LEO
Ilang araw ang lumipas, pinatunayan talaga ni Thomas sa akin na gusto niya ako. Araw-araw lagi siyang nagtetext sa akin tapos gabi-gabi bago matulog, kinukulit ako nitong makipagvideocall hanggang sa makatulog na kami parehas na naka on ang videocall at data sa messenger.
"Leo!" Malakas na sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko sabay katok ng malakas na akala mo may sunog. Kaya nagkunwari akong natataranta at bumangon na Boxer lang ang suot.
"Bakit ma? Saan ang sunog? May magnanakaw ba? End of the world na ba? May mga Alliens? Saan? Ano ma? Sumagot ka?" Sunod-sunod na tanong ko kay mama pagkabukas ko ng pinto, yung akmang kakatukin pa niya ang pintuan ko pero binuksan ko na ito. Kaya ang kamay niya naiwan sa ere.
Nakita ko ang mukha nito na parang matatae na sa pagpipigil ng tawa mayamaya lamang ay naramdaman ko na lamang ang hawak nitong sandok na tumama sa noo.
"Ayan, kaka Wattpad mo yan," nagtaka ako sa sinabi ni Mama. Anong kinalaman ng wattpad sa sinabi ko? "Dahil sa wattpad kung anu-ano na pumapasok diyan sa kukute mo," nag-loloading parin ako sa pinagsasabi ni Mama.
Pero napabalik na lamang kami sa ulirat at napalingon sa lalaking malakas na natawa sa ibaba. Doon ko napagtanto na nakakahiya pala ang hitsura ko nang makita ko si Thomas at Riyo na hawak-hawak ang tiyan sa baba habang tumatawang nakatingin sa amin.
Nakita ko na lamang si Mama na napailing sabay napatawa, "magbihis kana, kanina pa sila nandito at hinihintay ka, mahal na prinsesa,"
"Prinsepi 'ma," pagtatama ko rito.
"Whatever," pagtataray nito sabay wagayway sa sandok at iniwan ako sa bungad ng pintuan.
"BAKLAAAA!! Katapusan na ng mundo, tutunganga kana lang diya?!" Malakas na sigaw ni Riyo na akala mo nasa kabilang brgy ang kausap. "Wala ka balak maligo? O baka gusto mo si Thomas pa magpapaligo saiyo?"
"Fuck you ten times," sigaw ko pabalik saka sinarado ang pinto.
"Fuck you bente sais otsentay trese!" Huh? Ano raw? Napailing na lang akong natatawang pumasok sa banyo habang rinig na rinig ko parin ang malakas ng tawa ni Thomas. Akala mo bahay nila ni Riyo tong bahay ko.
Nagtataka kayo siguro bakit parang komportable na si Thomas, kasi mula nung mag-usap kami sa English Park, lagi na niya ako sinusundo at pumupunta ng bahay. Minsan maraming pagkain na dala, tapos sinusulsulan pa si Mommy. Itong uto-uto kong mommy naman, nagpauto rin sa tukmol na ito. Akala mo naman gwapo like duh?! Sarap lang kaya niya, yung luluhod kana lang tlaga sa harap niya para samabahin siya kahit di niya sabahin like, oh my God! He is so fucking ho—wait erase, ano ba tong pinagsasabi ko? I mean, yeah. Hot siya at gwapo, pero.
"Fuck! Makaligo na nga."
Lumipas ang ilang minuto ay natapos narin ako, kunting check lang sa sarili sa salamin since late na ako, hindi ko na masyado inayos hitsura ko dahil alam kong marami na naman sasabihin ang baklang kanal kong kaibigan. I checked myself again for the last time at nagspray ng perfume, after that, lumabas narin ako.
"Finally! Natapos narin ang prinsesa," agad na bungad ni Riyo sa akin habang nakataas pa ang kilay, "ganyan na hitsura mo? Para kang ni-rape ng sampong (10) lalaki?"
Napatingin naman ako sa sarili ko at nagtaka, ok naman suot ko ah?
"Pangit ba?"
"Oo kasing pangit mo shuta ka," gigil na sabi nito saka naglakad palabas, "magdali ka na bakla, late na tayo." Mataray niyang sabi bago lumabas.
Napatingin na lamang ako kay Thomas na nakangiti habang nakatingin sa akin, "Goodmorning Babe,"
"Goodmorning!" Nakangiti kong sabi sa kanya saka siya hinalikan.
"Wala kayo balak pumasok? Late na tayo! My God naman!" Eksaherada nitong sabi.
"Ang taray mo ngayon bakla, di ka ba nadiligan?" Pang uuyam ko rito pero nagtaas lang siya ng middle finger niya bago umalis ulit at pumasok sa kotse.
Napailing na lamang kami ni Thomas at natawa sa inakto ni Riyo.
"Ma, aalis na kami," paalam ko kay Mama bago kami humakbang patungong pintuan. Subalit di pa kami nakakalabas ng manlaki mga mata ko sa sinabi ni Mama.
"Always use condom Thomas, ayoko pa mabuntis bunso ko,"
"Ma!" Sigaw ko rito na namumula ang mukha, kitang-kita ko ang mukha ni Mama na nagpipigil ng tawa. Mayamay lamang ay nakahawak na ito sa tiyan niya kakatawa at nakisabay pa ang tukmol kaya tinalikuran ko sila at naglakad na ako palabas ng bahay. Kagigil si Mama, nakkahiya.
"I love you, Son." Rinig ko pang sigaw nito bago ako pumasok ng kotse kasunod si Thomas.
"Akala ko magse-sex pa kayo," bungad sa akin ni Riyo. Kanina ko pa napapansin ang baklang to. May problema ba to?
Magtatanong na sana ako sa kanya ng mapatigil ako sa sinabi ni Thomas, "I am willing to do so, having sex with him right now, pero male-late na tayo."
"Fuck you Thomas!" Gigil kong sabi sa kanya na ikinatawa lang niya ng malakas na sinabayan pa ni Riyo. Bwesit talaga mga to. Ito namang bakla, ang daming drama kanina tapos ngayon kung makatawa akala mo walang bukas. Kagigil!
Pagkarating namin ay agad na kaming pumasok sa klase dahil late na kami, its already 7:58 am in the morning at 8:00 am start ng klase namin.
Papasok pa lang ako sa klase ng magtaka ako dahil sa hitsura ng mga kaklase ko habang nakatingin sa likuran ko. Unti-unti kong nilingan ang taong kanilang tinitignan, halos malaglag ang panga ko at manlaway sa nakita ko. Isa si Sir Aladin sa pinaka-hot at gwapo rito sa campus namin na guro. Biology ang subject nito, yes, biology ang first subject namin every TTH at hindi ko alam na siya ang papasok sa amin ngayon.
"Pumasok na kana, Leo," yun lang ang sinabi niya pero parang lalabasan na ako. Ang bango niya, lalaking-lalaki ang boses at para talaga siyang God na kahit sino sasambahin siya kaya Hindi ako nakakilos at para akong tanga na nakatulala lamang.
Hindi ko ini-expect na makakausap ko siya, siya kasi ang tipo ng guro na seryoso pero matalino. Misteryoso at tahimik. Kaya lahat kami ay kinakabahan kapag magsasalita na ito at kinausap ka. Ang sarap pakinggan ng boses nito.
Agad na akong pumasok ng magsimula na itong magturo, nagtataka pa ako dahil kahit seryoso na ang usapan at pagle-lecture ni Sir Aladin sa unahan ay may nag-uusap parin sa likuran ko. Agad nilang nakuha ang atensyon ko ng may mabanggit silang pangalan ng otor sa Wattpad at Dreame na labis kong hinahangaan at sinusubaybayan.
"Bakla, nakita kong nagpost nasa Twitter si Daddy KritikoApollo about dun sa 12 inchess socitey," masayang sambit nito at ramdam na ramdam ang pagka-excite nito.
"Naka-avail kana ba?" Nagtataka ako kung bakit may naka-avail na sabi nito. Gusto ko sana makisali kasi isa siya mga paborito kong otor lalo na ang Story niyang SABIK dahil sa kapana-panabik nitong mga eksena. Katunayan dalawang araw na walang tulugan ko lang binasa at Taksil na labis kong ikinabwesit pati ang Sabik.
"Nakapag-avail na ako, send ko saiyo ang e-book version nito mamaya." Bulong nitong sabi.
Gusto ko rin sana manghingi ng ebook version nito kasu naisip ko na bumili na lamang para makatulong narin sa idol ko. Magsusulat na sana ako sa aking notebook ng biglang may kumalabit sa akin. Agad naman akong napalingon dito na ikinakunot ng noo ko.
"Ian, kilala mo si Daniel diba?" Nagtataka man pero tumango lang ako.
"Nakita ko siya kanina kasama ang Mommy mo, pati si Axel Barber, yung international Model," parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Magtatanong pa sana ako rito nang marinig namin ang boses ni Sir Aladin.
"Kayong dalawa diyan sa likod, anong topic niyo? Would you mind to share it to our class? Baka interesting yan." Agad kaming napa-upo ng ayos nang marinig namin ito.
"Sorry Sir," tugon ko patu si Jackie. Maganda babae ito kung babae lang pero maganda lalaki rin naman. Basta gwapot maganda siya.
Natapos ang unang klase, pangalawa at pangatlo na walang pumasok sa isipan ko dahil sa excited kong mabasa at makita ang mga special chapter sa story na pinag-uusapan nila. Pero mas bumagabag sa akin ang sinabi ni Jackie about kay Mama at Daniel. Siya kaya ang dahilan ng pagiging blooming at masayahin ni Mama?
Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko si Riyo na tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Bakla ka, saan ka?"
"Sa earth, bakita ba?" Irita kong sabi kasi distorbo.
"Nasa Gym kami bakla, punta ka rito at alam kong mabibigla ka sa makikita mo, bilisan mo." Natatarantang sabi ni Riyo.
"Bakit? Anong merun?"
"Pumunta kana rito, wag na maraming tanong baklang two! Nadedepress pagkababae ko saiyo,"
"O sige pupunta na ako r—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binabaan ako ng baklang burikat na iyon. Kagigil!
Kaya dahil sa sinabi ni Riyo ay agad na akong lumabas ng classroom at nagtungo sa Gym Subalit nang malapit na ako sa Gym ay may biglang humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Amoy pa lang nitong lalaki na ito ay alam ko na. Anong ginagawa niya rito sa Campus namin at paano siya nakapasok? Fuck! Sa magazine ko lang nakikita ito at sa Mga posters ko sa loob ng kwarto. Isa siya sa pinaka-crush kong model ng hindi ko pa nakikila si Xavier, Daniel at Isaac. Ngayon silang apat na ang gustong-gusto ko.
Dinala ako nito sa banyo dito sa likuran ng Gymanasium. Hindi ko alam pero hindi ako pumalag ng maamoy ko ang amoy nito, nakakarelax. Agad ako nitong tinulak sa dingding ng banyo malapit sa cubicle na hindi parin tinatanggal ang kamay sa bibig ko. Nakatitig lang ito ng mariin sa akin saka ngumiti.
"Alam kong kilala mo si Daniel," panimulang sabi nito. Para akong nanghina ng marinig ko ang boses nito. Lalaking-lalaki at ang lalim, sobrang ganda rin ng brown eyes nito. Ang bango rin ng hininga niya. Amoy na amoy ko dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. "Nakita kita sa video niya sa lapatop at curios ako kung anong lasa nitong labing merun ka," kinabahan ako sa huling sinabi nito.
Nakangisi kasi ito ng mala-demonyo, hindi ko halos alam kung anong sasabihin ko. Ang gwapo talaga niya. Nanlaki rin ang mga mata ko sa sinabi niya kaya nagpumilit akong makawala. Mayamaya lamang ay malakas itong tumawa na akala mo katapusan na ng mundo. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
Akala ko kasi hahalikan ako nito ng unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Pero hindi pala, pinagtawanan pa ako ng gago. Kaya akmang aalis na ako dahil sa hiya ng hawakan ako nito sa braso.
"I am sorry, hindi ko lang mapigilan," nakangiti parin nitong sabi, "Ang cute mo kasi."
"Bakit kaba nanghihila?" Mataray kong sabi rito at tinignan ito ng masama dahil sa inis ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pero kasi e. Akala ko hahalikan na basta naiinis ako. Napataas naman ito ng kamay na parang sinasabing easy, suko na ako.
"Nandito ako para surpresahin mga kaibigan ko, by the way, I am Axel Barber, you are?" Sabi nito sabay abot ng kamay. Tinignan ko lang ito saka inirapan at hinawakan ang siradura ng pintuan.
"Leo Ian," yun lang ang sinabi ko saka lumabas ng banyo. Dahil sa inis ko, hindi ko namamalayan na may nabangga na pala akong tao at nahulog pa ang phone nito hawak.
"Fuck!" Mura nitong sabi saka pinulot ang phone niya na pinulot ko rin. Kaya ang nangyari ay parang nasa teleserye kami na slow motion na tumatayo habang sabay nakahawak sa phone. Grabe ang gwapo niya, sobrang hot ng katawan nito. Napabalik lang kami sa ulirat ng magsalita si Axel sa likuran namin.
"Michael, andiyan kana pala," agad naman itong napalingon doon pati ako ng magsalita ito, halos tumulo ang laway ko ng makita ko itong puting polo na nakabukas ang dalawang buttones na lamang ang suot nito at itim na slacks.
"Kanina pa kita hinahanap kumag ka, nandito ka lang pala," sabi naman nito at binigay ang isang brown envelope.
"Ito na ba lahat iyon? Nakita mo na ba si Carlo?" Huling tanong nito bago sila napalingon sa akin.
"Oo, kasama si Miguel at Jeremy. Nasa Gymnasium sila."
Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan nila dahil mukhang importante iyon at wala rin ako mapapala roon kaya agad na akong umalis para tunguhin ang stage dahil sa sobrang ingay roon. Pero papasok pa lang ako pintuan ng may humawak na naman ng kamay ko.
Potang ina naman ng araw na ito! Lahat na lang sila nakahawak sa akin.
Magagalit na sana ako dahil sa badtrip ako pero napatanga ako ng mapaharap ako sa lalaking nakahawak ng kamay ko ngayon habang napapakamot sa ulo. Kamukhang kamukha niya si Chris evans, mga mata nito ay gayang-gaya sa kanya at ang perfect na hugis ng lips nito.
"Uhm, May I ask kung saan dito ang Senior Department?" Nahihiyang banggit nito na mas lalong nagpa-hot sa kanya. Hindi ko parin na-iaalis ang titig ko sa kanya. Literal talaga na stunned ako sa karisma niya.
Napabalik lang ako sa huwisyo ng tumikhim ito at tinapik ako sa balikat. "Hey, ok ka lang?"
Parang hindi ako okay, ang bilis ng tibok ng puso ko at umiinit buong katawan ko sa mga ngiti niya. Fuck!
"Uhm yeah, I-I'm fine," nauutal kong sabi na mas ikinalapad ng ngiti niya. Tang ina wag mo ko ngitian ng ganyan, baka hubaran kita dito mismo. "Ano po pala maitutulong ko?"
"Hindi ko kasi alam saan dito yung sa Senior Department, hindi ko matawagan si Axel kasi hindi sumasagot," paliwanag nito sabay lagay sa dalawang kamay nito sa kanyang khaki pants.
Nakasuot siya ng white polo na long sleeve at visible na visible ang ganda ng katawan nito. Parang useless lang din ang damit niya dahil kitang-kita parin ang hugis ng mga muscles nito sa katawan. I think he knew I am checking on him kasi napakamot na naman siya ng batok at ngumisi sa akin.
"Sorry," sabi nito sabay talikod, "I shouldn't be asking you. Thank you!" Dagdag pa nito bago naglakad palayo. Pero hindi pa siya nakakahakbang ng ilang beses ay pinigilan ko.
"Wait," sabi ko na ikinatigil naman niya. "Diretso lang po kayo diyan, tapos nasa Likuran po nitong Canteen ang Senior Department. Malapit po sa Faculty Room," mahabang paliwanag ko rito.
"Salamat," sabi niya saka ngumiti ulit at kinuha ang phone.
"By the way sir, May I ask your name?" Agad kong sabi rito kahit kinakabahan ako. I want to know more about him. Pero magsasalita pa lang sana ito ng biglang may tumawag sa kanya na ikinalingon namin pareho.
"Dad!" Tawag nito at saka lumapit agad. I think I knew this guy. Kamukhang-kamukha rin siya ng Tatay niya.
"Sorry, Son, nakalimutan ko kung saan ang Department niyo," nakangiting sabi nito saka ibinalik sa bulsa ang cellphone saka lumingon sa akin at ngumiti. "I am Paulo and this is my son, Carlo." He introduce me his son and his name.
Ang gu-gwapo ng lahi nila. Napansin ko lang na kahawig nitong si Paulo yung Axel na humila sa akin sa Cr kanina.
"Hi, Nice to meet you," Carlo said and extended his hand.
"Nice to meet you Carlo," nakangiti kong sabi habang hawak din kamay nito. "I am Leo Ian," pagkasabi ko nun ay mukhang ayaw pa niya bitawan kamay ko, naramdaman ko pa itong pinisil niya.
Napabitaw lang kami nang magsalita si Paulo, "I think we need to go kasi may meeting pa ako after dito, Carlo." Sabi nito saka inakbayan ang anak, "By the way, thank you Ulit Leo," nakangiti ulit niyang sabi na nakakapanghina sa akin. Kaya napatingin ulit ako kay Carlo na umiiling iling. Yung tingin na parang nagtatanong ng what?
But he just smiled and left with his father. Napailing narin ako at napangiti subalit bago pa ako makahakbang ay narinig ko pa itong nagsalita.
"See you around, Leo," ngumiti lang ako saka pumasok ng gym.
Pagkapasok ko ay nagtataka ako bakit nagkakagulo at ang daming studyante, bakit parang nakakita sila ng artista. Agad kong hinanap sa bleachers ang mga pokpok kong kaibigan pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko saan nakahawak ang mga kamay nila.
Alam niyo kung saan? Nakahawak ito sa loob ng pants ng katabi nilang mga lalaki na parang walang tao sa tabi nila hanang nagsisigaw. Shuta mga bes! Walang pinapalagpas ang mga bakla!
Agad akong lumapit sa kanila na hindi tumitingin sa stage kung saan ito ang pinagkakaguluhan nila. Agad naman akong nakita ni Riyo kaya mabilis ako nitong sinabunutan bago pinaupo sa tabi niya.
"San ka ba galing bakla ka? Nakipag-kantutan ka pa kay Daniel?" Walang prenong bibig nito.
"Tangna ka, itigil mo yang bibig mo kundi pasakan ko yan ng 10 inches na dildo na kasing laki ng braso ni Xavier, shuta ka!" Gigil kong sabi rito na ikinatawa ng mga lalaking katabi nila pati si Sam. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala sila maingay dahil lahat sila natahimik at parang gulat na gulat sa nakita sa stage. Kaya agad akong napabaling dito, halos malaglag ang panga ko sa nakita ko, Daniel kissing a guy infront of us. Infront of hundreds students here at gymnasium.
"Tito Nestor?"
Agad ako napalingon sa taong nagsalita na tinawag na Tito ang lalaking kahalikan ni Daniel sa stage ngayon. I knew this guy. Siya si Miguel, ang pinaka magandang lalaki na parang babae dito sa Campus na ito katulad din ng Kuya niya kasama si Jeremy, Thomas at Chris.
"Ang swerte naman ni Bakla, nahalikan niya si Fafa Dan," bulong ng babaeng nasa katabi namin.
"Agree! Pero ok lang, pareho naman silang hot at pogi." Parang kinikilig nitong sabi. Hindi ko alam pero medyo nakaramdam ako ng kirot pero binalewala ko yun.
Pero mas nagulat ang lahat ng tao at napasinghap sa sunod na nangyari, kitang-kita ang gulat sa mga mata nila nang makitang nakahandusay sa sahig si Nestor na putok ang labi habang takot na takot na nakatingin kay Daniel na parang nalilisik ang mga mata.
"Dont you dare lay your dirty finger in my Skin, Nestor," sabi nito saka umalis sa stage. Hindi na ako nagsalita at napailing na lamang sa nasaksihan. Dahil after nang nangyari ay lumabas na kami ng mga kaibigan ko at naghanap ng makakain subalit papasok pa lang kami ng canteen ng may humawak na naman ng kamay ko.
Tang ina naman!
"Bakit ba hilig niyong hawakan ang kama—," hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang taong nakahawak ng kamay ko na unti-unting nawala ang ngiti kanina dahil sa lakas ng pagkakasabi ko.
Napatingin tuloy ang mga studyante sa amin pati ang mga kaibigan ko ay napahawak sa balikat ko.
"I am sorry," bulong ni Thomas saka ako binitawan, "I am just checking you if you're doing well," dagdag pa nito bago ngumiti at tumalikod. Hindi ko alam kung anong problema nya. Pakiramdam ko may mali, parang may mali talaga.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa nangyari, susundan ko na sana ito pero napatigil ako ng makita kong may biglang humalik sa kanyang magandang babae. Fuck! Nasaktan ako roon. Anong ibig sabihin nito? Kanina lang nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya. What the fuck, Thomas?!
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Riyo na ikinabalik ko ng ulirat ko.
"Yeah, I am fine," bulong ko rito saka ngumiting tumingin sa kanila. Nagtataka ako bakit ako inaabutan nito ng panyo. Mukhang nagets nito kaya nagsalita siya.
"You are crying bakla," naka smirk nitong sabi, "kukunin mo ba o ako pa sasampal sa pagmumukha mo na walang straight na lalaking magmamahal sa mga katulad natin ng seryoso?" Sabi nito na agad naman tinutulan ni Sam.
"Hindi lahat bakla, wag kang bitter" salungat niya rito, "hindi porket pinagpalit karin ni Chris sa may puday ay wala ng lalaking magseseryoso sa atin. Look at me, may straight na lalaki parin ang nagmahal sa akin, yun nga lang Kano lang," dagdag sabi pa nito.
"E kasi bakla, babae kana, hindi ka katulad namin na lalaki parin kumilos at manamit." Mataray nitong sabi saka tinaasan ng kilay si Sam, "Saka walang straight na lalaki rito na magmamahal sa tulad natin dahil takot sila sa mga mapanghusgang mamayang Pilipino na akala mo mga banal na hindi gumagawa ng kalibugan at kasamaan," hinanakit na pahayag nito saka tumingin sa akin pati kay Sam. "Pasalamat ka Foreigner nakuha mo at kaya kang ipagsigawan, unlike us na Full blooded Pilipino,"
"Ang dami mong sinabi bakla, kain na tayo kasi gutom na ako, tang ina ka!" Napailing na lang ako sa bangayan nila saka kami naghanap ng mauupuan.
Nang makakita kami ng bakante ay umupo na kami agad pero di nakaupo si Sam dahil nagsalita si Riyo.
"Since ikaw ang may mahabang buhok at may korona, ikaw umorder bakla! Ang dami mo ng blessing samantalang kami wala, shu, order na dali!"
Hindi na umimik si Sam at tumayo na lamang ito at umorder. Magsasalita na sana ako ng may biglang lumapit sa amin na ikinatahimik namin ni Riyo.
"Can we share a table?" Lalaking-lalaking boses nito. Halos hindi kami makahinga ng makita namin sila. Halos lahat din ng tao sa canteen ay napatigil at napalingon sa amin ng makita nila itong mga God perfect creation na nakatayo sa harapan namin.
Sino ba naman ang hindi kung magsama-sama itong mga ito. Xavier, Isaac at Daniel may kasama pa silang dalawang lalaki na hindi ko kilala.
"Sure," malanding sabi ni Riyo saka tinignan sila isa-isa. Samantalang ako tumahimik lang at umusog ng kunti. Kasya naman ang sampo dito sa table na naupuan namin. Reserve talaga ito sa mga Athlete dito sa Campus. Since Athlete itong si Riyo, pwedi kaming umupo rito.
"Thanks!" Nakangiting sabi ni Isaac, siya kasi yung nagtanong kung pwedi makishare ng table.
Agad naman dumating si Sam na parang tanga na nakanganga habang nakatitig sa amin.
"Am I dreaming?" Parang tangang sabi nito, "Kaharap ko ba ang mga Mga Gods sa Greek mythology?" Napailing na lamang kami rito saka ito nagmadaling umupo sa tabi ko.
"Bat nandito sila?" Bulong nitong tanong sa akin.
"Ask them," mataray kong sagot dito na ikinasangot niya pero mas sumimangot ito ng may biglang magsalita ulit.
"Mind if I share a table too?" Nakangiting tanong nitong Nestor. Walang nagsalita sa amin pero ngumiti lang ito pero mayamaya lang ay nagsalita na si Xavier.
"Sure thing," nakangiting sabi nito. "Suit yourself,"
Narinig kong napa-tsk pa ang dalawa kong kaibigan. What the fuck! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon, parang ang bilis ng lahat.