Chapter 7

"Aaah!" Hiyaw ko kaya naman napatakip si Sir ng dalawa niyang teinga. Nabingi yata siya sa pagsigaw ko.

"Ano ba huwag ka ngang tumili dyan! Nakakarindi ka alam mo ba 'yun, ha?"

"Anong ginawa mo sa akin, Sir? Saklolo, tulungan nyo ko nirape ako!" Nagsisisigaw na ako mula sa may bintana kahti sarado pa naman 'yon.

"What do you think you're doing, huh? Nirape? Ikaw? Tss, asa ka naman uy!"

"Aba, bakit, Sir, hindi ba nakakaattract itong katawan ko?"

"Hindi!" Singhal niya sa akin. "Anong ginagawa mo dyan, ha? Oras ng trabaho nandito ka natutulog? Tamad ka talaga."

"Tamad agad, Sir? Hindi ba pwedeng nagpahinga lang ako? Hfmpt!"

"Nagpahinga, dito sa kotse ko? Ang kapal din ng mukha mo 'no."

"Bakit ba, ikakasira ba ng kotse mo ang pagtulog ko dito, ha?"

"Hindi pero ikakabaho nya lang lalo na sa mga katulad mong taong bundok."

_

"Oh, dyan ka lang? May bibilhin lang ako sa bookstore. Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?" Mataas na tonong utos nya sa akin kaya naman napanguso ako.

"Grabe naman, kahit tumingin lang sa labas bawal din?" pagdadabog ko saka pinagkrus ang mga braso. Nagkukunwari ako na naiinis para payagan ako.

Lumapit sya sa pwesto ko saka ibinaba ang bintana ng sasakyan nya kaya nakaramdam naman ako ng tuwa pero hindi ko iyon pinahalata.

"Oh ayan, binuksan ko na ang bintana para 'di mo sabihin na madamot ako. Basta huwag na huwag kang lalabas, ha?" Panenermon nya sa akin ngunit sa labas ang atensyon ko. "Hoy, unggoy nakikinig ka ba sa akin?"

"Oo na."

"Tss, ikaw pa 'tong galit," pagrereklamo nya na dinig ko at hindi nalang sya pinansin. "Huwag na huwag kang lalabas, ha? Baka hulihin ka, bawal pa naman ang unggoy na pagala-gala dito sa syudad namin."

"Nyenye, pakialam ko? Baka magandahan pa nga sila e kasi pinaglihi ako kay Queen Elizabeth," wika ko at inirapan sya.

"Tss, mangarap ka na lang! Ang pangit mo!" Singhal nya saka tuluyan na akong tinalikuran. Pinanood ko nalang ang papaalis nyang rebulto.

Ilang minuto ko pang binusog ang mata ko sa ganda ng siudad. Hindi ko alam kung ilang minuto na pero wala pa din ang alaga ko. At hindi naman ako nakaramdam ng inip dahil sa namamangha kong nararamdaman sa paligid. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay may kumuha ng atensyon ko.

CEBUANA.

At may kung anong ideya ang pumasok sa isip ko. Tutal, nandito na ako talagang kakapalan ko na ang mukha ko. Para kay Lola gagawin ko ito, ayoko na pang sayangin ang oras. Baka talagang tinadhana na mangyari ito para masolve ang problema ko. Thank you, Lord!

Hinintay ko nalang ang alaga ko at siguro madami 'yun binili kasi mahigit bente minutos na ako naghihintay dito e. At sa 'di kalayuan ay natanaw ko na sya na may hawak-hawak na plastic bag na kung saan nakalagay ang mga pinamili nya. Masasabi kong madami ang mga dala nya kasi halata sa itsura nyang nabibigatan sya. Akmang kikilos ako para tulungan sya ng pumasok sa isip ko ang sinabi nya kanina.

"Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?"

Kaya sa takot kong maglakad pauwi ay hindi na ako magtangkang bumaba pa.

"Oh, ano, wala ka bang balak tulungan ako, ha?!" Singhal nya sa akin noong malapit na sya sa may kotse nya.

Tinignan ko naman sya na nakataas kilay.

"E, 'di ba nga po, Sir, pag ako bumaba dito, uuwi ako nang mag-isa? Naku, ayoko noon baka maligaw ako dito, sa laki pa naman ng syudad nyo tapos ang daming pasikot-sikot na daan!" Sagot ko na ikinagulat nya.

"What? Are you crazy, huh? You're my maid tapos ganyan ka? Don't tell me tinatamad ka na naman," inis na wika nya.

"Luh! Si Sir tamad na agad? Hindi ba pwedeng masunurin lang kasi sabi nyo kanina pag ako buma----"

"Oo na, oo na paulit-ulit ka dyan e. Dali na buksan mo 'yang pinto dahil nabibigatan na ako sa mga dala ko."

"Sinabi ko bang bumili ka ng ganyan kadami, engot psh!" bulong ko habang pinagbubuksan sya.

"May sinasabi ka ba, huh?"

"Ahh-ehh wala po, ikaw naman baka guniguni nyo lang po 'yun," wika ko at tinulungan na sya.

Tinulungan ko syang ipasok ang mga iyon sa backseat na kung saan nakapwesto ako. Bale tigaabot sya at ako naman ay inaayos ang mga iyon. At matapos ang ilang minuto ay natapos din.

"Woah! Nakakapagod!" Wika nya ay pinunasan ang ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo gamit ang likod ng braso.

At ako naman ay napasandal saka pinikit ang mata sa pagod. Ang bigat-bigat ng mga dala nya. Feel ko nabugbog ang braso ko sa sakit, naramdaman kong sumakay sya dahil umalog konti ang sasakyan. Nanatili padin akong nakapikit dahil ramdam kong hinihingal ako sa pagod.

"Hoy, dito ka nga sa passenger seat umupo, nagmumukha akong driver mo kapag nandyan ka sa likod," utos nya sa akin at napamulat naman ako. Nagtama ang aming tingin sa rear mirror na nasa loob kaya naman natawa ako bigla. Hindi lang nagmumukha, talagang mukha syang driver ko.

"Sus, ang sabihin nyo gusto nyo lang ako makatabi," biro ko sa kanya at nagulat sya.

"Tss! Asa ka naman."

Wala akong imik na lumabas ng kotse saka lumipat sa passenger seat. Hindi na ako umimik pa at naghanap ng tyempo upang mapakiusapan ko syang pautangan ako upang may maipadala ako kay lola.

Pinagmamasdan ko sya habang may pinipindot sa selpon nya. Sana lang talaga pagbigyan nya ako, kakapalan ko na talaga ang mukha ko. Sya nalang ang pag-asa ko.

"Ehem," panimula ko ngunit 'di manlang sya tumingin sa akin. "Uhm, Sir, nakikita nyo po ba 'yun?" Turo ko sa may Cebuana. Uutuhin ko muna para pumayag.

Binigyan nya muna ako ng tingin bago sa pwestong tinuturo ko. Namuo naman ng pagtataka ang kanyang mukha. "Malamang, may mata ako e."

"Ano po gamit ng cebuana, Sir?"

"Pinagloloko mo ata ako eh!"

"Sir, hindi no, ang kj mo naman, basta sagutin mo nalang tanong ko," pang-uuto ko pa.

"Tss, hindi ko alam kung tanga ka ba or nagtatanga-tangahan ka lang," singhal nya sa akin at nakataas ang isa nyang kilay.

"Si Sir talaga ang kj, dali na kasi huwag na puro tanong. Alam mo, Sir, kung sinagot mo na sana kanina pa hindi ako nangungulit ng ganito."

Napailing sya sa kawalan bago nagsalita ulit. "Ginagamit ng mga tao para magpadala ng pera sa mga mahal nila sa buhay na malayo. Ano, okay na?" Tanong nya sa akin at nginisian ko sya. Inalis nya ang tingin sa akin saka binalik sa hawak na selpon.

"Ahh," kunwari pa akong tumango ng ilang beses.

"Bakit, magpapadala ka ba ng pera? Sige lang, magpadala ka nalang, hihintayin kita dito."

"Yun nga ang problema, Sir, wala akong pera na ipapadala. Baka naman may extra kayo diyan pautang muna," pagmamakaawa ko at napakagat sa pang-ibaba kong labi.

"Wow! Bumait bigla ah!"

"Sir, sige naman po oh, kailangan ko pong padalhan 'yung lola ko ng pera, mauubos na po kasi 'yung gamot nya hindi po sya pwedeng lumiban ng pag-inom noon e," paliwanag ko at nakatungo lang sya sa akin na para bang naguguluhan pa din.

"Bakit naman kita papaungatan? Close ba tayo? Baka takbuhan mo lang ako e. Sa tingin mo madadala mo ako sa mga paganyan-ganyan mo? Sorry ah, hindi ako maabait e." Ibinalik na niya ang kanyang tingin sa kanyang selpon.

"Sir, sorry na po, pero parang awa mo na ikaw na nalang talaga ang pag-asa ko," pagmamakaawa ko at hinarap sya.

Aminado naman akong naging masama ako sa kanya kanina pero sya naman ang nagsimula e at kailanman hindi ako ang nagsisimula ng away kundi parating sya.

"Wala ka na bang ibang mauutangan?"

"Wala na po talaga saka 'yung kuya ko doon sa abroad kakabayad din ng mga kailangan nya doon, talagang walang-wala po syang mapadala," malungkot na paliwanag ko saka yumuko. Konti nalang maiiyak na ako dito, paano pag-ayaw nya akong pahiramin?

"Magkano ba kailangan mo?" Para akong nabuhayan sa sinabi nyang iyong kaya naman napaangat agad ako ng tingin sa kanya at may suot na ngiti sa labi. "Huwag mo akong ngitian dyan, tinatanong kita kung magkano para makapagpadala ka na para sa lola mo."

"Bawal na bang ngitian ka, Sir? Masaya ako e sa wakas mapapaldahan ko na sya ng pera. Salamat talaga Sir, babayaran kita pagkasumahod na ako, pangako 'yan," wika ko at tinaas pa ang kanang kamay na nagsasabing nangangako ako.

"Salamat talaga, Sir." Pagpapasalamat ko nang abutan niya ako ng pera na galing sa bulsa niya.

Jusko! May malaanghel pa lang ugali 'to, ayaw niya lang ipadiscover. Gosh!