Hindi naman nagtagal si mama sa hospital. Wala din akong prinoblema sa bill dahil binayaran pala iyon ni tito Isaac na hindi ko na lang pinaalam kay mama.
I've already acknowledge mama for my leaving. I will study in Manila... In Ateneo. And tito offered me a work... A part time job sa isang restaurant na pagmamay-ari ng isang sikat na business tycoon.
"Sigurado ka na ba dito, anak? Why don't you take a rest first? Nitong mga nakaraan ay abala ka sa pagaasikaso sa mga papeles mo at bills ko sa hospital"saad ni mama. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
"Ma, ayos na ako. Doon na lang po ako magpapahinga pagdating roon. "saad ko sa kaniya.
"Osiya, mag-iingat ka doon ha. "
Hindi talaga ako hinayaan ni mama na ako lang ang mag-ayos ng mga gamit ko. Siniguro pa niya na wala akong makakalimutang gamit.
"Ma, ahm, gusto ko po sana magbaon ng camote. "saad ko sa kaniya. Nasanay na kasi ako na tuwinh byahe, ang camote ang pampalipas oras ko na pagkain.
"Well, anak. Mabuti nakabili ako kanina kanila Aleng chu"saad niya at tumayo. May kinuha siya sa may maliit na styrofoam box.
Inilagay ko naman iyon sa bag ko. Hmm, mainit-init pa ang kamote. My favorite!
Isinukbit ko na ang sling bag at back bag. Hinila ko naman ang kulay itim na traveling bag. Hinatid ako ni mama hanggang terminal ng tricycle.
"Manong sa Mall nga po, "saad ko sa kaniya doon kasi kami magkikita ni Tito Isaac. Isasabay na din kasi niya ako sa pag-uwi niya sa Maynila.
"Hija! "nagagalak na bungad sa akin ni Tito. May kasama itong mga bodyguards na kinuha ang mga gamit ko at inilagay iyon sa likod ng Fortuner na sasakyan ni Tito. Whoa, ang ganda. Yayamanin talaga.
"Magandang umaga po tito Isaac! "bati ko sa kaniya at nagmano.
"Magandang umaga din anak! Mabuti nakadating ka. "saad niya.
"Oo nga po e, akala ko po maiiwan ako. "I laughed. "Medyo hinintay ko pa po kasi ang babaunin kong pagkain. "ngiting sagot ko.
"Okay, c'mon. Para mapaaga ang dating natin doon"saad niya at iminewestra ang sasakyan.
Parehas kaming sumakay sa back seat ng sasakyan. "Tito, barko po ba ang sasakyan natin? "tanong ko sa kaniya. Takot ako sa tubig kaya hindi ko maiimagine ang sarili ko na sumakay sa barko o bangka kahit sabihin pang safe iyon.
"Oo, "sagot niya. Napangiwi ako.
"Bakit hija?"tanong niya.
"Ah-eh, t-takot po kasi ako sa tubig e, "saad ko. Napatango siya. "Kunor, sa Cañoza Airport tayo, "saad niya sa driver. Gulat akong napatingin sa kaniya.
"N-naku tito, huwag na po. Na-"
"I'm sorry nakalimutan ko na takot sa tubig anak. Huwag kang mag-alala ako ng bahala. I'll take care of this, "saad niya at may kung sinong tinawagan.
"Okay, make sure my plane is in condition. Just one mistake, I will tell my friend Thunder to fire all of you! "mahinahon ngunit may pagbabanta sa boses.
He hanged tha call. Ngumiti siya sa akin.
"Everything is settled, "ang galing, ang bilis lang.
"Tito, paano niyo po nalaman na takot ako sa tubig? "tanong ko. "You are like your mom, anak. "sagot niya.
"Hindi naman po takot sa tubig si mama. Actually tinuruan niya nga po sila Lorelei lumangoy ng magbakasyon po kami sa Iligan. "saad ko naman sa kaniya. Bahagyang napakunot ang noo niya.
"Oh is that so? Nung mga bata pa kasi kami parang ikaw e. Sobrang takot sa tubig, muntik pa nga yan malunod sa dagat dahil hindi marunong lumangoy. Hmm, she got some improvement in her life. "ngiti niya but I sensed that he is not believing for what I say.
"Baka naman po kasi ibang babae ang tinutukoy niyo Tito. Sabi po kasi ni mama, babaero po daw kayo noon. Kaya po daw kapag pinakilala niyo po sa akin ang anak niyo ay dapat ko daw pong iwasan kasi daw po baka babaero din katulad mo. "paglalahad ko. The driver and bodyguard laugh at loud. Ngumuso naman si Tito.
"Yeah, pero nagbago nakaya ako. Mga 18 years ago na, "saad niya.
Hindi kalaunan ay narating din namin ang Cañoza Airport. Kaagad naman kami pinapasok ng guard at ni hindi man lang kami pumili o naghintay. VIP I think? Dahil deretso kami sa isang eroplano na puti itim ang kulay. At tanging kaming apat lang ang pasahero.
Ang weweird talaga kasama ang mga mayayaman.
"Suit yourself, anak. If you want matulog ka. Kung nagugutom ka, just call the attendants, they'll serve you a food. "saad niya na naupo sa isang seat na malayo sa bintana. Samantalang ako ay pumwesto sa tabi ng bintana.
Kinuha ko ang cherry mobile kung de keypad na cellphone. Inilagay ko ang headset at nakinig ng music habang pinagmamasdan ang ulap at ang kalupaan mula dito.
...
Bago ako dumeretso sa apartment na tutuluyan ko ay nauna muna kami ni Tito Isaac sa Restaurant na sinasabi niyang pagtatatrabahuhan ko.
In a table na nakareserve sa amin ay kasama namin ang manager ng restaurant "Tito, masyado naman pong mamahalin ng lugar na ito. Baka po hindi ako matanggap dito kasi mukhang... mataas ang standard ng may-ari ng nito. "saad ko na medyo kinakabahan pa.
Nakita ko naman ang ibang kumakain dito na nakatingin sa amin. Sa akin mismo. Kahit pala mayayaman, chismosa din.
"Don't worry miss, you are accepted already. At bukas na bukas pwede ka ng mag-umpisa. You are assigned in kitchen. All around ka doon. "saad ng manager na nag-ngangalang Myrtle. Mataba siya na hindi katankadan. Pero maputi at maganda.
"T-talaga po? Pero-"
"So, it's already settled. Shall we eat? "saad ni Tito. "Thank you po Tito, sobra-sobra na po ang naitulong niyo sa akin. "saad ko sa kaniya. Ngumiti siya. "Basta para sayo ng mama mo, "saad niya sa akin at nag-umpisa na kaming kumain.
"Emsworth Cusine is own by the heir-Mr. Giovanni Vanzetti Emsworth. Hindi siya madalas dit pero kapag narito siya hija, you need to be careful. Kung pwedeng maging plastic ka sa harapan niya gawin mo, he is dangerous. "saad ng manager.
"Indeed. "sang-ayon naman ni Tito.
"Sino naman po si Sir Giovanni Vanzetti Emsworth? B-bakit po parang takot kayo sa kaniya?"nagtatakang tanong ko.
Nagkatingin sila Tito. "He is the son of the wealthiest man in our Country. Mr. Giovanni is a heartless business tycoon in Asia and also a... Mafia boss of Dawn Organization."halos ibulong na lang niya ang huli niyang sinabi.
"Nakakapagtaka sir, bakit hindi niya kilala ang an-I mean si Mr. Giovanni. "saad ni Ma'am Myrtle kay Tito. He became serious.
"She don't need to know, Myrtle. By the way, tandaan mo ang binilin ko. "tumango nama si Ma'am Myrtle
"Makakaasa ka Isagani,"saad nito.
...
"Pagpasensyahan mo na itong pansamantala mong titirhan hija ha. Hindi ko pa kasi nakakausap ang dean ng Ateneo para sa dorm mo doon. "saad ni Tito. Narito kami ngayon sa apartment na tinutukoy niya.
Collins Apartment
"Pagmamay-ari ito ng namatay kung kaibigan si Craig Collins. "
"Magkano po ang rent dito? "Hindi naman siya mukhang mamahalin, pero namamahalan pa din ako dahil nga hindi naman ako sanay sa city e.
"For a single person ay 1500 ang upa kada-buwan. Bale 3000 ang babayaran mo ngayon kasama ang advance payment. "saad niya.
"S-seryuso po ba kayo? Up and down po ito, pero 1500 lang? "Sa pagkakaalam ko kasi, mga ganitong apartment ay nagkakahalagang 5k ang rent kapag mag-isa ka lang titira. Pero 15k kapag marami kayo.
"Yep, oh by the way. Mauna na muna ako, pupuntahan na lang kita mamaya dito. "saad niya at nagpaalam.
Akmang papasok ako sa unit na nakasaad sa akin ay nilapitan ako ng isang babae. She looks gorgeous and sophisticated.
"Hi! "bati ko.
"New here? "tanong niya tsaka tinapon ang sigarilyong hawak. Napangiwi naman ako.
"Ah oo, ikaw? Nakatira ka din ba dito? "Inilapag ko sa sahig ang mga bag ko.
"Hindi. I own this apartment. "nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ikaw si Craig Collins? "tanong ko. She laughed. Mukha mang mataray ang isang ito but she has an angelic laugh.
"Silly that's my father. I'm Fatima Calissa Collins. You can call me Cali or FC. Basta huwag mo akong tatawaging Fat dahil papalayasin talaga kita dito. "saad niya. Cool.
"Nice to meet you, Cali. Ang ganda mo para kang model. By the way, ako nga pala si Isabella Laarnie Astaire. "naglahad ako ng kamay.
Tinanggap niya iyon. "Astaire? You are daughter of whom? Miss Bellatrix or Miss Carabella? "tanong nito.
"Si mama Carabell ang mother ko. I don't know why people keep calling her Bellatrix. Even Tito Isaac call her in that name. "saad ko. Makahulugan siyang ngumiti.
"O siya, mauna na ako. Ayusin mo na yang unit mo. "saad niya. "And a little reminder. Ayoko ng maingay na tenant okay? Ayoko ng marumi and ayoko ng nagdadala ka ng maraming tao dito. "ngiwing saad niya tsaka ako iniwan. Nagkibit-balikat na lang ako at tsaka pinasok ang mga gamit ko.
Pagkapasok ko ay nakita kong complete accessories na. I mean may sofa, may kama, may aparador and kitchen utensils. Tv lang at ref ang wala. Well, hindi ko naman kailangna yun. Yung mga basic na gamit lang ayos na.
Humarap ako sa salamin at sinukat ang uniform na binigay sa akin ni Tito Isaac.
"Hmm, kasya naman pala. "saad ko sa sarili. Kinuha ko na ang back pack ko at ipinasok doon ang baon kung pananghalian.
Akmang lalabas ako ng humarang sa daan si Fatima. "Pwedeng diyan ka muna sa loob? Kahit ten minutes lang, "saad niya. Well, di naman big deal sa akin ang 10 minutes. 5 am pa lang ngayon, mamaya pang 7 am ang pasok ko.
"Ah eh, "
"Pretty please, promise ako mismo maghahatid sayo mamaya kung sakaling malate ka. "saad niya.
"S-sige. Ano ba mayroon? "tanong ko.
"You are so innocent. You don't need to see it. Pero sasabihin ko sayo, may nagbabarilan sa labas. "saad niya na ikinalaki ng mata ko. Naglabas siya ng baril na nasa likod ng pantalon niya.
"N-nagbabarilan, "usal ko.
"Osige, diyan ka muna ah. "saad niya at iniwan ako.
Hindi na sana ako lalabas ng makita ko ang isang batang babae na lumabas. Hinabol ko siya. "Bata!" tawag ko dito pero di man lang ito lumingon kaya napagdesisyonan kung sundan ito.
Pagkalabas ko ng apartment ay may mga lalaking nakaitim at puro armado. Napangisi ang isa na napatingin sa gawi ng bata.
"Jandra Lejana Montreal, "ngisi nito at itinutok sa bata ang baril.
I immediately rushed towards her at hinila siya palayo. Nadaplisan ako ng bala sa balikat.
"Are you okay kid? "tanong ko at nagtago kami sa isang poste. Kumuha ako ng bato at inasinta ang bumaril sa kaniya. Wala man akong alam sa paghawak ng baril pero marunong pa din ako ng seld defense.
"Shoot! "ngisi ko. Natamaan sa ulo ang lalaki.
"I-I'm okay lang po. Si a-wte Fatima po, she needs help. "saad ko. Ng lumingon ako ay nagsitakbuhan ang mga lalaki at umalis na. Kasunod naman nun ang pagdating ng isang kotseng itim.
"Pamiliar ang kotse na yan, "saad ko habang hawak ang bata.
Binalingan ko siya. "Btw, anong pangalan mo? "tanong ko.
"I'm Jandra po, "sagot niya. "So, ikaw ang hinahanap Nila? Sa susunod mag-iingat ka Jandra. Mag-alala ang ate Fatima mo pati na din ako. "saad ko tsaka ipinasok na siya sa apartment. Hindi ko na ibinala pang lingunin ang kotse na dumating na bagong kaagrumento ni Fatima.
...
"Pasensya na sa kanina ah. May mga pesteng nanggugulo e, "hingi niya ng tawad habang ginagamot ang daplis ko.
"Ayos lang. Lagi ba silang nanggugulo? "tanong ko.
"Ngayon lang. Nalaman kasi nila na ako ang nagtatago sa kapatid ko. Hindi ko alam kung sino ang nagpapahanap. "sagot nito.
"Ah ganun ba? "
"Eh bakit parang kaaway mo yung lalaking nagtaboy doon sa mga kaaway mo? "usisa ko.
"That. That guy, iwasan mo siya. Sa lahat ng emsworth siya ang worthless! He let my dad die in front of us. Kaya kahit tumutulong siya sa amin at magkaibigan ang Collins at Emsworth. Never ko siyang tinuring na kaibigan. "saad niya na nagpupuyos sa galit.
"Saan ka nga pala nagtatrabaho? "tanong ni Fatima.
"Sa Emsworth Cuisine "sagot ko. Nanlaki ang mata niya.
"D-doon ka nagtatrabaho? "tanong niya. Tumango ako. "Mag-ingat ka doon ah. Huwag kang lalapit sa kahit kaninong lalaki lalo na sa boss mo. "saad niya.
"Sige, una na ako Cali. "paalam ko.
"Sure ka na hindi ka na magpapahatid? "tanong niya. Tumango lang ako.
"Oo, unahin mo ang kapatid mo. Alam ko naman papunta doon. "saad ko.
...
Pagdating ko ay kaagad akonh sinalubong ni Ma'am Myrtle.
"Magandang umaga po! "bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga din sayo hija! "ngiting bati niya sa akin.
"Pasensiya na po, nalate ako. "hingi ko agad ng tawad.
Naglakad kami patungo sa kusina kung saan ako nakaassign. Medyo naiilang ako sa tingin ng mga tao sa akin.
"Ayos lang, hindi ka naman late. Ano ka ba, alas-syete pa lang naman"saad niya.
"I want to clear what my job po, I mean dishwasher lang po ba or all around."saad ko sa kaniya.
Medyo kinakabahan ako. Marunonh ako sa gawaing bahay, pero what if makabasag ako? Kahit kaluluwa ko at hindi sapat sa isang gamit na masisira ko dito.
"Your job here is all around. Sa kitchen ka lang. If the chef need your assistance, help them. Then if kailangan ka sa paghuhugas ng plato, do it. Sabihin mo sa akin kapag may umaabuso sayo sa loob ah"saad niya. Tumango naman ako. Yun lang naman pala.
Hindi ko naman problema ang trabaho. Pero mukhang poproblemahin ko ang mga kasamahan ko dito.
"Miss Isabella, can you please chop the meat for me? "pakiusap ni Mr. Bouillon. A Italian chef ng restaurant na ito. Kaagad naman akong sumunod. Natapos ko naman ma din ang hugasin
"Kebago bago, ang sip-sip"
"Oo mga, akalain mo yun close agad kay manager at sa mga chef dito"
"Nakita ko nga yan na kasama ng tatay ng may-ari nito. Mukhang hindi lang sip-sip, social climber pa. Pumapatol sa matanda! "
Seriously, I don't mind what they are saying. Puros naman walang katuturan ang sinasabi nila.