Chapter 10

"Siya 'tong may kasalanan, bakit ako ang magsosorry? Matapos niya akong itulak don, mag-aaksaya ako ng laway para humingi ng sorry sa kanya. Sino siya para sinuswerte? Porket anak siya ng amo natin dapat itolerate 'yong maling ginawa niya? Aba! Hindi pwede 'yan. Kung gusto niya, isampal ko muna sa pagmumukha niya 'yong kopya ko ng kasambahay law bago ako magsorry sa kanya."

Umuusok ang ilong ko sa galit na depensa matapos isuhesityon ni Manang Erica na ako na lang daw ang makipagbati kay Sir Rhaiven.

Hindi naman sila mga alien para hindi nila mapansin ang walang imikan namin ni Sir Rhaiven. Hindi naman kami hangin para hindi nila mahalata. Sa loob ng tatlong araw, hindi ako nag-aksaya ng laway o panahon manlang para kausapin o pansinin manlang ang alaga ko.

Matapos niya akong hayaan na malunod sa swimming pool, makikipag-usap ako sa kanya na parang walang nangyari? Ano ako, tanga?

"E kaysa naman yong hindi kayo nagpapansinan. Tahimik tuloy 'tong mansyon." Depensa ni Manang Erica, abala siyang pinupunasan 'yong mga kubyertos na matapos ko lamang hugasan.

"Manigas siya, basta ako, hindi ako magsosorry."

Tinulungan ko rin silang maglinis ng mansyon dahil lumabas ang alaga ko ng maaga. Uminom lamang ito ng gatas saka sumubo ng isang pirasong pancake saka ito dali-daling umalis. Dinaanan niya lamang ako sa may pintuan nong lumabas ito. Nabangga niya pa ng bahagya ang pwetan, hindi pa siya nag-abalang magsorry.

Matapos ang paglilinis sa buong bahay, pumunta ako sa kwarto ng alaga ko upang kunin ang mga lalabhan niyang damit. Ikalawang araw pa lamang matapos kong maglaba ay puno na naman ng labahan 'yong basket niya. Hindi rin naman magulo ang kwarto niya, konting linis lang ang ginawa ko.

Pinulot ko ang ilang mga kalat sa sahig. Iniayos ko 'yong study table niya na magulo. Iniaayos na ilagay 'yong mga natupi kong damit niya na nilabhan ko nong isang araw.

Habang inaayos ang side table malapit sa kanyang kama, napansin ko ang isang sulat na nakadikit sa naassemble na lego na laruan. Sa pagtataka ay kinuha ko ito at binasa ang nilalamana ng sulat.

"Punta ka ng school ko, see me at room 116, asap."

'Yong balak ko na labhan 'yong mga damit niya ay hindi ko na tinuloy pa. Matapos magbihis ng disente, gumayak na kaagad ako dahil alam ko na ayaw na ayaw ni Sir Rhaiven sa mabagal. Ayaw niyang pinaghihintay siya. Kaya kahit hindi ko pa ganon kabisado 'yong pasikot-sikot sa syudad nila, pinuntahan ko pa rin siya.

Kahit magkagalit kami, kinakailangan ko pa rin siyang sundin dahil alaga ko siya at yaya niya pa rin ako.

Pakiramdam ko nga ay naligaw ako dahil hindi ko na halos alam kung nasaan ako. Puro nagtataasang gusali ang nakikita ko sa pakilid ko. Maraming tao akong nakasalamuha pero nahihiya akong magtanong kahit isa manlang sa kanila. Hanggang sa may nakita akong estudyante na nakasuot ng id lace katulad nong kay Sir Rhaiven. Sinundan ko ito hanggang sa napadpad ako sa malaking paaralan.

"Maam, bawal po kayong pumasok kapag hindi kayo estudyante dito, maliban na lamang kung importante po ang ipinunta niyo rito." Bungad kaagad nong guard sa akin pagkarating ko sa paaralan na pinapasukan ni Sir Rhaiven. Mukhang namukhaan niyang bagong salta lamang ako don kaya mabilis niya akong nilapitan at tinanong kung ano ang kailangan ko. Hinarangan niya ako nong akma akong papasok sa may gate.

"Sir, may pupuntahan po ako dyan sa loob, amo ko po. Pinapunta niya po ako dito sa room 116 nga daw e, emergency po." Pagpupumilit ko. At para mapapayag siyang papasukin ako, kinuha ko mula sa aking bulsa 'yong sulat na iniwan ni Sir Rhaiven at ipinakita sa kanya. "Sir, nag-iwan po ng sulat 'yong amo ko sa kwarto niya. Papasukin niyo na po ako bago pa ako mawalan ng trabaho."

Kahit anong pagmamakaawa ko sa guard ay hindi niya ako pinapasok. Kulang na lang ay umiyak ako ng dugo sa harapan niya payagan niya lang ako. Nagpapadyak ako sa sahig na parang bata.

"Kung gusto niyo, Maam, hintayin niyo siya hanggang uwian.'

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa winika ng guard. Wala akong nagawa kundi maupo sa bench malapit sa pwesto ng guard at nag-abang ng paglabas ni Sir Rhaiven. Tanghaling tapat na pero wala pa siya. Hindi ko naman siya makontak dahil hindi ko alam ang phine number niya. Nakailang ulit ko na sinubukang kausapin ang guard na papasukin ako pero nabigo ako.

"Haila, saan ka galing? Hindi ka namin nakita maghapon ah." Usal ng mayordoma sa akin pagpasok ko ng mansyon.

Hindi na ako makatiis kanina na hintayin pa ang paglabas ni Sir Rhaiven. Pakagat na ang dilim at naabutan na ako ng liwanag noong makasakay ako. Naligaw pa nga ako katulad ng inaasahan ko dahil hindi ko pa naman ganon kabisado itong lugar. Ang malala pa roon, nalipasan na ako ng kain pananghalian. Gutom na gutom na ako sa paghihintay kay Sir Rhaiven.

"Galing po ako sa school ni Sir Rhaiven, pinapunta niya kasi ako don e, nag-iwan siya ng sulat sa side table niya. E kaso hindi ako pinayagan nong guard na pumasok kaya ayon, hinintay ko siyang makalabas. Pakagat na ang dilim pero hindi pa lumalabas si Sir kaya umuwi na lang ako. Sasabihin ko na lang na hindi ako pinayagan nong guard."

Napansin ko ang pagkunot ng noo ng mayordoma.

"Pinapunta ka kamo ni Sir Rhaiven sa school nila?"

Mabilis akong tumango kasabay noon ang paghawi ko sa ilang butil ng pawis na namuo sa noo ko.

"Haila, alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"S-sabado ho?"

Dahan-dahan na tumango ang mayordoma na animoy may gustong iparating sa akin. Pinagsingkitan ko siya ng mata dahil hindi ko siya maintindihan.

"Anak, pagkakaalam ko, walang pasok si Sir Rhaiven ng sabado. Sa katunayan, nandito siya kanina, may dalang babae kagaya ng nakagawian niya."

Laglag ang panga ko sa nalaman ko. Gusto ko siyang pagsasampalin sa inis dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi niya alam yong hiraap at pagod ko dahil sa pisteng trip niya.

Sa inis ko ay patakbo akong nagtungo sa kwarto niya at naabutan ko siya roon, nakaupo sa gaming chair niya. As usual, naglalaro na naman siya. Side eye niya akong sinulyapan at napansin ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. May gana pa talagang ngumisi ang gago.

"Hoy! Alam mo bang nagmukha akong tanga don kakahintay sa wala? Alam mo bang halos makipagpatayan na ako sa guard para lang papasukin ako, ha? Sa tingin mo ba nakakatuwa 'tong trip mo?"

Buong lakas kong pinigilan ang sarili ko na sabunutan siya kahit sumasabog na ako sa galit. Lalo pa akong nainis nang humarap siya sa akin at nagpipigil siya ng tawa.

"Hindi ko na 'yon kasalanan dahil una sa lahat, hindi kita pinilit, kusa kang pumunta doon."

"Gago ka ba? Paanong 'di ako magkukusa na pumunta don e nag-iwan ka ng sulat?"

"Like what I'ved said, hindi kita pinilit. Kasalanan mo din lang dahil nagpauto ka."

Nagpakawaa siya ng nakakairitang tawa dahilan ako umusok lalo ang ilong ko sa galit. Gustong-gusto ko siyang sugurin pero pinigilan ko ang sarili ko. Handang-handa na 'yong kamao ko na sumuntok sa pagmumukha niya pero malaking pagpipigil ang ginawa ko.

"Kahit kailan talaga demonyo ka. Ano sa tingin mo, ikinagwapo mo 'yan?"

Mabilis kong hinawi ang kamay niya na humawak sa buhok ko nong tumayo na ito sa harapan ko. Masama ko siyang tinitigan sa mukha pero mukhang wala lang 'yon sa kanya. Pinagtawanan pa ako ng malala.

"Bakit, nahihirapan ka na ba? You're free to leave, you can resign, anytime, anywhere. Alam mo, para hindi ka na dumaan pa sa mga pagpapahirap ko, umalis ka na lang. Magiging safe ka pa. Basta ako, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa'yo ah."

Nginitian niya pa ako ng mapang-asar bago tuluyang tinahak ang daan palabas ng kwarto niya. Wala akong nagawa kundi ang mapasigaw sa inis.

Alam ko naman na ginagawa niya lang lahat ng ito para mapalayas ako. Hindi ako talunan para hayaan siyang manalo. Magsaya siya ngayon dahil sisiguraduhin ko na sa akin pa rin ang huling halakhak.