SBMS - 6

LEO

Nagising na lamang ako kinabukasan sa alarm clock ko and it's already 6:00am in the morning in my bed. Napa-unat ako dahil sa sarap ng pakiramdam ko, hindi ko inaasahan ang nangyarin kahapon. The best day of my life ever.

Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang sakit sa aking pang-upo, nangyari na ito before pero bakit parang mas masakit ngayon? Bakit parang virgin pa ako? I thought he fucked Me and got my virginity already, but why did I feel pain in my fucking ass? Shit!

Napatampal ako sa ulo ko ng maalala kong he never used condom kaya ako nagkakaganito. Aaminin ko I hate having sex kapag may condom ang partner ko. Diko alam pero diko kasi feel, gusto ko skin to skin. Gusto ko bare skin at walang halong plastic. Lalo na kapag alam kong safe din, I always ask someone na nakaka-sex ko to not wear condom.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang boses ni Mama sa pintuan, ayaw ko pa sana bumangon dahil sa sakit ng katawan ko but I have to. May program sa school namin ngayon and I heard, may mga importanteng tao raw kaming bisita today kaya dapat walang absent sa buong klase.

"Leo! Wala ka ba balak pumasok?" Malakas na sigaw ni Mama sa labas, "kapag hindi kapa bumangon diyan, kakaladkarin kita patungong banyo, bata ka!"

"Nakabangon na 'Ma, papasok na po sa banyo." Sigaw ko pabalik sa kanya subalit nakahiga parin ako.

"Umayos ka Leo! Alam kong nakadatay ka pa rin diyan sa kama," napabuntong hininga na lamang ako. Kilalang-kilala nga ako ni Mama.

Kaya agaran na akong naligo, pagkatapos ay lumabas na para mag-agahan. Pagkalabas ko mg pintuan nagtaka ako when I see something new. May nakita akong mga bagong bulaklak at mga gamit na nakakapanibago.

Pagkababa ko sa kusina, medyo na-susurpresa ako kasi parang blooming so Mudra ngayon. She looks so happy and fresh. Kaya nung lumapit na ako, nakita ko siyang nakangiti habang may hawak na bouquet of flower.

"Someone is getting court," agaw ko ng attention niya na ikinalingon niya sa akin. "Who's this guy, Mom?"

I am so happy seeing my Mom smiling like this. Nakita ko lang ang ganitong ngiti niya nung buhay pa si Papa. Lumapit ako sa kanya at yumakap saka nag-goodmorning sa kanya.

"You will know him, soon Son." Masayang sabi ni Mama bago ako inayang kumain bago pumasok.

"I am happy for you Mom," masayang sabi ko kay Mama habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Napatigil naman siya sa pagsubo at nakangiting tumingin sa akin.

"Thank you, Son," nakangiting sabi niya saka kumain ulit, "you will meet him soon at alam kong magugustuhan mo siya dahil sobrang bait niya." Dagdag pa ni Mama.

Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Mama. Hindi na ako tututol kung ganito ang makikita kong nangyayari kay Mama. Seeing her smiling and happy makes me happy even more. I love my Mama so much. I should thank this guy for making my Mom happy. I am excited to meet him too. Gusto ko na rin magkaroon ng Papa at taong tatayo bilang ama at kapatid ko.

"Alis na ako 'ma!" Paalam ko kay Mama nung pumasok siya sa banyo. Mahuhuli na kasi ako kapag hindi pa ako aalis.

"Sige! Ingat anak!" Sigaw niya pabalik at hindi na ako nag-atubili pa at tumakbo na ng mabilis palabas dahil late na ako.

Papalabas pa lang ako ng maliit naming gate nang may biglang humintong itim na Subaro sa harapan ng gate namin. De-deadmahin ko na sana ito pero nagulat ako ng ibaba nito ang kanyang window. He looks so fine as afft and hot sa suot niyang white longsleeve polo, nakita ko naman si Sam na nasa passenger seat.

"Hop in," anyaya niya, "sumabay kana sa amin ng kaibigan mo, sa school din ang punta ko." Kataga ni Isaac bago ako tinawag ng baklang kanal kong kaibigan.

"Bakla, pumasok kana dito bago pa kita kaladkarin, late na tayo!" Sigaw nito kaya napabalik ako sa huwisyo sa pagcheck kay Papa Isaac. "Nakatulala ka pa, tatanggalan kita ng Mata bakla ka e."

Natawa na lamang ako sa sinabi ni Sam. I wonder bakit magkasama sila ni Isaac? Gusto ko sana magtanong pero ipinagsawalang bahala ko na lamang.

Nang makapasok na ako ay agad naman pinaandar na ni Isaac ang kotse at binalingan naman ako ng kaibigan kong maingay.

"Ikaw Leo huh! Dami mong utang na kwento sa akin, " paunang sabi nito na ikinataka ko.

"Anong kwento?" Nagtatakang tanog ko pero inirapan ako ng gaga.

"Marami bakla, I saw you with Daniel kahapon at nakita ka rin ni Isaac at Xavier." Namula ako sa sinabi niya saka napalingon kay Isaac na nakangisi. Tang ina naman!

Hindi na ako umimik dahil parang gusto ko ng bumaba sa hiya lalo na't hindi nawawala ang ngisi sa labi ni Isaac. Kagigil, ang gwapo pa naman niya.

"We just met sa store kahapon nung nag-grocery kami ni Mama," depensa kong sabi, "walang ibang meaning 'yun."

"Bakit parang defensive ka masyado beshy?"

"Baliw, I am just explaining my side para di kung saan-saan napupunta yang marumi mong utak,"

"Oh, Did I say something to make you triggered?" Kunwaring nagulat pa nito saka lumingon sa akin. Siya yung kaibigan ko na parang gusto kong buhusan ng muriatic acid sa mukha dahil sa gigil ko. Ang hilig kasi nyan manlaglag sa totoo lang.

"Nothing," nakangiti kong sabi saka tumingin na lang sa phone ko at naglaro ng wordpress.

Maliban sa paglalaro ng Mobile Legend, wordpress naman nilalaro ko pari rubics cube. Ewan ko, kapag wala ako magawa gusto ko may malaro ako. I like playing something thrill, kasi hilig ko manuod ng horror movies and fantasy. Lalo na yung may mga killing at bloody talaga. I really like watching it kahit nakakapanghina ng mga buto-buto.

Pagkarating namin ng school ay marami ng mga studyante ang nagsisipasukan sa gate. Nakita namin si Riyo na kasama si Raven, ewan ko ba sa baklitang ito, palaging kasama itong captain ball ng basketball. Kung alam ko lang piniperahan lang siya ng lalaking 'yan. Por que alam niyang patay na patay sa kanya ang kaibigan namin tinitake for granted niya.

Bakit ko nasabi? Dahil minsan halos lahat ng project ni Raven, siya gumagawa. Nagpapaload, nagpapabili ng pabango, take note. Hindi basta-basta ang halaga ng pabangong hinihingi niya, yung mga pabango na nasa 1,500 ang medium niya at nasa 2000 ang large niya. Makikita nyo yun sa SM MOA, ino-offer ng mga sales lady yun minsan. Ganoon mga pinapabili niya, nakalimutan ko lang ang brand nun.

Tapos minsan narin siyang nanghingi ng pera sa kaibigan namin, ito naman bakla, di namin masabihan kasi laging sinasabing, pera lang 'yan bakla, kikitain ko pa. See? Ganyan ka bobita kaibigan namin.

Agad na kaming bumaba ni Sam pagkarating namin ng English Park. Opo, sa school po namin, uso parin po ang mga Park sa bawat subject po, opo, tama po kayo ng basa. Kahit kto12 na uso parin po.

Maraming mga studyante ang napatingin ng bumaba si Isaac. Halos lahat sila ay nakatingin sa kanya, ang iba ay sa amin at nagtataka bakit namin ito kasama. Sino ba naman kasi ang hindi kung katulad ni Isaac na International model, hot, gwapo at matangkad ang hindi mapapalingon sa kanya at magtataka bakit namin kasama sa kotse at kilala, di ba?

Agad na itong nagpaalam ng lapitan siya ng isa sa mga guro namin, mabilis naman kaming nakita ni Riyo kasama si Raven at ang mga kaibigan nitong basketball player din.

"Bakla, hindi niyo sinabi sa akin na susunduin kayo ni Papa Isaac?"

Nagkatinginan kami ni Sam sa sinabi niya saka ngumiti ng hilaw saka siya sabay namin sinabunutan.

"Aray! Aray! Bitaw sa buhok ko mga hampaslupa kayo!" Maktol nito sa amin na ikinatawa ng mga kasamahan ni Raven pati siya.

"Paano namin sasabihin saiyo bakla e nauna kana dito para diyan sa boyfriend mo," sumbat ni Sam dito saka kinuha ang cellphone at pinakita ito sa kanya ng malapitan na halos idikit na nito sa mukha niya. "Ayan kita mo? Nagmissed call ako saiyo ng limang beses pero dimo sinagot,"

Napakamot naman ito ng batok at parang batang nag-peace sign sa amin. "Wag mo masyado ilapif bakla, diko makita." Reklamo nito, "tsaka Sorry, naka-silent kasi phone ko."

"Kitams!" Agad kong sabi, "sarap mong batukan at hampasin ng Nota na may haba ng 8.9 inches bakla ka."

Napatahimik lahat ng nasa tabi namin pati sa paligid dahil sa sinabi ko. Ang lakas pa naman ng pagkakasabi ko nun. Nagtataka rin ako bakit lahat sila nakatingin sa likod ko, samantalang si Riyo at sam ay nanlaki ang mga matang napatakip sa bibig.

Agad akong napalingon at kitang-kita ko ang mukha ni Xavier at Daniel na nagpipigil ng tawa. Mabilis na pumula ang mukha ko sa sobrang hiya. Mayamaya lamang ay narinig ko na ang malakas na tawa ni Xavier samantalang si Daniel ay nakangiti lamang na napailing saka sila naglakad patungong faculty room, subalit bago pa ito makapasok ay lumingon pa sa akin saka ngumiti.

"WAAAAHHHH!!" Sabay na sigaw ni Sam at Riyo na ikinatakip ko ng tenga ko dahil ang sakit. Sinabunutan ako ni Riyo samantalang si Sam naman ay hila-hila manggas ng damit ko.

"Bakla! Ang haba talaga ng buhok mo, Riyo, may gunting ka diyan?"

"Oo besh, sandali kunin ko sa bag para maputulan natin buhok ng kaibigan natin, ang haba na e." Sang-ayon naman nito sa kalokohan ni Sam.

Natigil lamang ang dalawa ng biglang umeksena si Thomas, kasamahan ni Raven sa basketball na matagal ng may gusto sa akin pero diko bet. I hate handsome men, lalo na kung katulad nilang sikat sa buong school. Bukod sa ayaw ko ng attention, ayoko sa gwapo dahil marami akong kaagaw at baka paglaruan lang ako. Hello, advance lang ako mag-isip. Walang straight na lalaki na magmamahal ng bakla ng matagal at totoo, kaya hindi ako umaasa at naniniwala rito kahit halos isang taon na akong nililigawan.

Manhid na kung manhid pero ayaw ko. Mahirap na, lalo pa at nakita ko siya nung grade 8 pa lang kami na nambugbog sila ng mga bakla. Doon na ako hindi talaga maka-move on, baka mamaya pinagpustahan lang pala nila akong magkakaibigan, baka makapatay ako ng lalaki ng wala sa oras.

Like duh?! Sa ganda kong 'to. Hindi ako papayag no.

"Leo, can we talk?" Ramdam na ramdam ang lungkot sa boses nito nang lumapit sa amin. Nagkatinginan naman si Sam at Riyo saka unti-unting umalis.

"Una na kami, Leo." Akmang sasabay ako sa kanila dahil ayoko makausap ang mokong na ito pero hinawakan ako sa kamay.

"Please,"

Hindi na ako umimik ng sabihin niya iyon at hinayaan ko na lamang na hilahin niya ako kung saan niya gusto akong dalhin.

Pagkarating namin sa English Park, kung saan maraming mga bulaklak, pumitas siya ng isang gumamel at binigay sa akin at ngumiti, kahit nakangiti siya, kita ko parin ang lungkot sa mukha niya.

"Ano ba pag-uusapan natin?" Walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya.

Hindi siya nagsalita, sa halip dinala niya ako sa isang upuan at inupo roon at niyakap ako mula sa likuran. "Tom?"

"Hmm?" Sagot niya saka ako niyakap ng mahigpit at inamoy ang buhok ko.

"Ano ba pag-uusapan natin?"

"Wala, gusto lang kita makasama at ma-solo," sabi nito sa maliit na boses. Lalaking-lalaki at ang lalim. Hindi ko alam, gusto ko rin naman siya pero mas pinangungunahan ako ng takot at ngamba. Hindi ko kasi talaga nakikitaan ng bahid ng kahit kunting berde si Thomas. Tulad ni Raven ay lalaking-lalaki ito at maraming babae ang nagkakandarapa sa kanila mapansin lang nila. Pero hindi ko alam kung anong problema ng tiyanak na ito at ako ang binabagabag? Parang tanga. Alam kong maganda ako per hello?! Hindi ako babae para ituring na ganito, I mean, gusto ko rin naman pero hindi sa tulad niyang lalaking-lalaki at mas straight pa sa flag pole.

"Thomas, may papasukan pa tayong klase, kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na." Sabi ko saka ko tinanggal ang pagkakayakap niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Mayamaya lamang ay nabigla na lamang ako ng naririnig ko na itong sumisinghot at nababasa na ang likuran ng damit ko.

"Tom, umiiyak kaba?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko sa halip mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Ano ba ang dahilan bakit hindi mo ako magawang mahalin, Leo?" Unang kataga niya na ikinatahimik ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin lalo na nung makompirma kong umiiyak talaga siya, "may mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? Ano ba ang dapat kong gawin para mapatunayan ko sa iyong seryoso ako?"

"Tom," hindi ko alam ang sasabihin ko. Marami akong gustong ipaalam sa kanya pero diko magawang magsalita dahil sa takot ko.

"Ok lang Leo, alam kong hanggang ngayon hindi ka parin kumbinsido sa nararamdaman at pagmamahal ko saiyo. Alam kong hanggang ngayon natatakot ka parin dahil straight ako sa paningin mo, pero Leo, mahal kita at hindi ko alam bakit kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan na mahalin ka at ikaw parin ang itinitibok nitong putang inang puso ko."

Wala akong nasabi, napatanga lang ako at humarap sa kanya saka hinawakan ang pisngi niya.

"Thomas," bulong ko saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi, "walang kulang saiyo, walang mali saiyo, gwapo ka, matalino, matangkad at mabait, kung tutuosin na saiyo na ang lahat e,"

"Pero bakit di mo ako magawang mahalin at paniwalaaan?"

"Dahil straight ka at hindi ako naniniwalang mahal mo ako,"

"PUTANG INA NAMAN!" Napaigtad ako ng bigla niyang suntukin ang poste ng English park. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo sa kamay niya. "Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka ng mahal kita at seryoso ako?"

"Tom,"

"Tell me, Leo, please."

"Tom," hindi ko na alam at kusa ng lumuha ang aking mga mata, "mahal naman kita e—pero natatakot ako." Sabi ko saka suminghot, "natatakot ako sa posibleng mangyari."

Pag-amin ko pero hinawakan ako ni Thomas sa magkabilang balikat at ngumiti ng malawak habang may luha paring pumapatak sa kanyang mga mata.

"Wag kang matakot Leo, sasamahan kita sa laban." Nakangiti nitong sabi saka ako niyakap ng mahigpit. "Ok na sa aking malaman na mahal mo rin ako at may nararamdaman ka sa akin, at least may mapanghahawakan ako at ipaglalaban kita sa kahit na sinong balak manligaw saiyo."

Hindi ako nakaimik ulit sa sinabi niya, basta namalayan ko na lamang na dumikit na ang labi niya sa labi ko.

Sana tama 'tong desisyon ko.

To be Continued...