niyang si Mariposa dahil blessing in disguise daw ang pagiging bulag ko dahil hindi daw ako inaapi ng malala ng dalawang anak ng tiyahin niya maging ng tiyahin nito.

Isa din sa dahilan kung bakit medyo napapadalas ang pagpunta niya roon ay maraming batang pwede niyang pagkwentuhan ng mga kakaibang kwento niya andun nagtatrabaho ang kaibigan niya. Madalas niyang ikwento ang patungkol sa mga nilalang na mayroong kakaibang kakayahan upang iligtas ang mundo o yung superhero. Mga ganon ang paborito niyang ikwento. Iba-iba pa ang ikinikwento niya dahil iyon naman talaga ang naging alaala niya sa pumanaw niyang lola na ina ng Tiya Elena niya.

Ang ama nina Clara at Delia ay siyang kapatid ng ina ko daw na namatay dahil sa aksidente sa kalsada. This is really a sad thing dahil napakabait pa nito. Naalala pa niyang nabubuhay pa ito ay pantay-pantay ang trato nito sa kanilang tatlo nina Clara at Delia sa mga bagay-bagay. Matanda din siya ng isang taon kay Clara habang dalawang taon naman ang agwat niya kay Delia.

Nang namatay ang asawa ni Tiya Elena at ang ina nitong si Lola Conching ay doon na unti-unting nagbago ang pag-uugali nito maging ang dalawang anak nitong may piangmanahan. Kahit ganon pa man ay alam niyang mabubuti pa ang mga ito, hindi nga lang halata. Sa ngayon ay 20 years old na si Ada, Clara is 19 years old while Delia is 18 years old. Di papatalo si Delia sa nakakatandang kapatid nitong si Clara kaya ayon, mas pinabongga ang debut nito at feel na feel ang Pagiging prinsesa nito ng isang araw pero mukhang inaraw-araw na ang pagiging senyorita nito.

Mabilis na pumunta si Clara sa pinagmumulan ng boses at doon siya tumungo na walang iba kundi sa sala.

"Tiya, umalis po si Clara eh. May hangout po ata sila ng mga kaibigan nito ngayon. Mukhang gagabihin eh." Wika ni Ada habang suot pa nito ang apron.

"Ah ganon ba. O siya, hindi na kami kakain ngayon kasi kumain na kami. Kumain ka na rin diyan dahil mukhang ikaw na lamang ang hindi nakakain." Sambit ng tiyahin niya na mukhang good mood ngayon.

"Ano pa nga yang Clara na yan, palagi na lang gumagala. Kung pwede ko lang kunin ang binigay ni mommy sa kaniya ay ginawa ko na." Lantarang pahayag ni Delia habang nakasimangot pa ito.

"Umayos ka Delia ha at maganda ang mood ko ngayon kaya huwag mong sisirain. Para sa kapatid mo yan at medyo marami-rami ang binili ko para sa'yo baka kunin ko mga yan at ibigay sa kapatid mo." Banta naman ng ina nito. Kapag talaga ang tiyahin nito ang masalita ay talaga namang tototohanin nito ang sinasabi nito.

"No mommy. Okay na ko sa mga pinamili natin hahaha." Maarteng saad ni Delia habang pinipigilan naman nito ang ina nitong si Elena sa sinasabi nito. Those things na binili nila ay puro mamahalin at ayaw niyang ang kapatid nitong si Clara ang magpapala sa mga pinamili niya.