Chapter Seventeen

Chapter 17: Ang Paglilihi

"UMALIS KAYO DITO! AYAW KO KAYONG MAKITA!" galit na sigaw ko sa dalawa na nakatingin sakin na parang asar na asar na

"Angel bakit mo kami pinapaalis?" Takang tanong ni Carson

"Wala naman kaming ginagawang masama ah!!" Frustrated na pasigaw ni Cray

"BASTA UMALIS KAYO DITO AYOKO KAYONG MAKITA AT MAKASAMA!" Sigaw ko muli. Habang tinititigan ko sila ay mas lalong sumasama ang timpla ko

"Isang buwan ka ng ganyan Angel, kung hindi mo kami kakagatin, sasabunutan, susuntukin ngayon naman ay papalayasin mo kami!" nagrereklamong sambit ni Carson habang bahagyang pumapadyak ang paa.

Tama kayo isang buwan na mula ng makalabas ako sa hospital at isang buwan na din kaming nagsasama dito sa bahay ko. Isang buwan nadin akong nababanas sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin basta ayaw ko silang nakikita at naaamoy pero pag naman hindi ko sila kasama ay hinahanap hanap ko, NABABALIW NA ATA AKO.

Tapos eto pa secret lang to pero hinahanap hanap ko lagi yung pag-aanuhan namin sa kama. May mga time nga na kulang nalang rape-in ko sila.

Natatawa na nga lang sila sa akin eh, wala naman akong makitang nakakatawa. Ay ewan ko ba basta ngayon gusto ko wala sila sa harapan ko.

Bumukas bigla ang pintuan, kaya sabay sabay kaming napatingin dito. Nabungaran namin si mama mosang na nakakunot ang noo at nakasimangot.

"Anong nangyayari dito, dinig na dinig ang ingay niyo sa kalsada" saad ni mama mosang  habang ibinababa ang dalang shoulder bag.

"Mama si Angelina nga oh isang buwan na siyang ganyang, hindi namin maintindihan!" pagsusumbong nung dalawa kay mama mosang

"Ano ba kase ang nangyayari Angelina?" muli ay tanong ni Mama Mosang sa akin habang nakatingin ng mapanuri

"Pinapalayas ko po kase sila" napapayuko at napapangusong sambit ko

"Bakit mo naman sila pinapalayas?!" napahilot sa sintido si Mama "si mama napufrustrate hahaha" napangiti nalang ako sa iniisip ko

"Ang baho kase nila Mama, ang lansa ng amoy, tapos tignan mo mama mosang ang pangit nila oh" nagpapakamping sagot ko kay mama mosang habang tinuturo ko ang dalawang lalaki na ngayon ay may hindi makapaniwalabg tingin. Kapwa sila mga nakanganga habang nanlalaki ang mga mata.

"Angel?! Ano bang sinasabi mo ang gwapo at ang bango kaya namin!" mas lalo akong naasar ng inamoy pa nila at inayos ang buhok sa harapan ko

"Basta Mama paalisin mo sila dito!" nagtatampong sambit ko

"Mama bakit po ganyang si Angel?" bulong na tanong ni Cray

"oo nga po may mga time pa nga po na kinagat at sinusuntok niya kami" sunod na bulong ni Carson

"Ganyan talaga ang naglilihi nagiging moody" simpleng sambit ni mama

Napatingin ako sa tatlong kaharap ko at naabutan ko silang nag sesenyasan at nagbubulungan, mas lalong nalukot ang pagmumukha ko dahil sa eksenang naabutan

"Angel baby, anong gusto mong pagkain? May lambing sa boses ni Carson ng tanungin niya ako

"Bibilhan niyo ako ng pagkain?!" kuminang ang mata ko dahil na narinig.

Natatawa ang ekspresyon ng tatlong kaharap ko pero wala akong pake kasi bibilhan nila ako ng pagkain

"OO naman kahit ano Angel para sa iyo!" malambing din ang boses ni Cray ng sabihin niya iyon

"GUSTO KO NG STRAWBERRY NA MAKINIS ANG BALAT!!!" nakataas ang kamay habang sinisigaw ko ang gusto kong pagkain

"THE FUCK?!"

"THE HECK?!

Magkasabay na napasigaw ang dalawa habang si mama mosang ay natawa nalang sa aming tatlo

"HAHAHA!!!" tawa ni mama mosang

Hindi ko pinansin ang pagtawa ni mama mosang, nanatili lang akong nakatingin sa magkapatid na nanlulumo ang mga mukha, para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit kayo sumisigaw?" malungkot na tanong ko sa kanila. Magkasabay na napabuntong hininga ang magkapatid at kaagad na lumapit sa akin para ako ay yakapin at suyuin.

"Sorry na Angel, napufrustrate lang talaga kami"

"Kase naman Angel, wala naman kasing strawberry na makinis eh"

Matutuwa na sana ako sa paglalambing nila kaso agad, sumama ang tingin ko sa kanila ng sabihin nilang walang strawberry na makinis ang balat.

"Simulan niyo nang humanap ngayon dahil pag wala kayong nahanap sa labas kayo matutulog." Seryosong utos ko sa kanila

"Naku Angelina mamaya na yang hanap hanap na iyan" seryoso si mama ng sabihin niya iyon

"Pero Mama-" pigil ni mama sa mga sasabihin ko pa sana. Napapadyak nalang ako dahil sa ginawa ni mama na pagpigil

"Kailan ba ang ultrasound ni baby?" pag iiba ni mama sa topic.

Naging excited naman agad kaming tatlo sa tanong ni Mama.

"Bukas po palang po Mama excited na po kaming malaman ang kasarian ni baby!" nakangiting sagot ko sa tanong ni mama mosang na tinanguan lang nung magkapatid.

"Ano pang ginagawa niyo dito?" pagkuwa'y tanong ko sa magkapatid

"ITO NA PO AALIS NA!"

Pagkatapos tumalikod ng magkapatid ay tahimik naman kaming nagkwentuhan ni Mama.

"Napag-usapan niyo na ba ang tungkol sa magulang nila?" napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni mama mosang.

Alam kong kahit hindi sabihin nung dalawa ay nakikita kong nasasaktan pa din sila, minsan ay nakikita ko silang tulala. Sa loob ng isang buwan na magkakasama kami dito ay nakikita kong iniiwasan nila ang mga magulang nila.

"Mama, alam kong hindi ko maiiwasan na harapin ang mga magulang niya, pero hindi ko alam kung paano makikitungo sa kanila."

"Angel naalala mo ba yung mga panahon na mahinang mahina ka, na wala kang alam na pwede mong kapitan?" napatango ako sa tanong ni Mama.

"Sabi mo sakin non na nandiyan ang Panginoon na pwede kong hingan ng tulong. Galit na galit ako nun, sinisisi ko yung Panginoon sa mga dinanas ko, sabi ko pa non sa isip ko na bakit ako pinakikialaman ng babaeng ito eh hindi naman niya ako kaano ano." Inalala ko yung mga panahon na kahit anong tulak ko kay mama mosang ay hindi niya ako sinukuan.

"Mama sabi mo non na kahit na nasaktan ang Panginoon ay nagawa nitong magpatawad. Pero mama paano ko gagawin ang bagay na iyon ngayong wala akong ibang maramdaman kung hindi galit."

"Anak ang problema ay hindi naman nawawala pero hindi tayo permanenteng nandito sa mundo dadating ang panahon na kailangan nating iwan ang lahat, na ang pwede mo lang pagpilian ay ang manatiling kinakain ng galit ang puso mo oh ang magpatawad dahil hindi tayo perpekto."

"Mama sana maging maayos ang lahat, sana magawa ko din na magpatawad." Naluluha ako habang naiisip ang nakaraan.

"Magiging maayos ang lahat magtiwala ka." Hinimas ni mama mosang ang likod ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Mama hindi pa pala ako nakakapag pasalamat sa lahat ng nagawa mo sakin."

"Ano ka ba wag mo ng isipin iyon, anak na ang turing ko sa inyong dalawa ni Amara kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay niyo." Nakangiti si mama pero nanatili akong malungkot na nakatingin sa kanya.

"Mama salamat sa lahat ikaw yung laging nasa tabi ko pag kailangan kita, hindi mo ako pinabayaan nung mga panahong wala akong pamilyang makapitan, ikaw yung magulang na kailanman ay hindi ko naramdaman sa totoo kong pamilya, mama ikaw yung isa sa pinaka magandang nangyari sakin." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko na agad pinahid ni mama at niyakap ako ng ubod ng higpit.

"Sshh wag kang umiyak alam mo naman na bawal kang ma-stress." Napangiti nalang Ako kay mama at yumakap ng mahigpit

"Thank you mama, mahal na mahal ko kayo." Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay mama na para bang yun na ang huli kong yakap sa kanya.

Isang oras na akong nakatulala habang nakatingin sa kisame. Isang oras na din mula ng umalis si mama pero hanggang ngayon wala pa din ang dalawang pangit na iyon.

"San na kaya sila nagpunta? Mag tatlong oras na silang wala ah, papadilim na din." Tanong ko sa sarili ko hindi ko maiwasan ang magtaka dahil wala pa sila.

"Hmp maka tulog na nga lang siguro naghanap na ng ibang babae yung mga bwisit na iyon!" naiinis na nagtalukbong ako ng kumot at pinilit ang sarili na makatulog.

"hey, sigurado ka na ba jan sa plano mo?"

"Oo siguradong sigurado, panahon na para tayo naman ang maningil sa kanya!"

Napabangon ako ng maulinigan  ko na may mga boses na nag uusap malapit sa kamang kinahihigaan ko.

"May magnanakaw?!" sinisigaw ng isip ko

"Gaga ano naman ang nanakawin sa iyo?!" my subconscious mind rolls her eyes at me and ask the most obvious question.

Tama siya wala namang pwedeng nakawin dito?

Hindi naman ako mayaman

Ba-baka n-naman!!

Tumingin ako sa buong paligid para tignan kung may tao sa bawat sulok pero wala akong makita.

"hindi ako pwedeng magkamali may nagsalita talaga" sa pag-aakalang multo ang nagsasalita ay mabilis pa sa alas kwatrong nagtatakbo siya papalabas ng kwarto.

"HA… HA… HA…." Napahawak ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga ng biglang may humawak sa balikat ko. Halos panawan ako ng ulirat sa sobrang takot at gulat

"AAHHHHH!!!!" para akong isang isda na biglang tinanggal sa tubig na nagsisisinghap

"Angel shhh… don't shout…" mga bulong at halik ni Carson ang naging dahilan ng pagtigil ko sa pag sigaw.

Naiiyak akong napatingin sa kanilang dalawa na ngayon ay nakatingin sa akin ng may pag aalala at guilt, saka ko narealize na buntis pala ako, pwede akong makunan pag nagkataon.

"Sorry Angel kung matakot ka namin, at sorry baby ah wag kang bibitaw ah kapit ka lang ng mahigpit kay mommy." Niyakap ako ng dalawa ng sobrang higpit habang hawak ang tiyan ko.

"Angel anong nangyari sa iyo at bakit para kang natatakot?" natatawang tanong ni Cray sa akin habang ako ay mukhang tanga na pabalik balik ang tingin sa kwarto at sa kanilang dalawa

"ma-may narinig akong nag uusap sa kwarto kanina, ka-kaya nag tatakbo ako di-dito." Kinakabahan pa din ako pero itong dalawang ito ay mukhang Hindi naman apektado.

"May ginawa ba sayo, asan sila, nakita mo ba, hahanapin ko sila?!" habang nakatingin ako sa magkapatid ay napansin ko ang kakaibang kilos nila para bang hindi naman talaga sila concern, I don't hear the sincerity in their voice.

"Angel baka nananaginip ka lang, mabuti pa halika na at kumain na muna tayo!" sa pag anyaya ni Carson ay saka ko lang naalala yung strawberry na pinabili ko sa kanila.

"Yung strawberry ko?" nakangiting tanong ko, kaagad na lumikot ang tingin ng magkapatid dahil sa simpleng tanong ko

"Ahh- ehh ito lang kase ang Nakita namin Angel eh hehe!" alanganin na natawa si Cray habang inaabot ang isang supot ng strawberry.

Unti unting nalukot ang mukha ko sa nakikita kong itsura ng strawberry.

"Bakit hindi makinis ito?!" asik ko sa napapayukong magkapatid

"Angel wala naman kaseng ganoong strawberry eh!" pangangatwiran ni Cray

"Kung saan saan na kami napunta pero wala talaga kaming nahanap!" si Carson naman Ang sunod na nag salita.

"Ang sabihin niyo hindi kayo nag hanap, sa inyo na iyan at jan kayo sa sala matutulog!" Galit na singhal ko sa dalawa at mabilis na akong umalis sa hapagkainan para pumunta sa kwarto.

Mag iisang oras na akong nakahiga at iniisip ang ginawa ko kanina.

"AIST! Asar kase itong mood swings na ito!" pagalit ko sa sarili ko at habang ginugulo Ang buhok dahil sa frustration.

"Mag sorry ba ako? Paano kung galit sila at ayaw na nila sa akin?" babangon hihiga ang ginagawa ko habang kinakausap ang sarili ko sa kung ano ang dapat gawin.

"aist bahala na nga!" yun lang ang nasambit ko at tumayo na para lumabas ng kwarto.

Nang makarating ako sa sala ay naabutan ko ang dalawa na nag-uusap habang nakahiga sa nilatag na king size foam, maya't maya din ang mga itong nagpapalo tapos kakamot. Malamok dito at wala pang bentilador.

"Ikaw kase kuya, sana nag hanap pa tayo sa iba!" paninisi ni Cray pero nanatiling tahimik na nakapikit si Carson

"Kuya sa tingin mo pag nilambing natin si Angel papapasukin na niya tayo sa kwarto?" muli ay tanong ni Cray pero this time ay sumagot na si Carson

"Nope I don't think so, you know her may isang salita siya." Simpleng sagot ni Carson

"Aray! Kuya ang daming lamok ang sakit pa naman nila mangagat tapos ang kati!" nakangusong reklamo ni Cray

"Ano ba Cray, itulog mo nalang yan okay!" Napipikong sagot ni Carson sa kapatid.

Sa totoo lang ay nakakatuwang makita na napipikon ang dalawang ito hahaha. Pero alam kong kailangan kong mag sorry sa kanila kase sumobra talaga ako kanina.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumakad na ako sa pwesto nila. Napatingin ang dalawa sa akin habang nahihiga ako sa pagitan nilang dalawa.

"Sorry… sana hindi kayo galit sa akin, pasensya na din kung sensitive ako masyado" naluluhang pag hingi ko ng paumanhin "lintek na mood swings ito hindi Naman ako iyakin na tao, ngayon naman bahagyang kibot naiiyak ako"

Hindi na kailangan ng salita basta nalang nila akong niyakap  ay naging maayos na ang lahat.

Sa huli ay sa sala na kami natulog nilabas lang nila yung electric fan ay okay na nakatulog kami na yakap ang isa't isa.