Chapter 3

[SUMMER'S POV]

"Okay na ba ang pakiramdam mo honeybunch?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Javier.

Tumango naman ako.

"Naku Summer, may pasa ka sa kaliwang pisngi." malungkot na sabi ni Lauren.

"Grabe naman 'yang kapatid mo Summer. Wala ba siyang puso? Pati sariling kapatid ay sinaktan niya." inis na sabi ni Barbie.

"Oo nga. Dati mabait naman 'yan eh. Siya nga ang pinaka-friendly sa ating apat dati. Pero simula noong naging kayo ni Javier, nagbago na siya." sabi sa 'kin ni Lauren.

"Oo nga, ang bitter talaga niya. Hindi niya matanggap na ikaw talaga ang mahal ni Javier. I wonder kung bakit kayo nagkagusto ni Stephanie sa kanya eh ang panget naman ng mukha no'n." Halatang nagpaparinig si Barbie kay honeybunch.

"Hoy Manika, anong panget ako? Ang gwapo-gwapo ko kaya. Kaya nga ako ang MVP Prince dito sa school." pagmamayabang ni Javier which is may ipagmamayabang naman. Ang gwapo kaya ng honeybunch ko. Sadyang bulag lang talaga si Barbie dahil kay Jameson lagi ang focus ng mga mata niya.

"Edi wow!" sarcastic na sabi ni Barbie.

"Wow na wow talaga." sabi ni Javier sabay kindat kay Barbie.

"Uuugghh! Nakakainis ka." inis na sabi ni Barbie sabay walkout.

Tinawanan lang siya ni Javier. Ang kulit talaga nilang dalawa.

[LAUREN'S POV]

- SATURDAY MORNING -

Nandito kami ngayon ni Dad at Yaya sa bahay nina Tito Bill at Tim. Magkakaroon daw kasi kami ng family bonding dito sa bahay ni Tito.

"Wow! Ang sarap naman niyan Yaya." sabi ko kay Yaya na kasama namin sa family bonding.

Magkakaroon kasi kami ng family picnic sa garden nina Tito Bill.

"Ano po 'yang niluluto niyo?" tanong ni Tim kay Yaya.

"Ang tawag dito iho ay adobong baboy na paboritong-paborito ng alaga ko." sagot ni Yaya kay Tim.

"Mukhang masarap ah." sabi ni Tim sabay amoy sa niluto ni Yaya.

Tinulungan namin si Yaya sa pagluluto. Ako ang nagprito ng mga hotdogs habang si Tim naman ay nagtitimpla ng orange juice. Si Dad naman ay hinahanda niya ang slice bread at inilagay niya ito sa isang malaking plato habang si Tito Bill naman ay hinahanda niya ang mga pinggan.

Nang handa na ang lahat ay pumunta na kami sa garden nina Tito Bill na may dalang pagkain at pinggan.

"Wow, ang laki naman ng garden niyo Tito Bill." manghang sabi ko.

Garden ba talaga 'to o isang hacienda? Sobrang lawak kasi ng lupain nila.

"Come on let's eat. Kumukulo na sa gutom ang tiyan ko." ani Dad.

Natawa naman kami sa sinabi ni Dad kaya nagsimula na kaming kumain since gutom na siya.

"Ang sarap naman po ng Adobong Baboy niyo Yaya." sabi ni Tim kay Yaya.

"Buti naman at nagustuhan mo ang niluto ko." tugon ni Yaya kay Tim.

"By the way, sa June 30 na pala ang debut ni Lauren. Gusto ko Tim ay ikaw ang last dance niya." sabi ni Dad kay Tim.

Nga pala, malapit na pala ang debut ko. Three weeks na lang ang natitirang oras para sa preparation at debut ko na.

"Sige po Tito." tugon ni Tim kay Dad.

"Okay that's good." tugon ni Dad.

[SOMEONE'S POV]

Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant. Makikipagkita ako ngayon sa lalaking gusto ko.

"Waiter!" tawag ko sa Waiter.

"Ano po 'yon Ma'am?" tanong sa 'kin ng Waiter nang makalapit siya.

"I want to order your most expensive dish and a bottle of red wine." sagot ko sa Waiter.

"Okay Ma'am. We will serve it right away. Do you want something else in our menu aside from that?" tanong sa 'kin ng Waiter.

"No, that would be fine for me. You may go now." tugon ko.

At umalis na ang waiter.

Gosh, bakit ang tagal niyang dumating. It's been 15 minutes that I've been waiting here.

"Ito na po ang order niyo." sabi sa 'kin ng Waiter at inilagay niya sa mesa ang pinakamahal nilang food and a bottle of red wine.

Pagkatapos niyang i-serve ang mga inorder ko ay umalis na siya. Tinikman ko yung food na inorder ko. Yuck, the taste is not good.

"I'm sorry, I'm late." sabi sa 'kin ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa kanya.

"You're 15 minutes late." sigaw ko sa kanya.

"Woah! Chill ka lang diyan. 15 minutes lang naman ako na-late." tugon niya sa 'kin.

"Ang usapan natin 5:30 PM pero 5:45 PM ka dumating." sabi ko sa kanya.

Tama ba ang pagka-add ko sa time?

"Sorry naman. Traffic kasi kaya na-late ako." sabi niya sa 'kin.

[LAUREN'S POV]

Pagkatapos naming magpicnic sa hacienda--este sa garden nina Tito Billy ay naglaro kami ng bowling sa mini bowling alley ng mansyon nila. Opo, may bowling alley sila sa kanilang mansyon. Ang astig nga eh.

"Ano ba 'yan! May daya ba 'tong bowling ball na 'to?" inis na sabi ni Yaya.

Kanina pa kasi naglalaro si Yaya ng bowling ball pero kahit isang pin ay wala pa siyang napapatumba. Laging gumigilid yung bowling ball na pinapagulong niya.

"Ano ba Yaya, hindi kasi tama ang pagpapagulong mo sa bowling ball. Sige, tuturuan kita." sabi ni Dad kay Yaya. 

Ako naman ay kumuha ng isang bowling ball at pinagulong ko ito para mapatumba ang sampung pins. 6 out of 10 ang napatumba kong pins.

"Magaling ka pala sa bowling." Napalingon ako sa nagsalita.

Si Tim pala.

"Hindi naman, chamba lang 'yon." sabi ko kay Tim.

Kumuha ako ng isa pang bowling ball para patumbahin ang natitirang pins. Pinagulong ko ito at napatumba ko ang apat na pins.

"Woah! Anong chamba ka diyan? Ang galing mo kaya." puri niya sa 'kin.

"Ikaw marunong ka bang mag-bowling?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ako kaya ang pinakamagaling na bowling player sa Australia." pagmamayabang na sabi ni Tim. "Gusto mo one-on-one tayo?" panghahamon niya sa 'kin.

"Sige ba." sabi ko kay Tim.

Tingnan lang natin kung magmamayabang pa siya sa huli.

[YAYA'S POV]

"Ganito ang paglalaro ng bowling Yaya." sabi sa 'kin ni Sir at hinawakan niya ang kanang kamay ko.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Grabe kahit matanda na ako ay hindi ko pa rin mapigilang kiligin. Crush ko kasi si Sir. Hihihi! Ay kumekerengkeng na naman ako. Pasensiya na. 

Tinuruan ako ni Sir kung paano ang tamang pagpapagulong ng bowling ball. Medyo natututo naman ako ng konti.

"Pahinga muna po ako Sir." sabi ko kay Sir.

"Napagod ka ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Sir.

Yiiieeeeee! Nag-aalala siya sa akin.

"Medyo." nahihiyang sagot ko kay Sir.

[JAMESON'S POV]

"Dad, may pupuntahan lang po ako." pagpapaalam ko kay Dad.

"Kung si Lauren ang pupuntahan mo, sige." tugon niya sa 'kin.

Hindi naman si Lauren ang pupuntahan ko ah.

"Okay po." sabi ko na lang kay Dad. Hindi ko na sinabi kay Dad na hindi si Lauren ang pupuntahan ko.

Oo nga pala, ipapakilala ko muna ang aking sarili sa inyo. Ako nga pala si Jameson Dy. Ako ay gwapo, cute, gwapo, sexy, gwapo at gwapo. Hindi naman sa nagmamayabang pero maraming babae ang nanliligaw sakin pero binabasted ko lang sila dahil may iba akong gustong babae. 'Yon ay ang bestfriend ko since birth na si Lauren. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Basta sinunod ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya.

Grabe naman. Sobrang traffic dito sa EDSA. Buti na lang at maaga akong umalis sa bahay kahit na ma-la-late pa rin ako.

"You're 15 minutes late." sigaw agad sa 'kin ni Barbie nang makarating ako sa isang mamahaling restaurant.

"Woah chill ka lang diyan. 15 minutes lang naman ako na-late." tugon ko sa kanya.

"Ang usapan natin 5:30 PM pero 5:45 PM ka dumating." galit na sabi sa 'kin ni Barbie.

"Sorry naman. Traffic kasi kaya na-late ako." pagdadahilan ko.

"Ay gano'n ba? Apology accepted." sabi sa 'kin ni Barbie.

Grabe, ang bilis naman niyang magpatawad.

[BARBIE'S POV]

Waaaaa! Ang gwapo talaga ni Jameson my loves. Oo, gusto ko si Jameson pero no hard feelings naman sa akin kung gusto ni Jameson si Lauren. Ayokong maging katulad si Stephanie noh.

"Kakainin mo pa ba 'yang inorder mo?" tanong sa 'kin ni Jameson.

"Ay hindi na." sagot ko sa kanya. Ang yuckie kasi ng lasa eh. Mas masarap pa rin sa akin ang mga dishes sa karinderya kaysa sa mga mamahaling restaurant.

Nga pala, I will introduce myself first. Hi readers! My name is Barbie Lo. Ang Kuya ni Joseph Lo sa 'One Week Love - Isang Linggong Pag-ibig' (Promote-promote din pag may time Author. Hahaha!). Ako ay galing sa isang mayaman na pamilya. But if I'll describe myself, I'm just a simple girl, mahilig sa streetfoods, laging kumakain sa karinderya, mabait na anak, matulungin sa kapwa at natural ang ganda ko. Hindi rin ako maarte sa pangangatawan ko except kung nandiyan si Jameson my loves. Halos pareho kami ni Lauren pagdating sa personalities.

"Ano 'to Barbie?" tanong ni Jameson na may hawak na bottle of red wine.

"Wine 'yan Jameson." sagot ko sa kanya.

"Umiinom ka pala nito." sabi sa 'kin ni Jameson.

"Oo." tugon ko sa kanya.

Yup, totoong umiinom ako ng wine pero konti lang naman para hindi ako malasing.

"Pwede ba humingi ng konting wine?" tanong sa 'kin ni Jameson.

"Sure, go ahead." sagot ko sa kanya.

Nagsalin si Jameson ng konting wine sa baso at ininom niya ito.

"Hmmmm! Taste good." sabi ni Jameson at nagsalin pa siya ng wine sa baso at ininom niya ito.

"Uyyy Jameson, tama na 'yan baka malasing ka." pag-aawat ko sa kanya sa pag-inom ng wine.

Mataas pa naman ang alcohol niyan.

[LAUREN'S POV]

"Fuck! Hindi ka ba talaga marunong mag-bowling?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Tim. Kasi naman natalo ko siya sa bowling. Ano ka ngayon Tim? Nagmamayabang ka pa kanina pero ngayon napapamura ka na dahil lagi kang talo sa one-on-one natin.

"Ano ka ba Tim, hindi talaga ako marunong mag-bowling. Chamba lang 'yon." sagot ko sa kanya.

Hindi talaga ako marunong mag-bowling. Promise, mamatay man si Batman.

"Hindi talaga ako naniniwala na hindi ka marunong magbowling. Tinalo mo nga ako eh." sabi sa 'kin ni Tim.

"Kung ayaw mong maniwala edi :wag. Pinipilit ba kitang maniwala sa akin?" sabi ko at iniwasan ko siya.

"Nerdy wait." pagpipigil sa 'kin ni Tim sa paglalakad.

Tumigil naman ako at hinarap ko siya.

"Ano na naman Tim?" inis na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry." sabi sa 'kin ni Tim.

Ha? Bakit siya nag-so-sorry?

"Sorry para saan?" nagtatakang tanong ko kay Tim.

"Sorry dahil hindi kita pinaniwalaan na hindi ka marunong mag-bowling. Hindi kasi ako makapaniwala na tinalo mo ako." sagot niya sa 'kin.

Ah 'yon pala ang hinihingi niya ng tawad sa akin. Hindi naman big deal sa akin 'yon.

"Ano ka ba, ayos lang 'yon. Natuwa nga ako na sinabihan mo akong magaling mag-bowling." nakangiting sabi ko kay Tim.

"Talaga?" tugon niya.

"Oo naman. Oo nga pala, since natalo kita sa bowling ay may punishment ka na kailangan mong gawin." sabi ko kay Tim sabay evil laugh. Bwahahahaha! Joke lang. Hindi talaga ako nag-evil laugh. Nag-evil grin lang ako.

"Anong punishment ba 'yan?" tanong niya sa 'kin.

"Ililibre mo ako lagi for the whole two months." hamon ko sa kanya.

"Gano'n ba? Sige mukhang madali lang naman 'yan." kampanteng sabi ni Tim.

"Ihanda mo na ang bulsa mo dahil bubutasin ko 'yan." sabi ko sa kanya.

"Hindi mo mauubos ang pera ko, future Mrs. Ramirez." aniya na nagpatigil sa akin.

"Future Mrs. Ramirez."

"Future Mrs. Ramirez."

"Future Mrs. Ramirez."

"Future Mrs. Ramirez."

"Future Mrs. Ramirez."

Waaaaa! Bakit nag-e-echo sa isip ko ang sinabi niya sa bandang dulo? At saka ang sexy ng pagkakasabi niya no'n. Bagay sa gwapo niyang mukha.

"Nerdy, are you okay? Bakit ka natulala? Siguro nagwagwapuhan ka na sa akin noh." pang-aasar sa 'kin ni Tim.

Bumalik naman ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya.

"Uy hindi ah." depensa ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Oo na, gwapo ka na." bulong ko sa sarili.

"I knew it. Sinasabi ko nga bang nagwagwapuhan ka sa akin." sabi ni Tim sabay kindat.

Waaaa! Mukhang napalakas yata ang pagkakabulong ko do'n.

- SATURDAY NIGHT -

Gabi na pero tuloy-tuloy pa rin ang aming family bonding. Manonood kami ngayon ng mga movies. Pero bago muna 'yan ay gumawa ako ng popcorn para sa aming movie trip.

"Ito na ang popcorn." sabi ko at inilapag ko ang dalawang bowl ng popcorn sa mesa.

"Ito na rin ang mga CD." sabi ni Tito Bill na may dalang mga CD. Puro action movies ang mga dala ni Tito Bill.

Habang nanonood kami ay nangunguna sa kakulitan ay si Yaya dahil ginagaya niya yung mga action na nasa TV. Natatawa nga kami sa ginagawa niya eh.

"Grabe, napagod ako do'n ha." sabi ni Yaya sabay upo sa sofa.

"Ang galing mo kanina Yaya. Pwede ka nang maging action star." sabi ko sa kanya.

"Oo nga pala Tim, do'n sa kwarto mo matutulog si Lauren." sabi ni Tito Bill na ikinagulat ko.

"ANO?! Do'n ako matutulog sa kwarto ni Tim?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo anak, napag-usapan na namin 'to ng Tito Billy mo." sagot sa 'kin ni Dad.

"Pero Dad, babae ako at lalaki siya." protesta ko kay Dad.

"Ano ka ba Lauren, may respeto 'tong anak ko sa mga babae kaya hindi ka niya gagalawin kahit matulog ka pa nang nakabukaka. Right son?" sabi ni Tito Bill.

"Of course Dad. Baka nga siya mismo ang pagsamantalahan ako dahil sa kagwapuhan ko." tugon ni Tim kay Tito Bill.

"Wow, ang hangin naman dito." sarcastic kong sabi.

Ako pa talaga ang ginawa niyang rapist. Ang sarap niyang batukan.

"Ginagawa lang namin 'to para sa inyo. Kailangan namin kayong ihanda para kung mag-asawa na kayo ay wala na kayong ilangan sa isa't-isa." ani Tito Bill.

"Pero..."

"No buts anak. Sa kwarto ka ni Tim matutulog whether you like it or not." pigil sa 'kin ni Dad sa pagsasalita.

Hindi na ako nakapalag pa kay Dad dahil umalis na siya kasama si Tito Bill. Waaaaa! Matutulog ako sa kwarto ni Tim? Makakasama niya ako sa kwarto niya? Natatakot ako na baka kunin niya ang 'ano' ko.

"Ang v-card ko. Waaaaaa! I'm scared." bulong ko sa aking sarili.

"Hoy, 'wag kang assuming na kukunin ko ang virginity mo. May taste kaya ako sa babae." sabi sa 'kin ni Tim.

Ang sungit nito. Parang si William lang ng 'My Prince Is Masungit'. At ano raw ang sinabi niya sa akin? Ako? Assuming na makuha niya ang v-card ko? Kapal din ng mukha nito. Hinding-hindi ko ibibigay ang v-card ko kung hindi pa ako kasal.

[JAVIER'S POV]

- DAVE'S TOY MUSEUM -

"Waaaa! Ang cute naman ng teddy bear na 'yan honeybunch." natutuwang sabi ng honeybunch ko sabay turo sa isang malaking teddy bear na kulay blue.

"Gusto mo ba 'yan honeybunch?" tanong ko kay honeybunch sabay turo sa teddy bear na kulay blue.

"Yes honeybunch, I want that bear." sagot niya sa 'kin.

Oo nga pala, ako nga pala si Javier Blake Ledesma also known as Mr. Pogi. Hahaha! Walang aangal dahil pogi naman talaga ako. Ako ay isang MVP Prince dahil ako lagi ang Most Valuable Player pagdating sa basketball. Ako rin ay isang toy collector. Mahilig kasi ako sa mga laruan since bata pa ako. Nag-co-cosplay din ako. Ang favorite cartoon character ko sa maniwala kayo o sa hindi ay si Barbie. Oops, hindi po ako bakla ha. Porket paborito ko si Barbie ay bakla na ako. Sa gwapong kong 'to, mapagkakamalan akong bakla? Kaya nga ako na-inlove kay honeybunch eh dahil isa siyang Barbie. Barbie hindi dahil sa mukha siyang plastic. Barbie dahil maganda siya. At isa pa ay naaalala ko rin si Barbie (a.k.a. Manika) na minsan kong inaasar dahil sa cartoon character na 'yon.

"Okay, I'll buy that for you honeybunch." nakangiting sabi ko kay honeybunch.

"Kyaaaaaa! Thank you Honeybunch. You're the best boyfriend ever." tugon niya sa akin.

You're the best girlfriend ever honeybunch. Hinding-hindi na kita papakawalan pa sa puso ko.

[SUMMER'S POV]

"Honeybunch, nagugutom na ako." sabi ko kay Javier nang makalabas na kami sa Dave's Toy Museum.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa 'kin.

"Kumain tayo sa McDo honeybunch." sagot ko kay Javier. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

"Okay honeybunch. Kakain tayo sa McDo." tugon niya sa 'kin.

Nang makarating kami sa McDo ay pumila agad si honeybunch para umorder ng food.

"Kyaaaa Blossom, ang gwapo naman ng guy na nasa pila." - Bubbles

"Talaga Bubbles? Asan?" - Blossom

"Ayun siya oh. Nakapulang t-shirt siya." - Bubbles

Napatingin naman ako sa pila. Teka, si honeybunch lang naman ang nakasuot ng pulang t-shirt ah. So ibig sabihin ay siya ang tinutukoy ng babae.

"Kyaaaa! Ang gwapo nga Bubbles." - Blossom

"Oo nga Blossom. Sana single pa siya para maligawan ko." - Bubbles

"Ako rin Bubbles. Gagawin ko ang lahat para sagutin niya ako kahit maghubad pa ako sa harap niya." - Blossom

Pati ba naman dito sa McDo ay maraming nagwagwapuhan sa honeybunch ko. Pero sorry na lang sila dahil taken na siya at ako ang girlfriend niya. Bwahahaha! *evil laugh*

"Ito na ang pagkain honeybunch." sabi sa 'kin ni Javier sabay lagay ng inorder niyang pagkain sa mesa.

I'm sure nanghihinayang na ang dalawang babae dahil alam na nilang taken na ang lalaking pinagpapantasyahan nila.

"Waaaaa! Gutom na ako." sabi ko at agad kong kinain ang spaghetti.

"Woah honeybunch, dahan-dahan lang sa pagkain." suway sa 'kin ni Javier.

"Sorry honeybunch." tugon ko sa kanya at uminom ako ng coke.

"Sandali lang honeybunch." ani Javier.

Kinuha niya ang tissue na nasa tray at pinahid niya ito sa bibig ko.

"Puro sauce na ang bibig mo." nakangiti niyang sabi sa 'kin. Ang sweet talaga ng honeybunch ko.

"Ikaw, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko kay Javier.

"Busog pa ako honeybunch." sagot niya sa 'kin.

"Sigurado ka ba honeybunch?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang sa akin si Javier. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko sa spaghetti.

[STEPHANIE'S POV]

Magpakasaya ka lang diyan my dearest sister dahil balang araw ay maghihiwalay din kayo ni Javier. Balang araw ay mapapasakin din siya.

*evil smile*

[LAUREN'S POV]

Napilitan akong pumasok sa kwarto ni Tim. No choice kundi matutulog ako sa kwarto niya. Waaaa! Nakakatakot! Sana wala mangyaring kababalaghan dito.

"Oh, bakit ka nanginginig?" tanong sa 'kin ni Tim.

"Ha? Ako? Nanginginig? Hindi ah." pagsisinungaling ko kay Tim. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Waaaa! Hindi ako sanay na matulog na may katabing lalaki.

"Hindi pala ha." sabi ni Tim sabay ngisi at dumiretso siya papuntang CR.

Napa-upo naman ako sa kama. Lauren kalma lang, wag kang kabahan.

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa CR. Mga patak ng tubig. Mukhang nag-sho-shower si Tim. May biglang pumasok sa isip ko.

*imagining*

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumayo ako at pumasok sa CR. Nagulat naman si Tim nang makita niya ako.

"Damn! What are you doing here?" gulat na sabi ni Tim sabay takip sa ano niya, sa baba niya. Ang laki naman.

"Gusto kitang sabayan." tugon ko kay Tim na may halong pang-aakit.

*end of imagining*

Oh my gosh Lauren! Kailan ka pa naging ganyan? Erase your thoughts. So kadiri ka.

"Aaaaahhhhh!" napasabunot naman ako sa sarili ko.

Napatingin ako sa pinto ng CR at saktong bumukas ito.

O0O

Ulalam! 

Kanin! Pengeng kanin dali!

"Hey, stop drooling to my body." sabi sa 'kin ni Tim.

Natauhan naman ako. "Hoy! I'm not drooling kaya at magbihis ka nga." sigaw ko kay Tim.

Nakatapis lang kasi siya at basa pa ang buhok niya na lalong nagpa-hot sa kanya. Napalunok naman ako.

"Sus nag-deny ka pa. Kitang-kita na nga ang tulo ng laway mo sa bibig mo." ani Tim sabay ngisi.

Napahawak naman ako sa bibig ko at naramdaman ko ang laway ko na nasa baba ko. Oops! May laway nga. Waaaa! Nakakahiya naman sa kanya.

Nakita kong pumasok si Tim sa isang room na katabi ng CR. Geez, sayang naman. Hala Lauren, umayos ka.

I took a deep breath at humiga na ako sa kama para matulog. Nagkumot ako at ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang lumabas si Tim sa isang room na katabi ng CR.

O______O

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Tim na naka-boxer shorts lang. Oh tuksoooo! Layuan mo akooooo! Waaaaaaaaa! Sige lang Lauren. Busugin mo ang mga mata mo sa katititig sa yummy body ni Tim.

[TIM'S POV]

Nakita ko naman si Nerdy na nakatitig sa katawan ko. Ngumisi lang ako at lumapit sa kanya. At saka ko inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko namang kinakahan si Nerdy.

"A-ano ang g-ginagawa mo?" nauutal na tanong niya sa 'kin.

Tumawa lang ako sa isip ko dahil sa reaksyon ni Nerdy.

[LAUREN'S POV]

Hinawakan ni Tim ang labi ko gamit ang hinlalaki sa kanang kamay niya.

"I want to kiss you badly." husky na sabi ni Tim sabay buga ng hininga sa akin.

Geez, ang bango ng hininga ni Tim. Pero teka, ano daw? He want to kiss me badly? Ooohhh hindeeeee!

Palapit ng palapit ang mukha ni Tim sa mukha ko.

2 inches left

1.5 inches left

Waaaa! What to do? What to do? Bigla na lang ako napapikit hanggang sa...