Chapter 3: Si Clara

Umaga na naman at isang panibagong araw na naman para sa bayan ng San Nicolas.

Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!

Nagising na lamang si Ada sa huni ng mga manok. Maaga siyang bumangon at gagawa ng morning routine niya tsaka maghahanda na siya ng mga makakain nila as well as doing his household chores. Alas kuwatro siya gumising at binilisan niya ang kilos niya. Pamilyar na siya sa

Alas singko na nang tuluyan na siyang nakatapos sa gagawin niya. Talagang iba din talaga kapag sanay na siyang umiikot-ikot dito at pasikot-sikot ng bahay nila kaya pamilyar na talaga sa kaniya ang mga ito pati yung ugali ng mga mag-tiyahin ay alam na alam niya.

Naging maayos naman ang araw niya ngayon. Walang pagbabago dahil hindi siya nakapunta sa bayan ar wala siyang planong pumunta roon baka pagdiskitahan na naman siya. Alam niyang mismong ang bestfriend niya ang pupunta sa kaniya kapag nag-aya ito ng libre.

Kung sana ay may trabaho siya ngunit sinong tatanggap sa kaniya. Isa lamang siyang hamak na bulag na sinasabihan pa ng kung ano-anong mga pananalita lalo na ang pagbibigay daw ng malas o kamalasan. Even if he apply sa mga bayan lalo na sa mga pamilihan ay siguradong babagsak lamang ang mga negosyo ng mga ito.

Ganito talaga sa San Nicolas maging sa iba pang mga bayan. Being blind means you are considered to be invalid at walang karapatang magtrabaho. Ewan ba niya sa mga ito, talaga bang ganon? Even he wants to but his current situation makes him unable to work. Ang mga bulag ay talaga namang kantyawan ng mga tao sa mga bayan-bayan hindi lamang sa San Nicolas. Para bang tingin nila ay may nakakahawang sakit o karamdaman siya kung layuan lamang ng mga tao. Paningin lamang ang kulang sa kaniya ngunit parang tinanggalan sila ng karapatan ng karapatan na magtrabaho o do things. Porket ba bulag sila lalo na at inborn na deperensya nila ito ay hindi naman ibig sabihin ay alagain sila o pabigat sila.

Mabilis na siyang bumalik sa kaniyang kwarto at dito na lamang niya gusto manatili.

As usual narinig naman niyang may tao sa kusina nila na alam naman nitong ang Tiya Elena niya lamang ito. May trabaho ito sa isang malawak na hacienda bilang isang tagapamahala ng mga ani ng mga trabahador doon. Kung hindi siya nagkakamali ay Hacienda Sandoval ito o sa mahabang salita ay Hacienda na pagmamay-ari ng mayamang pamilya ng mga Sandoval ito. Sikat at maugong ang pangalan ng nagmamay-ari ng malawak na lupain na sakop ng Hacienda Sandoval na si Don Antonio Sandoval. Yun lang ang alam niya dahil talagang napakarangya ng pamilyang ito at hindi din binabangga ng sinumang nasa loob ng San Nicolas ang sobrang yamang pamilyang ito. Ni hindi pa siya nakapunta sa haciendang ito tangign ang magkapatid na si Delia lamang at si Clara ang nakapunta rito ngunit siya ni isang hakbang siguro ay hindi niya magawa.

Binalak niyang pumunta rito ngunit parang sa katagalan ay hindi na niyang nagawang pumunta rito. Puro nalang kasi palusot yung Tiya Elena niya isama pa ang malditang si Delia pwede mo na silang gawing kontrabidang mag-ina sa teleserye mapa-radyo man o telebisyon. Yun bang umaarte lamang yung mga aktor o aktres pero sa kanila kahit saan anggulo tingnan magagaspang talaga ang ugali ng mga ito. Tanging si Clara lamang ang medyo nagiging tagapamagitan sa kanila lalo na kung sinusumpong naman si Delia at naghahanap ng gulo sa kaniya.

Okay naman si Clara ngunit hindi naman sa lahat ng oras ay nandiyan siya. Party-goer kasi iyon at happy go lucky kumbaga. Hindi na ito bata kung mag-isip at halos madami pa atang oras yun sa mga barkada niya kaysa sa kapatid at ina nitong hindi rin mapaghiwalay kung gumala.

It is understood na pinapaboran talaga ni Tiya Elena si Delia kaysa sa panganay nitong si Clara. Alam mo yun, sabihan ba naman si Clara na porket dumating na ito sa tamang edad ay hindi na dapat bini-baby pa at bahala ito sa buhay niya kaya nagrerebelde ito sa tiyahin niya. Pero nakakalungkot lang din talaga dahil malaki talaga ang nagbago noong nawala ang dalawang mahahalagang tao kay Tiya Elena at hindi naman ito masisisi kung nagbago ito. Tao lang naman ang tiyahin niya, nagbabago, nasasaktan at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Kahit may kagaspangan man ito ng pag-uugali at nakakapagbitiw ng masasakit na salita ay alam mong may kabutihan pa rin ito.

Maya-maya pa ay nawala na din ang mga tunog galing kusina at nakita nitong humuni ang pintuan tandang umalis na ang Tiya Elena niya. Mayroong sariling cr ang tiyahin niya sa malapit sa kwarto nito at doon ito naliligo kaya naman hindi na ito lalabas pa upang pahirapan ang sarili. May malawak na banyo din na silang tatlo ni Delia at Clara ang gumagamit at mahirap ng mabosohan sila lalo pa't puro sila babae sa pamamahay na ito. Hindi na kasi sila bata kagaya noon na walang pakialam sa kanilang pangangatawan at kasarian. Kahit may kagaspangan ang ugali ng tiyahin niya ay hindi naman nito hahayaang makitaan ang mga anak niya maging siya. Kahit masakit man ito magsalita ay hindi naman ito nagbubuhat ng kamay o pinagbubuhatan ng kamay nito.

Lagi rin itong pagod sa trabaho sa pinagtatrabahuang hacienda kaya wala na din itong oras para magkonsomensyon sa kanilang tatlo. Bibihira din itong mag-day off kaya tuwang-tuwa si Delia lalo na at halatang paborito sa kanilang tatlo. She is considered Outcast, Clara is the rebel, Delia acts like a rebel while ang Tiya Elena acts like a bad Queen. Talagang wala ng bago, masyadong magulo ang pamamahay nila.

Mabilis na lumabas naman ang dalagang si Ada sa kwarto niya. Kailangan niyang mag-CR dahil nakalimutan niyang umihi. Sa sobrang pagmamadali niyang matapos ay naging abala ito sa gagawin niya kaya pati pag-ihi niya ay hindi niya nagawa kanina. Wala namang kaso na lumabas siya ngunit baka utusan o pagsabihan naman siya ng tiyahin niyang buo ng mga masasakit na salita. Kailangan niya rin ng break noh, ayaw naman niyang araw-arawin ang glait ng tiyahin niya na pinagmanahan talaga ni Delia.

Pagkatapos na makaihi si Ada ay sakto namang pagkalabas niya ay nakarinig siya ng yabag papunta sa kaniyang sariling direksyon.

"O Ada, maaga ata gising mo ngayon kala ko ay parehas naman kahapon haha." Natatawang bungas sa kaniya ng dalagang si Clara. Daming nagsasabi na may taglay na ganda si Clara ngunit hindi naman niya batid kung totoo man ito o hindi. Bulag kaya siya, kaya wala siyang maikokomento kung totoo o ito o hindi.

Napakamot naman si Ada ng kaniyang batok. Talagang makikitang nahihiya siya sa ginawa niya. Ayaw rin niyang sabihin ang totoong dahilan talaga ng nangyari kahapon kung bakit siya halos gabihin na sa pag-uwi kahapon.

"Pagpasensyahan mo na Clara yung ginawa ko kahapon. Hayaan mo hindi na mangyayari iyon." Seryosong wika ng dalagang si Ada habang makikita sa kilos nito na tunay ang sinasabi nito.

"O siya. Sige na nga. Pasensya na at di ako nakadala ng pagkain huh. Pero wag kang mag-alala bibigyan kita ng kakanin na nabili ko kagabi. Mabuti na lamang at may binili ako. Pakonswelo ko na rin iyon kasi nakatakas naman ako sa kakabunganga ni mommy eh. Nilapag ko na sa lamesa, kainin mo na dahil baka magising pa si Delia at walang matira sa iyo." Natatawang sambit ni Clara habang makikitang medyo may kaartehan ang pagsasalita nito. It is normal naman siguro lalo na at halata niyang sosyalera ang mga kabarkada nito na talaga namang puro mga kaklase nito. Hindi naman sila sobrang hirap sa buhay at hindi din sobrang yaman. Kumbaga nasa kalagitnaan ang estado ng buhay ng tiyahin niya kaya makikitang nabibili ng mga anak nito ang mga gusto nila lalo na si Delia. Siyempre hindi siya kasama doon noh, high school lamang ang tinapos niya ngunit di pa kailanman nakapagtrabaho dahil sa deperensya niya sa mata, sa madaling salita dahil bulag siya.

Si Clara ay Third Year na ito sa isang private university dito sa kabilang bayan. Bakasyon ngayon kaya burong-buro na ito sa bahay kaya gusto nitong magliwaliw sa mga lugar kung saan sila nagpupupunta ng mga barkada nito kung saan ang meeting place nila. Sosyalera at RK (rich kids) din ang mga barkada nito. Yun lang, kapag sumasama siya ay hindi siya pinapakilala na pinsan nitong buo kundi alalay. Okay na rin siya dahil dito ay nakakaattend siya ng mga party o special event para makikain lang naman. O diba, busog na siya nakapasyal at attend pa siya kahit bulag siya. Lalo na pag formal event, naku mahihiya na lamang ang umaaway sa kaniya dahil baka sabihan pa ang magsasabi sa kaniya ng masama na walang delikadesa. Siyempre walang nangingiming laitin siya dahil puro edukado ang mga uma-attend. Kapag ganito talaga ay isasama siya ni Clara.

"Talaga, Salamat Clara." Sambit ni Ada ng puno ng pasasalamat. Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha nito. Akmang mukhang yayakap pa ito sa kaniya ay agad na pinigilan siya ng dalagang si Clara.

"Hep hep, wag mong subukang yumakap Ada kung ayaw mong mag-amoy lasinggero." Banta naman ni Clara. Sa totoo lang ay ayaw na ayaw nitong may yumayakap sa kaniya at ayaw naman niyang si Ada naman ang maghasik ng mabahong amoy na nakakapit sa buong kasuotan njya dahil sa party na dinaluhan niya kagabi sa bahay nila. Siguradong malalaman naman ng kapatid niyang si Delia na nagparty na naman ito ng malala kagabi. Isusumbing na naman siya ng magaling niyang kapatid sa ina nila. As usual, muntik na naman siyang malasing ngunit buti na lamang at halos karamihan sa mga barkada niya ay bagsak na rin. She has a high alcohol tolerance kaya nauunang bumagsak ang mga barkada niya sa paramihan ng tagay.

Agad namang nakuha ni Ada ang sinabing ito ni Clara kaya naman hindi na niya itinuloy ang kaniyang balak dahil alam na niya ang kahulugan nito. Magpapapapel naman si Delia at ikakanta na naman ito ni Delia sa tiyahin niya ang ginagawa ng kapatid niyang si Clara. Ayaw naman niyang ipahamak ito. May pagka-aso din kasi ang kapatid ni Clara na si Delia na siyang pinakabunso sa kanila dahil matalas ang pang-amoy maging ang pagsagap nito ng ebidensya na talaga namang hindi mo alam kung ano ba talaga itong si Delia, senyorita o detective. May pagkainggetera din kasi ito na doble pa kay Clara kaya talaga namang hindi nito papalampasin ang nangyayari sa nakakatandang kapatid nitong si Clara para kampihan siya ng ina nito at masunod na naman ang mga luho nito sa katawan.

"By the way, umayos ka Ada ha. Ayokong sinisira ang usapan natin. Alam mo namang napakaboring sa bahay at bakasyon ngayon. Medyo mainit pa rin ang ulo ni mommy sa akin dahil sa mga grades ko dahil sa pangingialam ng K9 este ng kapatid kong si Delia ay mukhang hahaba pa bago lumamig ang ulo niya." Masungit na sambit ni Clara na halatang hindi ito natutuwa sa nangyayari. Bakasyon ngayon at para sa kaniya ay time ito upang magrelax at mag-unwind. Di sila bati ng ina nito na siyang Tiyahin ni Ada kaya nga gusto niyang gumala-gala.

"Sige Clara. Tutuparin ko ang usapan natin. Pasensya na talaga." Paumanhing sambit ni Ada habang makikitang talagang guilty ito sa sinabi ni Clara. Mukhang na-late pa ito sa pinuntahan nito dahil nasira niya ang usapan nila kahapon.

"Good. And by the way, pwede na ba kong gumamit ng banyo?!" Wika ni Clara habang gusto na nitong tanggalin ang mga dumi at amoy alak sa katawan niya. Feeling niya kasi ay nanlalagkit na siya.

"Ah eh, pasenya ulit." Tugon ni Ada habang nag-peace sign pa ito bago ito tumabi.

Dire-diretso namang naglakad si Clara papasok ng banyo habang may sinabi pa ito sa huli bago nito isinarado ang pintuan ng banyo.

"Whatever" simpleng sambit ni Clara bago narinig ni Ada ang tunog ng pagsara ng pintuan ng banyo.

Umalis na rin si Ada sa labas ng banyo at dumiretso sa kusina. Malinis naman ang kamay nito at mabilis na binanatan ang mga nakapa niyang mga pagkaing binili ni Clara at mabilis niyang kinain ito. Nagtira din siya ng ilang pirasong kakanin baka nagugutom na din si Clara. Kung suswertehin ay si Delia ang kakain nito.

...