Chapter 9

"Hahayaan mo talagang malunod ang yaya mo para lamang dyan sa mga plano mo, ha? Rhaiven, paano kapag walang nakakita kay Haila kanina. Kakayanin ba ng konsensya mo kung sakaling mas malala pa don ang nangyari sa kanya?"

Panenermon ni Daddy sa akin matapos niyang mailigtas si Haila. Inutusan niya ang ilang kasambahay namin na asikasuhin si Haila upang kausapin ako ukol sa nangyari.

"It's not my intention, Dad."

"Hwag mo kong gawin tanga, Rhaiven." Tinuro ako ni Daddy sa mukha dahilan para mapayuko ako. "Kaya ka lang naman ganyan dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na wala na si Manang Tessa," natigilan siya at huminga ng malalim. "Ranz, walang kinalaman ang mga taong kinukuha namin sa iyo sa pagkawala nya. Wala silang hangad kundi magkaroon ng trabaho para sa ganoon may maibigay sila sa pamilya nila. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman ganyan dati e, nagsimula lahat ng pagbabago mo ng mawala sya," habol ni Daddy ang hininga matapos sabihin 'yun sa harap ko.

"Anong mahirap intindihin sa ayaw kong magkaroon ng yaya, Dad? Kahit sinong tao na malalagay sa sitwasyon ko, hindi sasang-ayon sa gusto nyong 'yan." Paliwanag ko pero nakayuko ako.

"Kaya ka ba ganyan sa mga kinukuha namin, huh? Kaya ba para mo silang hayup na ituring kasi hindi mo gusto ang desisyon namin para sa'yo? Anak, mali 'yun."

"Mas mali sa akin na may pumalit sa pwesto nya. Kaya lang naman ako ganito kasi ayoko ng iba, gusto ko sya lang. Gusto ko sya lang ang magsisilbi sa akin. Maglilinis ng kwarto ko, maghahanda sa mga damit ko. Kahit iyon lang ang maibigay ko sa kanya dahil alam ko ako ang may kasalanan sa pagkawala nya," hindi ko na pa napigilan maging emosyonal.

Naramdaman ko nalang ang ilang butil ng luha sa pisngi ko. Sinubukan kong pigilan pero kusang bumagsak.

Mahirap bang intindihin na kaya ako masama sa mga yaya na kinukuha nila at ayaw kong mapalitan ko sya?

"Ranz, hindi mo kasalanan kung bakit nawala sya, aksidente 'yun, anak."

"Hindi mo naiintindihan, Dad, kasi wala ka mismo doon. Bata pa lang ako noon pero kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano…." Napapikit ako nang maalala yong araw na pinagsisisihan ko sa lahat at hinayaan na umagos ang mga luha kong nag-uunahang bumagsak.

"Sorry kung wala akong magawa para maalis ang sakit dyan sa puso mo. Pero anak, hindi tama lahat ito," saka sya kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. "Isipin mo Ranz, may pamilya din si Haila na umaasa sa kanya. Mas okay pang makipagbangayan ka sa kanya kaysa sa gumawa ka ng paraan para mapalayas sya. Kilala kita anak, hindi mo hahayaan na may maghirap para lang sa ikakasaya mo," wika nya at ginulo ang buhok ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya at sakto naman na ngumiti sya pero ako ay nanatiling walang emosyon."Take a rest now, it's getting late. Saka na natin pag-usapan ang bagay na ito kapag nakauwi na ang Mommy mo. Goodnight, son," tugon nya at tinapik ulit ang balikat ko saka tuluyang umalis.

Dumaan ang ilang araw at walang imikan ang nangyari sa pagitan namin ni Haila. Pinagsisilbihan nya ako pero ako pilit na umiiwas. Parang hindi kami magkakilala kapag ganon na nagkakalapit kami. Kahit ako ang nagkamali, hindi ko maiwasan ang mainis dahil kampi si Daddy sa kanya. Kung siya may dahilan kung bakit kailangan niya ng trabaho, ako mayron din. Hindi lamang siya ang may pinagdadaanan sa buhay.

Noon lang ako nakaramdam ng hiya sa buong buhay ko lalo na sa mga yayang pinagmalupitan ko. Kaya minabuti ko na huwag na muna siyang pansinin.

Hindi naman ako nahirapan sa plano kong iyon dahil naging busy ako pag-aaral ko. Halos tambak ako ng requirements kaya wala akong oras para sa kanya. Minsan sinusubukan ko siyang kausapin kahit batiin manlang pero kusang umaatras ang dila ko.

"Hindi kami makakauwi ng Mommy niyo this weekend, we're having business trip here at Dubai. Ikaw na ang bahala kay Rhaivee." Paalala ni Daddy sa akin nang minsan ay tawagan niya ako. I was lying in my bed when my phone suddenly rang and it was Dad.

"Okay.."

"You look stress, Son. Nakakastress bang gumawa ng paraan para mapalayas si Haila, hmm?" Narinig ko pa ng mapaklang tawa niya. "O nakakastress gumawa ng paraan para makipagbati sa kanya?"

"Kung ganito na walang pansinan sa amin, mas mabuting umalis na siya. Nakakailang kaya kapag ganon na lalapit siya sa akin tapos hindi manlang niya ako papansinin."

Naalala ko nong nakaraan, dinalhan nga niya ako ng gatas ko, hindi naman niya ako pinansin o tinawag na Sir. Alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya pero pati rin naman siya meron e. Hindi ako gagawa ng paraan para gumanti kung hindi niya ako kinakalaban ng ganito.

"Naiilang ka ngayon dahil dyan sa kalokohan mo." Narinig ko ang pagtawa ni Dad sa kabilang linya. "Ill gve you the freedom now na palayasin siya. Yon ay kung kaya mo siyang palayasin, kilala ko ang batang yon, hindi yon basta-basta susuko."

"Nakakatyamba lang siya, Dad."

"Lets have a deal."

"What is it?"

"Bibigyan kita ng pagkakataon na gawin lahat ng gusto mo para mapalayas siya within one week. Do whatever you want, bahala ka."

"Anong benefit naman ang makukuha ko if mapapalayas ko siya?" Nakaramdam ako bigla ng excitement dahil sa deal namin ni Dad.

"I'll going to buy your dream car…"

"Really?"

Parang nabuhayan ako ng dugo matapos marinig ang kapalit ng deal namin ni Daddy incase manalo ako. It was my biggest dream to have my own car. Service car lang namin ang ginagamit ko, I don't have my own.

"What if I lose? What is the consequences?"

"Simple lang naman, for sure magugustuhan mo, Rhai." Narinig ko ang mapaklang pagtawa ni Daddy sa kabilang linya. "If you lose, you're going to accept her as your maid."

"What the hell?"