Chapter 6

[JAMESON'S POV]

"I'm her fiancé."

"I'm her fiancé."

"I'm her fiancé."

Natulala ako sa sinagot ng kumag na katabi ni Lauren. Totoo ba ang sinagot ng kumag na 'yan o iniinis lang niya ako?

"N-nakakainis ka talaga Tim. Hay naku Beshie, 'w-wag kang maniwala sa sinabi niya dahil gino-goodtime ka lang niya." kinakabahang sabi ni Lauren.

Hindi ko alam pero may parte sa akin na gusto kong maniwala sa kanya, pero meron ding parte na ayaw kong maniwala. Pero mas pinili kong maniwala kay Lauren kaysa sa kumag na 'yan.

Mabuti naman kung hindi totoo ang sinabi ng kumag na 'to. Hindi pwedeng maging sila dahil mahal na mahal ko si Lauren. Hindi ko pa nga pinagtatapat ang feelings ko sa kanya pero mauunahan na ako ng kumag na 'yan.

"Do'n din naman tayo tutungo Nerdy. Inadvance ko lang." sabi ng kumag sabay kindat kay Lauren.

Ang kapal ng mukha niyang kindatan ang babaeng mahal ko. Akala mo naman kung kagwapuhan. Mas gwapo pa nga ako sa kanya. Hanggang paa ko lang siya.

"Kumain na nga lang tayo. Hindi tayo matatapos dito dahil ang iingay niyo." inis na sabi ni Lauren sa 'min ni kumag.

Tumahimik naman kami ni kumag at kumain na lang. 

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit kami ni kumag sa sala habang si Lauren naman ay pumunta sa kwarto niya. So kaming dalawa lang ni kumag ang nasa sala.

"Ano nga pala ang pangalan mo at kaano-ano mo si Nerdy?" seryosong tanong ni kumag.

Seryoso ko namang tinignan si kumag. "Gusto mo bang malaman kung sino ako at kung kaano-ano ko siya?"

"Ay hindi, gusto kong malaman ang pangalan ng aso mo at kung kaano-ano mo 'yon." sarcastic niyang tugon.

"Tangna mo! Hindi ako nakikipagpilosopohan sa 'yo!" galit na sabi ko kay kumag.

"Sagutin mo na kasi ang tanong ko. Sino ka ba ha at kaano-ano mo si Nerdy?" tanong ulit sa 'kin ni kumag.

"Ako lang naman ang future husband niya. The one and only, Jameson Dy." nakangising sabi ko kay kumag.

"Talaga lang ha. Tingnan na lang natin kung kailan mo ipagyayabang 'yang pinagsasabi mo, baka mapahiya ka lang kapag malaman mo ang tungkol sa amin ni Nerdy." nakangising tugon sa 'kin ni kumag.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot na tanong ko sa kanya.

"You'll find out soon." patay malisyang sagot sa 'kin ni kumag.

Bakit gano'n makaasta sa akin ang lalaking 'to, at kaano-ano ba niya ni Beshie?

"Sorry Beshie at Tim kung natagalan ako sa kwarto. Nagbihis pa kasi ako eh. Oo nga pala Beshie, isama na natin si Tim sa lakad natin. Tumawag kasi sa akin si Dad na samahan ko muna raw si Tim. Hindi ko naman pwedeng pabayaan 'to sa bahay dahil baka magalit sa akin si Dad." sabi sa 'kin ni Lauren na ikinainis ko naman.

Nakita ko naman si kumag na nakatingin sa akin at ngumisi na parang siya ang nagwagi sa aming dalawa. 

"Sige, isama na rin natin siya." matamlay kong tugon.

Badtrip, ito na sana ang chance ko para masolo ko si Lauren kaso may sumulpot na asungot kaya hindi ko tuloy siya masolo. Hindi ko ulit hahayaan na makapuntos pa ang kumag na 'yon kay Beshie. I will make a move para makapuntos ako kay Beshie.

[JAVIER'S POV]

Pagkatapos ng picnic date namin ng honeybunch ko ay hinatid ko na siya pauwi sa kanilang bahay.

"Thank you nga pala Honeybunch sa pagyaya sakin sa picnic date. I really enjoyed a lot." sabi sa 'kin ni Summer na ikinangiti ko.

"Everything that makes you happy honeybunch ay ibibigay ko sa 'yo." nakangiting tugon ko sa kanya.

Kinilig naman siya sa sinabi ko. "Sobrang sweet mo talaga honeybunch. That's why I always fall in love with you. I really love you so much honeybunch."

Fuck! It's so gay pero hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya.

"I love you too honeybunch." tugon ko naman kay Summer sabay yakap at kiss ko sa forehead niya.

"O siya, papasok na ako sa loob honeybunch. Gusto mo bang pumasok muna?" tanong niya sa 'kin.

"'Wag na, baka kasi nandiyan ang kapatid mo." sagot ko kay Summer.

Baka landiin kasi ako no'n. Alam niyo namang may gusto sa akin 'yang kapatid ng girlfriend ko.

"Okay honeybunch." nakangiting tugon sa 'kin ni Summer sabay pindot sa doorbell ng mansyon nila.

[SUMMER'S POV]

Bigla namang bumukas ang gate ng mansyon namin at tumambad sa amin ni Javier ang isang gwapo at matipunong lalaki. Naka-black sando lang siya at naka-shorts.

"Hi Miss. Anong kailangan niyo?" nakangiting bati at tanong sa 'kin ng lalaki.

Waaaaaa! Ang gwapo naman niya kapag nakangiti. Pero teka lang, ano ang ginagawa niya sa loob ng mansyon namin?

"Hi rin. Dito kasi ako nakatira." nakangiting bati at sagot ko naman sa lalaki.

Kumunot naman ang noo ng lalaki na lalong nagpagwapo sa kanya. Pero mas gwapo pa rin ang honeybunch ko. At nagbago bigla ang kanyang expression. Parang na-shock siya nang makita niya ako pero ang gwapo pa rin ng dating niya. Para siyang si Pietro Boselli Pinoy Version, yung hottest Math Teacher in the world.

"Hala! Sorry po Ma'am, pumasok po kayo." natatarantang sabi ng lalaki at pumasok na siya sa loob ng mansyon.

Sino kaya 'yon? Bago ako pumasok ay nagpaalam muna ako kay Javier.

"Wait honeybunch, may sasabihin muna ako sa 'yo." pagpipigil sa 'kin ni Javier na pumasok sa loob ng mansyon.

"Anong sasabihin mo sa 'kin honeybunch?" tanong ko sabay lingon sa kanya.

"Wag kang lalapit sa kumag na 'yon." sagot niya sa 'kin.

Nagtaka naman ako sa sinagot niya.

"Ha? Sinong kumag?" nagtatakang tanong ko kay Javier. Wala naman akong kilalang kumag ah.

"Yung lalaking nagbukas ng gate sa mansyon niyo, kumag 'yon." sagot sa 'kin ni Javier.

Ah! Yun pala ang tinutukoy niya.

Pero teka lang, ang weird hah. Bakit 'kumag' ang pangalan ng lalaking 'yon according to Javier? At saka may 'kumag' bang pangalan? O baka naman palayaw lang 'yon ng lalaki. Grabe lang ah, ang pangit naman kung 'kumag' ang pangalan o palayaw ng lalaking 'yon.

At teka lang, magkakilala sila ni Javier? Magkaano-ano silang dalawa? At bakit hindi ako pinapalapit ni Javier sa lalaking 'yon? Magkaaway ba sila? O baka naman nagseselos siya kaya hindi niya ako pinapalapit sa lalaking 'yon. Yieeeee!

"Hey honeybunch, are you okay?" tanong ni Javier sabay tapik sa balikat ko.

"Okay lang ako." sagot ko sa kanya.

"Wag kang lalapit sa kumag na 'yon ha?" sabi sa 'kin ni Javier.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Bakit naman niya ako pinapalayo kay kumag guy?

"Dahil nagseselos ako." continuous na sagot sa 'kin ni Javier. Continuous talaga, hahaha! 'Yon kasi ang term ko sa 'straight to the point o diretsahan' para sosyal.

Pero teka lang, nagseselos si Javier? Kanino? Kay kumag guy ba? Bakit naman siya nagseselos kay kumag guy? Siguro iniisip niyang ipagpapalit ko siya kay kumag guy. Yieeeee! Tama nga ang hula ko.

"Napakaseloso mo talaga honeybunch." sabi ko kay Javier sabay yakap sa kanya para mawala na ang nararamdaman niyang selos. "'Wag mo ngang pagselosan ang kumag guy na 'yon dahil wala namang dahilan para ikaselos siya. I'm yours honeybunch." dagdag ko pa na ikinangiti niya.

"Sige na, papasok na ako sa loob. Bye honeybunch, see you tomorrow sa school." sabi ko kay Javier.

"Same to you honeybunch." tugon niya sabay halik sa labi ko.

At pumasok na siya sa loob ng kotse niya habang ako naman ay pumasok na sa loob ng mansyon.

[LUIS' POV]

Natatarantang pumasok ako sa loob ng mansyon at pumunta sa kusina. Badtrip, unang araw ko pa lang sa trabaho ay palpak na ako. Hindi ko naman alam na dito pala nakatira sa mansyon yung magandang babae na nasa tapat ng gate kanina na may kasamang lalaki.

"Iho, ayos ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?" tanong sa 'kin ni Yaya Teresita.

"Ayos lang po ako. Medyo nilalamigan lang po ako." palusot ko.

Oo nga pala, ako pala si Luis Abellano. 18 years old, at ako ang bagong kasambahay ng pamilya Garcia. Nagtataka siguro kayo kung bakit kasambahay ang trabaho ko imbes na driver, guard o mga trabaho na panglalaki. Ganito kasi 'yon, kaya kasambahay ang pinasukan kong trabaho dahil kailangan ko talaga ng trabaho na malaki ang sweldo para mabilhan ko ng gamot ang Nanay ko na may sakit. Saktong may nakita akong papel na naka-post sa gate ng mansyon nila na nangangailangan sila ng isang kasambahay. 5k ang sweldo, hindi per month, hindi rin per week, kundi per day. Sobrang laki na no'n para makabili ako ng gamot ni Nanay at may libreng paaral pa sabi sa akin ni Mr. Garcia since student pa naman daw ako. Pag-aaralin niya ako sa isang Unibersidad na kung saan ay nag-aaral ang dalawa niyang anak. Isang malaking blessing talaga ang makuha 'tong trabahong 'to dahil kailangan na kailangan ko talaga ng pera para sa pambili ng gamot ni Nanay. Pero ang pinoproblema ko na lang ay ang oras para alagaan si Nanay, Sabado lang kasi ang day off ko sa trabaho. Buti na lang at nandiyan ang Ate ko para alagaan si Nanay. Pero mas gusto ko sanang ako ang mag-alaga sa Nanay ko dahil sa gusto ko. Mahal na mahal ko talaga si Nanay dahil siya lang ang bumuhay sa amin ni Ate. Noong bata pa kasi ako ay iniwan na kami ng Tatay ko dahil may bago na siyang pamilya sa Amerika. Shet! Hindi na muna ako magkukuwento tungkol sa buhay ko dahil malapit na akong maiyak. THE NERD'S FUTURE HUSBAND ang storya na 'to, hindi MMK.

"Paano ka naman hindi lalamigin kung nakasando ka lang." narinig kong sabi ng isang babae mula sa likod.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang magandang babae na nasa tapat ng gate kanina.

"Hello po Ma'am Summer." bati ni Yaya Teresita sa babae. So Summer pala ang pangalan niya. Ang ganda naman. Parang siya lang, sobrang ganda. 

"Hello rin po Yaya Teresita." bati naman ni Ma'am Summer kay Yaya Teresita.

Mukhang mabait naman si Ma'am Summer hindi tulad kay Ma'am Stephanie na sobrang taray. Tinarayan kasi ako ni Ma'am Stephanie kanina pagkatapos niya akong pagtawanan. 

Lumipat naman ang tingin ni Ma'am Summer sa akin. "Hello rin sa'yo kumag guy." nakangiting bati niya sa 'kin.

Nagtaka naman ako sa tinawag sa akin ni Ma'am Summer.

"Ha? Kumag guy?" nagtatakang ani ko sabay turo sa aking sarili.

"Oo, 'di ba 'yan ang pangalan mo? Kumag. 'Yon kasi ang narinig ko kanina mula kay honeybunch. Magkakilala pala kayo." nakangiting tugon sa 'kin ni Ma'am Summer.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko. Nagbago naman ang ekspresyon ni Ma'am Summer at parang nagulat siya.

"Ay hindi ba kumag ang pangalan mo? Hala, pasensiya na sa 'yo. Si honeybunch talaga, kung ano-ano ang pinagsasabi niya kanina. Akala ko kasi kumag ang pangalan mo." sabi sa 'kin ni Ma'am Summer.

Honeybunch? Sinong honeybunch? 'Yan ba yung lalaki kanina na kasama ni Ma'am Summer? Kung siya man 'yon, napakawalang hiya naman niya para tawagin akong kumag. Gusto ba niya ng suntok mula sa akin?

"Hindi po kumag ang pangalan ko Ma'am Summer. Ako po si Luis, bagong kasambahay dito." kalmadong pakilala ko kay Ma'am Summer.

"Ha? Bagong kasambahay?" Nakita ko namang pinipilit ni Ma'am Summer na hindi matawa.

Grabe lang ah, bakit natatawa sila sa trabaho ko? Ano naman ang masama kung pasukin ko ang trabahong pangbabae tulad ng kasambahay? At isa pa, meron din namang babae na pumapasok sa trabahong panglalaki ah.

"Opo Ma'am Summer." magalang kong sagot kay Ma'am Summer.