Day three. What the fuck! Ilang araw na ang lumipas matapos namin magkasundo ni Daddy ay wala pa rin akong nagagawa. Hindi ako makakapayag na matalo ako lalong-lalo na ang makilala nina Mommy at Haila ang isa't isa. Kung naging kasundo ni Haila ng walang kahirap-hirap ang Daddy, for sure kay Mommy ay ganon rin.
Ginawa ko na lahat ng paraan para takutin siya at mahirapan pero mukhang sisiw lang sa kanya. Maiinis siya pagkatapos ng mga trip ko tapos wala na, dedma na sa kanya. Aakto siya na parang walang nangyari at walang epekto 'yon sa kanya. Aaminin kong nahihirapan ako ng sobra sa pagpapalayas sa kanya. Ngayon lang ako nahirapan sa isang katulad niya. Mukhang tama nga si Daddy na kakaiba siyang babae. Mukhang nakahanap na ako ng katapat ko.
"Tignan natin kung 'di ka pa aalis dito sa gagawin ko."
Inayos ko ng mabuti 'yong patibong na ginawa ko. Sinadya kong bumili ng ubas upang gamitin sa plano ko. Hindi nakakaligtas sa paningin ko kung gaano kaadik si Haila sa ubas. Nahuhuli ko siya minsan na pasimpleng pinipitas 'yong ubas na naroon sa dining table namin, siya pa nga ang nakakaubos non. Kunwari nagpupunas siya ng mesa kahit ang totoo palusot niya lang 'yon para makakain ng ubas.
Ipinatong ko sa isang mouse trap 'yong isang tangkay ng ubas na binili ko kanina. Maingat ko na ipinuwesto iyon sa isang platito dahil mayamaya lamang ay darating na siya. Inutusan ko siyang dalhan ako ng meryenda dahil nagugutom ako. Hindi niya alam na palusot ko lang 'yong para maihanda 'yong patibong ko sa kanya.
"Fuck!"
Mabilis akong bumalik sa gaming chair ko nang marinig ang sunod-sunod na yabag ng paa palapit sa kwarto ko. Umakto akong naglalaro nang makapasok na siya ng tuluyan. Palihim ko siyang tinitigan nang ilapag niya sa study table ko 'yong mga pagkain na dala niya.
"Sir, kain na po kayo."
"Mamaya, can't you see, naglalaro ako dito."
Sumandal ako sa gaming chair ko saka hinawakan ang baba ko. Inaasahan ko talaga na hindi siya lalabas kaagad dahil makikita niya 'yong patibong ko. Mula sa gilid ng mata ko, napansin ko na tinitignan na niya 'yong ubas na naroon sa study table ko. Napansin ko ang dahan-dahan niyang pagkuha non hanggang….
"Ahhh!"
"Hahahaha! 'Yan ang napapala ng mga patay-gutom." Hawak-hawak ko 'yong tyan ko habang pinagtatawanan siya.
Halos mamutla na siya sa sakit habang dahan-dahan na inaalis 'yong daliri niyang naipit sa mouse trap. Imbes na tulungan siya ay pinagtawanan ko lang siya. Halos maiyak pa ako sa pagtawa at nakaramdam ng pagkirot sa tyan ko.
Napansin ko na maiiyak na siya sa sakit pero hindi pa rin ako nakaramdam ng awa. Pinagtawanan ko pa rin siya. hanggang sa patakbo siyang lumabas ng kwarto ko at naiwan akong tumatawa pa rin.
"Nandito ka pa rin?"
Day four, bigo pa rin ako na mapalayas siya. nandito pa rin siya sa bahay at hindi iniinda 'yong mga pagpapahirap na ginawa ko sa kanya. Parang normal lang sa kanya lahat dahilan para makaramdam ako ng inis.
Nainis ako nang ngitian niya ako, ngiting mapang-asar. Akala ko gigising ako kinaumagahan na wala na siya pero nabigo ako. Nandito pa rin siya, nararamdaman ko pa rin ang presensya niya. Nakakainis.
"Nextime, kung gagawa ka ng paraan para mapalayas ako, galing-galingan mo naman, hmm?" tinapik niya pa ng bahagya ang pisngi ko pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
"Tangina! Nakatyamba ka lang, negra."
Buong maghapon ay naroon lang ako sa kwarto, nagh-iisip ng magandang paraan para mapalayas na siya. nauubusan na ako ng oras. Maybe this coming days ay uuwi na sina Daddy at hindi ako makakapayag na maabutan pa nila si Haila.
Halos pigain ko na ng malala ang utak ko makaisip lang ng paraan. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko pero puro pangkakantyaw lang naman ang natanggap ko. Mas pinili ko na lang ang mapag-isa.
"Sir, heto na po ang gatas niyo."
Ayon na naman ang boses na kinaiinisan ko sa lahat. Nandito na naman siya at nararamdaman ko na naman 'yong pagkulo ng dugo ko. Hinarap ko siya nang makaisip ng magandang gawin sa kanya.
"Come here."
Nagdadalawang isip siyang lumapit sa akin. Sinenyasan ko siyang maupo sa harapan ko, nasa sahig ako, abalang umiinom ng alak. Talagang hinintay ko siya para gawin ang plano ko.
"B-bakit po?"
"Shut up and sit."
Natakot yata siya sa tono ng boses ko kaya aligaga siyang naupo. Inabutan ko siya ng isang shot glass na may laman na vodka. Tignan ko pa kung hindi pa siya tumakbo pabalik ng bundok.
"Sir, hindi po ako umiinom, juice na lang ako. Teka at magtitimpla ako."
Akma siyang tatayo upang magtimpla nang gatas nang magsalita ako.
"Sit down!" Utos ko sa maawtoridad na tinig dahilan para matakot siya at bumalik sa pagkakaupo.
Napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa pagmamatigas ko.
"Take this and drink."
Inutusan ko siyang kunin sa sahig 'yong baso na inilapag niya kanina na may laman na vodka. Todo palya siya na hindi siya umiinom pero tinakot ko siya kahit sa kaloob-looban ko ay natatawa talaga ako.
"Sir, hindi po talaga ako umi…"
"Iinom ka o papalayasin kita?"
"H-heto na po, iinom na."
At nakita ko kung paano niya itagay 'yong shot glass na puno ng vodka. Gusto kong matawa sa reaksyon niya nang tuluyan na niyang matikman 'yong alak pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi maipinta ang mukha niya pagkalagok niya ng alak.
"Tangina! Alak ba 'yan o ampalaya? Napakapait. Ponyeta!"
Duduwal sana siya nang mabilis ko siyang pinagdilatan dahilan para hindi niya 'yon ituloy. Muli kong sinalinan 'yong baso niya ng alak at pinuno ko pa saka iniaabot sa kanya.
"Sir, ayoko na po, humahagod 'yong pait sa lalamunan ko e. Parang mapupunit sa tapang ng alak na 'yan."
"Iinumin mo o hindi? Papalayasin kita!'
"Sir naman e."
Nakailang salin ako ng alak sa baso niya hanggang sa mangalahati na 'yong laman ng bote. Napapansin ko rin na tumatama na sa kanya 'yong alak dahilan para matawa ako. Namumula 'yong mukha niya at pinagpapawisan ng malala kahit nakafull 'yong aircon dito sa kwarto ko. Bigla-bigla siyang tatawa na animoy isang baliw.
"Fuck! Haila, don't take your shirt off. What do you think you're doing?"
"Ma-mainit e. Grabe! Ang sarap magswimming, parang ganito oh," humiga siya paharap sa sahig saka kunwaring nagswiswimming siya. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na 'yon para kunan siya ng litrato at video. Tawang-tawa ako sa mga pinaggagagawa niya.
"Haila, 'di ba bukas aalis ka na dito sa bahay? 'Diba ayaw mo naman talaga dito?"
"Talagang aalis ako…woah!"
"Tangina!"
Mabilis ko siyang inalalayan patayo nang bumagsak siya sa sahig. Mas nauna pa 'yong tawa ko bago ko siya tulungan.
"Sir, I'm fine." Sumaludo pa ito ng bahagya sa akin na parang timang. Ni hindi na siya makatayo ng maayos dahil sa kalasingan.
"Ma-matutulog na ako.Bye!"
Paika-ika siyang naglakad paalis ng kwarto ko. Kahit nasa malayo ako ay amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Para akong nanalo sa lotto dahil sa wakas naisagawa ko ng maayos 'yong plano ko. Mukhang bukas ay maganda na ang gising ko dahil wala na siya.
"Hey, lasinggera! Akala ko ba aalis ka na today, hindi ba 'yon ang sabi mo sa akin kagabi?"
Naabutan ko siya sa kusina na abalang tinutulungan ang ibang kasambahay namin na maghanda ng umagahan. Kaagad na umarko pataas ang kilay niya nang makita ako at akma niya akong susugurin nang mabilis siyang pigilan nina Manang Erica at Manang
Maymay.
"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa akin kagabi?"
"Ops! I didn't do anything to you." Itinaas ko ng bahagya ang dalawa kong kamay animoy hinuhuli ako sa kasalanan kong ginawa. " Sinaluhan mo lang akong uminom kagabi, remember?"
"Huwag mo nga 'kong gawing tanga! Alam ko sa sarili kong hindi ako umiinom. Hindi naman ako tatagay ng ganon kalala kung hindi mo' ko tinakot."
"Pumayag ka naman, 'di ba?"
"Pumayag ako kasi tinakot mo 'ko. Demonyo ka talaga!" matalim ang tingin na itinapon niya sa akin. Para niya akong kakainin ng buhay sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ko naman magawang matakot dahil una sa lahat ako ang nanalo.
"Tandaan mo 'to, kahit ilang beses mo 'kong pahirapan, hindi ako aalis. Kahit ilang beses mo 'kong paglutuin ng mga pesteng pagkain mo, hindi ako aalis. Kahit ilang mouse trap pa ang umipit sa daliri ko, hindi ako aalis. At kahit ilang alak pa ang ipalaklak mo sa akin, hindi pa rin ako aalis. Enjoyin mo ang pagpapahirap sa akin dahil balang araw, dadapo rin ang karma sa'yo. Sa akin pa rin ang huling halakhak."