Chapter Eighteen

Chapter 18: Siblings Scheme

Alas siete palang ng umaga ay ginising na ako ng magkapatid at pinagagayak na para sa check up ko sa ob gyne.

"Hmmm…. Ang aga aga pa eh!" Nagrereklamong bulong ko

"Angel we need to be early!" may kataasan ang boses na sambit ni Carson.

Napipilitang tumayo ako dahil sa narinig kong pagtataas ng boses niya.

Nakakunot ang noo na pinagmamasdan ko ang dalawa na abala sa pag-aayos ng gamit.

"Good morning Cray, Carson!" Masayang balit ko na tinanguan lang ng dalawa ni hindi manlang ako tinignan

"May problema ba?" Takang tanong ko sa pananahimik ng magkapatid

"Wala, gumayak ka na at nakahanda na ang mga gagamitin mo." Seryosong tugon ni Cray.

Nakakapanibago Cray is usually jolly and hyper pero ngayon parang wala akong energy na makita sa kanya.

"Dahil ba ito sa kagabi? Sorry" tanong ko kasabay ng paghingi ko ng paumanhin. Sabay na napabuntong hininga ang dalawa.

"Gumayak ka na Angel!" this time I know Carson is mad, napayuko nalang ako at naglakad papunta ng banyo

Sa banyo ay hindi ko mapigilan na mapaluha habang nakayuko sa ilalim ng shower. Mabilis lang ang ginawa kong paliligo dahil ayoko ng mas magalit pa sila sa akin. Bago lumabas ng banyo ay sinigurado kong walang bakas ng pag iyak ko.

"Ito yung susuutin mo" pambungad sa akin ni Cray ng makalabas ako ng banyo habang inaabot ang gamit na susuotin ko. I was about to say thank you nang makuha ko ang mga gagamitin ko pero napaawang nalang ang labi ko ng basta nalang siyang tumalikod sa akin at pumasok sa banyo para maligo.

Pigil ang luhang lumakad ako papunta sa kwarto para mag bihis ng maabutan ko don si Carson.

"Car-!" naputol ang sasabihin ko ng kagaya ni Cray ay tumalikod din ito at lumabas ng kwarto.

Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa nangyayari. Habang sinusuot ang damit ay paulit ulit kong pinupunasan ang mga luhang ayaw maubos.

"Dang! Bakit ayaw niyong maubos!" kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang pag hikbi pero pati sila ay naging matigas ang ulo at pilit ako sinusuway.

Mabilis ang naging kilos ko ng matapos akong magbibis ay humarap ako sa salamin habang may hawak na panyo, for the last time I wipe my tears and apply a light make up para maitago ang bakas ng aking ginawang pag-iyak.

Pero sino ang niloloko ko eh sa mata palang ay bakas na ang naging pag iyak ko. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa kama habang hinihintay na matapos ang dalawa na maligo.

Nagbabaka sakali na pumunta sila dito kahit alam kong hindi kase dala na nila ang mga susuotin nila sa labas ng kwarto.

After 20 minutes ay may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Knock…. Knock…." Muli ay napabuntong hininga ako at tumayo na para kunin ang maliit kong bag, nang makuha ay muli akong tumingin sa salamin at muli na namang napabuntong hininga.

Nang makalabas ng kwarto ay naabutan ko na ang magkapatid na bihis na bihis at tahimik. Ang napansin ko lang ay may dalawang bag silang hawak na mukhang puno ng laman.

"May pupuntahan kaya sila?" Tanong nang isang bahagi nang aking isip

"iiwan ka na nila!" Pananakot ng isa pang bahagi ng aking isip

"M-May pupuntahan ba k-kayo?" Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot habang tinatanong ko sila. Napatingin lang sila sa akin at malungkot na napangiti.

"Tara na!" pinilit kong ngumiti ng matamis sa kanila, pero deep inside nararamdaman ko na malapit na akong maiwang mag-isa.

Nauna akong lumabas ng bahay habang sila ay kasunod ko lang.

Nang makarating kami sa sasakyan ay pinagbuksan ako ni Cray ng pinto. Tahimik lang akong sumakay habang sila ay inilalagay pa sa trunk ng sasakyan ang dalawang bag na dadalhin nila.

Nang matapos sila ay sabay na silang sumakay ng kotse. Nasa harap silang parehas habang mag-isa lang ako dito sa likod.

Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kame sa Yaptanco Medical Hospital.

"Good morning po saan po ang clinic ni Doctora Leonor Yaptanco?" tanong ni Carson ng makarating kami sa information's desk.

"Good Morning po sa second floor room 201 po ang clinic niya!" magiliw na sagot ng nasa information's desk. Ngumiti ang magkapatid at nagpasalamat sa babae, hindi ko maiwasan na masaktan sa nakita.

"Nagagawa nilang ngumiti ng matamis sa iba pero sa akin ay iba ang turing nila" kinakain ng sakit at selos ang buong pagkatao ko pero nanahimik nalang ako, dahil Wala naman akong karapatan na magreklamo o magselos dahil wala namang kami.

After namin sa information ay dumiretso na kami sa clinic ni Dra. Yaptanco. Habang nasa elevator ay tahimik lang akong nakayuko at nakahawak sa tiyan. Tahimik na kinakausap ko ang baby namin.

"Okay ka lang ba?" seryoso si Carson nung tanungin niya ako. Ngumiti lang ako at tumango, pagkatapos nun ay balik na naman kami sa pananahimik.

Kaagad naming nakita ang clinic ni Dra. Yaptanco, naunang pumasok kumatok ang dalawa at pumasok sa loob, nakayuko lang akong sumunod sa kanila.

"Maganda umaga, maupo kayo!" napaka ganda ni doktora, may asawa na kaya siya.

Naupo ang magkapatid habang ako ay nanatiling nakatayo,

"Misis simulan na natin?" tumango lang ako sa at sumunod sa kanya patungo sa itinuturo niyang higaan na may naka paikot na kurtina.

Hindi na niya sinabi ay kusa na akong nahiga sa bed, habang siya naman ay inaayos ang mga gagamitin.

May hinila siyang maliit na parang mesa na may nakalagay na parang pang laser at parang lalagyan ng cream, Meron ding dumating na nurse at itinulak yung parang monitor papunta sa malapit sa hinihigaan ko.

"Kumusta ka na?" tanong ni doktora sa mababang tinig habang itinataas niya ang suot kong damit.

"maayos naman po doc" yun lang ang naging tugon ko at ngumiti sa kanya

Pagkataas ni Doctora sa damit ko ay pinahidan niya ako ng gel sa malapit sa pusod at idinikit niya yung pang ultrasound na gagamitin niya.

"There! The small white circle!" nakatingin lang ako sa tinuturo ni Doctora sa monitor,

"D-Doc, bakit po dalawa yung white na circle?" napatingin ako kay doc ng wala sa oras

"Gusto mo bang tawagin ko yung magkapatid?" tanong ni Doctora na tinanguan ko lang pagkatapos kong tanguan si Doctora ay tinawag na niya yung dalawa na nakaupo pa din sa harap ng table ng doctor.

Wala pang limang minuto ay magkakasama na naming pinapanood ang dalawang bilog sa tiyan ko.

"Kambal ang magiging anak niyo!"

"Kambal"

"kambal ang baby ko" naluha ako sa sobrang saya na nararamdaman ko.

"Kambal sila! Kambal Sila!" masayang sambit ko sa magkapatid pero ang sayang nararamdaman ko ay unti unting naglalaho habang nakatingin ako sa dalawang kasama ko na blangko lang ang mukha.

"Doc kumusta po yung baby?" tanong ko Kay Doctora

"The babies are fine, basta puro masustansiya lang ang kainin mo at wag magpapa stress at wag mag pupuyat, tuloy tuloy lang ang check up, bibigyan kita ng vitamins na iinumin mo." Tumatango lang ako sa mga bilin ni Doc, ng may maalala akong tanungin sa kanya.

"Doc kailan pwede malaman ang kasarian nila baby?" hopeful ako na malalaman ko na Ang kasarian nila pero sa nakita ko ay mukhang malabo pa itong mangyari

"in four to five month pwede nang makita Ang gender nila!"

"thank you doc!" nakangiting nagpasalamat ako sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili.

Papalabas na kami ng clinic ni doc ng inabot niya sakin ang printed copy ng ultrasound ko, para akong nakalutang sa ere habang nakatingin ako sa maliit na papel na nagpapakita ng larawan ng baby sa sinapupunan ko.

Nakapako lang ang tingin ko sa larawan hanggang sa magsalita si Carson.

"Ihahatid ka lang namin sa bahay mo at aalis na din kami!"

 

"aalis na din kami"

 

"aalis na din kami"

 

"aalis na din kami"

 

"aalis na din kami"

Nagpaulit ulit ang mga huling katagang binigkas niya, wala sa sariling napatango ako habang unti unting nawawasak ang mundo ko.

Nang makarating sa harap ng bahay ko ay ngumiti lang ako sa kanila at bumaba na sa sasakyan.

Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan nila ay tuloy tuloy na ang luha ko sa pagtulo, hindi ko pinunasan ito hanggat hindi ako nakapasok sa loob ng bahay, dahil ayaw ko na makita nila akong unti unting nagigiba.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay dali dali akong nahiga sa kama at dun umiyak ng umiyak.

Alam kong makakasama sa baby ang ginagawa kong pag iyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, dahil masyado itong masakit, siguro sasabihin ng ibang tao na ang babaw ko kase ganon lang eh grabe ang iyak ko.

Pero wala akong pakialam dahil iiwan na ako ng mga mahal ko.

I covered my eyes using my forearm and cry silently until I can't take the heaviness of my eyelid.

"nakahanda na ba ang lahat?"

"Opo nakahanda na po lahat"

"Sige buhatin niyo na iyan!"

Napako ako sa kamang hinihigaan ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa dalawang anino na nag uusap sa harapan ko, hindi ko alam kung sisigaw ba ako o tatakbo ng mabilis hanggang sa makalabas ako.

Pero alinman doon sa dalawa ay hindi ko na nagawa dahil sa nakita kong patalim na hawak nila. Nanginginig ang katawan ko sa takot na baka may mangyaring masama sa mga anak ko.

Pero mas lalo akong nakaramdam ng kilabot na buhatin ako ng isang lalaki.

"AHHHmmp----!!" natigil ako sa tangkang pagsigaw ng takpan ng isa pang estranghero ang bibig ko at tinutukan ako ng patalim sa leeg.

Hindi ko magawang magpumiglas habang buhat ako ng isang lalaki, dahil sa baby sa tiyan ko.

Nang makarating kami sa labas ng bahay ay maingat ako nitong ibinaba sa sasakyan at itinali ang aking mga kamay.

"hhmmpp…." Nag-iingay ako kahit na alam kong useless dahil itinali din nila ang panyo sa bibig ko.

Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil Wala akong makitang kahit ano sa sobrang dilim ng paligid.

Sa tantiya ko ay nasa trenta minutes din kaming nagpaikot ikot sa lugar hanggang sa ihinto nila ang sasakyan sa isang pamilyar na lugar.

"Anong ginagawa namin sa crystal restobar?" Hindi ko maiwasan ang mapatanong sa aking isipan ng alalayan ako papalabas ng sasakyan ng dalawang estranghero.

Imbes na takot ang maramdaman ko ngayon ay napuno ako ng pagtataka.

Nang makalabas kami sa sasakyan ay tinangal nila ang busal sa bibig ko at ang gapos sa kamay ko.

Habang niyayakag ako ng dalawang lalaking hindi ko kilala papasok sa may kadilimang lugar ng crystal ay unti unti kong nararamdaman ang kaba.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero sobra sobra ang aking kabang nararamdaman, pakiramdam ko ay any moment babagsak ako habang akay ako papunta sa stage kung saan kami sumasayaw.

This place is the witness of my life and trials and being here means a lot to me. It's like I saw my family again.

And seeing the two guy I love standing in the middle of the stage wearing their best suit and best smile habang nakatingin sa akin pakiramdam ko'y biglang bumagal ang oras, naging slow motion ang buong paligid.

Hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo ng makita ko ang dalawang taong itinuring Kong pamilya na naka dress at masayang nakatingin sa akin.

hilam ng luhang muli akong napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa harap ko .

"Sabi ko sa sarili ko na hindi ako mag mamahal!" panimula ni Carson sa sasabihin niya

"Pero nakilala kita, sa isang ngiti mo lang ay tinunaw mo ang yelo sa pagkatao ko, ikaw yung pader na handa kong akyatin at ikaw yung batas na handa kong labagin, alam kong hindi ako perpekto pero handa kabang tanggapin at maging kabiyak ako?" umiiyak na nakatingin lang ako sa kay Carson na nakangiti habang nakaluhod sa harap ko.

Napatingin ako kay Cray na tumikhim at naglakad papunta sa tabi ng kuya niya.

"Alam kong maraming tao ang manghuhusga, masasaktan tayo at mahihirapan, noon ay walang kwenta ang buhay ko pero mula ng makilala at makasama kita pakiramdam ko'y nagkaroon ako ng halaga, Angel gusto kong masaktan at mahusgahan kasama mo, will you be my everything? Pagkatapos magsalita ni Cray ay hindi ko na napigilan ang mapahagulhol at damahin sila ng mahigpit na yakap.

"A-Akala ko a-ayaw niyo na s-sa a…kin!" humihikbing sagot ko habang yakap sila.

 Lahat ng sakit na naramdaman ko mula kaninang umaga ay parang isang bula na bigla nalang pumutok at nawala.

"Hinding hindi ka namin iiwan Angel, Ikaw, si cray at ako, tayo lang ang mahalaga." Mas humigpit ang yakap nila sa akin ng sabihin ni Carson ang mga salitang nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Yung pakiramdam n kompleto ka na at wala ng hihilingin pa.

"So anong sagot mo Angel?" ask Cray with his hyper tone

"syempre magpapakasal ako sa inyo!" pagkayari kong sabihin yun ay hinalikan na nila ako habang yakap pa din ng mahigpit.