Chapter 2

[LAUREN'S POV]

"Ang ganda mo pala." sabi niya sa 'kin.

***

Processing...

1%

2%

4%

8%

16%

32%

64%

100%

Loading Complete

***

Anong sinabi niya? Maganda ako? O mali lang ako ng dinig.

"Nevermind what I said." sabi sa 'kin ni Tim.

Baka mali lang ako ng dinig. Ano ba 'tong tenga ko. Kailangan ko yata ng maraming cottonbuds para luminaw ang dinig ko.

"Kumusta na ang mag-love birds diyan?" sabi ni Dad na may halong pang-aasar.

"Daaaaad!" inis na sabi ko kay Dad.

Nakakahiya naman ang sinabi niya. Tumawa naman sina Dad at Tito Bill.

"Just kidding anak. By the way, i-tour mo muna si Tim sa labas. First time niya kasi dito sa Pilipinas." sabi sa 'kin ni Dad.

Ano raw? I-to-tour ko si Tim? No way. At saka first time niya dito sa Pilipinas? Weeeeeh! Bakit marunong siya magtagalog kung first time niya dito sa Pilipinas? Si Dad talaga.

"Daaaaaaad!" inis na sabi ko kay Dad.

"Wag kang ganyan Lauren Dave Manzano." sabi sa 'kin ni Dad.

Biglang tumawa si Tito Bill.

"Bwahahahahahaha! I knew it. Nilagyan mo nga ng Dave ang pangalan ng anak mo." sabi ni Tito Bill na tawa pa rin ng tawa.

"Pffffft!" pinigilan naman ni Tim na matawa.

Tumawa na rin si Dad. Waaaaaaaa! Pinagkakaisahan nila ako. Bad kayo.

"I-tour mo na ang anak ko Lauren. May gagawin lang kami ng Dad mo sa office." sabi sa 'kin ni Tito Bill.

Anong gagawin nila sa office?

"Tara na Dave. I-tour mo na ako." sabi sa 'kin ni Tim.

Wow! Feeling close agad siya sakin. At ano ang tawag niya sa 'kin? Dave? Nang-iinis ba siya?

"Wag mo akong tatawaging Dave." at binigyan ko siya ng death glare.

Ngumisi naman si Tim. "Basta i-tour mo ako." sabi niya.

"Oo na." tugon ko sa kanya.

Ngumiti naman si Tim. Ang cuuuuttttteeeee! Anong sinabi ko? Cute si Tim? Bad mouth. Erase, erase. 

Lumabas kami ni Tim sa bahay at itinour ko siya.

"Ang boring mo namang mag-tour." pagrereklamo ni Tim.

"Tumahimik ka na nga lang diyan." sabi ko sa kanya.

Habang naglalakad kami ay nakita ko si Manong na nagtitinda ng fishball. Mayroon akong naisip.

"Tara do'n tayo." sabi ko kay Tim tapos hinila ko siya papalapit kay Manong na nagtitinda ng fishball.

"Hello po Manong na nagtitinda ng fishball." bati ko.

"Ma'am Lauren, andyan po pala kayo. Sakto at malapit nang maluto ang fishball." sabi sa 'kin ni Manong.

Oo nga pala, kami ni Barbie ang suki rito sa binebentang fishball ni Manong. Dati kasi ay pinakain ako rito ni Barbie ng fishball. Noong una ay nandidiri ako sa fishball dahil marumi yung kariton na ginagamit ni Manong sa pagbebenta. Pero nung natikman ko an fishball ay lagi ko na 'yon hinahanap-hanap. Ang sarap kasi.

"Sigurado ka bang malinis 'to Nerdy?" tanong sa 'kin ni Tim habang nakatingin siya sa mga nilulutong fishball.

"Oo malinis 'yan. Try mo, masarap 'yang fishball ni Manong. Isawsaw mo lang sa sauce at tikman mo." sabi ko kay Tim sabay abot ng isang fishball na nakatusok sa stick.

Kinuha naman 'yon ni Tim at isinawsaw niya ito sa sauce.

"Not bad." sabi niya nang matikman niya ito.

Tumusok siya ng isang pang fishball gamit ang stick at isinawsaw niya ito sa sauce. Tinikman niya ulit ito. (Repeat many times. Hahahaha!). Mukhang sarap na sarap ang loko.

"Tama na 'yan, Tim. Baka maubusan ang iba pang customer." suway ko sa kanya.

"Ayoko nga. Ang sarap kaya nito." tugon ni Tim sabay kain ng sampung fishball.

Woah! Ang takaw pala niya.

"Tim!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Fine, pero babalik ako rito bukas." sabi sa 'kin ni Tim.

[TIM'S POV]

Dinala ako ni Nerdy sa isang kainan. Ang daming taong kumakain.

"Ang tawag naman dito ay karinderya." sabi sa 'kin ni Nerdy.

Tumango lang ako.

"Tara kumain tayo." sabi niya sa 'kin at hinila niya ako palapit sa isang vacant seat.

"Ano ang gusto mong kainin, Pogi." sabi sa 'kin ng isang babae. Nagpapaganda sa akin kahit hindi naman siya kagandahan.

"Ahm Miss. Dalawang lomi nga para sa amin ng 'fiancé' ko." sabi ni Nerdy sabay yakap sa braso ko. Diniin pa talaga niya ang salitang 'fiancé'.

Sumimangot naman yung babae at umalis.

[LAUREN'S POV]

Sumimangot naman yung babae sabay alis. Go away bitch. He's mine. Bwahahaha! *evil laugh*.

"Matigas ba ang braso ko Nerdy?" sabi sa 'kin ni Tim sabay ngisi.

Nakayakap pa pala ako sa braso niya.

Agad akong bumitaw sa braso niya sabay iwas ng tingin.

Pagkatapos naming kumain sa karinderya ay pumunta kami sa park. Sarap na sarap nga si Tim kanina sa lomi eh. Nakalimang bowl siya.

Habang naglalakad kami ni Tim sa park ay maraming tao ang nakatingin sa kanya. Parang nasa isip nila na hinuhubaran nila ang kasama ko. May nakita nga akong isang lalaking naka-lipbite habang nakatingin nang malagkit kay Tim. Manigas ka diyan.

Nag-enjoy kami lalo na si Tim sa pag-to-tour ko sa kanya.

"Nag-enjoy ka ba iho sa pag-to-tour sa 'yo ni Lauren?" tanong ni Dad kay Tim nang bumalik kami sa mansyon.

"Yeah." 'yon lang ang sagot ni Tim pero lively yung pagkakasagot niya. I bet nag-enjoy siya sa pag-to-tour ko sa kanya.

"Sige Laurence, mauna na kami. Yung pinag-usapan natin ah." sabi ni Tito Bill kay Dad.

Ano kaya ang pinag-usapan nila?

"Oo naman Bill." sabi ni Dad kay Tito Bill.

At umalis na sina Tim at Tito Bill.

- MONDAY MORNING -

It's Monday at excited na ako para sa first day of school as Senior High School Student here in Rodriguez University.

"Lauren." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Barbie na kasama si Summer.

"Barbie, Summer." sabi ko sabay hug sa kanila. "Na-miss ko kayo."

"Wow ten years hindi nagkita." sabi ni Barbie.

Bumitaw ako sa yakap.

"Marami kang ikukuwento sa amin Lauren." sabi sa 'kin ni Summer. Sana hindi nila maalala ang tungkol sa fiancé ko.

"Lalong-lalo na sa fiancé mo." pagdudugtong ni Barbie sa sinabi ni Summer. Akala ko nakalimutan na nila 'yon.

"Oh Nerdy, there you are. Long time no see." Napalingon kami sa nagsalita. Bigla akong nainis nang makita namin ang pagmumukha ni Stephanie kasama ang kanyang mga followers.

"Stephanie, tigilan mo na si Lauren." pagtatangol sa 'kin ni Summer.

"Oh my dear sister. Kinakampihan mo pa rin ba si Nerdy? How poor." sabi ni Stephanie kay Summer.

Nagtawanan naman ang mga followers ni Stephanie.

"Poor mo mukha mo." Susugod na sana si Summer kay Stephanie pero pinigilan namin siya ni Barbie.

"Hahahaha! Mga losers." sabi ni Stephanie.

"Tamaaaaa." sabi ng mga followers niya sabay L sign ang kamay sa kanilang ulo.

"Hay naku, umalis na tayo rito bago pa tayo hawaan ng kalandian at kapangitan nila." sabi ni Stephanie sa mga followers niya.

Umalis na sila papalayo sa amin.

"Hay naku, pagpasensyahan mo na ang evil sister ko Lauren. Mananagot talaga siya kina Mama at Papa mamaya." sabi sa 'kin ni Summer.

"Okay lang 'yan Summer. Sanay na ako diyan sa kapatid mo." sabi ko kay Summer.

Nagtawanan naman kami.

"OMG! Nandiyan na sina Prince Jameson at Prince Javier." sabi ng isang *ehem* lalaki.

Nagtilian naman ang mga girls at pa-girls.

"Andyan na pala ang boyfriend ko." sabi ni Summer.

Nakita ko naman sina Jameson at Javier na pinagkakaguluhan ng mga girls at pa-girls. Nangunguna sa kumpulan ay sina Stephanie at ang mga followers niya.

"Hi Javier!" narinig kong bati ni Stephanie kay Javier.

Halatang nagpapa-cute ito.

"Hi rin Stephanie. Nakita mo ba ang kapatid mo?" narinig kong sabi ni Javier.

Halatang nagbago ang expression ng mukha ni Stephanie nang marinig niya ang pangalan ni Summer.

"Hindi eh pero..." - Stephanie

"Ayun siya Javier." 

Naputol ang pagsasalita ni Stephanie nang magsalita si Jameson.

"Honeybunch. I'm here!" sigaw ni Summer kay Javier sabay kaway.

Nakita naman ni Javier si Summer.

"Honeybunch!" sigaw na tawag ni Javier at nag-excuse siya sa mga nagkukumpulang estudyante.

Nang makalapit si Javier kay Summer ay niyakap niya ito nang mahigpit.

"Honeybunch, hindi ako makahinga." sabi ni Summer kay Javier.

Bumitaw naman sa yakap si Javier. "Sorry honeybunch. Namiss lang kita." sabi ni Javier kay Summer.

Nakita ko namang masama ang tingin ni Stephanie at ang mga followers niya kay Summer.

"Beshie!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Jameson na papalapit sa akin.

"Beshie!" sigaw na tawag ko sa kanya.

Nang makalapit siya sa akin ay niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya.

"Na-miss kita Beshie." sabi sa 'kin ni Jameson.

Nagtataka kayo kung bakit 'beshie' ang tawagan namin sa isa't-isa noh? Ito'y dahil mag-bestfriend kami ni Jameson since born. Mag-bestfriend kasi ang Mommy ko at ang Mommy niya. Yung 'beshie' thingy naman ay 'yan ang endearment namin ni Jameson sa isa't isa as bestfriend since kinder.

"Na-miss din kita beshie." sabi ko kay Jameson.

Bumitaw kami ng yakap sa isa't-isa.

"Kumusta ang summer vacation? Sinabi sa akin ni Barbie na may fiancé ka na raw. Totoo ba 'yon o nag-jo-joke lang si Barbie?" kunot na tanong sa 'kin ni Jameson.

Naku Barbie, nakakadalawa ka na. Noon si Summer, ngayon naman si Jameson. Kulang na lang ay mag-post siya sa facebook na may fiancé na ako.

"Ano ka ba Beshie. Wag ka ngang maniniwala sa sinasabi ni Barbie. Hindi 'yon totoo noh." pagsisinungaling ko kay Jameson.

Kung sabihin ko sa kanya na totoo 'yon eh magagalit siya. Masyado kasi siyang protective sa akin.

"Gano'n ba? Mabuti naman." sabi ni Jameson.

"Ha? Pakiulit nga ang sinabi mo?" sabi ko kay Jameson. Hindi ko kasi narinig yung bandang dulo dahil pabulong niya ito sinabi.

"Ang sabi ko gano'n ba?" pag-uulit ni Jameson sa sinabi niya. "Kailan ka ba naging bingi Beshie?"

"Hindi ako bingi noh. Sadyang mahina lang talaga ang voice mo." pagtatanggol ko sa sarili ko kay Jameson.

"Pero gwapo at cute naman ako sa paningin mo 'di ba?" ani Jameson sabay pogi sign.

"Oo na, kahit hindi." pang-aasar ko sa kanya.

Nag-pout naman siya sa sinabi ko. 

"Hahaha! Joke lang. Oo, gwapo ka at cute." bawi ko sa pang-aasar ko sa kanya.

"Alam ko na 'yon. Ikaw naman ay maganda at sexy." sabi sa 'kin ni Jameson.

Aaaaawwww! Buti pa si Beshie, na-appreciate niya beauty ko.

"Hahaha! Joke lang." dugtong pa niya.

Okay, binabawi ko na ang sinabi ko kani-kanina lang. Ang bad niya. Huhuhuhu!

"Ang sama mo." sabi ko kay Jameson.

"Hahaha! Joke. Maganda ka talaga. Kaya nga crush kita eh." ani Jameson at rinig na rinig ko 'yon.

"Talaga? Crush mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Jameson.

"Oo dahil mabait ka, matalino, maganda..." Na-touch ako sa mga sinabi ni Jameson. Awwwww! Hindi talaga ako nagsisi na maging bestfriend ko siya.

"Tigilan mo na nga ang pagiging nerdy mode mo. Mag-ayos ka naman kahit konti." sabi sa 'kin ni Jameson.

"Ayoko nga. Komportable kasi ako sa pagiging nerd ko."tugon ko.

"Bahala ka kung 'yan ang gusto mo. Pero naniniwala ako na balang araw ay magiging hottie chick ka." ani Jameson sabay kindat sa akin.

Ano ba 'tong pinagsasabi ni Beshie? Hinding-hindi ako mag-aayos noh kahit mag-de-debut na ako next month.

Naging masaya ang first day of school ko kahit na pa-epal sa kasiyahan ko si Stephanie.

[TIM'S POV]

Pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay nakita ko si Dad na nakabihis na.

"Son, I need to go now. May aasikasuhin pa ako sa kasama si Laurence." sabi sa 'kin ni Dad. Tumango naman ako.

"Ingat po kayo Dad." sabi ko kay Dad.

"Thanks Son. Take care too." sabi naman sa 'kin ni Dad at umalis na siya.

*kriiiinnnnnngggg!*

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at chineck kung sino ang tumatawag.

***

+639061233411

calling...

***

Sinagot ko ang tawag.

"Hello!" sabi ko sa kabilang linya.

("Hello, is this Tim Ramirez?") sabi ng isang babae sa kabilang linya.

"Yes, I'm Tim Ramirez. Ano ang kailangan niyo sa akin?" sabi ko sa kabilang linya.

("Hello Tim Ramirez. I'm Dyosa Bacarra of 'Bacarra's Clothing Line'. We need you as our model in our new products. We will text you the address immediately if you are free tonight.") sabi sa 'kin ng babae.

"Yes, I'm free tonight." tugon ko.

("Good. I'll hang up now to text you the address.") sabi sa 'kin ng babae.

"Okay." ani ko.

Hinintay ko ang text ng babae sa akin.

*kriiinnnnnnnggggg!*

***

From: +639061233411

143 Dave Bacarra, St. at Wattpad City (7PM)

***

[LAUREN'S POV]

- LUNCH BREAK -

"Honeybunch, say ah!" sabi ni Javier habang may hawak siyang kutsara na may macaroni spaghetti.

Binuka naman ni Summer ang kanyang bibig tapos sinubuan siya ni Javier.

"Tayo naman Beshie. Say ah!" sabi sa 'kin ni Jameson na may hawak na kutsara na may macaroni spaghetti.

Binuka ko naman ang bibig ko tapos sinubuan ako ni Jameson. Sanay na ako dito kung si Jameson ang gagawa nito sa akin. Pero kailangan ko ring masanay kay Tim na magiging asawa ko in the future. Wahahahaha!

"Wow! Ini-inggit niyo ba ako?" pagpaparinig ni Barbie. "Edi kayo na ang may lovelife." dugtong pa niya.

"Ano ka ba Barbie. Hindi kami nang-iinggit sa'yo at isa pa, hindi ko naman boyfriend si Beshie ah." sabi ko kay Barbie.

"Oo, hindi mo nga boyfriend si Jameson pero may fiancé ka naman." sabi sa 'kin ni Barbie.

"Teka Barbie, nag-jo-joke ka ba?" tanong ni Jameson kay Barbie.

Paktay, malalaman na ni Jameson na may fiancé na ako.

"Oo, oo nag-jo-joke lang ako. Mukha ba akong nag-jo-joke." pilosopong sabi ni Barbie.

"Akala ko ba joke lang yung tungkol sa fiancé thingy na sinabi mo?" sabi ni Jameson kay Barbie.

Sinamaan ko ng tingin si Barbie pero hindi niya 'yon nakita.

"Anong joke ka diyan. Totoo 'yon nooohhhhmmpphh!!!" Hindi natuloy ang pagsasalita ni Barbie dahil tinakpan ko ang bibig niya.

"Ang ibig niyang sabihin ay waley yung joke niya." palusot kong sabi kay Jameson.

Sana tumalab ang palusot ko sa kanya.

"Ay ganun ba? Akala ko kasi totoo." tugon ni Jameson.

Hay buti naman effective yung palusot ko. May binulong ako kay Barbie.

"'Wag mo munang ipagkakalat ang tungkol do'n." bulong ko kay Barbie.

Tumango naman siya.

[TIM'S POV]

- 7 PM -

Nang makarating ako sa Bacarra's Clothing Line ay sinalubong agad ako ng isang babae.

"Ikaw ba si Mr. Tim Ramirez?" tanong ng babae.

"Yes, I am." sagot ko sa babae.

"Okay follow me Mr. Ramirez." sabi ng babae at naglakad na siya papuntang elevator.

Sumunod ako sa kanya. Sumakay kami sa elevator.

"You have a nice face and body Mr. Ramirez. You are a perfect model for our line" sabi sa 'kin ng babae.

"Thanks." tipid na tugon ko sa babae.

Sanay na akong sinasabihan ng ganyan since noong nasa Australia pa ako.

"Do you have a girlfriend?" tanong sa 'kin ng babae.

"Nope." sagot ko sa kanya.

"Okay good." Halatang tuwang-tuwa ang babae sa sagot ko.

"But I already have a fiancée." dugtong ko sa sinagot ko sa babae.

Halata namang nagulat yung babae.

"Oh really? That's nice." sabi sa 'kin ng babae. Napalitan ng panghihinayang ang expression ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Mga babae talaga.

Nang makarating kami sa third floor ay pinakilala ako ng babae sa mga staff.

"Tama ka nga Ms. Bacarra. Ang gwapo niya." sabi ng isang beki.

"Okay be ready Mr. Ramirez. After 15 minutes ay magsisimula na ang photoshoot." sabi sa 'kin ng babae.

Pumunta ako sa isang dressing room para maghanda.

After 15 minutes ay nagsimula na ang photoshoot.

[SUMMER'S POV]

At last, my first POV. Thanks Author for this moment. You're the best.

By the way, I'm Summer Garcia. Ang nag-iisang 'fairygodbestie' ni Lauren. Ako ang fairygodbestie ni Lauren dahil ako ang nagbibigay ng mga pangangailangan niya like kasama, karamay kung may problema siya, ako rin ang nagbibigay ng advice sa kanya, at marami pa. Pero may iisang bagay pa akong hindi naibibigay sa kanya. Iyon ay ang panlabas na kagandahan. Ewan ko nga kay Lauren kung bakit ayaw niyang magpaganda at gusto niyang maging nerd. Pero kung ako lang, gusto kong siyang maging isang dyosa sa harap ng mga tao.

"Nandito na tayo sa bahay niyo honeybunch." sabi sa 'kin ni Javier. Lumabas siya sa kotse at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Napaka-gentleman talaga ng honeybunch ko.

Lumabas naman ako sa kotse.

"Salamat sa paghatid sa akin honeybunch." sabi ko kay Javier.

"Wala 'yon honeybunch. Ayaw lang kitang mapagod sa paglalakad at mapahamak sa daan dahil magpapakasal pa tayo." sabi sa 'kin ni Javier.

Ako na ang kinikilig ngayon dito.

"Aww, you're the sweetest boyfriend that I've ever meet." sabi ko kay Javier.

"Ikaw naman ang pinakamagandang babaeng nakilala ko." tugon sa 'kin ni Javier at hinalikan niya ako sa labi.

Hinalikan ko din siya pabalik.

[STEPHANIE'S POV]

Nakita kong hinalikan ni Javier ang kapatid ko sa labi. Kainis! Dapat ako ang nandiyan. Dapat ako ang hinahalikan ni Javier. Dapat ako ang girlfriend ni Javier at hindi ang malandi kong kapatid na si Summer.

By the way, I'm Stephanie Garcia. Ang pinakamagandang babae sa school namin. Ako ay kilala bilang Campus Princess sa school. Maraming lalaking naiinlove sa akin sa school dahil sa charm ko maliban lang sa dalawa. Iyon ay sina Jameson at ang pinakamamahal kong si Javier. Ewan ko nga kung bakit ayaw tumalab sa kanilang dalawa ang charm ko. Pero wala akong pakialam kay Jameson. Ang focus lang ng mga mata ko ay kay Javier.

Nakita ko namang umalis na si Javier my loves at si Malanding Summer na papasok ng bahay. Oo nga pala, dati ay close kami nina Summer, Lauren at Barbie. Para nga kaming magkakapatid noon eh. Pero simula nang trinaydor nila ako ay nawala lahat ng 'yon. Galit na galit ako sa kanila lalo na kina Lauren at Summer.

Pero pinakagalit ako kay Lauren dahil nangako siya sa akin na magiging boyfriend ko si Javier pero mas tinulungan pa niya si Summer kaysa ako. Okay lang naman sa akin na tumanggi siya, pero pumayag siya. Hindi lang siya pumayag kundi nangako rin siya na magiging boyfriend ko si Javier. Asang-asa ako noon na tutulungan ako ni Lauren. Pero hindi niya 'yon ginawa dahil mas tinulungan pa niya si Summer kaysa ako.

Galit din ako kay Barbie dahil mas pinili niya sina Lauren at Summer na maging kaibigan niya kaysa ako. Galit na galit ako sa kapatid ko dahil inagaw niya sa akin ang lalaking mahal ko. Inagaw na nga niya ang atensyon parents ko, pati ba naman si Javier aagawin niya sa akin. Mga traydor talaga sila.

Nakita ko namang umakyat si Summer sa taas at pumasok sa kanyang kwarto. Humanda kayong tatlo sa akin lalo ka na Summer. Sisiguraduhin kong mapapasakin muli ang lahat ng inagaw mo sa akin lalong-lalo na si Javier. Akin lang si Javier, akin lang siya. Akin! Akin!

[LAUREN'S POV]

- NEXT DAY -

Papunta kami ngayon nina Barbie at Summer sa gymnasium para manood ng practice ng basketball. I-che-cheer kasi namin sina Javier at Jameson.

"Buti na lang at wala tayong pasok ngayong hapon." excited na sabi ni Summer.

Nang makarating kami sa gym ay nadatnan agad namin sina Stephanie with her followers na naka-cheering costume.

"Oh nandito pala sina Nerdy." mataray na sabi ni Stephanie.

Nagtawanan naman ang mga followers niya. Aalis na sana kami nang hinarangan kami ng mga followers ni Stephanie.

"Animals are not allowed." sabi ni Stephanie sa 'ming tatlo.

Nagtawanan ulit ang mga followers niya.

"Animals are not allowed pala pero bakit kayo nandito mga ahas." matapang na sabi ni Summer.

"What did you call us? Ahas? How dare you!" galit na sabi ni Stephanie at sinampal niya si Summer nang sobrang lakas. Dahil sa sobrang lakas ng sampal ni Stephanie ay natumba si Summer.

"'Yan ang bagay sa'yo My Dear Ugly Sister." sabi ni Stephanie kay Summer.

Nakita ko namang umiiyak si Summer kaya umupo ako para pahirin ang luha niya.

"HONEYBUNCH!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon kami sa sumigaw at nakita namin sina Javier at Jameson na papalapit sa direksyon namin. Si Javier pala ang sumigaw.

Nang makalapit sina Javier at Jameson sa amin ay inalayan agad ni Javier si Summer sa pagtayo.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Javier kay Summer.

Hindi naman nagsalita si Summer. Tinignan ni Javier nang masama si Stephanie.

"Pano mo 'to nagagawa sa kapatid mo Stephanie? Asan na ang konsensiya mo?" galit na sabi ni Javier kay Summer.

"Bagay lang 'yan sa kanya Javier." galit na sabi ni Stephanie kay Javier.

"Bakit ka ba galit na galit sa kanya? Ano ba ang ginawa niya sa 'yo?" galit na tanong ni Javier kay Stephanie.

"Inagaw niya ang lahat na dapat ay akin. Kahit na magpakamatay pa siya ay hindi ko siya mapapatawad." sagot ni Stephanie kay Javier at umalis na siya kasama ang followers niya.

Lumapit agad kami ni Barbie kay Summer.