Chapter 10

[LAUREN'S POV]

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Tim.

"Eh paano naman kita magugustuhan kung nerdy look ka pa rin?"

Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin? May mga possible thoughts kasing pumapasok sa isip ko tungkol sa sinabi niya. Ito yung mga possible thoughts na pumasok sa isip ko:

A: 'Ayaw ni Tim sa akin dahil pangit ako.'

B: 'Hindi ako type ni Tim dahil ang tipo niya ay mga magaganda at seksing babae unlike me na isa lamang na nerdy girl at walang kaappeal-appeal.'

C: 'Hindi ako gusto ni Tim dahil lalaki ang gusto niya.'

Oops! Hindi pala kasali ang Thought C.

And the list of my thoughts goes on. Hindi ko na pwedeng sabihin ang iba ko pang thoughts dahil masyado siyang uncensored. I have my limitations, you know.

By the way, nandito pa rin kami ni Tim sa motel na pinag-check-inan namin. Ako ay nakahiga sa kama at nakatingin sa salamin na nasa kisame habang si Tim naman ay nasa banyo. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya roon pero mukhang hindi naman siya naliligo dahil wala akong naririnig na ingay mula sa loob ng banyo.

*You say that I'm messin with your head (Yeah, yeah, yeah, yeah); All 'cause I was making out with your friend (Yeah, yeah, yeah, yeah)*

Habang nakahiga ako sa kama ay biglang tumunog ang cellphone ko ng kantang 'What The Hell' na nasa bag ko. My favorite song na kinanta ni Avril Lavigne.

*Love hurts whether it's right or wrong (Yeah, yeah, yeah, yeah); I can't stop, cause I'm having too much fun (Yeah, yeah, yeah, yeah)*

Napa-upo ako sa kama at kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag.

Pagkatapos ay tiningnan ko ang screen nito.

***

Beshie Jameson

calling...

***

O_____O

Hala!

Si Jameson.

Patay! Baka malaman niya na wala na ako sa clinic.

Hindi ko sinagot ang tawag ni Jameson at pinatay ko na lang ang cellphone ko. Nakaramdam ako bigla ng antok kaya humiga ulit ako sa kama at natulog.

[THIRD PERSON'S POV]

"Bullshit!" galit na mura ni Jameson nang hindi sinagot ni Lauren ang tawag niya.

Labis na nag-aalala sina Jameson, Barbie, Summer at Javier dahil nang pumunta sila sa clinic ay wala na roon si Lauren.

"Calm down Jameson. Lauren will be fine." sabi ni Barbie kay Jameson.

"How could I calm down? Wala sa clinic si Beshie at hindi niya sinasagot ang tawag ko. Do you think that I could calm down kung nag-aalala ako kay Beshie ngayon?" inis na tugon ni Jameson kay Barbie.

Nasaktan naman ang babae sa sinabi sa kanya ni Jameson pero hindi niya ito pinahalata.

"Barbie is right Jameson. You should calm down muna. I'm sure that Lauren will be fine." ani Summer.

Hindi maiwasan ni Barbie ang mainggit kay Lauren dahil sa pag-aalala ng lalaking mahal niya sa kaibigan niya.

"Puntahan na lang kaya natin ang mansyon nila. Malay natin umuwi na pala siya dahil mamayang hapon pa naman ang pasok." suggestion ni Javier.

Sumang-ayon sina Barbie, Summer at Jameson sa sinabi ng lalaki.

[LAUREN'S POV]

Nagising ako nang may naramdaman akong yakap mula sa likod ko. Hulaan niyo kung sino ang yumayakap sa akin, ito ang choices:

A: 'Si Tim'

B: 'Letter A answer'

C: 'Both A and B'

D: 'All of the above'

To answer, just text LAUREN (letter of your choice) and send to 1234. Kaya sagot na at manalo ng 500-peso load.

Hahaha! Joke lang. Kung ano man ang sagot niyo ay tumpak kayo. Si Tim nga ang yumayakap sa akin.

"Hmmm!" ungol niya bigla.

Naramdaman ko ang paggalaw si Tim at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Grabe, ang init naman kahit may aircon.

Sinubukan kong makawala sa yakap ni Tim pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Tumingin ako sa salamin na nasa kisame at nanlaki ang mata ko dahil sa nasaksihan ko.

O_____O

Wala kaming suot ni Tim na saplot ni isa.

Hubad kaming dalawa habang nakayakap siya sa akin.

Kinabahan ako sa nasaksihan ko. Paano nangyari 'to? Bakit wala kaming saplot ni isa? Bakit magkatabi kami sa kama at nakayakap siya sa akin?

May biglang pumasok sa isipan ko kung bakit nangyari 'to.

Hindi kaya pinagsamantalahan ako ni Tim habang natutulog ako?

Oh hindeeeeeeeee!

***

"AAAAAAAHHHHHHHHHHH!"

Napabangon ako bigla sa kama.

"NERDY!"

Napatingin ako bigla sa sumigaw at nakita ko si Tim na lumabas ng banyo.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Tim.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya nang maalala ko ang panaginip ko.

"A-ayos lang ako. B-binangungot lang ako." sagot ko sa kanya.

Teka, bangungot nga ba 'yon?

"Mabuti naman kung gano'n. Pinag-alala mo ako ro'n ah." sabi ni Tim at bumalik na siya sa banyo.

Napangiti naman ako nang palihim nang marinig kong nag-aalala sa akin si Tim.

[BARBIE'S POV]

"Aaarrrggghh!" Sinipa ni Jameson ang basurahan na nasa tapat niya.

"Bro, kalma ka lang." Nilapitan ni Javier si Jameson na bad mood ngayon.

Bad mood siya ngayon dahil nang pinuntahan namin ang mansyon nina Lauren ay wala ro'n si Lauren.

Hindi ko mapigilang malungkot.

Pinangako ko sa sarili ko na 'no hard feelings' kung magkatuluyan man sina Lauren at Jameson.

Pero hindi ko pala kaya.

Kinakain na ako ng selos ko.

Ganito pala ang feeling kapag nagseselos ka. Sa tingin ko ay ganito rin ang naramdaman ni Stephanie nang malaman niyang may gusto si Javier sa kapatid niya.

Pero hindi ako katulad ni Stephanie na masyadong makasarili ha. Hindi ako gano'ng tao.

*Princess Barbie, you have a text.*

Biglang tumunog ang cellphone ko.

***

From: Bestie Lauren

Barbie, alam kong hinahanap niyo ako. Pero huwag kayong mag-alala dahil okay lang ako. May pinuntahan lang ako sandali. Huwag niyo na akong hanapin pa at babalik ako sa school mamayang tanghali. Sabihan mo na lang sila ha? Salamat.

***

Nang mabasa ko ang message mula kay Lauren ay sinabihan ko sina Jameson, Summer at Javier tungkol do'n. "Nag-text sa akin si Lauren. Ang sabi niya sa akin ay okay lang daw siya at may pinuntahan lang sandali. Babalik din siya mamaya."

Nakahinga naman sila nang maluwag dahil sa sinabi ko.

"May sinabi ba siya kung nasaan siya ngayon?" tanong sa 'kin ni Jameson.

"Wala eh." sagot ko sa kanya.

Pagkatapos ay bumalik na kami sa school.

[LAUREN'S POV]

Nang ma-send ko na ang text message ko kay Barbie ay ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag.

Nang maibalik ko na ang cellphone ko sa bag ay saktong lumabas mula sa banyo si Tim.

O_____O

Waaaaaaaaaa!

Omo!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang topless at nakatapis lang ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Damn! He's so hot.

I think I'm under his spell now.

"Naglalaway ka na naman sa abs ko Nerdy." ani Tim.

Natauhan naman ako dahil do'n.

"Uy hindi ah." depensa ko.

Sinubukan kong alisin ang paningin ko sa abs niya pero hindi ko magawa. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa anim niyang pandesal. Tapos sa bumabakat niyang sandata. Shocks Lauren! Kailan ka pa naging manyakis?

"Wag ka nang mag-deny pa. Kitang-kita na nga ang laway mo mula sa bibig mo. Halatang naglalaway ka na sa abs ko. At hindi lang sa abs ko kundi pati na rin kay Tim Junior." nakangising sabi sa 'kin ni Tim.

Napahawak naman ako sa bibig ko at tama nga siya, may laway nga.

"Gusto mo bang hawakan ang abs ko?" tanong sa 'kin ni Tim sabay hawak sa abs niya. Iginala niya ang palad niya sa paligid ng 6-pack abs niya.

Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang maraming beses.

"Gusto mo ba o ayaw?" tanong niya.

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Oo, gusto kong hawakan 'yon pero nahihiya ako. Ano ba 'yan, nawawala tuloy ang pagkadalagang Pilipina ko.

"Silent means yes." nakangising sabi niya at lumapit siya sa akin.

Waaaa! Ito na siya.

Kukunin na sana niya ang isa kong kamay kaya lang ay tumunog ang cellphone niya.

*Let's take our time tonight, girl; Above us all the stars are watchin'; There's no place I'd rather be in this world; Your eyes are where I'm lost in; Underneath the chandelier we're dancin' all alone; There's no reason to hide; What we're feelin' inside right now*

"Istorbo naman oh." inis na sabi ni Tim sabay kuha ng cellphone niya na nasa mesa.

Save by the bell.

"Hello Dad?" aniya nang sinagot niya ang tawag. Si Tito Bill pala ang tumawag sa kanya. "Okay, I'll be there."

Binaba ni Tim ang cellphone niya at tumingin sa akin.

"Ihahatid na kita ngayon sa school. Next time ko na lang ipapahawak sa 'yo ang abs ko dahil kailangan ako ni Dad." sabi ni Tim at bumalik ulit siya sa banyo.

Sa tingin ko ay magbibihis siya. Sayang.

Hoy anong sayang ka diyan Lauren?! Kailan ka pa natutong maging malandi?