Chapter 6

"Kuya, ilang araw pa lang ako dito sa bago kong trabaho. Nakakahiyang humingi ng advance na sweldo 'no. Pwedeng ikaw na muna ang magpadala kay Lola ng pera pambili niya ng gamot?"

Namomoblema kami ng sobra ng Kuya Gino ko sa pera dahil kinakailangang padalhan si Lola pambili niya ng gamot. Ngayon na nga lang ulit kami mag-usap, tungkol pa sa problema. Ni hindi na kami nagkamustahan kung ano na ang mga nangyayari sa mga buhay-buhay namin. Isa rin to sa mga katangian ng kuya ko, walang kapreno-preno ang bunganga kapag problema na.

"Lala, walang-wala ako. Alam mo naman na may binabayaran akong apartment dito. Isama mo na rin 'yong mga gastusin ko pangkain tapos tubig pa saka kuryente. Kakasweldo ko nga lang nong nakaraan e kaso naubos kaagad sa dami ng bayarin. Gawan mo muna ng paraan. Pangako, sa mga susunod na buwan, ako ang magpapadala."

"Kuya naman e."

"Sige na, ngayon lang naman e. Walang-wala lang talaga ako ngayon." Ramdam ko naman sa boses ni Kuya na desperado siyang kumbinsihin ako. Hindi naman ako tatanggi sa pakiusap niya e kung pagdating kay Lola, ang problema ay walang-wala rin ako ngayon.

"Oo na, gagawan ko na ng paraan. Pasalamat ka talaga mabait ako sa 'yo."

Matapos ang naging usapan namin ng Kuya ko ay halos nalipad na ang utak ko kakaisip kung paano ako kukuha ng pera para ipadala kay Lola. Ilang araw pa lamang ako dito, nakakahiyang humingi ng pera sa amo ko. Baka sabihin nilang inaabuso ko masyado 'yong pagiging mabait nila sa akin, lalong-lalo na si Sir Russel.

"Naku! Kahit hablutin mo lahat ng saplot ko, Haila, wala akong maibibigay. Kakapadala ko rin sa pamilya ko nitong nakaraan e lalo na nagkaemergency rin. Kung mayron lang talaga, hindi ako magdadalawang-isip na pautangin ka."

Sinubukan kong utangan lahat ng kasamahan ko pero pare-parehas lang din sila na walang-wala.

"Jusko! Saan ako kukuha ng ipapadala kay Lola nito?"

Namomoblemang tugon ko, napasapo pa ako ng bahagya sa sentido ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kung pwede lang tumakas sa mansyon na ito at puwesto sa lansangan upang mamalimos, ginawa ko na. Kung makapal lang ang mukha ko na hingan ng pera sina Sir Russel, ginawa ko na talaga. Lahat kaya kong gawin basta pagdating kay Lola.

"Subukan mong lumapit kay Sir Russel, tiyak naman non papahiramin ka." Suhestiyon ni Erica. "Kapag ganyan rin na nagkakaemergency kami, kinakapalan namin ang mga mukha namin para umutang sa kanya. Hindi naman siya madamot basta magagamit 'yong pera sa importanteng bagay."

"Nakakahiya kaya lalo na ilang araw pa lang ako dito. Ayokong isipin niya na inaabuso ko yong kabaitan niya sa akin."

"Hindi naman siya ganon e. Maiintindihan ka naman siguro non."

Kahit pinipilit ako ni Manang Erica na lumapit kay Sir Russel upang umutang muna ng pera, hindi ko magawa. Mas pinangunahan ako ng hiya. Valid man itong reason ko, nakakahiya pa rin. Hindi kaya ng konsensya ko. Dumating ang tanghalian, wala pa rin akong nagagawa. Wala pa rin akong pera na maipapadala kay Lola.

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng paraan kung paano mareresolba itong problema ko.

Lord, maghulog ka naman ng anghel para tumulong sa akin. Please po.

_

"Hoy, Rhaivee, pakisabi kay Daddy aalis na muna ako, " wika ko nang naglalakad papalit sa kanya. At doon nya ako binigyan ng tingin, mula ulo hanggang paa nya ako tinignan na ipinagtaka ko naman.

"Pormadong-pormado tayo ngayon, Kuya, saan ang punta?"

"Pakialam mo ba sa suot ko, sa gusto ko nito e." Singhal ko sa kanya. "Basta pakisabi kay Daddy ah."

"Siguro may date ka, Kuya?"

"Bakit pag may kadate lang ba pwedeng magsuot ng ganito?" Taas-kilay na depensa ko.

"Hindi naman, ang pormal mo kasi tignan, baka naman ikaw ang escort sa santakrusan nyan." And she laughed so hard. "Kuya, pasalubong ko, ha, huwag mong kakalimutan. Thank you," pahabol nyang sigaw bago pa ako makalabas ng mansyon.

"Yaya, pakibuksan po 'yung gate aalis ako e," utos ko sa yayang nakasalubong ko kaya naman tumango na sya agad at sinunod ang

utos ko.

Naglakad ako papalapit sa kotse ko at doon ko lang napansin na kumikinang ito sa sobrang linis. Natawa na naman ako ng maisip ang unggoy na 'yun. Nasaan na kaya 'yun?

Pumasok na ako doon saka inopen ang dvd player para 'di ako maboring sa byahe. Ikinabit ko ang aking seatbelt saka pinaandar ang makina ng kotse at umalis na. Mabilis akong nakarating sa bayan dahil hindi ganon kalala ang traffic papunta ng bayan. Inalis ko na ang seatbelt na nakayakap sa katawan ko at pinatay ang music.

"Zzz!"

Hilik ng taong natutulog 'yun ah? Pero imposible naman ata na guniguni ko yun kasi ang lakas talaga. Parang galing dito sa loob ng sasakyan ko. Ibinaling ko muna ang tingin sa labas baka kasi galing 'yun sa labas at namali lang ako ng dinig. Pero wala naman kaya ibinalik ko ang tingin sa kotse ko at chineck kung may tao sa likod.

"What the fuck!"