Chapter 13

Binilisan ko na ang pagligo dahil natapunan ng suka 'yong damit ko't nangangamoy asim pa. Nagsuot ako ng normal na damit dahil wala pala akong nalabhan na uniporme ng yaya. Okay naman magsuot ng normal na damit basta may rason ka.

Bumalik na ako sa kusina dahil huhugasan ko pa ang mga ginamit na kubyertos. Habang naglilinis sa may lamesa ay may papel doon kaya kaagad ko itong kinuha. Nakalagay sa sulat na nagpunta na sina Manang upang mamalengke. Siguro hindi na pa niya ako tinawag dahil may nakapagsabi siguro na nasa kwarto ako ni Sir kasama ang mga kaibigan nya.

Speaking sa mga kaibigan ni Sir Rhaiven, kung gaano siya kasama, iyon naman ang ikinabait ng mga ito. Kung demonyo si Sir, anghel naman ang mga kaibigan niya. Hindi ko nga inaasahan na ganon sila kabait sa akin kanina habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Malayong-malayo ang ugali ni Sir sa kanila.

Natigilan ako sa pagpupunas ng mga picture frame ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Batid ko na si Sir Russel na iyon. Mga ilang araw na din siyang hindi umuwi ng mansyon dahil siguro busy siya sa trabaho.

Sumilip lang ako sa may bintana upang tignan kung si Sir nga ba ang dumating. Nasiguro ko nai sya na 'yun dahil sasakyan niya ang bagong dating.

Nakaabang naman ang ilang kasambahay upang salubungin siya. Aligaga na akong tumakbo sa kusina upang icheck kung malinis na ba iyon. Hindi pwedeng maabutan niyang madumi ang bahay dahil tiyak mapapagalitan kami. Isinaayos ko ng mabuti ang mga kubyertos ayon sa lagay nila. Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin nagawa ko ng maayos ang mga iyon. Bumalik ako sa sala upang salubungin ang amo ko. Mamaya ko na tawagin si Sir Rhaiven para masurprise naman siya sa pag-uwi ng ama.

Sino ang babaeng ito?

Natigilan ako sa paglalakad nang bumungad sa akin ang bulto ng isang babae sa may sala. Nakatalikod siya sa may gawi ko kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon upang suriin ang kabuuan niya. Napakaganda ng postura niya, halatang mayaman.

Halos malagutan ako nang hininga nang tuluyan na itong humarap saakin dahil naramdaman yata niya ang presensya ko.

"Oh! Hi, I'm Rachel Mendoza and you are?"

Tugon niya sa'kin na diretsong-diretso ang tingin. Ewan, natulala ako sa tindig niya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, marahil ito ang asawa ni Sir Russel na nanay ni? Jusko! Ito ang mama ni Sir?

"Ah, eh."

Wala talaga akong masabi dahil pinapangunahan ako ng takot at kaba. Hindi ko akalain na ganito kapormal ang nanay ni Sir. Nakakahiya tuloy itong postura ko kumpara sa kanya.

"Haha! I guess you're the girlfriend of my son Rhaiven. Tignan mo nga naman ang batang 'yun nagtino na. Oh! By the way, I'm his Mom," pagpapakilala niya.

Nagpose pa siya na para bang isang model. Gusto ko matawa sa inaasta niya ngayon sa harapan ko kasi hindi ko nagawa dahil baka alisin ako sa trabaho.

Girlfriend? Pinagkamalan niya akong nobya ni Sir? Tama ba ang dinig ko o guniguni ko lang 'yun? Sa ganitong baduy ko manamit napagkamalan pa talaga akong nobya ni Sir? Nakakagulat at nakakakaba naman 'tong nanay nya. Nasaan na ba kasi ang mga tao bakit ako lang yata ang nandito.

"Ah, nagkakamali po kayo."

"Don't be shy hija, welcome ka naman dito sa bahay namin upang makipaglambingan sa anak ko but make sure hindi mo isusuko kaagad ang bataan mo. Alam mo naman ang anak ko wala pang alam sa pagiging ama kaya nga namin kinunan ng yaya upang magtino."

"Kasi po,"

Itinaas niya ng bahagya ang kanang kamay na nagsasabing huminto ako sa pagsasalita. Wala yata siyang balak pagsalitain ako upang maipaliwanag ko na isa lang akong kasambahay dito at hindi nobya ng anak niya.

"Like what I'ved said, it's okay, that's normal to a young couple like you and my son. Nasaan ba siya? Bakit hinayaan kang maglibot ng bahay namin mag-isa? Naku naman hija, nabingwit mo yata ang pinakatamad na hipon sa dagat."

Napakawirdo ng nanay ni Sir. Akala ko ba istrikto siya tulad ng nga naririnig ko, mukhang hindi naman. May ebidensya na ako at nandito na mismo sa harapan ko.

"Ah hin------"

"Shh! Huwag ka nang magsinungaling hija, alam kong ikaw ang girlfriend ng anak ko. Don't be shy, binata ang anak ko saka dalaga ka naman e walang masama doon," Nagulat pa ako sa sinabi nyang iyon. "Tell me hija, may nangyari na ba sa inyo ni Rhaiven baby ko?" Diretsong tanong nya sa'kin kaya namilog ang mata ko.

"Mom?!"

_

"Babyboy mukhang badmood ka kanina pa," usal ni Chris na nakatingin sa'kin at nakangisi pa.

"Tsk! Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, sino ang hindi mababadtrip sa babaeng 'yun na akala mo naman kung sino."

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Rhaiven, ayos naman ang yaya mo e ikaw lang itong magulo. Masarap siyang kasama at masarap pang magluto," komento ni Luis.

"Wala akong pakialam basta dapat mapalayas ko na siya as soon as possible. Ayokong magtagal pa siya dito dahil kung hindi baka kung ano ang magawa ko sa kanya."

Napailing si Luis at saka tumawa ng mahina.

"Sa tingin mo ba makakaya mo siyang palayasin? Tsk! Sa mga kwento palang niya sa amin kanina, mukhang imposible na. Pre, matapang ang isang 'yun, hindi siya tulad ng ibang babae na kilala mo."

"I agree. Mukha pa lang niya halata ng palaban. Gusto niyo ba pustahan pa tayo," nakisali na din sa usapan si Chris.

"Sige ba, sigurado naman akong kolelat 'tong kaibigan natin," biro ni Kenneth kaya nagtawanan na naman sila. Napamura nalang ako sa sinabi nyang iyon.

"Tsk! Ang supportive niyong mga kaibigan ah."

"Haha! We're just saying the truth, pre."

"Truth mo mukha mo! Ang sabihin mo, bet mo lang 'yung yaya ni Rhaiven kaya ka ganyan. Kilala ka namin Kenneth depungal," depensa ni Chris. Nagtawanan kami sa sinabi nito.

"Anong pakialam mo doon? Basta wala ng agawan ako ang nauna doon kay Haila. Mamatay na buong pamilya niya ang umepal pa," pagbabanta ni Kenneth kaya natawa ako. Abnormal talaga kahit kailan.

"Hoy! Anong sinasabi mong nauna ka dyan! Baka nakakalimutan mo sa akin siya unang tumitig kanina kaya akin siya.."

"Ang kapal ng mukha mo Christian ang ganda pa naman ng pangalan mo, makabanal lang ang peg."

"Bakit, ako naman talaga ang nauna ikaw 'tong epal."

"Ako nga kasi ang nauna." Usal ni Kenneth.

"Sabing ako e.."

Natawa nalang ako sa pagtatalo ng dalawa. Mga baliw lang. Pinagtatalunan nila ang walang kwentang tao. Tsk!

"Excuse me!"

Sabat ko na sa usapan nila kaya naman napunta sa akin ang kanilang mga tingin. "Baka nakakalimutan nyong AKO ang naunang nakakita sa kanya," biro ko at natawa pa pero mukhang namisinterpret sila sa sinabi ko. "Hoy! Mali kayo ng iniisip ah! Ang ibig ko na sabihin ako ang unang nakakita, nakasulyap sa mukha niya, este sa kanya. Tangina, basta mali kayo ng iniisip. Badrip naman oh."

Hindi ko na alam kung ano ang ipapaliwanag basta mali sila ng iniisip. Ang punto ko lang naman ako ang unang nakakita sa kabuuan niya ganoon. Peste! Iba talaga ang utak ng mga 'to kahit kailan.

Pinagtawana ako ng mga loko at pinaulanan ng kantyaw dahil sa waley na biro ko. Sana pala tumahimik na lang ako.

"Bakit yata namumula ka, babyboy?" Asar ni Luis.

"Eh kasi nga daw siya ang NAUNA kay Haila," biro din ni Chris.

"Ewan ko sa inyo. Magsilayas na nga lang kayo. Panira talaga kayo kahit kailan."

Iniligpit na muna namin 'yong mga ginamit namin sa paglalaro bago nila napagdesisyunan nang umuwi. Iyong pang-aasar nila sa akin ay hindi pa rin napuputol kahit nasa hagdanan na kami. Muntik ko pa silang itulak para magsitahimik na sila.

Pare-parehas kaming natigilan nang may marinig kaming pamilyar na boses sa may sala. Hindi ako pwedeng magkamali talaga siya 'yun. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang magsink in sa utak ko kung kaninong boses iyon.

Akala ko ba---pakshet! Bakit nawala sa utak ko na uuwi pala this week sina Mommy. Ano ba 'yan! Paano na 'yung deal namin ni Daddy? No way!

Dali-dali kaming bumaba at nadatnan si Mommy na kaharap si…Haila? Ibig-sabihin nagkakilala na sila? Nginisian ako ng mga kaibigan ko. Mukhang nakukuha ko na ang ibig-sabihin ng mga ngisi na 'yun. No, this can't be happening!

"Tell me hija, may nangyari na ba sa inyo ni Rhaiven, baby ko?"

"Mom!"

Fuck! Mukhang talo na ako sa deal namin ni Daddy!