Chapter 1

[LAUREN'S POV]

"ARAY!" sigaw ko nang mahulog ako sa kama. Napahawak ako sa aking puwet.

Ang sakit no'n ah!

*booooogggssshh!*

"Asan na yung magnanakaw?" Napalingon ako sa sumigaw. Si Yaya pala at nakahanda na ang kanyang walis tambo.

"Wala pong magnanakaw Yaya. Nahulog lang po ako sa kama." sabay peace sign ko kay Yaya.

"Naku Ma'am Lauren, lagi ka na lang nahuhulog sa kama. Kailangan mo talaga ng crib." sabi sa 'kin ni Yaya.

"Oo nga Yaya, kailangan ko na ng crib. Isang giant crib." sabi ko kay Yaya. Malikot kasi ako kapag natutulog.

By the way, ako nga pala si Lauren Dave Manzano. Just call me Lauren but not Dave. Ewan ko nga sa parents ko kung bakit may Dave pa sa pangalan ko na obvious naman ay pangalan ng lalaki. I'm 17 years old and turn to 18 years old next month. I'm a Daddy's Girl simula nung namatay ang Mama ko noong 9 years old pa lang ako. Marami rin kaming negosyo all over the world tulad ng restaurant, mall, grocery, salon, etc. In short, mayaman kami. But if I will describe myself, I'm just a simple girl, a nerd, kamukha ni Betty La Fea pero wala akong braces sa ngipin. Panget, yun ang sabi ng mga schoolmates ko. Mukha raw akong mangkukulam, at lampa. Yung lang muna ang masasabi ko sa inyo. Ang sakit na sa ego ko eh.

Bumangon na ako sa kama at kinuha ko ang malaki kong salamin sa bedside table ko at sinuot ko yun. Pumunta ako sa dining area para mag-breakfast.

Sa kusina ay nakita ko si Dad na nagbabasa sa kanyang laptop.

"Good morning Dad." masayang bati ko kay Dad.

"Good morning din My Nerdy Daughter Dave." bati naman sa 'kin ni Dad.

"Dad naman eh. Wag mo akong tatawaging Dave." nakasimangot kong sabi sa kanya.

Ang sakit kasi eh kahit sanay na ako.

"Just kidding. I'll repeat. Good morning din my Beautiful Daughter Lauren." ulit na bati sa 'kin ni Dad.

"That's better." tugon ko.

"Kumain ka na Lauren." sabi sa 'kin ni Dad.

"Ikaw din Dad." sabi ko naman kay Dad.

Sinara ni Dad ang kanyang laptop.

"Ikaw din Yaya. Sumabay ka sa amin ni Dad na mag-breakfast." sabi ko kay Yaya.

"Ay 'wag na po Ma'am Lauren. Nakakahiya." sabi sa 'kin ni Yaya.

"Don't be shy Manang. Come and join with us." sabi ni Dad kay Yaya.

"Sige po Ma'am at Sir." sabi ni Yaya at umupo siya sa upuan na katabi ni Dad.

"Sandali lang." sabi ni Dad at tumayo siya sa upuan.

Kumuha si Dad ng plato at kubyertos para kay Yaya. Napaka-gentleman talaga ng Daddy ko.

"Naku po, nakakahiya po." nahihiyang sabi ni Yaya kay Dad. Napansin ko namang namumula ang magkabilang pisngi ni Yaya.

"No, I insist." sabi ni Dad kay Yaya.

Ayieeeee! Dumada-moves si Dad. Bagay na bagay talaga sila ni Yaya. Sana ligawan ni Dad si Yaya. Hindi ako tututol sa pagmamahalan nila in the future. 

Nilagyan ni Dad ng pagkain ang plato ni Yaya. Nakakakilig talaga silang dalawa.

"Ahm Lauren?" tawag sa 'kin ni Dad.

"Ano po yun Dad?" tugon ko.

"I have something to tell you." panimula ni Dad. Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Dad.

"Ano po 'yon Dad?"

"You're getting married soon." sagot sa 'kin ni Dad na ikinagulat ko.

As in nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat.

"ANO??? I'M GETTING MARRIED?" hindi makapaniwalang tanong ko.

[TIM'S POV]

Damn! I want to stay here in Australia. Ayokong pumunta sa Pilipinas.

"Pack your things now Tim." utos sa 'kin ni Dad.

"But Dad..." protesta ko.

"No buts son. Mag-sta-stay tayo sa Pilipinas whether you like it or not. At saka three months lang tayo do'n. Ipapakilala ko sa 'yo ang fiancée mo. Understand?" ani Dad.

"Yes Dad." ang naging tugon ko na lang.

By the way, I will introduce myself first. My name is Tim Ramirez. I am twenty-five percent Pinoy, twenty-five percent Australian, twenty-five percent Korean, at twenty-five percent New Zealander (in short, syntax error). I'm 25 years old. My family is one of the 'Top 20' riches family in the world. Pero hindi ako umaasa sa pera ng pamilya ko. Ang gusto ko kasi ay yung pinaghihirapan ko. I am a part-time model. Doon ako kumikita na hindi umaasa sa pamilya ko. Maraming companies ang kumukuha sa akin bilang model. Minsan nag-co-comercial ako ng mga products like chips, cellphones, mga damit, mga sapatos at iba pa. Minsan ume-extra rin ako sa mga teleserye at pelikula. Kahit anong role kaya ko kahit gay role. Graduate na ako sa kursong Business Management.

Inilagay ko sa maleta ang mga importanteng gamit na gagamitin ko. Kung sino man ang magiging asawa ko in the future, sana ang mga katangiang gusto ko sa babae ay nasa kanya na. Nang nakapag-impake na ako ay nagpaalam muna ako kay Dad dahil may pupunhan pa ako at pumayag naman siya. Pumunta ako sa isang agency para sa sideline ko.

Nang nasa isang agency na ako ay sinalubong agad ako ng may-ari ng agency.

"You are Tim Ramirez right?" tanong sa 'kin ng may-ari ng agency.

"Yeah!" tipid kong tugon sa may-ari ng agency.

"Okay be ready for the shoot." sabi sakin ng may-ari ng agency.

Tumango ako sa kanya.

- THREE DAYS LATER -

Nandito na kami ngayon ni Dad sa NAIA Terminal. Hindi ko na napigilan pa si Dad sa binabalak niya. I have no choice but to follow his order.

"Hello Brad." narinig kong sabi ni Dad. "We're on our way to the Philippines." sabi niya sa kausap niya sa phone. Hinihiling ko talaga na sana hindi matuloy ang flight namin papuntang Pilipinas. Sigurado akong boring at walang akong magagawa do'n.

"I'm excited to meet Lauren." sabi ni Dad sa kabilang linya ng cellphone niya.

Lauren. Lauren. Lauren. 

Siya yata ang babaeng ipapakasal sa akin.

"Come on Tim. Let's go." sabi sa 'kin ni Dad.

Tuloy na tuloy talaga ang flight namin papuntang Pilipinas.

[LAUREN'S POV]

("Hay sana pasukan na. Ang boring kasi dito sa bahay.") sabi sa 'kin ng kaibigan kong si Barbie na nasa skype.

"Yeah right." 'yon na lang ang nasabi ko sa kaibigan ko.

("Kailan ko ba makikilala ang fiancé mo?") tanong sa 'kin ni Barbie.

Bakit pa niya pinaalala sa akin 'yon?

"Ewan ko. 'Di ko pa nga kilala ang fiancé ko eh." sagot ko.

At wala akong balak na makilala siya. I'm sure na ang mapapangasawa ko ay ang Boy Version ni Betty La Fea. Eh sa nerd ako eh. Malay mo nerd din ang mapapangasawa ko. Asa pa naman na may magkakagusto sa aking gwapong lalaki.

("Kapag nakilala mo na ang fiancé mo, ako muna ang ipakilala mo sa kanya.") sabi sa 'kin ni Barbie.

Hay naku, ang kulit talaga nito.

"Oo na." 'yon na lang ang nasabi ko kay Barbie. Baka kasi humaba pa ang usapan namin neto.

("Yehey! That's why I love you Bes.") sabi sa 'kin ni Barbie sa skype.

Hay naku, mahal ko pa rin 'tong bestfriend ko kahit makulit.

"I love you too Bes." tugon ko sa sinabi ni Barbie. 

Pagkatapos naming mag-usap ni Barbie sa skype ay nag-log in muna ako sa facebook. Pagka-log in ko sa facebook ay may one friend request ako.

***

Friend Request:

Tim Ramirez

Sydney, Australia

Confirm • Ignore

***

Inaccept ko yung friend request ni Tim Ramirez kahit na hindi ko 'yon kilala. Chineck ko yung profile ni Tim Ramirez. Shet! Ang gwapo niya sa profile picture niya. Hala Lauren, kailan ka ba natutong mag-cuss?

Chineck ko rin ang iba pa niyang pictures. Wow ulam! Ang sexy niya. Hala Lauren, kailan ka ba naging ganyan? Nakakita ka lang ng lalaki sa facebook, pinagpapantasyahan mo na siya. Malay mo poser lang 'yan.

"Ma'am Lauren, pinapatawag ka po ni Sir sa sala." sabi sa 'kin ni Yaya.

"Opo Yaya." sabi ko kay Yaya.

Sinara ko ang laptop ko at pumunta sa sala.

Sa sala ay nakita ko si Dad na may kausap na dalawang lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng dalawang lalaki dahil nakatalikod sila.

"Oh, eto na pala ang anak ko." sabi sa 'kin ni Dad.

Napalingon sa akin ang dalawang lalaki. Oh my god! Yung isang lalaki kilala ko. Siya yung Tim Ramirez na nakita ko sa facebook kani-kanina lang. Pero infairness, mas gwapo siya sa personal. Yung isang lalaki naman ay hindi ko kilala. Pero ka-edad niya si Dad.

Lumapit ako sa kanila.

"Meet my beautiful daughter. Lauren Manzano." pagpapakilala sa 'kin ni Dad sa dalawang lalaki. Buti naman at hindi sinali ni Dad ang Dave sa pagpapakilala niya sa akin sa dalawang lalaki. At ano raw? Ako? Beautiful daughter? Weeeeeh!

"Nice to meet you iha. Tama nga ang Dad mo. Ang ganda mo sa personal. Ako nga pala ang Tito Bill mo." sabi sa 'kin ng lalaki na ka-edad ni Dad. Sus nambola pa.

"Nice to meet you din po." 'yon lang ang tugon ko.

"Wag kang mahihiyang tawagin akong Tito Bill." sabi sa 'kin ng kaibigan ni Dad.

"Opo. Tito Bill." tugon ko at umupo ako sa tabi ni Dad.

"May ipapakilala pala ako sa 'yo anak." sabi sa 'kin ni Dad.

Napatingin ako bigla kay Tim Ramirez.

Napatingin din siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Waaaaaa! Nahiya ako bigla.

"Meet Tim Ramirez." pagpapakilala ni Dad kay Tim Ramirez sa 'kin.

Nakaramdam ako bigla ng kaba sa sinabi ni Dad. Waaaa bakit ako kinakabahan nang ganito?

"You're fiancé." dugtong pa ni Dad.

"You're fiancé."

"You're fiancé."

"You're fiancé."

"You're fiancé."

"You're fiancé."

Tama ba ang pagkakarinig ko? Siya ang fiancé ko? Siya ang mapapangasawa ko? O mali lang ako ng dinig?

"Say hi to your fiancée Tim." sabi ni Tito Bill kay Tim Ramirez.

Tama nga ang dinig ko. Siya nga ang fiancé ko. Pero bakit gano'n? Parang natuwa ako na fiancé ko siya. Oh my god Lauren! Hindi kaya na-love at first sight ka na sa kanya? Waaaaaaaa! Hindddddeeeee! Hindi ako pwedeng ma-inlove sa kanya.

Teka, bakit hindi nga ba pwede?

"Hi Lauren." bati sa 'kin ni Tim.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Pati ba naman ang puso ko sumasabay sa lukso ng damdamin ko.

"Hey Lauren, are you okay?" Natauhan ako bigla nang magtanong sa 'kin si Tito Bill.

"O-okay lang po ako." sagot ko kay Tito Bill.

"Say hi to Tim, anak." sabi sa 'kin ni Dad.

"H-hi." tipid ngunit nauutal kong bati kay Tim.

"Nakahanda na po ang lunch." ani Yaya.

"Sakto, nakahanda na ang lunch. Sabayan niyo kaming mag-lunch." sabi ni Dad kina Tim at Tito Bill.

What? Sasabay siya--este sila samin? Nakakahiya naman. Hoy hindi ako nahihiya kay Tim ha. Nahihiya ako dahil matakaw ako. Malakas akong kumain eh.

Pumunta na kami sa dining area para mag-lunch.

[TIM'S POV]

Nang nasa dining area na kami ay nanibago ako sa mga pagkaing nakahanda sa mesa. Hindi ko alam kung ano ang mga 'yan dahil laking Australia ako at higit sa lahat ay hindi pa ako nakakain ng mga pagkaing Pinoy. Nagtataka kayo kung bakit ako marunong mag-tagalog. I'll explain, marunong akong mag-tagalog dahil nosebleed si Author sa English. Hahaha! Joke lang. Seriously, marunong akong mag-tagalog dahil half-pinay ang Mama ko at dito lumaki sa Pilipinas ang Dad ko. Tumira sila sa Australia nang ikinasal sila. Do'n na rin ako sa Australia ipinanganak at natutong mag-tagalog. Do'n na rin ako nakapagtapos sa pag-aaral at do'n rin namatay ang Mama ko one month ago dahil sa car accident.

"Let's eat." sabi ng kaibigan ni Dad.

Nakita ko naman yung nerd na mapapangasawa ko na kumuha ng kanin at iba't-ibang putahe na hindi ko kilala at inilagay niya 'yon sa plato niya. Woah! Ang dami naman niyan. Mauubos niya ba 'yan? 

Nagsimula na kaming kumain. Tinignan ko naman si Nerdy. Ang lakas niyang kumain. Wala pang 5 minutes ay tapos na siyang kumain. Ako, kalahati pa lang ang nakakain ko.

"Ang bilis mo namang kumain Lauren." sabi ni Dad kay Nerdy.

"Pasensiya ka na sa anak ko. Mahilig kasi 'yan sa pagkain." sabi ni Tito kay Dad.

"Buti hindi siya tumataba." sabi ni Dad kay Tito.

Tumawa naman si Tito. "Sinabi mo pa." sabi ni Tito kay Dad.

Pagkatapos naming mag-lunch ay may pinag-usapan sina Dad at Tito privately. Naiwan kami ni nerd sa sala.

[LAUREN'S POV]

Spell awkward, K-A-M-I N-I T-I-M. Kasi naman hindi kami nag-uusap ni Tim. Hindi man lang kami nag-o-open ng topic.

*kriiinnnnnngggggg!*

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Hay salamat naman at nagkaroon ng ingay. Sinagot ko yung tawag.

"Hello Summer napatawag ka?" tanong ko sa fairygodbestie kong si Summer.

("Napatawag ako dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na nahanap mo na pala ang Prince Charming mo. Sinabi sa akin kanina ni Barbie via Facebook.") inis na sabi sa 'kin ni Summer.

May pagkamadaldal talaga 'tong si Barbie. Isusumbong ko siya kay Kuya Joseph mamaya.

"Anong Prince Charming ka diyan?" sabi ko kay Summer.

Pasensiya na kayo kay Summer. Cinderella fanatic kasi siya kaya ganyan siya.

("Gwapo ba?") tanong sa 'kin ni Summer. 

Oo gwapo siya. Pero hindi ko yun sinabi kay Summer.

"No comment." 'yon na lang ang sinagot ko kay Summer.

Nandyan kasi si Tim.

("Anong no comment ka diyan? Walang no comment na sagot sa choices. Dalawa lang ang choices. Gwapo siya o tulad mo siya.") sabi sa 'kin ni Summer.

Ano daw? Tulad ko siya?

"Grabe ka naman Summer." sabi ko kay Summer. Porket nerd ako ibig sabihin no'n panget ako. Pasalamat siya na fairygodbestie ko siya.

("Pero wag kang mag-alala friend. Mas pangit pa sa 'yo ang kapatid ko.") sabi sa 'kin ni Summer.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Yeah right."

("Oh sige Lauren. I'll hang up na. Maghahanda pa ako para sa date namin ni Javier mamayang gabi.") sabi sa 'kin ni Summer.

"Okay Summer. Enjoy kayo sa date niyo. See you on school." sabi ko sa kanya.

("Thanks Lauren. See you soon.") - Summer

Pagkatapos naming mag-usap ni Summer ay napatingin ako kay Tim.

O____O  

Bakit siya nakatingin sa akin?

"Ang ganda mo pala." sabi niya sa 'kin.