Chapter 8

 "Goodevening Sir," masayang bati ko pagkapasok ko sa kwarto ni Sir Rhaiven. Naabutan ko siya sa kanyang kama, nakahiga at abalang nagtitipa sa kanyang laptop kahit nakabukas ang telebisyon.

"What are you doing here?"

"Chillax lang, Sir, sungit nyo masyado. Nandito lang ako para ihatid 'tong gatas nyo and syempre para macheck if tulog na kayo."

"Nakikita mo naman na hindi pa ako tulog 'di ba? Tanga lang? Tss! Ilapag mo na lang dyan sa study table ko 'yang gatas, mamaya ko na inumin," utos nya at ginawang unan ang dalawa nitong braso.

"Sir, 'di na 'to masarap pagmalamig, parang tao lang din wala ng lasa pagmalamig dapat painitin para masarap 'di po ba?" Saka ako nagpakawala ng malakas na tawa pero hindi manlang ako nakarinig ng tawa mula sa alaga ko, nagpapahiwatid lang noon na hindi sya natawa sa biro ko.

"Get out of my room, please? Sisipain kita pag hindi ka pa umalis dito," dinuro nya pa ng bahagya ang pintuan.

"Kung kanina nyo pa ininom 'tong gatas, Sir, kanina pa dapat ako umalis."

"Ako pa 'tong sinisisi mo talaga, ha? Tss! Ilapag mo nalang nga doon sa study table ko di ba? Saka umalis ka na badtrip na ako masyado sa'yo e."

Naglakad na ako palapit sa study table ng alaga ko at inilapag doon ang gatas na dala. At sa 'di inaasahan ay may nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ang picture frame na nakapwesto sa 'di kalayuan. Natitiyak ko na siya ang binata ang nasa litrato at 'di ko naman nya mawari kung sino ang matanda na kasama nya.

"Sir, sino po 'tong kasama nyo dito sa picture? Lola nyo po, sir?"

Laging gulat ko nang hablutin niya sa akin yong picture frame.

"You don't have the right to touch this frame. This is mine and not yours!" Sobrang talim ng tingin na ibinigay nito sa akin at para niya akong kakainin ng buhay.

"Sir, 'di ko naman sinasadya saka nagtatanong lang naman po if lola nyo 'yan. Masama na po ba 'yong----"

"Bat ba ang kulit mo? Sabing umalis ka na e, bingi ka ba?" Singhal nito sa akin nanag-aapoy sa galit dahil pinakialaman ko yong picture frame na pagmamay-ari niya.

"Sorry, Sir."

"WALA KANG KARAPATAN NA HAWAKAN ANG MGA GAMIT KO, MALIWANAG BA 'YON SA'YO?"

Napayuko ako at dahan-dahan na tumango.

"NOW, GET OUT!"

Pagkalabas ko ng pintuan ay hindi kaagad ako nagtungo sa kwarto ko. Parang gusto kong bumalik sa loob para alamin kung sino ba talaga yong matanda na kasama niya pero nakaramdam ako ng takot sa inasta niya.

Anong meron sa picture frame na yon at ipinagdadamot mo ng sobra, Sir? Sino yong matandang kasama mo?

"Pakialaman mo na lahat ng gamit ni Sir Rhaiven, huwag lang 'yong frame na 'yon." Seryosong paalala ni Manang Erica sa akin nong minsan ay nakwento ko sa kanyang galit na galit si Sir Rhaiven nang pakialaman ko yong frame na yon sa study table niya kagabi.

"At bakit naman, Manang? Frame lang naman 'yon ah." Patutsada ko.

"Hindi basta-basta frame yon, may sentimental value yon sa kanya. Kaya kung ako sayo, huwag mong papakialam 'yon."

"Sino ba yong matandang babae na kasama niya don sa picture? Lola niya?" Tanong ko ulit dala ng kuryosidad.

"Ayoko ng gulo hanggat maaari, Haila, pero para matahimik ka magsasabi ako ng konting detalye na alam ko." Tumango ako nang makiusap si Manang Erica na huwag kong ipagsabi na sinabi niya sa akin ang nalalaman niya. "Ang babaeng kasama niya don sa frame na tinutukoy mo ay 'yong dati niyang yaya. Pagkakaalam ko, yon ang pinakamatagal na yaya na nag-alaga sa kanya. Pero, ewan, nong dumating na ako dito, naabutan ko nang issue yan. Basta ang alam ko, dating yaya ni Sir Rhaiven yon na pinakamamahal niya."

Kaya ba siya galit na galit nong hawakan ko ito?

" E nasan na po yong yaya na yon?"

"Hindi ko alam. Mas mabuting siya ang tanungin mo ukol sa bagay na yan."

-

"Tangina, pre, mag-iisang linggo na siya dito sa bahay." Pagkwekwento ko sa mga kaibigan ko habang nakikipagvideocall sa kanila. Narito ako sa may side ng swimming pool, nagpapahangin. Namomoblema ako ng sobra hindi sa mga schoolworks ko kundi sa yaya ko.

"Baka sign na yan para tanggapin mo siya, pre." Narinig ko ang nakakairita nilang pagtawa sa biro na yon ni Luis.

"Magkakamatayan muna tayo bago mangyari yan, pre." Singhal ko saka nagdekwatro sa pagkakaupo at mula sa kinauupuan ko, tanaw na tanaw ko na naman yong yaya ko na papalapit sa pwesto ko na may dalang tray ng pagkain dahil inutusan ko siya kanina na ipaghanda ako ng makakain. "Sinuwerte lang siya mga pre dahil hindi umubra sa kanya yong mga pagmamalupit ko sa mga nauna sa kanya."

"Sabihin mo na lang kasi sa kanya yong totoo mong dahilan. For sure naman maiintindihan ka non." Suhestiyon ni Kenneth na abalang hinahaplos yong karga niyang pusa.

"Tsk! She doesn't have the right to know it." Matapos kong sabihin yon ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko na may gagawin pa ako kahit ang totoo ay papalapit na si Haila sa pwesto ko. Ayoko na marinig niyang pinag-uusapan namin kung paano ko siya mapapaalis.

"Meryenda niyo po, Sir." Pinanood ko lamang siya na ilapag yong mga dala niyang pagkain. May kung anong kademonyohan na naman ang pumasok sa utak ko.

"Yaya, pacheck naman kung natapon dyan sa swimming pool yong isang pares ng tsinelas ko." Utos ko sa kanya kahit ang totoo ay itinago ko yon sa may paso malapit sa gawi ko. Pinipigilan kong matawa nang papalapit na siya sa may swimming pool. Dahan-dahan naman ako bumwelo patayo upang maisagawa yong plano ko.

"Sir, wala naman po e."

"Andyan yan, hindi mo lang siguro makita."

"Sir, hindi ko po makita. Anong kulay ba yong…Ahh!"

Nakakabaliw na tawa ang pinakawalan ko nang tuluyan nang natapon sa tubig si Haila. Hindi ko siya magawang kaawaan nong nilalamon siya ng tubig. Hindi ko mawari kung naglulunod lunuran lang ba siya o totoo na.

"Yan ang napapala ng mga taong kumakalaban sa akin. Haha. Bye, bitch. Swim well." Tinahak ko na ang daan papasok ng bahay namin at pagkaapak ko pa lamang sa sala ay may narinig na ako na ikinatigil ng mundo ko.

"Tulong! Si Haila, nalulunod."

Hindi ko alam kung may sariling utak ang mga paa ko at napatakbo ako pabalik sa may swimming pool area upang tignan ang kalagayan ni Haila. Naabutan ko na iniahon siya ni Daddy na bagong dating lamang. Naroon na rin ang ilang mga kasambahay, nag-aalala para kay Haila.

Nang maiahon ni Daddy si Haila, inihiga niya ito sa sahig at ginawa ang lahat upang magkamalay ito. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa ginawa ko. Napatanong ako kung ito ba ang gusto ko para maging malaya ako ng tuluyan. Gusto ko ba talagang makasakit ng ibang tao para lamang sa kagustuhan ko?