[LAUREN'S POV]
Napapikit na lang ako at hinintay ang susunod na gagawin ni Tim hanggang sa...
...dumampi ang labi niya sa noo ko.
"Matulog na tayo." narinig kong ani Tim.
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakahiga na sa kama.
Nakahinga naman ako nang maluwag at humiga na rin ako sa kama. Akala ko hahalikan na niya ako sa labi. Sayang--este buti naman.
"Goodnight." sabi sa 'kin ni Tim.
"Goodnight din." tugon ko sa kanya at natulog na kami nang mahimbing.
- ONE WEEK LATER -
Nandito kami ngayon nina Barbie, Jameson, Javier at Summer sa Dyosa's Bookstore para bumili ng mga kakailanganin namin sa isang contest.
"Ilang stick glue ba ang bibilhin natin?" tanong ni Barbie.
"Fifty na stick glue ang kailangan natin. Bumili ka na rin ng glue gun. Tig-iisa sa atin." sagot ko kay Barbie.
Kumuha ako ng sampung iba't-ibang kulay ng pintura. Yung maliit na size lang na pwedeng gamitin sa school. Medyo nakaramdam ako ng bigat dahil sa sobrang dami ng pintura na kinuha ko.
"Ako na diyan Beshie." ani Jameson sabay kuha sa akin ang mga pintura.
[BARBIE'S POV]
Pagkatapos naming bumili ng mga kakailanganin namin para sa contest ay naghanap naman kami ng mga bagay sa paligid na pwede naming i-recycle.
"Eeeewww! Ang baho naman." sabi ko sabay takip sa ilong ko.
This is my first time na maghanap ng basura na pwedeng i-recycle. Kung pwede lang i-recycle si Stephanie, i-rerecycle ko na siya ngayon na. Plastik kasi siya kaya pwede siyang i-recycle. Okay, waley yung joke ko. Forget it.
"Barbie, tiisin mo na lang yung amoy. We need to do this." sabi sa 'kin ni Jameson my loves.
Ano ba Jameson my loves, nakaka-turn off ka. Dapat pinagpapahinga mo ako sa camper mo.
"Hindi ko na kaya." sabi ko kay Jameson my loves.
Totoong hindi ko na ma-take ang amoy. Baka wala pang ilang minuto ay mahihimatay na ako rito.
"Sige, magpahinga ka na lang muna sa camper ko." tugon sa 'kin ni Jameson my loves.
'Yan dapat Jameson my loves. I love you so much.
Tumango naman ako at pumunta ako sa camper ni Jameson my loves.
Nang makapasok na ako sa camper ay binuksan ko ang aircon ng camper at humiga ako sa sofa.
[LAUREN'S POV]
Pagkatapos naming maghanap ng mga basurang pwedeng i-recycle ay dumiretso na kami sa camper ni Jameson.
"Napagod ka ba honeybunch?" tanong ni Javier kay Summer.
"Okay lang ako honeybunch." nakangiting sagot ni Summer kay Javier.
"Ikaw Beshie, napagod ka ba?" tanong sa 'kin ni Jameson.
"Hindi naman." sagot ko sa kanya.
"Ako, kakamustahin niyo ba ako?" singit ni Barbie.
"Mukhang okay ka naman Manika." sabi ni Javier na ikinatawa namin.
Sumimangot naman si Barbie. Ito na naman ang pang-aasar ni Javier kay Manika--este Barbie pala.
"'Wag na 'wag mo nga akong tatawaging Manika! Nakakainis ka talaga!" inis na sabi ni Barbie kay Javier.
"Okay Manika." pang-aasar pa ni Javier na mas lalong nagpa-inis kay Barbie.
[BARBIE'S POV]
Uuuuggghhh! Nakakainis talaga si Javier. Hindi ko nga alam kung bakit 'to sinagot ni Summer. Nakakaasar siya minsan. Pero minsan ay okay naman siya.
"Manika." tawag sa 'kin ni Javier na ikinainis ko.
"Wag... mo... akong... tatawaging... Manika." ani ko kay Javier. Diniinan ko ang bawat salita na sinasabi ko sa kanya.
"Okay Manika." nakangising aniya.
Grrrrrrrr! I super duper hate you Javier Blake Ledesma!
"Anong gusto mo Javier? Suntok o sabunot?" inis na tanong ko sa kanya.
"Gusto mo both, Manika? Gawin mo na." paghahamon sa 'kin ni Javier.
Ah gano'n, 'yon ang gusto mo ah.
Susuntukin ko na sana si Javier sa mukha nang bigla akong awatin ni Jameson my loves sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin mula sa likod.
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Oh my gosh! Jameson my loves is hugging me behind my back. Waaaa! Ang warm ng yakap niya sa akin. Nakakakilig!
"Tama na 'yan Barbie. 'Wag mo na lang patulan si Javier dahil inaasar ka lang niya." ani Jameson my loves habang nakayakap pa rin siya sa akin.
Ako naman ay parang nakukuryente at naiihi na sa kinatatayuan ko dahil sa yakap ni Jameson my loves. Ganito pala ang feeling kapag niyakap ka ng lalaking gusto mo o di kaya'y mahal na mahal mo. Ang sarap sa pakiramdam. *kilig much*
[LAUREN'S POV]
Geez! Nakakapagod mag-recycle. Inabot kami ng gabi para mag-recycle ng mga bote, lata at iba pa. Pero nakakataba ng puso dahil nakatulong kami para sa environment natin at kay Mother Earth.
Nang matapos namin ang pagrerecycle ay umuwi na kami. Hinatid ako ni Jameson sa mansyon namin.
"Oo nga pala Beshie, pwede mo ba akong samahan bukas sa mall?" tanong sa 'kin ni Jameson.
"Ha? Ano ang gagawin natin do'n?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Gusto sana kitang makasama buong araw bukas." sagot niya sa 'kin.
"Buong araw tayo nasa mall?" tanong ko kay Jameson.
"Hindi naman buong araw na nasa mall tayo. Pwede rin tayong kumain sa restaurant, mamasyal sa park, at kumain ng fishball na paboritong-paborito mo. Sige na, pumayag ka na. Pleaseeeeee!" At nag-puppy eyes sa harap ko si Jameson.
Makakatanggi pa ba ako? Nakakaawa ang itsura niya.
"Sige na nga." tugon ko kay Jameson.
"Yes!" masayang sabi niya na parang nanalo siya sa lotto.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Sige Beshie, papasok na ako sa loob. Good night." sabi ko kay Jameson.
"Good night din Beshie. I love you." bulong niya sa dulo.
"Ha? Ano ang sinabi mo sa dulo?" tanong ko kay Jameson.
Hindi ko kasi narinig eh.
"Ah w-wala, ang sabi ko mauna na ako." sagot niya sa 'kin at sumakay na siya sa kotse niya.
- NEXT DAY -
"Ma'am, may bisita po kayo." sabi sa 'kin ni Yaya.
"Sige, pakiligpit na lang po ang pinagkainan ko." utos ko sa kanya at uminom ako ng tubig.
"Sige po Ma'am." tugon sa 'kin ni Yaya.
Dali-dali akong pumunta sa sala para puntahan ang aking bisita. Baka si Jameson na 'yon.
[JAMESON'S POV]
Nang makarating ako sa harap ng mansyon nina Lauren ay may nakita akong isang lalaki sa tapat ng gate. Nakita ko siyang nag-doorbell.
Nilapitan ko naman ang lalaki.
"Who are you?" kunot na tanong ko sa lalaki.
Kumunot din ang noo niya sa akin.
"Why did you ask and who the hell are you too?" tanong sa 'kin ng lalaki.
Loko pala 'to ah. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang gate.
"Oh, kayo pala yan Sir Tim at Sir Jameson. Pumasok po kayo sa loob." sabi sa 'min ni Manang (kasambahay nina Lauren).
So Tim pala ang pangalan niya. Ang pangit naman. Parang siya lang.
Pumasok naman ako sa loob. Pumasok din yung Tim na 'yon.
Pagkapasok namin sa loob ay umupo ako sa sofa. Gano'n din ang ginawa ng Tim na yun. Langya, gaya-gaya 'tong lalaking 'to sa kilos ko ah. Kala mo naman gwapo. Mas gwapo pa kaya ako kesa sa kanya, diba readers?
(READERS: Hindi.)
Anong sabi niyo? *angry*
(READERS: Oo, ang gwapo mo Prince Jameson. *sarcastic tone*)
'Yan ang gusto ko sa inyo. Good boy/girl readers.
"Nasaan po si Nerdy, Yaya?" tanong ng lalaki na hindi ko na matandaan ang pangalan.
Teka, bakit Nerdy ang tawag niya kay Lauren?
"Nasa kusina po siya. Teka lang po, tatawagin ko siya." sagot ni Manang sa lalaki.
Kaano-ano ba ni Lauren ang lalaking 'to?
[LAUREN'S POV]
Pagkarating ko pa lang sa sala ay nakita ko agad sina Tim at Jameson na nakaupo sa sofa.
"Beshie/Nerdy." sabay na sabi nina Tim at Jameson with matching tayo pa.
Hala, bakit nandito si Tim?
"A-andyan pala kayo. Hehehe!" nauutal kong sabi, kinakabahan.
"Hindi Beshie, picture lang 'to. Wala pa talaga ako rito." ani Jameson. Pilosopo.
"A-ano ang g-ginagawa niyo rito?" nauutal na tanong ko.
Lagot na! Baka malaman ni Jameson na may fiancé na ako. Baka sapakin niya si Tim. Overprotective pa naman sa akin 'tong si Beshie lalo na kapag may kasama akong lalaki.
"Beshie, may date tayo ngayong araw. Hindi mo ba natatandaan?" sagot sa 'kin ni Jameson.
Ha? Ano raw? Date? Akala ko ba gusto niya lang ako makasama buong araw pero bakit napunta sa date?
Bigla namang tumayo si Tim at sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang hindi maganda 'to.
[SUMMER'S POV]
"Saan mo ba ako dadalhin honeybunch?" clueless na tanong ko kay Javier.
"Malalaman mo mamaya Honeybunch." nakangiting sagot niya sa 'kin.
Hindi na lang ako umimik at tinignan ko na lang ang dinadaanan namin. Saan kaya ako dadalhin ni honeybunch?
"Nandito na tayo honeybunch." sabi sa 'kin ni Javier at tinigil niya ang pagmamaneho ng kotse. "Close your eyes honeybunch." utos niya sa 'kin.
Kahit nagtataka na ako ay sumunod pa rin ako sa kanya. Inalayan ako ni Javier na bumaba sa kotse at naglakad kami (nakapikit pa rin ako).
Habang naglalakad kami ay naramdaman ko ang ihip ng hangin.
"Open your eyes honeybunch." utos sa 'kin ni Javier.
Minulat ko naman ang aking mata.
>___<
O___<
O___O
O0O
Wow! Ang ganda naman ng view.
"Do you like it honeybunch?" nakangiting tanong sa 'kin ni Javier.
Masayang tumango ako. Ang ganda namang pagmasdan ang paligid. May mga puno, kulay blue ang langit (natural kulay blue ang langit, light blue. Hahaha!), kulay berde ang lupa dahil sa mga damo na hanggang talampakan lang ang taas, presko ang hangin at malawak ang paligid.
"Teka honeybunch, bakit pala tayo nandito?" nagtatakang tanong ko kay Javier.
Ngumiti siya sa akin. "We will have a picnic date honeybunch." sagot niya sa 'kin.
Pumunta si Javier sa likod ng kotse at may kinuha siyang isang malaking picnic basket.
"Tulungan na kita dyan honeybunch." sabi ko sa kanya.
[LAUREN'S POV]
Waaaa! Nakakatakot naman ang tingin ni Tim sa akin. Nanlilisik pa nga yung mga mata niya eh.
"Are you cheating on me?" tanong sa 'kin ni Tim na ikinatulala ko.
Nag-re-replay sa utak ko ang mga katagang 'yon.
"Are you cheating on me?"
"Are you cheating on me?"
"Are you cheating on me?"
"Are you cheating on me?"
"Are you cheating on me?"
Hindi ko masagot ang tanong niya. Nakatulala lang ako.
"Bakit hindi ka makasagot, Nerdy?" narinig kong sabi ni Tim.
Bumalik naman ako sa huwisyo nang magsalita siya.
"Beshie, sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit Nerdy ang tawag niya sa 'yo?" tanong naman sa 'kin ni Jameson.
Parang gusto ko ng tumakbo papalayo sa kanilang dalawa dahil wala akong maisagot sa tanong nila. Grabe naman ang tanong nila, daig pa ang exam sa sobrang hirap. Hindi ko naman masasagot ang tanong ni Tim dahil hindi ko naman alam kung niloko ko ba siya o hindi. At mas lalong hindi ko masasagot ang tanong ni Jameson dahil baka malaman niya na may fiancé na ako. Kapag malaman niya 'yon ay baka magkaroon ng panibagong World War nang wala sa oras. Huhuhu! What a disaster. Ano ang gagawin ko ngayon? I'm in a big trouble.
"Sir Tim, Sir Jameson. Kumain muna kayo." Narinig ko ang boses ni Yaya.
"Sakto, gutom na ako." narinig kong sabi ni Jameson.
"Ako rin, gutom na ako." narinig ko namang sabi ni Tim.
Yes! Save by the bell ako. Thank you so much Yaya for saving me.