[LAUREN'S POV]
Today is my special day dahil birthday ko na ngayon. Yipee!
Excited na may halong kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa gaganaping debut mamayang gabi.
"Ma'am, may mga bisita po kayo. Nandyan po ang mga kaibigan niyo sa sala." sabi sa 'kin ni Yaya.
Tumango naman ako kay Yaya at pumunta sa sala.
Pagkarating ko sa sala ay binati agad nila ako.
"HAPPY BIRTHDAY LAUREN!" bati sa 'kin nina Barbie, Javier, Summer at Jameson.
Napangiti naman ako sa bati nila.
"At dahil birthday mo ngayon ay kainin mo 'to." ani Jameson at may inabot siya sa akin.
"Ano 'yan?" nagtatakang tanong sa kanya.
"Burger ala JameRen. Gawa ko 'yan para sa 'yo." sagot sa 'kin ni Jameson.
Ang sosyal naman ng pangalan. "Wow! Mukhang masarap 'yan."
Tinanggap ko naman ito at tinanggal ang balot.
"Hmmm! Ang sarap nga Beshie." tugon ko kay Jameson nang matikman ko ang ginawa niyang burger para sa akin. Kumagat pa ako ng burger. Hmmm! Sarap!
Teka...
ALL WENT BLANK.
[JAMESON'S POV]
Patawarin mo kami Beshie. Kailangan namin 'tong gawin para sa makeover mo. Hehehe! Alam naman namin na may phobia ka sa makeover dahil sa nangyari sa 'yo noong bata ka pa. I'm sure hindi ka papayag na ayusan ka kaya pinatulog ka na lang namin.
Binuhat ko si Lauren at hiniga ko siya sa sofa.
"Kayo na ang bahala kay Beshie. May pupuntahan pa kasi ako. Make sure na mas maganda pa siya kaysa sa mga babaeng bisita." sabi ko kina Javier, Barbie at Summer.
"Noted." tugon ni Summer sa sinabi ko.
"Buti at naging successful ang plano mo Summer." sabi ni Barbie kay Summer.
"Ang talino talaga ng honeybunch ko." sabi ni Javier sabay halik sa pisngi ni Summer.
"Ako pa ba. Gagawin ko talaga ang lahat para mabigyan natin ng makeover ang birthday girl natin." proud na ani Summer.
"Sige, mauna na ako sa inyo. Kayo na ang bahala kay Beshie." sabi ko sa kanila.
"Sige bro." sagot sa 'kin ni Javier.
[SUMMER'S POV]
Nang makaalis na si Jameson ay inutusan ko si Javier na buhatin si Lauren papunta sa kotse niya. Dadalhin kasi namin siya sa event na kung saan gaganapin ang debut niya.
Nang makasakay na kami sa kotse ay pinaandar ni Honeybunch ang makina ng kotse niya at pinaharurot ito.
Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay sinalubong agad kami ni Tito Laurence.
"Good morning po Tito Laurence." bati ko sa Daddy ni Lauren.
"Hello po Tito Laurence." bati naman ni Barbie.
"Hello din po Tito Laurence." bati naman ni Javier.
"Magandang umaga rin sa inyo." bati sa 'min ni Tito Laurence.
"Teka, bakit hindi niyo kasama si Jameson?" tanong ni Tito Laurence.
"May pupuntahan po siya ngayon Tito Laurence." sagot ko kay Tito.
"Kayo na ang bahala sa anak ko. Nasa second floor at nasa ikatlong pintuan ang dressing room." sabi sa 'min ni Tito Laurence.
Tumango naman kami.
Nang umalis na si Tito Laurence ay dinala namin ang walang malay na si Lauren sa dressing room.
Nang makarating kami sa dressing room ay sinalubong kami ng tatlong beki.
"Hello po. Kami po ay galing sa Dyosa's Beauty Salon. Dinala po kami rito ni Sir Manzano para tulungan po kayo sa makeover ng anak niya." sabi sa 'min ng isang beki.
"Hello din sa inyo." bati ni Barbie sa tatlong beki.
Isa-isang nagpakilala ang tatlong beki. Ang cute naman nila. Para silang beki version ng Powerpuff Girls.
Nagpakilala rin kami sa tatlong beki.
"Ito ang gagawin natin. Red, ikaw sa pedicure. Fuchsia (fusha), ikaw naman sa manicure. Violet, ikaw sa buhok. Ako naman ay sa makeup at ikaw Barbie ay tutulungan mo akong bihisan ng gown si Lauren." instruction ko sa kanila.
"Got it." sabi ni Barbie at ang tatlong beki.
"Teka, paano naman ako?" narinig kong tanong ni Javier kaya napalingon kami sa kanya.
"Ikaw ang tagamasahe ko kapag mapagod ako." sagot ko sa kanya sabay kindat.
Nag-grin naman si Javier sa sinabi ko.
"Handa na ba kayo guys?" tanong ko kina Barbie at sa tatlong beki.
"Handang-handa na." sabay-sabay nilang sagot.
At sinimulan na namin ang makeover para kay Lauren.
[LAUREN'S POV]
Arrgh! Ang sakit ng sentido ko. Ano ba ang nangyari?
Minulat ko ang mata ko.
Pagmulat ko...
O______O
Teka, nasaan ako? Hindi ko 'to kwarto ah.
"You're awake, anak." Napabalikwas ako nang biglang may nagsalita.
"Dad?" ani ko sabay tingin kay Dad.
"Buti gising ka na anak. Let's go downstairs." aya sa 'kin ni Dad.
Tumango naman ako sa kanya sabay bangon mula sa kama.
Pagtayo ko ay bigla akong natapilok. "Ouch!"
At do'n ko napansin na naka-heels pala ako.
"Bakit ako naka-heels Dad?" takang tanong ko kay Dad.
Wala naman akong naalala na nagsuot ako ng heels at isa pa ay hindi naman ako mahilig magsuot ng ganyang sapatos dahil mukha silang deadly weapon. Hehehe!
"It's better if you see yourself in the mirror." sagot ni Dad sabay turo sa human size mirror ng kwartong ito.
Lumapit naman ako at tumingin sa malaking salamin.
Pagtingin ko...
O0O
...ay natulala ako bigla nang may nakita akong isang magandang babae sa salamin.
"Dad, sino 'tong nasa salamin?" amaze na amaze kong tanong kay Dad.
Ang ganda naman niya. Naka-pink gown siya tapos naka-makeup din siya at naka-ayos din ang buhok niya. May suot pa siyang tiara sa ulo niya kaya mukha siyang isang prinsesa sa paningin ko.
Tumawa bigla si Dad kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit po kayo tumatawa Dad?" nagtatakang tanong ko kay Dad.
May nakita ba siyang something na nakakatawa kaya tumatawa siya?
"Hahaha! Eh kasi anak hindi mo nakilala ang sarili mo. Hahaha! Ikaw 'yan anak. Ikaw 'yang nasa salamin." natatawang sabi ni Dad na ikinagulat ko.
Napatingin ako sa sarili ko at...
O_____O
Ako nga yung nasa salamin. Naka-gown pala ako. Hinawak-hawakan ko pa ang mukha ko habang nakatingin sa salamin. Teka, paano ako gumanda? Wala naman akong natandaang nagpaganda ako ah. At isa pa ay may phobia ako sa pagpapaganda dahil sa nangyari sa akin noong bata pa ako sa isang salon. Naalala niyo ba? Kinuwento ko 'yon sa inyo dati. Hanapin niyo na lang ang kinuwento ko sa inyo sa previous parts ng story ko. Hehehe!
"Teka Dad, anong okasyon ngayon at bakit naka-gown ako?" tanong ko kay Dad.
Natawa na naman si Dad.
"It's your debut tonight anak." sagot sa 'kin ni Dad.
Ah debut ko pala ngayon.
Teka, debut ko ngayon?
"Let's go downstairs anak. Magsisimula na ang debut mo." ani Dad.
Bigla akong kinabahan. Grabe naman 'to.
Hindi ko namalayan na magsisimula na pala ang debut ko.
[THIRD PERSON'S POV]
"Good evening everyone, welcome to Lauren's 18th Birthday Celebration. Today is a special day because today is the 18th birthday of the daughter of one of the richest businessman in the country. And that is the daughter of Mr. Laurence Manzano." - MC
Nagpalakpakan naman ang mga bisita sa sinabi ng MC.
"Wag na natin 'tong patagalin pa. Please welcome, the birthday girl with her escort, Ms. Lauren Dave Manzano and her dad Mr. Laurence Manzano." - MC
Nagpalakpakan ulit ang mga bisita.
[LAUREN'S POV]
Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan namin ni Dad. Parang gusto ko nang mag-back out. Nakakahiya kasi lalo na't nasa direksyon namin ang spotlight.
"Kaya mo 'yan anak. Be confident." sabi sa 'kin ni Dad.
Tama si Dad, dapat confident ako lalo na't maganda ako ngayon. Walang aangal ha? Hehehe!
Sabay kaming naglakad ni Dad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng hagdan. Rinig na rinig ko pa rin ang palakpakan ng mga bisita.
"Ang daming tao." mahina kong sabi. Ilang saglit pa ay may pumaibabaw na kanta.
***
[Now Playing: You're Beautiful by James Blunt]
My life is brilliant.
My love is pure.
I saw an angel.
Of that I'm sure.
She smiled me on the subway.
She was with another man.
But I won't lose no sleep on that,
'Cause I got a plan.
***
Sabay kaming bumaba ni Dad sa hagdan habang nakatingin sa mga bisita. Mabagal ang paglalakad namin pababa ng hagdan dahil sinasabayan namin ang kanta.
***
You're beautiful,
You're beautiful,
You're beautiful, it's true.
I saw your face in a crowded place,
And I don't know what to do,
'Cause I'll never be with you.
***
Pagkababa namin ay naglakad kami ni Dad sa gitna.
"Happy birthday my one and only Princess." ani Dad tapos inabot niya sa akin ang isang stem ng red rose na hawak niya.
Pagkatapos ay nag-sweet dance kami sa gitna.
*sayaw*
"Thank you Dad. You are the best Daddy in the world. Kahit wala na si Mom ay masaya pa rin ako dahil nandito ka at hindi mo ako iniwan." naiiyak kong sabi kay Dad.
"Sshhh! Wag kang umiyak anak. Baka masira ang makeup mo." Natawa naman ako sa sinabi ni Dad.
Maya-maya pa ay ipinasa na ako ni Dad sa ibang lalaki.
*sayaw*
"Happy birthday Gorgeous. I'm Theo by the way." sabi ng kasayaw kong lalaki sabay abot sa akin ng red rose.
"Thank you." tugon ko kay Theo.
Maya-maya pa ay ipinasa na ako ni Theo sa ibang lalaki.
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
Labing-apat na lalaki na ang nakasayaw ko at labindalawa sa kanila ay ngayon ko lang nakilala. Sina Dad at Tito Bill lang ang kilalang-kilala kong nakasayaw ngayon sa debut ko.
Pero pagdating sa ikalabinlimang lalaki ay feeling ko ay mahihimatay na ako.
Mahihimatay sa kilig dahil si Billy Williams lang naman ang kasayaw ko. My ultimate crushie.
"Hi Lauren." nakangiting bati sa 'kin ni Billy Williams.
"Kyyyyaaaaa! I love you Billy Williams." kinikilig na sabi ko sabay kiss sa lips ni Billy Williams.
Syempre hindi ko 'yon ginawa. Imagination ko lang 'yon. Hahaha!
"H-hi." nahihiyang bati ko sa kanya.
"Para sa 'yo." sabi ni Billy Williams sabay abot sa 'kin ang hawak niyang red rose.
Pagkatapos ay nag-sweet dance kaming dalawa. OMG! Nahawakan ko ang isa niyang kamay tapos nakangiting nakatitig pa siya sa akin. Kita tuloy ang dalawang dimples niya na lalong nagpa-cute sa kanya.
"Happy birthday nga pala sa 'yo Lauren." nakangiting bati sa 'kin ni Billy Williams.
Waaaaa! Feeling ko matutunaw na ako rito sa kilig.
"T-thank you." tugon ko sa kanya.
"Balita ko ay may crush ka raw sa akin, totoo bang crush mo ako?" nakangiting tanong sa 'kin ni Billy Williams na ikinagulat ko.
Alam na niya na crush ko siya?
"Paano mo nalaman na crush kita?" nahihiyang tanong ko kay Billy Williams.
"Sinabi sa akin ng Daddy mo." sagot niya sabay kindat sa 'kin.
"Gano'n ba?" ang nasabi ko na lang kay Billy Williams sabay iwas ng tingin.
Si Dad talaga. Bakit niya sinabi na crush ko si Billy Williams? Nakakahiya tuloy.
"Don't be shy Lauren. I really appreciate na crush mo ako." sabi sa 'kin ni Billy Williams na ikinangiti ko.
Maya-maya pa ay ipinasa na niya ako sa ibang lalaki.
*sayaw*
"Happy debut day Lauren." bati ni Javier sabay abot ng red rose sa akin.
"Thanks." tugon ko sa kanya.
At nag-sweet dance kaming dalawa.
"Ang ganda ganda mo naman kapag nakaayos ka." puri sa 'kin ni Javier.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
"Sayang Lauren. Kung noon ka pa lang nagpaganda ay niligawan na kita noon pa. Naunahan ka tuloy ng honeybunch ko." seryosong sabi sa 'kin ni Javier na ikinatahimik ko.
Waaaa! Seryoso ba siya sa sinabi niya o nagbibiro lang siya?
Natauhan ako bigla nang lumayo na sa akin si Javier. Muntik nga akong matapilok eh.
Almost one minute bago lumapit sa akin si Tim.
"Hindi dumating ang ika-17th roses mo." sabi ni Tim sabay bigay sa akin ang hawak niyang rose.
Biglang pumasok sa isip ko si Jameson. Mukhang siya yata ang tinutukoy ni Tim. Bakit kaya hindi siya nakadalo sa debut ko? Nakakalungkot naman. O baka na-late lang siya.
Nag-sweet dance kami ni Tim.
"Happy Birthday sa 'yo future Mrs. Ramirez." nakangiting bati sa 'kin ni Tim.
"Thank you, my future Mr. Ramirez." nakangiting tugon ko naman kay Tim na ikinamula niya.
Akala mo ikaw lang ang pwedeng gumawa ng galawan mong 'yan. Kaya ko rin 'yan noh.
Pero nakabawi rin siya sa sinabi ko.
"Napakaganda mo ngayon mahal kong binibini. Mas maganda ka pa kaysa sa mga bituin na kumikinang sa langit." puri niya sa 'kin.
This time ay ako naman ang namula sa sinabi niya.
Namula sa sobrang kilig. Makatang-makata kasi ang pagkakasabi niya eh.
"S-salamat." nauutal na sabi ko.
Tahimik lang kaming nag-sweet dance ni Tim since wala kaming maisip na pag-uusapan.
Pero nabasag lang 'yon nang may itinanong sa akin si Tim. "Nagmahal ka na ba dati ng lalaki Lauren maliban sa akin at sa Dad mo?"
Napa-isip naman ako sa tanong niya at pumasok bigla sa isip ko si Jameson. Naalala ko na naman ang pagtatapat niya sa akin dati. Sobrang bilis ang tibok ng puso ko noon.
"Siguro hindi pa." Hindi ako sigurado sa sagot ko.
"Siguro? Hindi ka sure na nagmahal ka na maliban sa amin?" tanong sa 'kin ni Tim.
Nagmahal na nga ba ako dati ng isang lalaki?
"Parang hindi pa talaga sa pagkaka-alala ko." sagot ko kay Tim.
Ngumiti naman siya bilang tugon.
[JAMESON'S POV]
Fuck! Sobrang sakit.
Sobrang sakit ng puso ko ngayon dahil sa nalaman ko.
Bakit hindi niya sinabi sa akin?
Bakit hindi niya sinabi sa akin na may fiancé na siya?
Bakit hindi niya sinabi sa akin 'yon bago pa ako magtapat sa nararamdaman kong pagmamahal sa kanya?
Dapat noon pa niya nalaman na mahal ko siya dahil ipinapakita ko 'yon sa kanya. Pero masyado siyang manhid para malaman 'yon. Hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin.
Pero ang mas masaklap pa do'n ay hindi niya sinabi sa akin na may fiancé na pala siya. Bestfriend ko siya since birth pero hindi niya sinabi sa akin ang tungkol do'n samantalang sina Barbie at Summer na ilang taon pa lang niya nakikilala ay sinabihan na niya na may fiance na siya.
*flashback*
Kaninang umaga...
Habang nagmamaneho ako ay biglang nag-ring ang phone ko.
"Hello Tito Laurence, napatawag po kayo?" tanong ko nang sinagot ko ang tawag ni Tito Laurence.
("Napatawag ako dahil sasabihin ko lang sa 'yo na ikaw ang ika-17th roses ni Lauren kapag magsimula na ang debut ng anak ko mamayang gabi.") sabi sa 'kin ni Tito Laurence.
Nagtaka naman ako. Teka, akala ko ba ako ang ika-18th roses ni Lauren.
"Sigurado po ba kayo na ika-17th roses ako ni Lauren?" tanong ko kay Tito Laurence.
Baka kasi nagkamali lang siya sa pagkakasabi.
("Oo, sigurado ako do'n Jameson. May problema ba?") May halong pagtataka ang boses ni Tito Laurence.
"Wala naman po pero sino ang ika-18th roses ni Lauren?" tanong ko kay Tito Laurence.
("Ang fiancé ng anak ko ang ika-18th roses niya.") sagot ni Tito Laurence na ikinatulala ko.
Dahil sa natulala ako ay muntikan na akong mabangga sa isang malaking puno. Pero buti na lang at nakapreno agad ako.
Nag-echo sa utak ko ang sinagot ni Tito Laurence sa akin.
"Ang fiancé ng anak ko ang ika-18th roses niya."
"Ang fiancé ng anak ko ang ika-18th roses niya."
"Ang fiancé ng anak ko ang ika-18th roses niya."
"Ang fiancé ng anak ko ang ika-18th roses niya."
T-tama ba ang narinig ko?
May fiancé na si Beshie?
O hindi ko lang talaga narinig ng maayos.
"A-ano po ang sinabi niyo Tito Laurence?" tanong ko kay Tito Laurence.
Sana mali ang narinig ko.
("Ang sabi ko, ang fiancé ni Lauren ang ika-18th roses niya. Pasensiya na iho kung hindi ikaw ang ika-18th roses ng anak ko. Alam ko namang close kayo ng anak ko pero 'yon kasi ang napagkasunduan namin since siya ang fiancé ng anak ko.") - Tito Laurence
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko 'yon mula kay Tito Laurence.
("Teka, sinabi na ba sa 'yo ni Lauren na may fiancé na siya?") tanong sa 'kin ni Tito Laurence.
Pinilit kong kinalma ang sarili ko.
"Hindi pa po. Bakit po?" sagot ko kay Tito Laurence.
("Hindi pa niya sinabi sa 'yo?") hindi makapaniwalang tanong ni Tito Laurence.
"Hindi pa po talaga Tito. May problema po ba?" sagot ko kay Tito Laurence.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko kasi ay hindi maganda ang susunod na sasabihin sa akin ni Tito Laurence.
("Hindi mo pa alam? Pero sina Summer at Barbie ay alam na nila. Last month pa nilang alam 'yon iho. At sa tingin ko ay alam na rin ni Javier ang tungkol do'n.") Napatigil naman ako sa sinabi ni Tito Laurence.
Alam na nina Barbie na may fiancé na siya samantalang ako na bestfriend niya since birth ay walang kaalam-alam tungkol do'n?
Bakit hindi niya 'yon sinabi sa akin? Akala ko ay single pa siya.
Pero may fiancé na pala siya. Last month pa 'yon pero hindi niya sinabi sa akin ang totoo noon pa.
*end of flashback*
Tinawagan ko si Javier kaninang umaga tungkol sa fiance ni Lauren pero wala siyang kaalam-alam tungkol do'n.
Tinawagan ko rin sina Summer at Barbie. At nagulat sila na alam kong may fiancé na si Lauren. Umamin naman sila na matagal na nilang alam 'yon pero hindi nila alam ang pangalan ng fiancé ni Lauren.
At dahil sa nalaman ko ay hindi na ako dumalo sa debut ni Lauren.
"BULLSHIT!" sigaw ko at hinagis ko ang cellphone ko.
Hindi ko matanggap.
Hindi ko matanggap na may fiancé na ang babaeng mahal ko.
Sh!t! Bakit kasi ang torpe-torpe ko? 'Yan tuloy, naunahan ako. Kung kailan pa ako umamin ay huli na ang lahat.
Ngayon na alam ko nang may fiancé si Lauren. Ano ang gagawin ko?
Paano na ako?