Kabanata 4: Pagbibintang ni Delia

"Aalis ka ngayon Clara?!" Tanong ni Ada nang mapansin niyang may kumalat na amoy ng pabango na naamoy niya. Nandirito din siya sa sala na nakaupo lamang sa upuang gawa sa kawayan.

"Oo Ada, pupunta akong school. Bakit bawal ba kong lumabas?!" May pagkamasungit na sambit ni Clara.

Sanay na rin si Ada sa tono ng pananalita ni Clara. Dalawa lang naman kasi ang tono ng pananalita nito at iyon ay kung hindi maarte ay masungit naman ito. Kung hindi pa siya sanay sa tono ng pagsasalita ni Clara ay siguradong mao-offend siya pero ganito talaga ito magsalita hindi parehas kay Delia na purong kamalditahan talaga kahit tumikab pa lamang ang bibig nito.

"Hindi naman sa ganon Clara. Amoy ko kasi yang pabango mo. Saan mo binili yan?!" Tanong muli ni Ada habang curious ito sa uri ng pabango ni Clara na siyang gamit nito ngayon. Talagang maganda ang amoy nito at hindi nakakasulasok sa ilong ng sisinghot ng pabango nito.

"May pera ka ba diyan? Mahal ang pabango na ito, kakabigay lang ng inggetera kong kapatid na si Delia kagabi. Talagang naalala pa rin ni mommy ang gusto kong bilhin na pabango sa pamilihan." Maarteng saad ni Clara ngunit kita pa rin ang tunay na saya habang sinasabi nito ang mga katagang iyon. Para kasi kay Clara, nahilig na siya sa perfume. Isa din kasi ito sa naging instrumento niya upang pagtakpan ang amoy alak niya pagkauwi niya rito mula sa paglalakwatsa niya sa labas. Medyo matapang din ang amoy ng pabango ngunit hindi masakit sa ilong kapag naamoy. It is very suitable for her and her situation kapag gumagala siya.

Napatahimik naman si Ada habang pinigilan na nitong magtanong pa ulit. Ramdam niya ang init galing sa siwang ng bintana nila tandang tumataas na ang haring araw. Halata din kaaing nagmamadali si Clara lalo na st rinig niya ang paballik-balik nito kani-kanina pa sa kwarto patungo sa sala.

Rinig ng dalagang si Ada ang paglangitngit ng pintuan nila tandang papaalis na si Clara.

"Don't forget to prepare your outfit mamaya Ada. Suotin mo na lamang ang bestida dahil isasama kita mamayang gabi papunta sa Hacienda Sandoval. Diba pangarap mong pumunta roon? Ito na at nagkatotoo na ang pinangarap mong matagal mo ng request kay mommy." Maarteng saad ni Clara habang huminto pa ito sa paglabas ng pintuan nila.

Mistulang nagulat naman si Ada sa sinabi ni Clara. Hindi lingid sa kaalaman nito ang pangarap nitong makapunta ng Hacienda Sandoval na siyang pinagtatrabahuan ng kaniyang Tiya Elena. Balita niya'y sobrang lawak ng lupain ng pamilya Sandoval. Imposibleng walang nakakakilala kay Don Antonio Sandoval dito sa bayan ng San Nicolas maging sa kalapit na mga bayan dahil sobrang yaman nito at marangya ang pamumuhay ng mga ito.

"May ano ba mamaya Clara? May party ba sa Hacienda Sandoval mamaya?!" Sunod-sunod na tanong ni Ada. Although may hinala na siya ay tinanong niya pa ito.

"Malamang may party. Pupunta ba ako pag wala?! Wala ng maraming tanong, mamaya na tayo mag-usap pag-uwi ko." Maarteng tugon ni Clara sa mga sunody na tanong ng bulag na dalagang si Ada. Naiirita talaga si Clara lalo na kung maraming tanong-tanong pa.

"Sige mag-iingat ka Clara sa daan patungo sa school niyo ha." Pahabol ni Ada at tinigilan na nitong magtanong pa. Halata kasing nagmamadali na rin ito at baka mahuli pa ito patungo sa pinapasukang paaralan nito sa kabilang bayan pa.

"Whatever!" Maarteng sambit ni Clara bago ito umalis.

Narinig naman ni Ada ang pagsara ng pintuan at yabag ni Clara na papaalis na ng kubo nila. Ewan ba niya sa tiyahin niya kung bakit di nito ni-renovate ang bahay nila eh malaki naman yung sahod nito sa Hacienda Sandoval pero hindi na niya tinanong pa dahil hindi naman ito big deal. Kahit si Delia ay nagsa-suggest na i-renovate na ang bahay nila ay hindi pa rin siya pinakinggan ni Tiya Elena na siyang ina nito. Si Clara ay walang pakialam patungkol dito dahil kapag bakasyon lang naman siya nananatili rito.

Siguro ay may malaking rason ang Tiya Elena niya kung bakit. Ayaw naman niyang ungkatin pa lalo baka magalit pa ito sa kaniya at mapalayas pa siya. Ang saklap naman pagka-ganon ang nangyari.

Walang ginagawa si Clara ngayon kundi ang magpunas ng sahig at mag-ayos ng mga nakakalat na mga gamit dito sa loob ng pamamahay nila. Kahit siya ay nabuburo na rin dito. Wala rin naman siyang makakausap dito at mas lalong ayaw niyang kausapin si Delia dahil aalaskahin lang siya nito at pagsalitaan ng masasamang salita. Kung natural na maarte at masungit si Clara, ito namang si Delia ay doble o triple pa talaga ang pag-uugaling taglay nito. Nasa Extreme talaga lahat ng mga deskripsyon niya rito.

Speaking of the devil, Maya-maya pa ay narinig niya ang paglangitngit ng pintuan mula sa parteng kwarto nila. Wala namang namamahay na mga laman-lupa o engkanto sa bahay nila kaya alam niya kung sino itong papalapit sa kaniyang pwesto.

"Uy Ada, nasaan si mommy?! Pasupladang tanong ni Delia sa naglalampaso ng sahig na si Ada. Humikab pa ito tandang kakagising pa lamang nito.

"Himalang nagising ng ganito kaagang oras ang donya senyorita ng pamilya Ledesmang si Delia." Ito na lamang ang maisip ni Ada sa kaniyang sariling isipan ngunit ayaw naman niyang awayin itong si Delia dahil magpi-feeling inapi na naman ito sa ina nitong si Tiya Elena pag nagkaganon. Sa pagalingan ng pag-iinarte at dramahan ay talagang mas mahaba ang sungay ni Delia kumpara sa mga lumalabas sa mga telebisyon.

Nasabi nga ng Bestfriend niyang si Mariposa na kahawig daw ni Delia ang Tiya Elena niya. Parang pinagbiyak daw ito na bunga sa pagmumukha at sa pag-uugali. Tinatawanan na lamang ni Ada ang pinagsasabi ng kalog at loka-loka nitong Bestfriend na si Mariposa. Wala talagang preno ang bibig nito lalo na patungkol sa tiyahin niya pati sa mga anak nito na siyang pinsang buo niya.

"Nauna na siyang umalis kanina patungo sa Hacienda Sandoval habang si Clara naman ay pumunta iskul kasi may aasikasuhin ito." Sagot naman ni Ada sa malumanay na boses. Sinabi niya na para tapos agad.

"Si mommy lang ang tinatanong ko ba't mo sinama ang nagpi-feeling maganda kong kapatid? Kung alam ko lang na latest collection pala ng pabango ang binigay ni mommy sa kaniya ay binilhan ko na lamang siya ng tig-sikwentang pabango at pinalitan ko na hmmmp!" Walang pakundangang saad ni Delia habang walang preno ang bibig nitong patutsadahan ang kapatid nitong si Clara behind her back.

Napangiwi naman si Ada ng palihim habang mabilis nitong ibinalik ang ekspresyon ng mukha nito baka mapansin pa ng bruhildang si Delia ang emosyon niya. Halos sanay na siya sa masamang pag-uugali ni Delia. Immune na ata siya at pinanindigan na nitong dalaga na ito at handa ng maging mayordoma ng pamamahay nila.

See? Lumalabas talaga ang magandang pag-uugali ni Delia na kung nakikita lamang siya ni Ada ay siguradong maiimagine na nitong humahaba na naman ang sungay nito sa mga noo nito.

Mapanlait din kasi si Delia at puro kapintasan talaga ang makikita nito. Ang inggit parang naging hobby na nito kaya imposibleng mawawala pa sa sistema nito ang pagiging inggetera. Palibhasa kasi ay pagdating sa mga beauty contest ay si Clara ang isinasali at nanalo. Siya naman ay nagiging luhaan at loser sa harap ng madla. Kay Clara na natural na maarte pero si Delia ay hayagan ang panlalait at pangmamaliit nito sa kapwa. Alam mo yung taong may class versus sa walang class. Talagang palaging motto nito na "mas maganda ang may ginintuang puso kaysa sa panlabas na anyo ng isang nilalang at may pagpapahalaga sa kapaligiran." If she knows, talagang nanggagalaiti si Mariposa kapag nakikita nitong sinasabi ito ni Delia dahil para rito ay hindi daw bagay ang motto nito sa buhay dahil mukhang di tinablan ng kahihiyan si Delia.

Never namang nagpaapi si Mariposa lalo na sa ugali ni Delia baka makalbo nito si Delia kapag nasa dalawa lamang sila sa isang lugar. Palaban talaga si Mariposa at kahit kailan ay hindi talaga nagsalita si Delia ng laban rito dahil sa nangyari noon. Tanyag si Mariposa bilang palaban at walang inaatrasan kahit sa gulo. Ayon palaging napapa-guidance pero sa awa ng diyos ay naka-graduate din ito ngunit pasang-awa nga lang. Matalino naman ito ngunit sobrang impulsive. Parang tubig at langis talaga sina Mariposa at Delia. Mahirap pagsamahin at hindi kailanman magkakasundo ang mga ito kahit sa kasalukuyan.

"Okay lang yun Delia. Sakin mo na lamang ibigay yung tig-sikwentang pabango na sinasabi mo. Pasasalamatan pa kita." Nakangiting wika ni Ada habang nakatingin sa pinagmumulan ng boses ni Delia.

Nayukot naman ang mukha ni Delia at namula ito sa mga sinasabi ni Delia. Hindi sa tuwa kundi sa labis na inis.

"Heh! Asa ka naman Ada. Ano ka siniswerte? Deserve mo bang bigyan ng pabango? Puro ka na nga lang lakwatsa ang alam mo tapos bibilhan kita? Hmmmp!" Puno ng inis na sambit ni Delia habang makikitang hindi ito natutuwa sa mga sinasabi ni Ada.

Bahagyang nasaktan naman si Ada sa sinabing ito ni Delia. Talagang bang hindi niya deserve ang mga bagay-bagay na gusto niya rin? Minsan ay naiisip niyang tama siguro si Delia dahil wala din talaga siyang naiambag liban sa pagtulong niya sa gawaing bahay. Di din siya magkakapera kung di siya bibigyan ng Tiya Elena niya. Medyo may kalayuan ang bayan ngunit nilalakad niya lamang ito. Sanay na rin siya patungkol rito dahil wala siyang perang pansakay ng pampasaherong dyip. Walking distance lang naman at ilang minuto lamang ay makakarating na siya sa mga pamilihan na siyang sentral ng bayang ito.

Hindi naman nakapagsalita si Ada at makikitang paramg maiiyak na ito. Ipamukha ba naman na wala siyang ambag sa pamilyang ito tsaka wala siyang salaping nasa kaniya ay talaga namang nakakapanghina isipin.

Nakita naman ito ni Delia at mabilis na nagwika.

"Wag kang iiyak Ada. Isa kang bulag kaya given na yun. Sino ba naman kasi ang papayag na i-hire sa trabaho ang isang bulag na katulad mo?! Malamang ay aasa ka naman sa perang ibibigay sa'yo ni mommy. Kung minsan ay naiisip kong parang kinukupitan mo pa nga ang perang ibinibigay ni mommy eh." Pagbibintang naman ni Delia. Walang pakundangan nitong pinagbintangan si Ada bilang kupitera o nangungupit sa perang ibinibigay ng ina nitong si Tiya Elena ni Ada.

"Hi-hindi k-ko mag-magagawa iyang sinasabi mo Delia." Pautal-utal na sambit ni Ada habang makikitang itinanggi nito ang paratang na ibinibintang sa kaniya ng pinsan niyang si Delia.

"Talagang nagmamaang-maangan ka pa ha? If I know, ginagamit mo siguro ang perang kinukupit mo lalo na yung sobrang sukli sa pamamalengke para ipanglakwatsa sa pamilihan tsk!" Diing sambit ni Delia habang namumula pa rin ito sa inis. Mas pinagdiinan pa nito ang sinasabi nitong nangungupit si Ada sa perang ibinibigay ng ina nito sa bulag na dalaga.

"Ano bang pinagsasabi mo Delia. Alam mong nagmahal ang bilihin ngayon sa palengke dahil matumal ang ani ngayon. Wala akong kinukupit." Puno ng pagtanggi ng bulag na si Ada sa sinasabi ng magaling niyang pinsang si Delia. Talagang siya naman ang pinagbuntunan nito ng inis nito.

"Wag mo kong dramahan Ada. Tayong dalawa lang naman ang naririto. Wala namang kaso sa akin kung sasabihin mo ang totoong nangungupit ka, hindi naman ako magagalit eh." Pagdadrama naman ni Delia at mas pinalumanay pa nito ang boses nito para magboses anghel na naman ito.

Kung hindi pa siguro sanay si Ada sa pag-uugali ni Delia ay siguradong madadala ka sa pagiging drama queen nito at nagpanggap pang anghel. Magkasama sila sa loob ng pamamahay kaya alam na alam niya na ang hulma ng pagkatao nito at ang itinatagong kamalditahan nito sa katawan nito.

Kailangan niya lang sumunod sa agos ng pagdadrama ni Delia para malusutan niya ito.

"Ah ewan ko ba. Mukhang may narinig nga akong langitngit ng pintuan ni Tiyang nitong nakaraang araw baka pinasok ang bahay natin. Maggagabi pa naman iyon. Kaya siguro napansin ni Tiyang na kulang yubg pera niya." Saad naman ni Ada habang nagpapanggap itong walang alam sa kawalsng-hiyaang ginagawa ni Delia.

Nanlaki naman ang mata ni Delia sa sobrang gulat. Hindi niya aakalaing nahuli pala siya ng babaetang bruhang bulag na si Ada.

Nakaramdam naman siya ng labis na krisis patungkol rito. Ayaw niyang magisa sa sarili nitong kagagawan kaya hindi siya magpapahalata.

"Tatanungin ko si Clara mamaya kung may kinalaman siya rito. Ito lang naman kasi ang pala-gala. Mabuti naman at sinabi mo ito sa akin Ada. Ako na ang bahala sa usaping ito." Malumanay na wika ni Delia.

"Mabuti pa nga Delia. Atleast alam mong inosente ako sa sinasabi mong nangungupit. Sana tamaan ng kidlat ang nagnakaw o nangungupit ng bagay na hindi sa kanila nang hindi na makapangbiktima pa." May diing sambit ni Ada habang nagkukunwari pa itong walang alam. If she knows, si Delia lang naman ang nangungupit sa pera ng sarili nitong ina. Clara have some racket kaya ang totoong salarin rito ay si Delia.

Nagngingitngit naman ang kalooban ni Delia dahil sa labis na pagkapahiya at galit sa bulag na si Ada. Hindi nito itinago ang ekspresyon ng mukha nito habang matalim itong nakatingin kay Ada. Nagtitimpi lamang siya at nagpipigil. Mukhang gusto pa ata nitong patamaan siya ng kidlat at mamatay ng tuluyan.

Mabilis ding nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Hindi siya maaring mahuli dahil malilintikan siya sa ina nitong si Elena.

"Sige Ada, ipagpatuloy mo lang yang paglilinis mo diyan at ako'y aalis ngayon. Kalimutan mo na ang usaping ito, nagkakaintindihan ba tayo?!" Malumanay na wika ni Delia sa harap ng bulag nitong pinsan na si Ada.

"Oo naman pinsan. Ikaw pa ba? Alam mo na inosente ako at wala akong intensyon na gawan ng masama si Tiyang noh." Seryosong tugon ni Ada. Kahit siya ay ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila dahil gigisahin lang naman siya ng bruhildang si Delia na kumapit na ata ang sungay sa noo nito.

"I know, I know... Sige ligo muna ako Ada kasi aalis ako baka mahuli ako sa gala ng mga kaibigan ko!" Wika ni Delia at mabilis na umalis patungo sa banyo. Parang nagboses anghel ito kahit na alam na alam ni Ada na puro kaplastikan lang ito at puro huwad lamang ang pinapakita nito ngayon.