Chapter 9

[SUMMER'S POV]

Nang makarating na kami ni Javier sa Rodriguez University ay nagsisimula pa lang ang flag ceremony. Pumila kaming dalawa sa section namin.

Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami ni Javier kasama sina Barbie, Jameson at Lauren sa gymnasium para sa first subject namin. 'Yon ay ang P.E. and Health.

Nang makarating na kami sa gymnasium ay agad kaming pumunta nina Barbie at Lauren sa girls room habang sina Javier at Jameson naman ay pumunta sa boys room para magbihis ng P.E. uniform.

"Oo nga pala Summer at Barbie, mamayang lunch break ay ibibigay ko na sa inyo ang invitation para sa debut ko." sabi sa 'min ni Lauren.

Oh my gosh! I'm so excited for her debut on Thursday. Syempre hindi dapat mawala sa debut niya ang napakagandang 'FAIRYGODBESTIE' niya, and that's me. Ibibigay ko na rin sa wakas kay Lauren sa araw ng debut niya ang hindi ko pa nabibigay sa kanya. 'Yon ay ang kagandahang panlabas. Kailangan ay mas angat ang kagandahan niya kaysa sa mga babaeng bisita. Meron na akong plano kung paano ko bibigyan ng make over si Lauren.

"I'm so excited to see your invitation. Sana mag-lunch break na agad." masayang sabi ni Barbie.

"Me too." sabi ko naman.

Nang nakapagbihis na kami ay lumabas na kami sa girls room at pinuntahan namin si Sir Sebastian (our P.E and Health teacher) na kasama ang iba pang students which is classmates namin.

"Good morning students." bati sa 'min ni Sir Sebastian.

"Good morning Sir Sebastian." bati naman namin sa kanya.

"Okay students, arms forward." utos sa 'min ni Sir Sebastian na sinunod naman namin.

"Hands down." utos ulit ni Sir.

Grabe, ang hirap ng exercise na 'to ah. Sobrang nakakapagod. Hindi pa nga ako tinuluan ng pawis eh. Hahahaha!

"Okay students, ituturo ko sa inyo ngayong umaga ang mga basic steps ng taekwondo. Ang taekwondo ay isang korean martial art, characterized by its emphasis on head-height kicks, jumping and spinning kicks, and fast kicking techniques." ani Sir Sebastian.

"Mukhang mapapalaban tayo rito." narinig kong bulong sa 'kin ni Lauren.

"Oo nga." pagsang-ayon ko na lang.

[LAUREN'S POV]

Papunta ako ngayon sa clinic.

Aray ko po! Ang sakit ng buong katawan ko. Pesteng taekwondo na 'yan. Akala ko ba ay basic steps lang ang ituturo sa amin ni Sir Sebastian, pero halos pilayin na ang buong katawan ko dahil do'n. Huhuhu! Buti na lang at wala kaming pasok sa susunod pang mga subjects. Mamayang 1PM pa ang pasok namin.

Nang makarating ako sa clinic ay sinalubong ako ng isang gwapong nurse. Teka, ito ba yung bagong nurse na kinuha nila? Grabe, ang gwapo naman.

"May sakit ba kayo Miss?" tanong sa 'kin ng gwapong nurse.

"Opo, halos masakit po ang buong katawan ko." sabi ko sa gwapong nurse.

Kahit na medyo ka-edad ko ang nurse ay gumagamit pa rin ako ng 'po' for respect. Nakita ko namang ngumisi ang gwapong nurse.

"Pasensiya na Miss pero hindi ako pumapatol sa mga gaya mo." sabi sa 'kin ng gwapong nurse.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" mataray kong tanong sa kanya. Feeling ko ay hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin Miss ay hindi ako nakikipag-sex sa gaya mo. Tingnan mo nga ang itsura mo, sa tingin mo ba ay papatulan ko ikaw? Ampangit-pangit mo para patulan ka." sabi sa 'kin ng gwapong nurse.

Sobra akong nasaktan sa sinabi ng nurse kaya...

*pak*

...sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas.

"Tangna mo! Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin mo 'yan sa akin. Hoy mister, for your information, pumunta ako rito sa clinic dahil halos masakit na ang buong katawan ko at dahil 'yon sa ginawa naming taekwondo activity. Hindi ako malanding babae sa iniisip mo." sigaw ko sa kanya at tumakbo ako palabas ng clinic.

Hindi ko na inisip ang kirot sa katawan ko. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.

Ito ang unang beses na nasaktan ako nang sobra dahil sa taong hindi ko naman kilala. Sobrang sama ng nurse na 'yon, hindi bagay sa kanya na sabihan siya ng gwapong nurse.

TT_____TT

Hindi ko namalayang wala na pala ako sa school. Nandito ako ngayon sa kalagitnaan ng kalsada. Wala akong pakialam kung may dumaan mang sasakyan dahil kahit pa mabangga nila ako ay hindi nila mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Nerdy?" May narinig akong isang pamilyar na boses pero hindi ko 'yon pinansin. Wala ako sa mood ngayon para makipag-usap.

Malungkot akong naglalakad sa kalagitnaan ng kalsada.

"NERDY!"

Nagulat ako nang bigla may humila sa akin at niyakap ako. Sakto at lumampas ang isang lalaking nagmomotor sa kinaroroonan ko kanina.

"Fuck Nerdy! Magpapakamatay ka ba?" galit na sabi sa 'kin ng isang pamilyar na lalaki.

Teka...

"Tim?"

[TIM'S POV]

- 7:45 AM -

*Let's take our time tonight, girl; Above us all the stars are watchin'; There's no place I'd rather be in this world; Your eyes are where I'm lost in.*

Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko ng kanta ni Bruno Mars na 'Versace On The Floor'. Istorbo naman oh. Natutulog pa ako eh.

*Underneath the chandelier; We're dancin' all alone; There's no reason to hide; What we're feelin' inside right now.*

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tiningnan ang screen nito.

***

+92******

calling...

***

Isang roaming number ang tumatawag sa akin. Sino naman 'to? Baka wrong number yata ang natawagan niya.

Saktong na-dead bat ang phone ko kaya chinarge ko ito. Hayaan na nga, baka na-wrong call lang 'yon.

Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo para mag-shower. Nawala bigla ang antok ko kaya hindi na ako humiga sa kama para matulog muli.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako sa McDo para mag-breakfast. Ayokong mag-breakfast sa bahay dahil nakakasawa na.

Hindi na ako gumamit ng kotse dahil malapit lang naman ang McDo. Nasa tapat lang ito ng Rodriguez University na kung saan ay do'n nag-aaral si Nerdy, katabi ito ng Jollibee. Hahaha!

Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang babaeng naglalakad sa gitna ng kalsada. Nakayuko ito at naka-school uniform. Ang tamlay niyang maglakad. Teka, magpapakamatay ba siya?

Naglakad ako papalapit sa babae.

Habang papalapit ako sa kanya ay unti-unti ko siyang nakikilala. Si Nerdy 'yon ah. Teka, bakit siya umiiyak?

"Nerdy?" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon sa akin. Mukhang hindi niya narinig.

Habang naglalakad si Nerdy ay may nakita akong isang lalaking nagmomotor. Papalapit ito sa direksyon ni Nerdy kaya kinabahan ako. Fuck! Masasagasaan siya.

"NERDY!" sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya.

Nang makalapit na ako kay Nerdy ay hinila ko siya papalapit sa akin at kinulong ko siya sa aking bisig. Saktong lumampas ang lalaking nagmomotor. Muntik na 'yon ah. Buti na lang at nakita ko si Nerdy. Kung hindi ay nasagasaan na siya ng motor.

"Fuck Nerdy! Magpapakamatay ka ba?" galit na sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Napatingin naman siya sa akin at nakita ko ang namumula niyang mga mata.

"Tim?" tawag sa 'kin ni Nerdy.

"Teka Nerdy, bakit ka umiiyak? May nakaaway ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Kung meron man siyang kaaway ay gugulpihin ko ito kahit babae pa 'yon.

Hindi sumagot si Nerdy. Naririnig ko ang kanyang paghikbi habang yakap-yakap niya ako. Damn! Nasasaktan ako nang marinig ko ang hikbi niya.

"Ssshh! Tahan na Lauren." sabi ko sa kanya.

Ito ang unang beses na tawagin ko siya sa kanyang pangalan.

[LAUREN'S POV]

"Ssshh! Tahan na Lauren." narinig kong sabi ni Tim.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Ito ang unang beses na tinawag ako ni Tim sa pangalan ko. Grabe, nang sinabi niya ang pangalan ko ay bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Parang yung kay Jameson lang nang umamin siya sa akin na gusto niya ako.

"Lauren Dave Manzano." narinig kong sabi ni Tim na ikinainis ko.

"TIM!" inis na sigaw ko sa kanya. Okay na sana eh pero binanggit pa niya ang 'Dave'.

Tinawanan lang ako ni Tim.

***

"Bakit ka huminto?" tanong ko kay Tim nang huminto ang kotse niya sa isang motel.

"Magche-check in tayo dito sa motel. Nakaka-bored kasi sa bahay." sagot sa 'kin ni Tim.

Kinabahan naman ako sa sinagot niya.

"Ayos ka lang Nerdy?" narinig kong tanong ni Tim.

"Oo, ayos lang ako." nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko ipinahalata sa kanya na kinakabahan ako.

Habang papasok kami ni Tim sa isang motel ay may bigla akong naalala.

"Oo nga pala Tim, ito na pala ang invitation mo para sa debut ko." sabi ko sabay kuha ng isang invitation card na nasa bag ko at nakalagay do'n ang pangalan ni Tim, ibinigay ko 'yon sa kanya.

Tiningnan naman niya ang invitation na ibinigay ko sa kanya.

"Hanggang dito ba naman sa invitation mo ay nerd ka pa rin?" ani Tim na may halong pang-aasar.

"Wow! Nahiya naman ako sa 'yo." sarcastic kong sabi sa kanya. "Eh ano naman ngayon kung nerd ako diyan?" dugtong ko pa.

"Eh paano naman kita magugustuhan kung nerdy look ka pa rin?" aniya.

Natahimik naman ako sa sinabi ni Tim.