Chapter 8

[LAUREN'S POV]

It's Monday and I'm ready to go to school. 

Bumangon na ako mula sa kama at pumunta sa CR para maligo. Buti na lang at hindi ako nahulog sa sahig habang natutulog ako. Mukhang hindi ko na kailangan pa ng giant crib. Hahaha!

Habang naliligo ako ay kinakanta ko ang awitin ni Avril Lavigne na 'What The Hell' with matching baliw-baliwan dance pa. Favorite na favorite ko talaga ang kanta na 'to kahit na may mga bad words. Hahaha!

***

[Lauren sings What The Hell by Avril Lavigne]

You say that I'm messin' with your head

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

All 'cause I was making out with your friend

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

Love hurts whether it's right or wrong

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

I can't stop 'cause I'm having too much fun

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

You're on your knees, beggin' please 'stay with me'

But honestly, I just need to be a little crazy

All my life I've been good but now

Ooohhh!

I'm thinking 'What the hell?'

All I want is to mess around, and I don't really care about

If you love me, if you hate me

You can't save me, baby, baby

All my life I've been good but now. Whoa! 'What the hell?

What, What, What, What the hell?

So what if I go out on a million dates?

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

You never call or listen to me anyway

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

I'd rather rage than sit around and wait all day

(Yeah, yeah, yeah, yeah)

Don't get me wrong, I just need some time to play

(Yeah)

You're on your knees, beggin' please 'stay with me' (Va fan!)

But honestly, I just need to be a little crazy (Crazy!)

All my life I've been good but now

Ooohhh!

I'm thinking 'What the hell?'

All I want is to mess around, and I don't really care about

If you love me, if you hate me

You can't save me, baby, baby

All my life I've been good but now. Whoa! 'What the hell?' 🎵🎶🎤

La la la la la la la la, whoa whoa

La la la la la la la la, whoa whoa

(La la la la la la la la)

You say that I'm messing with your head

Boy, I like messing in your bed

(La la la la la la la la)

Yeah, I am messing with your head

When I'm messing with you in bed

All my life I've been good but now

Ooohhh!

I'm thinking 'What the hell?'

All I want is to mess around, and I don't really care about

All my life I've been good but now

Ooohhh!

I'm thinking 'What the hell?'

All I want is to mess around, and I don't really care about

If you love me, if you hate me

You can't save me, baby, baby

All my life I've been good but now. Whoa! 'What the hell?'

La, la,

La la la la la la,

La, la,

La la la la la la.

***

Grabe, ang ganda naman ng araw ko ngayon. Feeling ko ang blooming ko ngayon. Simula kasi nang umamin si Jameson kahapon na may gusto raw siya sa akin ay lagi na akong nakangiti. Kahit nga natutulog ako ay nakangiti pa rin ako. 

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform at syempre hindi mawawala ang nerdy eyeglasses ko. 

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa dining room para kumain ng breakfast.

"Good morning Dad." masayang bati ko kay Dad.

"Good morning din sa 'yo my lovely daughter." bati naman sa 'kin ni Dad.

My lovely daughter talaga. Hihihihi!

"Good morning Yaya." masaya bati ko naman kay Yaya.

"Good morning din sa inyo Ma'am Lauren." matamlay na tugon ni Yaya.

"Yaya, ayos lang ba talaga kayo?" nag-aalalang tanong ni Dad kay Yaya.

"O-oo naman po. A-ayos lang po ako." nauutal na sagot ni Yaya. Pero napansin kong namumutla ang mukha niya.

"Yaya, bakit po kayo namumutla?" nag-aalalang tanong ko kay Yaya.

Parang hindi maganda ang pakiramdam niya.

"Ah w-wala po 'to." nauutal na namang sagot ni Yaya.

Bigla namang tumayo si Dad at nilapitan si Yaya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang noo nito.

"Sobrang init niyo Yaya." ang nasabi ni Dad nang mahawakan niya ang noo ni Yaya.

"Ahh! W-wala po yan Sir. Ayos lang po talaga ako." sabi ni Yaya kay Dad.

"Wag kang tumangging hindi ka okay, Yaya. Alam kong masama ang pakiramdam mo. Nilalagnat ka Yaya, kailangan mo munang magpahinga." sabi ni Dad kay Yaya.

"Naku Sir, hindi ko na kailangang magpahinga. Uminom naman po ako ng gamot kaya magiging okay na rin ang pakiramdam ko mamaya." pagtanggi ni Yaya sa sinabi ni Dad.

"Hindi, kailangan mo munang magpahinga Yaya. Utos ko yan sa 'yo." ani Dad.

"Pero Sir..." - Yaya

"Walang pero pero Yaya. Kailangan mong magpahinga sa ayaw at sa gusto mo." pigil ni Dad kay Yaya.

"Tama po si Dad, Yaya. Kailangan niyo po munang magpahinga." sabi ko kay Yaya.

No choice si Yaya kundi ang sundin ang sinabi sa kanya ni Dad.

"Tatawagan ko muna ang family doctor natin." sabi ni Dad at tinawagan na niya ang family doctor namin sa cellphone niya.

- RODRIGUEZ UNIVERSITY -

Masayang-masaya ako ngayon habang naglalakad sa hallway ng school. 

"Beshie!" narinig kong boses ng isang pamilyar na lalaki.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Ito na naman ang puso ko.

Tumitibok na naman sa kilig dahil kay Jameson. Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin.

"I like you Lauren.

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

"I like you Lauren."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na gusto ako ni Jameson.

"Uy Beshie!" - Jameson

"Ay, I like you too!" ang nasabi ko bigla dahil nagulat ako nang magsalita si Jameson. 

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil nag-sink in sa utak ko ang nasabi ko bigla. OMG! Nasabi ko ba talaga 'yon sa harap ni Jameson?

"Talaga Beshie? Do you like me too?" nakangiting sabi sa 'kin ni Jameson.

Kailangan kong mag-isip ng palusot. Isip, isip.

*ting*

Alam ko na!

"Beshie, ang sabi ko I like new hindi I like you. New ah at hindi you." palusot ko sa kanya.

Alam kong waley ang palusot ko pero sana effective.

"Beshie, wag ka nang magpalusot. Hindi ako bingi kaya hindi mo ako malulusutan. Ang sabi mo, 'Ay! I like you too'." sabi sa 'kin ni Jameson at ginaya pa niya ang sinabi ko. 

Shems! 

Hindi effective. I need to think another palusot. Pero wala na akong maisip pang palusot. Ano ang gagawin ko?

"Aminin mo na kasi Beshie na gusto mo rin ako." nakangiting sabi sa 'kin ni Jameson.

Masayang-masaya talaga ako na gusto ako ni Jameson pero hindi ko pa masasabi na gusto ko rin siya dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. At isa pa ay mayroong isang lalaking bumabagabag sa isip at damdamin ko. Haaay! Ang gulo naman. Sana dalawa na lang ang puso ko para pareho ko na lang sila mahalin at para hindi na magulo ang isip at damdamin ko.

"Lauren!" narinig kong sigaw ni Barbie.

Napalingon ako sa may front gate ng school at nakita ko si Barbie na tumatakbo papalapit sa 'min ni Jameson.

"Barbie!" masayang sigaw ko naman sa kanya. 

Nang makalapit na siya sa akin ay nag-hug kami.

"Ang unfair mo naman Beshie. Ako, wala man lang yakap." nagtatampong sabi sa 'kin ni Jameson.

Medyo nakaramdam ako ng pagkailang dahil do'n. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiilang eh. Dati ay komportable naman ako kapag sinasabi niya sa akin 'yon pero ngayon ay medyo naiilang na ako.

"Halika rito Jameson. Group hug tayong tatlo." sabi ni Barbie kay Jameson.

[STEPHANIE'S POV]

Papunta kami ngayon ni Luis sa school. Tama po kayo, kasabay ko ngayon ang lalaki naming kasambahay. Nag-aaral din pala siya sa Rodriguez University.

Pareho rin kaming Senior High School Student pero iba ang course namin. Ako kasi ay 'Beauty Care' ang kinuha kong course samantalalang siya naman, sa maniwala kayo o sa hindi ay 'Caregiving' ang kinuha niyang course. Hindi ko nga alam kung bakit 'yan ang kinuha niyang kurso. Hindi kasi bagay sa kanya ang maging isang 'Caregiver' dahil masyado siyang *ehem* hot para sa kursong 'yan. Akala ko nga ay SMAW ang kukunin niya.

Teka, ano ba ang pakialam ko kung Caregiving ang kinuha niyang kurso. Kung 'yon ang pinili niya, edi bahala siya.

"Ma'am Stephanie." tawag sa 'kin ni Luis.

"What?" iritadong tugon ko sabay tingin sa kanya.

"Pwede po bang sumabay ako sa inyo mamayang lunch break?" tanong sa 'kin ni Luis.

Tinaasan ko naman siya ng kilay sabay sagot ng... "Hindi."

"Bakit naman po hindi Ma'am?" aniya.

"Dahil hindi tayo close at ayaw kong mapahiya sa mga followers ko." sagot ko sa kanya.

"Pero bilin sa akin ng Dad mo na sabayan ko kayo ni Ma'am Summer na mag-lunch." ani Luis.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ayokong makasabay ka mamayang lunch at lalong-lalo nang ayokong makasabay yang bitch na 'yan." galit na sabi kong sabi sa kanya.

"Pero..." - Luis

"No buts Luis kaya sundin mo na lang ako dahil isa ako sa mga amo mo. 'Yang bitch kong kapatid na lang ang sabayan mo mamayang lunch." sabi ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa school.

Pagkapasok namin sa school ay sinalubong agad kami ng mga followers kong hindi ko naman masyadong kilala.

"Stephanie." masayang tawag sa 'kin ng isa kong follower. I think Yasmin ang name niya.

"Yasmin." masayang tawag ko naman sa kanya.

Bigla naman nagbago ang expression niya.

"It's Jasmine, not Yasmin." seryosong pagtatama niya sa 'kin. Oops!

"Hahaha! I'm just joking Jasmine." palusot ko sa kanya.

Ayokong ma-offend sa akin ang mga followers ko dahil baka mabawasan sila. I need them para maagaw ko sa bitch kong kapatid si Javier my loves.

"Wait! Who's that hottie guy na kasama mo?" kinikilig na tanong sa 'kin ni Jasmine sabay turo kay Luis.

"Oo nga Stephanie. Sino 'yan? Ipakilala mo naman sa amin 'yang hottie guy na kasama mo." pagsang-ayon ng isa ko pang follower sa sinabi ni Jasmine.

Halatang kinikilig sila sa kasama ko.

"Hi girls. Ako nga pala si Luis." bati ni Luis sa mga followers ko at pakilala sa sarili niya.

"Waaaaaa! He greeted at me." sabi ni Jasmine.

"No, he greeted at me." sabi naman ng isa ko pang follower.

"No, he greeted at me. Nakita niyo namang nakatingin siya sa 'kin." sabi naman ng isa ko pang follower.

*sigh*

Ano bang meron sa lalaking 'to at nagwagwapuhan sa kanya ang mga followers ko? He's just a maid.