Chapter 14

"Oh, hi there baby. I missed you, kumusta ka na?"

Hindi ko alam kung bakit wala akong saya na maramdaman habang niyakap ako ni Mommy. Kaba at inis ang nararamdaman ko lalo na nagkita na sila ni Haila.

Hindi pwede 'to.

Nginitan ko lang si Mommy saka ibinaling ang tingin kay Haila na nakayuko na dahil siguro sa hiya. Ano ang ibig-sabihin ng narinig naming sinabi ni Mommy? Anong pinag-usapan nilang dalawa?

"Hello there boys, long time no see. Kumusta kayo?" Pangangamusta ni Mommy sa mga kaibigan ko kaya naman nagsikilos sila upang makibeso sa aking ina.

"We're fine, Tita," magalang na sagot ni Luis. Ngumiti nalang din ang ina ko sa kanila saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Oh, before I forgot, baby, your girlfriend is very interesting. I really like her," usal ni Mommy na ikinagulat ko.

"Girlfriend ko po, Mom?"

Nilakasan ko na ang loob na itanong iyon. Sobrang nakakagulat lang ang sinabi niya. Epekto ba ito ng mga business meeting na dinaluhan niya?

"Hindi ba't siya ang girlfriend mo? Oh son, I really like her. She's beautiful and very interesting."

Napahilot ako sa sentido dahil sa maling akala ni Mommy sa aking yaya. Sinulyapan ko ang aking mga kaibigan na pigil na pigil na sila sa pagtawa. Nakakahiya 'to.

Bakit hindi manlang siya nagpakilala ng maayos kay Mommy.

"Mom, it's not what you think, okay?" Pagpapaliwanag ko kay Mommy kaya nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"What's wrong? Nahihiya ka bang ipakilala ng personal sa akin itong nobya mo, anak? Aba, mali 'yun. You should introduce to me your girl before sa mga kaibigan mo because I'm your mother," depensa ni Mommy na walang kaalam-alam sa mga sinasabi.

"Mom!" Pilit ko na itinatago ang inis. Napapahiya na ako ng lalo sa mga kaibigan ko. Tsk!

"What?" Ayun na rin sa boses ni Mommy ang inis.

"She's not my girlfriend," wika ko na ikinagulat niya. "She's my….my maid," napakagat pa ako ng labi matapos sabihin ang totoo.

"Yaya mo 'to?" Saka niya itinuro si Haila na noon ay nakatingin na kay Mommy na hinimas-himas ang palad.

"Hello po, Maam, ako po si Haila Santiago, yaya po ni Sir Rhaiven," kinakabahang pagpapakilala nito sa aking ina.

Nagdadalawang-isip din siya kung makikipagkamay siya kay Mommy o hindi. Nasisiguro ko na pinapangunahan na siya ng hiya lalo na kakikilala pa lang nya kay Mommy.

"Wait! Are you guys kidding me, huh?" Tugon ni Mommy saka tumingin sa'ming lahat na naroon sa sala. Hindi nga talaga makapaniwala at nababasa ko 'yun sa reaksyon niya.

"Mom, we're not kidding you."

"You mean, siya 'yung ipinadala ng agency sa atin na maging maid mo? Ah-uh, hindi ko alam na siya pala 'yun."

"Bakit kasi hindi ka manlang nagpakilala sa Mommy ko wala ka bang bibig?!" singhal ko kay Haila.

"Magpapakilala po naman dapat ako kaso pinuputol niya kapag nagsasalita ako kaya 'yun," paliwanag niya.

"Stop that Rhaiven, actually it's all my fault. Puro dada lang ako kanina at hindi manlang siya hinayaan na magsalita kaya napagkamalan ko tuloy siyang girlfriend mo," mahinang natawa si Mommy sa kanyang sinabi.

Hindi talaga ako natutuwa sa mga nangyayari.

"Mom, itsura pa lang niya nagmumukha na pong kasambahay hindi niyo manlang ba napansin?" Pagtatanong ko.

"Well, hindi naman talaga siya mukhang kasambahay sa paningin ko e, mukha siyang maybahay mo," saka humalakhak si Mommy sa tawa ganoon din ang mga kaibigan ko

"Mom!" Sita ko sa kanya.

Pinagdilatan ako ni mama at pinagtawanan ako. "Oh! By the way, I'm so sorry hija, napagkamalan tuloy kita at isa pa wala kasi sa itsura mo lalo na sa pananamit e," usal ni Mommy kay Haila saka dinuro ang damit na suot.

"Pasensya na po, natapunan po kasi kanina 'yung damit ko kaya nagpalit po ako. Saka nagamit ko na po kasi ang mga uniporme ko e kaya ganito ang suot ko ngayon." Paliwanag ng magaling kong yaya.

"No, it's okay hija, I understand. Ahm, boys," saka tumitig si Mommy sa mga kaibigan ko. "Dito na kayo maghapunan sakto dahil marami akong iniuwing foods. Come and join us to eat later," anyaya ni Mommy sa kanila.

"Naku Tita, gusto man po namin kaso kailangan na po naming umuwi e. May tatapusin pa kaming requirements sa school saka may class pa bukas. Sa susunod nalang po siguro," magalang na tugon ni Luis.

"Ganoon ba? Uhm, wait, I have something to give you guys," wika ni Mommy saka lumapit sa yaya na bagong dating na may hawak na mga paperbags. Isa-isa niyang binigyan ang mga kaibigan ko noon. Isa ito sa mga katangian ng Mommy ko, ang bigyan ng pasalubong ang kahit na sino.

"Thank you po, Tita," wika ng mga kaibigan ko saka sila nagpaalam na umalis.

"Ah hija, tulungan mo na sina Manang upang ihanda ang hapunan natin, okay?"

"Sige po."

Umalis na si Haila at kaming dalawa na lamang ni Mommy ang narito sa sala. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon.

"Mom, naisipan niyo yatang umuwi ah." Aligagang usal ko at hindi pa ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Why anak, hindi ka ba natutuwang umuwi na ang Mommy, huh?"

Alam ko na hindi inaasahan ni Mommy ang sinabi ko na iyon. Maski ako hindi inaasahan na masasabi ko ang ganoon sa kanya. Masyadong lutang ang isip ko at kung ano-ano ang aking nasasabi.

Rhaiven, umayos ka naman.

"Talagang hindi siya natutuwa honey," rinig ko na tugon ni Daddy na bagong dating lang. May buhat buhat siyang gamit na hindi naman kabigatan sa tingin ko. Ngumisi siyang tumitig sa akin at alam ko na ang ibig-sabihin noon.

"Dad!" Sita ko sa aking ama.

"And why is that? May kailangan ba akong malaman?"

Nagpalipat-lipat ng tingin si Mommy sa aming dalawa ni Daddy dahilan para lamunin ako ng kaba. Napakagat ako ng labi. Hindi pwedeng malaman ni Mommy ang usapan naming mag ama. Alam ko kasing hindi nya magugustuhan iyon.

"Nothing honey, it's just a boys talk, right, son?" Pilyong wika niya. Napakahilamos nalang ako ng mukha. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Samahan mo akong ipasok ang mga pinamili ng Mommy mo, anak," wika ni Daddy saka ako padabog na sumunod.

Walang imik akong tumayo para sundan si Daddy sa labas. Nang mapansin niyang aligaga ako ay umakbay siya sa akin habang palabas kami ng mansyon.

"Dad! Bakit hindi niyo manlang sinabi na uuwi kayo ni Mommy?"

"Anak, baka nakakalimutan mong niremind ko sa iyo, nagkaroon pa nga tayo ng deal e, 'di ba?"

"Oo nga po pero ang ibig kong sabihin, dapat tinext niyo ako ng maaga para alam ko na darating kayo."

"You mean, dapat sinabi ko ang exact date tsaka exact time, ganoon ba?"

"'Yun na nga, Dad."

Natawa ng mahina si Daddy sa inasta ko.

"Bakit parang badmood ka ngayon? Aren't you happy na umuwi na kami ng Mommy mo? O baka hindi ka masaya dahil naabutan ko pa ang yaya mo dito at nagkakilala na sila ng Mommy mo," saka ito ngumisi.

Napahimalos ako sa aking mukha. Alam nya pala kung ano ang ipinuputok ng nguso ko bakit hindi manlang siya nag abala na itext ako? Daddy talaga kahit kailan pinagloloko ako. Bakit nga ba ako pumayag sa deal namin kung alam kong kampi pala siya doon sa babaeng 'yun.

"Dad!"

"O, come on, Rhaiven, tanggapin mo nalang ang katotohanan na talo ka sa deal natin. Akala ko ba basic lang siya na palayasin? Pinayagan pa nga kitang gawin ang gusto mo at hindi ako nagsumbong sa Mommy mo e. Pero, bakit ganito ang naabutan ko, namin? Nasaan na ang mga damoves ng isang Rhaiven ha? Hahaha!"

"Dad, this is not funny anymore!"

"Well, natalo ka, ibig-sabibin noon susunod ka sa gusto ko," mapang-asar pa siyang ngumiti sa akin.

"Daddy naman e." Reklamo ko.

"Ops! May usapan tayo, hindi ba, kaya susunod ka sa ayaw at sa gusto mo. Madali lang naman ang gagawin mo, magsosorry ka kay Haila at sasabihin na tinatanggap mo na siya bilang yaya mo, 'di ba ang basic?"

"No way! Hindi ko gagawin 'yan! Never!"

"We have a deal! Don't you dare forget that!" Banta ni Daddy sa akin at dumiretsong tumingin sa akin. "Dalian mo na dyan tulungan mo na ako," saka niya tinapik ang balikat ko. Nagpauna na siyang nagtungo sa garahe at sumunod naman ako.

What the fuck! No way! Hindi ako magsosorry sa kanya. Over my dead body!