Chapter 11

[LAUREN'S POV]

Nang maihatid na ako ni Tim sa school ay pumunta ako sa cafeteria para kumain ng lunch.

"Saan ka pala nagpunta Beshie?" tanong sa 'kin ni Jameson habang kumakain.

Alam kong tatanungin niya ako niyan. Buti na lang at nag-isip ako ng palusot para sa tanong na 'yan. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kasama ko kanina si Tim sa isang motel. Baka magalit siya sa akin kapag sinabi ko 'yon sa kanya. Alam niyo namang hindi niya gusto na kasama ako ni Tim. Malaking gulo 'yan.

"May inasikaso lang ako sa upcoming debut ko, Beshie." kalmadong sagot ko kay Jameson.

Ngumiti naman sa akin si Jameson dahil sa sinagot ko. Na-guilty tuloy ako.

"Okay." tugon niya sabay subo ng fries.

"Oo nga pala Girl, samahan mo kaming pumunta sa mall mamaya after class para may clue kami sa gift na gusto mo for your debut." sabi sa 'kin ni Summer.

"Sige pero ayos lang naman sa akin kung ano ang ireregalo niyo para sa debut ko. Hindi naman ako mapili." tugon ko sa kanya.

"Pero mas maganda kung may clue kami para mas magustuhan mo ang gift namin para sa'yo." sabi sa 'kin ni Barbie.

Ngumiti naman ako sa kanila. Napakabuti talaga nilang kaibigan. Sayang lang dahil nabawasan kami ng isa. From Friends 6 to Friends 5 na lang.

Haaay! Kumusta na kaya si Stephanie? Pupunta kaya siya sa debut ko? It's been months nang hindi na namin siya nakakasama. Kahit na galit siya sa amin pero hindi kami galit sa kanya dahil naiintindihan naman namin siya.

Pero ang kinaiinis lang namin sa kanya ay nagbago na siya. Sa ugali niya, sa pananamit niya, sa pakikitungo niya sa ibang tao lalo na sa amin, at yung way ng pananalita niya ay masyadong maarte.

Parang nag-transform siya from a beautiful princess into a slutty bitch. Haaay! We miss the Old Stephanie.

"Beshie, okay ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo." Natauhan naman ako nang magsalita si Jameson.

"Okay lang ako Beshie. Iniisip ko lang yung upcoming debut ko." palusot ko kay Jameson.

Ano ba 'yan, lagi na lang ako nagsisinungaling kay Beshie.

Nakaka-guilty!

Feeling ko tuloy ay traydor akong kaibigan. Huhuhu!

Pagkatapos naming mag-lunch ay pumunta na kami sa first subject namin for this afternoon.

"Good afternoon class." bati sa 'min ng napakapogi naming teacher for this period na si Mr. Hope.

Bumati rin kami sa kanya ng 'Good Afternoon'.

"Class, I have an announcement for this afternoon." panimula ni Mr. Hope.

Nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ng teacher. Parang hinuhula nila kung ano ang i-a-announce ng napakapogi naming teacher.

"Feeling ko ay may kinalaman ang aquaintance party sa announcement ni Sir." narinig kong bulong ni Casey (one of my classmates).

"'Yon din ang nasa isip ko friend pero sana ay positive ang i-a-announce ni Sir." narinig ko namang bulong ni Delilah.

Well, 'yon din ang nasa isip ko pero sana ay i-announce ni Mr. Hope ngayon na hindi matutuloy ang aquaintance party for this year. Hehehe! Ang bitter ko.

Huminga nang malalim si Mr. Hope bago magsalita. "I will not be here in two months. Starting from July 1 until August 31."

Nag-react naman ang mga classmates ko sa announcement ni Mr. Hope lalo na ang mga babae at beki kong classmates.

"What?"

"OMG!"

"No way!"

"This can't be happening!"

"Nooooooo!"

"I'm gonna die!"

At kung ano-ano pa ang mga reaksyon nila. May nahimatay pa nga eh. Jusko! Ang O-OA nila. Porket gwapo si Mr. Hope ay gano'n na sila maka-react.

Kung mukhang ewan lang na teacher ang nag-announce na mawawala siya in two months ay matutuwa sila.

Pero kung gwapo o maganda ang nag-announce na mawawala siya in two months, hanep sila maka-react. Parang mag-e-end of the world na.

Buti pa kami nina Barbie, Jameson, Javier at Summer. Behave lang kami rito sa seat namin. Although nanghihinayang din ako na mawawala si Mr. Hope sa loob ng dalawang buwan. Siya kasi ang pinaka-close kong professor dito sa University.

"Sir, don't leave us!" malanding sabi ng classmate kong si Cristian—este Cristine pala sabay arte na parang mahihimatay na siya. Si Cristine ang pinakamalanding bading sa klase namin dahil marami na siyang naging flings. Ang laki kasi ng ano niya kahit fake lang.

"Bakit po kayo mawawala Sir in two months? Hindi namin kakayanin 'yon. We're gonna die without you." maarteng sabi ni Cristine at nahimatay na nga siya kaya sinugod siya sa clinic. Speaking of clinic, sana palitan na nila ang lalaking nurse na nasa clinic. Ang sama talaga ng ugali niya. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi niya sa 'kin kanina. Huhuhu!

"Wag kayong malungkot dahil meron namang substitute teacher na pansamantalang kukunin ang pwesto ko. Ang balita ko ay isa siyang model at mas gwapo pa siya kaysa sa akin. Fresh from Australia." Nabuhayan naman ng kalandian--este ng loob ang mga babae at beki kong classmates sa sinabi ni Mr. Hope.

"Really?"

"Oh my gosh!"

"I'm so excited to meet our substitute teacher."

"I bet he has a hot bod."

At kung ano-ano pang mga kalandiang sinasabi nila. Napa-iling na lang ako dahil wala na akong masabi pa tungkol sa kalandian ng mga babae at beki kong classmates. Lahat yata ay nasabi ko na sa inyo.

"Sir, ano po ang pangalan ng substitute teacher namin para ma-search ko siya sa FB?" malanding tanong ni Milicent kay Mr. Hope.

"Sa ngayon ay hindi ko pa pwedeng sabihin ang pangalan ng substitute teacher niyo. Abangan niyo na lang siya on the first day of July." sagot ni Mr. Hope sa tanong ni Milicent.

"Sir, bakit po kayo mawawala in two months?" tanong ko kay Mr. Hope.

"It's confidential, Ms. Manzano." nakangiting sagot ni Mr. Hope sabay kindat sa 'kin.

"By the way, let's proceed to our discussion for this afternoon..." Nagsimula nang mag-discuss si Mr. Hope. Wala naman kaming ginawang activity dahil kulang na kami sa oras.

"Thank you for listening today. Class dismissed. Be nice to your temporary teacher. See you all soon." ani Mr. Hope sa 'min.

- MALL -

Pagkatapos ng afternoon class ay pumunta ako sa mall kasama ang mga kaibigan ko. Bibigyan ko sila ng clue or hint para sa gusto kong gift sa debut ko.

"Ano ba 'yan Beshie. Ang babaduy naman ng mga gusto mo." ang pagrereklamo sa 'kin ni Jameson.

"Oo nga. Parang hindi ka nakikiuso sa bagong henerasyon. Pang old fashion ang taste mo." ang pagsang-ayon ni Summer sa sinabi ni Jameson.

"Kayo 'tong humihingi ng clue, kayo pa ang nagrereklamo." sabi ko sa kanila.

Eh ano ba ang masama sa gusto ko? At isa pa, hindi naman old fashion ang mga gusto ko ah. Notebook? Libro? Nokia 3310 na cellphone? Old fashion ba 'yon? Hindi naman 'di ba?

"Bes, pumili ka naman ng mga bagay na uso ngayon. Ayaw mo ba ng iPhone100s o di kaya'y iPhone101?" tanong sa 'kin ni Barbie.

"Oo nga Lauren. Dapat piliin mo ang mga bagay na 'IN' ngayon para makasabay ka sa uso." ani Javier.

"Eh ito ang gusto ko. Wag niyo akong pilitin." sabi ko sa kanila.

Naging walang kwenta ang paglilibot namin sa mall dahil sa kaartehan ng mga kaibigan ko. Ang babait talaga nila. *sigh*