"What's up, Babyboy,"
Muntik pa akong mawalan ng balase sa paghakbang nang marinig ang sambit ng mga kaibigan ko nang madatnan ko silang tatlo sa may sala namin. Napatigil naman ako sa paghakbang sa may hagdanan ng makita ko ang mga pilyo tingin nila. Sila lang pala ang mga bisitang sinasabi ng yaya kanina. Tsk!
"Babyboy?"
Naguguluhang tanong ko. Ngayon lang nila ako tinawag ng ganyan. Nakakapanibago talaga.
"Mula ngayon 'yun na ang itatawag namin sa'yo," si Chris ang sumagot sa tanong ko. Napakunot noo naman ako dahil hindi ko makuha ang kanyang pinupunto.
"At anong kabaduyan na naman 'yan, Chris?" Inis na tanong ko ulit.
"E may yaya ka e, pag meron kang yaya, baby ka palang. 'Di ba nga, ang trabaho ng babysitter alagaan ang isang baby?"
Nang-aasar na paliwanag ni Chris. Medyo magulo ang pagkakapaliwanag nya't naintindihan ko kahit papaano.
"Mga siraulo," singhal ko't nakipag-apir sa kanila isa-isa. Pagkatapos ay nagsiupo na kami sa mahabang sofa. Inutusan ko naman si Manang Maymay na sabihin kay Haila na ipaghanda ang mga kaibigan ko ng makakain tutal siya ang nasa kusina.
"Akala ko ba noong Linggo kayo dapat pupunta dito?" Tanong ko sa kanila habang inihahanda ang chips sa mesa na nasa gitna.
Bale magkaharap kaming magkakaibigan. Sa isang sofa nakaupo sina Kenneth at Chris samantalang kami naman ni Luis ang magkatabi. Umakto na naman ang mga loko na kung makaupo ay sa kanila 'tong bahay. Hindi naman ito ang unang beses na magfeel at home ang mga bugok na ito. Madaming beses na rin silang pumunta dito para tumambay. Okay lang naman kina Mommy tutal kaibigan ko sila't kilala niya sila.
"Oo, kaso naging busy kami e kaya hindi na kami nakapunta. Bakit bro, ganoon mo na ba kami kamiss?"
Nang-aasar na tugon ni Ken kaya napuno ng tawanan ang sala.
Pagkatapos ng mahabang tawanan nila ay pansin kong lumilinga-linga na sila sa buong bahay. Minsan pa nga ngumingisi silang nakatingin sa akin at alam ko na ang ibig-sabihin ng mga tingin na 'yun.
"Nasa kusina siya naghahanda ng ipapalamon sa inyo. Tsk!"
Muntik ko silang batukan isa-isa dahil sa inis. Alam ko naman na 'yong yaya ko ang ipinunta nila rito sa bahay at hindi ako. Bukod sa gusto nilang makita ang pagmumukha nito, gusto rin nilang makilala at makaclose.
"Sabi na't mababasa mo ang mga tingin namin e." Napakamot sa ulo na usal ni Luis.
"Tsk! Huwag ka nga! Alam ko naman na siya ang ipinunta nyo dito e." Wika ko't padabog na isinandal ang katawan sa sofa. Sumubo pa ako ng chips at pinanood nila ako habang tumatawa.
"Sus! Si babyboy nagseselos. Halika ka nga dito, ikikiss ka ni Daddy," saka tumayo si Chris at akmang hahalikan ako ng umilag ako. Tumatawa nalang na pinapanood kami ng mga kasama namin. Hindi manlang nila sinuway ang Chris na manyakis.
"Tangina ka, Chris! Kadiri ka. Lumayo ka sa akin babasagin ko talaga 'yang mukha mo!" Binato ko pa siya ng chips sa mukha at mabuti nalang nakailag siya.
"Excited na akong makita ang yaya nitong si babyboy," pag-iiba ni Ken sa usapan.
Sinamaan ko sya ng tingin sa tinawag inya sa'kin. Wala na talagang magawa ang taong 'to kundi asarin ako?
"Ano ba! Pumunta lang ba kayo dito para inisin ako? Nakakabadtrip naman kayo!"
Hindi ko na napigilan ang mainis. Parang gusto ko na silang pauwiin para makapagpahinga na ako. Hindi pa naman ako mahilig sa mga asaran lalo na pagpatungkol sa'kin.
"Hahaha! Chill bro, minsan ka na nga lang naming dalawin e," usal ni Luis na nakaakbay na sa'kin. Tinignan ko naman ang dalawa kaso ngiting aso lang ang nakikita ko sa mga mukha nila.
"Excuse me po. Eto na po ang meryenda nyo."
Nangibabaw ang tinig ni Haila sa sala. Nakuha niya ang atensyon namin lalo na ang mga kaibigan ko. Para silang nakakita ng multo. Namilog ang mata nila pagkakita sa taong kararating lang. Inosente nalang na inilapag ni Haila ang mga dalang pagkain sa mesa.
Tinapik naman ni Luis ang balikat ko saka siya makahulugang ngumisi sa akin. Alam ko na ang ibig-sabihin ng mga tingin na 'yun. Napahilot ako sa aking sentido. Bakit pa ngayon pa? Hindi na naman titigil ang mga kaibigan ko sa pang+aasar sa akin nito.
Nagtama ang tingin namin ni Ken matapos suriin ang kabuuan ng babae na abala pa rin sa paglalapag ng mga pagkain. Hindi ko mabasa sa mga mukha nina Ken kung matatawa sila o magugulat.
"Oo , sya nga." hindi ko inaasahan na nasambit ko 'yun sa harapan mismo ni Haila. Sakto naman na natapos na siya sa ginagawa at tumayo nang may pagtatakang tingin.
Nangungusap ang tingin na binigay ni Haila sa akin. Gusto ko tuloy mainis dahil umaasa siyang may maibibigay ako na paliwanag sa sinabi ko. Kaya naman sinenyasan ko siyang magpakilala sa mga kaibigan ko. Mabuti nalang nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.
"Hello po, ako po si Haila Santiago, yaya po ni Sir Rhaiven," saka niya ako dinuro at napapikit ako sa inis.
"Nice meeting you, I'm Luis."
"Hi, I'm single ay este I'm Kenneth but you can call me Ken for short," saka iniabot ni Ken ang kamay sa babae na nakangisi pa. Matamis ang ngiting ipinakita ng kaibigan ko, walang halong kaplastikan.
Tinanggap naman ni Haila iyon at nakipagkamay ng maayos kay Ken. Sumunod naman na tumayo si Chris na akala mo naman nanalo sa lotto kung makangiti.
Nakaramdam yata ng hiya ang babaeng kaharap nila dahil sa inaasta nilang dalawa. Napailing nalang ako saka uminom ng juice na nakalapag sa mesa. Hindi talaga ako natutuwa sa mga ginagawa nilang dalawa. Tsk!
"Ako naman si Christian pero Chris nalang itawag mo sa'kin para maikli," pagpapakilala niya.
Natahimik na ang dalawa sapagkat abala silang sinusuri ang mukha ng babae. Diretso ang tingin nilang dalawa sa mukha nito na akala mo naman kagandahan. Muntik pa yatang malaglag ang mga laway nilang dalawa.
Napakamot si Haila sa kanyang ulo matapos makipagkilala sa mga kaibigan ko. Ngiting pilit nalang ang naisagot niya sa dalawa.
"Ah, maiwan ko po muna kayo may ginagawa po ako doon sa kusina e. Tawagin niyo nalang po ako doon kapag may kailangan kayo." Tugon nya at ngumiti ng matamis sa amin at tuluyan na kaming iniwan.
"Pocha babyboy! Ang ganda niya!" Papuri ni Chris matapos maglaway sa yaya ko. Makikita pa sa mukha nya ang ligaya na hatid ng babae.
"What the heck? Are you serious, pre?"
"Huwag mong sabihin babyboy na reject siya sa paningin mo? Sus! Ganoon ang dalagang pilipina na dapat minamahal. Kaya kung ako sa iyo ligawan mo na," wika naman ni Luis at tinapik ng mahina ang balikat ko.
"'Yun liligawan ko? Psh! Kahit bigyan niyo ako ng isang milyon hinding-hindi ko siya liligawan."
"Tangina ka! Ang ganda na nga niya e. Chicks na lumalapit sa iyo, huwag ka na mag-inarte," opinyon naman ni Kenneth. Diretso silang nakatingin sa akin na pilit kinukumbinsi.
"Kung nagagandahan kayo sa kanya, edi kayo ang manligaw, huwag niyo akong isali sa kahibangan niyo."
"Naku! Huwag ka masyadong mainis doon baka mainlab ka, alalahanin mo doon minsan nagsisimulang mainlab ang isang tao."
"Kaya nga. Bakit kumukulo yata ang dugo mo sa kanya mukhang mabait naman siya. Maamo ang mukha niya tapos pakiramdam ko maalaga pa," mungkahi ni Kenneth.
"Kung alam niyo lang ang ugali noon. Puros kamalasan dinadala noon sa'kin e. Nagagawa nya akong barahin, utusan, pagtripan, lahat-lahat na. Kaya lahat ginagawa ko mapalayas na 'yun bago umuwi si Mommy. Hindi lang babae 'yun baka matagal ng basag ang pagmumukha niya e."
"Hahaha! Ang sabihin mo kaya gusto mo siyang mapalayas dito sa inyo kasi natatakot kang mainlab sa kanya, 'di ba?"
"Yuck niya!"
Matapos naming magdaldalan sa sala, iginaya ko na sila sa kwarto ko dahil nagkayayaan kaming maglaro ng COD. Iyon naman kalimitan 'yong ginagawa namin kaya tatambay sila rito sa bahay. Kahit anong oras ay welcome na welcome sila dito sa bahay.
"Anak ng tokwa! Ang bobo mo naman maglaro, Chris. Alam mo, umuwi ka na lang kaya at magtago sa palda ng nanay mo."
Nagtawanan silang lahat dahuil sa pangtratrashtalk ko. Hindi naman napikon si Chris sa sinabi ko dahil sanay na siya sa bunganga ko. Hindi talaga maiiwasan 'yong trashtalkan kapag ganitong naglalaro kami.
"Meryenda niyo po."
Naalis ang aming mga tingin sa paglalaro nang pumasok ang bulto ng yaya ko na may dalang tray ng pagkain at halos manghina ako nang makita kung ano ang pagkain na dala niya. Nananadya ba ang negra na 'to?
"Wow! Lumpia!" Sabay-sabay na usal ng mga kaibigan ko.
"Ang plaplastik niyo! Kung makawow kayo diyan parang pizza 'yang tinitignan niyo, ni hindi nga kayo kumakain niyan e."
"Shh!" Suway nila sa akin.
Nagsilapit silang tatlo sa study table ko kung saan inilapag ni Hiala 'yong mga dala niyang pagkain. Naroon lang ako sa gaming chair ko, nakaupo, hindi pinansin ang dalang meryenda ni Haila.
Sarap na sarap ang mga kaibigan ko sa lumpia ni Haila habang ako, naroon pa rin, nakaupo.
"Rhaiven, kain na, baka maubusan ka nito."
"I don't want to eat that, obviously? Psh!"
"Ang arte mo, ang sarap nga e. Matagal na akong 'di nakatikim ng ganito."
"Sus! Huwag niyo na po siyang pilitin, ayaw talaga niyang tikman 'yan. Alam niyo ba, sabi ng lola ko dati, nakakaganda at nakakagwapo ang lumpia? Hindi niyo naitatanong pero 'yan ang favorite na meryenda ko."
"Kung ganon, lalaklakin na namin 'to!'
"Nagpapaniwala naman kayo diyan. Kung talagang nakakaganda at nakakagwapo ang lumpia, bakit hindi siya pinagpala? Bakit pangit pa rin siya?" Nagpipigil sa tawang usal ko.
"Ang epal." Bulong ni Haila pero rinig na rinig ko. Nakita ko kung paano magbago ang itsura niya, kung paano mawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.
"Itapon mo na nga 'yang pesteng lumpia mo at umorder ka ng burger saka pizza, samahan mo ng can beer."
"O, ba't ipapatapon mo pa, Rhaiven, masarap naman 'tong lumpia e. Huwag na, pre."
"E paano, maarte ang isa dyan." Pagpaparinig ni Haila kaya masama ko siyang tinignan.
"Alam mo na ngang ayaw ko ng lumpia mo, nagluto ka pa kasi. Pabida ka kasi."
"Wow! Ako pa ngayon ang pabida. Psh! Edi huwag kang kumain, pakialam ko sa iyo."
"Talagang hindi ako kakain. Itapon mo na 'yan."
"Itapon mo mukha mo!"
Napatayo na ako sa inis dahil sa pagsasagot-sagot niya sa akin. Kaagad akong inawat nina Luis at Chris samantalang linapitan naman ni Kenneth si Haila upang ilayo sa balak kong gawin na masama sa kanya.
"Susundin mo ang gusto ko o papalayasin kita?!"
"Edi gawin mo, as if naman kaya mo."
"What the…"
"Uy! Rhaiven, tama na, babae 'yan, pre. Kumalma ka nga, sayang naman kasi kung ipapatapon mo, hayaan mong ubusin na lang namin. Awat na, kalalaki mong tao pumapatol ka sa babae."
"Psh! Pasalamat ka nandito ang mga kaibigan ko."
Padabog akong bumalik sa kinauupuan ko sa gaming chair ko kanina dahil sa inis. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa paglalaro at hinayaan sila na kausapin si Haila.
May isang araw pa ako para palayasin kang negra ka!