Chapter 7

[SUMMER'S POV]

Nakakatuwa naman si Luis. Lalaking-lalaki siya pero naglakas-loob siyang pumasok bilang kasambahay dito sa mansyon namin. Hehehe! 'Yan ang tunay na lalaki, hindi takot na pasukin ang trabahong pambabae. And that's a fact.

"Okay that's cool. First time kong makakita ng lalaking kasambahay." sabi ko kay Luis.

Totoong ngayon lang talaga ako nakakita ng lalaking kasambahay. Muntik na nga akong matawa kanina nang malaman ko na may lalaking kasambahay na pala dito sa mansyon namin. Bakit kaya kasambahay ang pinili niya sa lahat ng trabaho? Buti at tinanggap siya ni Dad.

"May kailangan po ba kayo Ma'am Summer?" tanong sa 'kin ni Yaya Teresita.

"Wala po Yaya Teresita. Napadaan lang po ako dito para makilala 'tong si Luis." sagot ko kay Yaya Teresita sabay turo kay Luis.

"Gwapo po ba Ma'am Summer?" tanong sa 'kin ni Yaya.

Hindi ko naman ito narinig. "Ano po 'yon Yaya Teresita?"

"Ang sabi ko po ay gwapo po ba si Luis, Ma'am Summer?" pag-uulit ni Yaya Teresita.

"Yaya Teresita, tinatanong pa ba 'yan? Syempre po OO ang isasagot ni Ma'am Summer, 'di ba po Ma'am Summer?" ani Luis.

Well, gwapo naman si Luis. Matangos ang ilong, medyo maputi, may dimples, may pagka-chinito at may appeal dahil sa ganda ng pangangatawan niya. Almost perfect na siya kumbaga. Pero wala pa rin tatalo sa honeybunch ko. Hehehe!

"Well, pwede na." sagot ko na lang kay Luis.

"Ha? Bakit po pwede lang Ma'am Summer at hindi po OO ang sinagot niyo?" parang nagtatampong tanong sa 'kin ni Luis.

Ang cute naman niya, feeling ko ay bagay sila ni Barbie. Cute din kasi si Barbie. Hmmm! Mapakilala ko nga 'to kay Barbie.

"Sige na nga, gwapo ka na." sabi ko na lang kay Luis para hindi na siya magtampo.

Nakita ko naman siyang ngumiti. Ang cute talaga niya at ang lalim ng dimples niya. Feeling ko nga ay crush ko na si Luis. Crush lang 'yon ah, wag niyo akong isusumbong sa honeybunch ko.

"Yes!" sabi ni Luis na para siyang nanalo sa isang game show. 

Natawa naman ako dahil do'n.

[LAUREN'S POV]

"Dito ka sa kotse ko sasakay Nerdy." sabi ni Tim sabay hila sa 'kin.

"Hindi, dito ka sasakay sa kotse ko Beshie." sabi naman ni Jameson sabay hila sa 'kin papalayo kay Tim.

"No, dito siya sasakay sa kotse ko." sabi ulit ni Tim sabay hila na naman sa 'kin.

"Hindi, sa kotse ko sasakay si Beshie." sabi ulit ni Jameson sabay hila na naman sa 'kin.

Jusko po! Kanina pa sila hila nang hila sa akin. Feeling ko nga ay lubid ako dahil parang naglalaro sila ng tug of war.

"Beshie, dito ka sasakay sa kotse ko." sabi ni Jameson sabay hila na naman niya sa 'kin.

"Nerdy, dito ka sasakay sa kotse ko." sabi naman ni Tim sabay hila na naman sa 'kin.

Nakaramdam na ako ng inis dahil sa ginagawa nilang panghihila sa akin.

"Stooopppp! Ano ba ang problema niyo ha?" galit na sigaw ko sa kanilang dalawa.

"SIYA!" sigaw na sagot nila sabay turo sa isa't isa.

*pikit mata sa inis*

"Ang labo niyong dalawa. Ang hirap niyong intindihin. Diyan na nga kayo." sabi ko sa kanila at aalis na sana ko nang magsalita si Jameson na ikinatulala ko.

"I like you Lauren."

[STEPHANIE'S POV]

(A/N: Ihanda na ang tissue at cotton balls dahil magiging nosebleed ngayon ang POV ni Stephanie. Hahaha!)

Gosh! It's already twelve in the afternoon pero hindi pa rin ako tinatawag ng kasambahay namin para mag-lunch. I'm already hungry na kasi. I didn't eat kaninang umaga pa naman because I'm tinatamad.

*prrruuuutttttt*

Waaaaa! My tiyan is hurt na. I'm so nagugutom na. I need to go to kusina to eat my lunch. 

Tumayo ako in my bed and I go to kusina para kumain ng lunch. When I was in the kusina na...

*shocks*

...I saw our guy kasambahay cooking.

*gulp*

He's topless while cooking. Gosh! I admit that he is hot, totally hot. 

And I admit that he is hotter than Javier my loves, but I'm still loyal to Javier my loves.

"Wag niyo po akong tutunawin sa titig niyo Ma'am." narinig kong said ng aming guy kasambahay.

Natauhan me when the guy kasambahay speak.

"What did you say?" tanong ko sa guy kasambahay. I didn't rinig kasi what he said kasi.

"Wala po Ma'am. Ang sabi ko po ay malapit nang maluto ang pagkain." sagot sa 'kin ng guy kasambahay.

"Okay, just call me in my bedroom when the lunch is ready." sabi ko sa guy kasambahay.

"Okay po Ma'am." tugon niya sa 'kin.

I leave in kusina and go to my bedroom. Oh by the way Author, how's my Taglish speaking?

(A/N: Tama na Stephanie. Masyado na akong nosebleed at hindi na kaya ng ilong ko. Maraming tissue at cotton balls na ang naubos ko dahil sa Taglish speaking mo.)

Oh that's great that you are nosebleeding. Hahaha! I'm just kidding Author. Okay, titigil na ako sa pag-ta-taglish speaking.

"Nakahanda na po ang lunch Ma'am." narinig kong sabi ng guy--este lalaking kasambahay namin.

Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa dining area para kumain. 

Nang makarating na ako sa dining area ay agad akong umupo at naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. Gosh! Gutom na ako.

[LUIS' POV]

Pinipigilan kong matawa dahil kay Ma'am Stephanie. Ang lakas kasi niyang kumain. Halatang gutom na siya.

"Ma'am, dahan-dahan lang po sa pagkain. Baka mabilaukan kayo." sabi ko kay Ma'am Stephanie.

Napatingin naman siya sa akin at bigla siyang natulala habang nakatingin sa katawan ko.

Napangisi naman ako nang palihim. Kanina ko pa napapansin ang pagtitig ni Ma'am Stephanie sa katawan ko.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Bakit parang natulala po kayo?" kunwaring nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ah w-wala. P-pwedeng umalis ka mu-muna rito?" nauutal na sabi ni Ma'am Stephanie. Mukhang na-distract yata sa katawan ko.

"Opo Ma'am." sagot ko kay Ma'am Stephanie.

Umalis na ako sa dining area at pumunta sa kwarto ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit gano'n makatitig si Ma'am Stephanie sa katawan ko. Hindi sa nagmamayabang pero maraming babae talaga ang napapatitig at naaakit sa katawan ko. Meron ngang nag-offer sa akin na maging isang bridal shower boy o hindi kaya'y maging isang macho dancer pero hindi ko 'yon tinanggap dahil labag ito sa dignidad ko. 

Nang makarating ako sa kwarto ko ay napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Na-imagine ko bigla ang napakagandang mukha ni Ma'am Summer. Sobrang ganda talaga niya at mabait pa. Feeling ko nga ay na-love at first sight ako sa kanya pero sayang lang dahil may boyfriend na siya.

[LAUREN'S POV]

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Tama ba ang narinig ko? 

Jameson likes me? 

O baka naman pinagtitripan niya lang ako.

"Naku Beshie, wag ka ngang magbiro nang ganyan. Hindi nakakatuwa yang biro mo." seryosong sabi ko kay Jameson.

"Hindi ako nagbibiro Lauren. Gustong-gusto talaga kita." seryosong sabi naman sa 'kin ni Jameson.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Waaaaa! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang gusto kong tumakbo at sumigaw sa kilig dahil sa gusto ako ni Jameson. Mukhang seryoso nga siya lalo na't tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Waaaaaa!" napasigaw ako bigla sabay takbo papalayo kina Jameson at Tim.

Wala na, napasigaw at napatakbo na ako sa kilig.

"Nerdy/Beshie." narinig kong sigaw nina Jameson at Tim pero hindi ko sila nilingon at pinansin.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa park. Umupo ako sa isang swing at hingal na hingal ako sa pagod dahil sa katatakbo.

***

[Now Playing: Sa 'yo by Silent Sanctuary]

Minsan Oo, minsan hindi

Minsan tama, minsan mali

Umaabante, umaatras

Kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag-ibig mo

Kaya mo bang isigaw

Iparating sa mundo

***

Grabe, hindi ako makapaniwala na gusto ako ni Jameson. Feeling ko nga ay nananaginip lang ako pero hindi, hindi ako nananaginip. Totoong gusto talaga ako ni Jameson.

***

Tumingin sa 'king mata

Magtapat ng nadarama

'Di gusto ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo

Sa 'yo lang ang puso ko

***

Pero since umamin na nga si Jameson na gusto niya ako, ibig sabihin ba no'n ay may chance ba na maging kami?

***

Tumingin sa 'king mata

Magtapat ng nadarama

Di gusto ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo (kung maging tayo)

Kung maging tayo (kung maging tayo)

Kung maging tayo

Sa 'yo na ang puso ko