[LAUREN'S POV]
Since hindi nakarating si Jameson na part ng 18 roses ko ay si Tim na ang nag-took over sa kanyang pwesto. Ibig sabihin no'n ay isasayaw ulit ako ni Tim for the second time at dalawang roses ang matatanggap ko mula sa kanya.
"Happy birhday ulit Future Mrs. Ramirez." bati niya sabay bigay sa akin ang huling red rose at nag-sweet dance na naman kami.
Pero mas naging sweeter ang sayaw namin nang isinandal ni Tim ang ulo ko sa dibdib niya. Dahil do'n ay napayakap ako sa kanya para hindi ako mahirapan sa pwesto ko.
"YIIIIEEEEEEEEEEE!" rinig ko naman ang tilian ng mga bisita dahil sa kilig. Ako nga rin kinilig eh dahil sa posisyon namin.
Pagkatapos ng 18 roses ay nagsimula na ang party. Sayaw dito, sayaw doon. Ang iba naman ay kumakain at nag-iinuman. Ako naman ay naka-upo lang. Medyo napagod kasi ako sa kasasayaw.
"Kumain ka muna." sabi sa 'kin ni Tim at nilagyan niya ng pagkain sa plato ko.
Halos mapanganga ako sa dami ng pagkain na nilagay niya.
"Sa tingin mo, mauubos ko 'yan?" medyo naiinis kong tanong kay Tim.
Baka abutin pa ako ng umaga para maubos ang mga nilagay niyang pagkain.
"Sa tingin mo Future Mrs. Ramirez, ikaw lang ba ang kakain niyan?" nakangiting tanong sa 'kin ni Tim.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Tayo ang kakain niyan. Share tayo ng plato at kutsara. Ang sweet diba?" sagot ni Tim sabay kindat sa akin.
Ewww! Nakakasuka kaya.
Hahaha! Joke lang. Oo na, sweet na. Kinikilig nga ako eh.
At kumain na nga kami ni Tim with a same plate and spoon. Buti na lang at sanay na ako sa gawaing 'yan.
'Yon kasi ang ginagawa namin dati ni Blake (kaibigan ko dati sa Korea) kapag kumakain kami. Dati pa 'yon ah, noong bata pa kami.
Pero ngayon ay hindi na dahil matagal na kaming hindi nagkikita ni Blake. Kumusta na kaya si Blake sa Korea? It's been years na hindi ko na siya nakikita. I miss him so much.
"Geez, napagod kami sa kasasayaw." hingal na sabi ni Barbie nang makalapit sila ni Summer sa table na kinaroroonan namin.
"Honeybunch, may pawis ka sa noo." sabi ni Javier sabay pahid sa noo ni Summer gamit ang panyo niya.
"Thanks honeybunch." nakangiting tugon ni Summer kay Javier. So sweet couple.
"Teka, wala bang magpapahid sa noo ko? Pawis na pawis na kaya ako." reklamo ni Barbie na halatang naiingit kay Summer.
"Ayan Manika." sabi ni Javier sabay pahid sa noo ni Barbie gamit ang panyo niya. Pero halatang hindi ito sweet unlike kay Summer.
"Aray! Ano ba! Dahan-dahan lang." inis na sabi ni Barbie kay Javier.
"Wag ka nang magreklamo." tugon ni Javier kay Barbie.
Umaandar na naman ang kanilang bangayan at asaran mode. Hahaha! Sa totoo lang ay bagay sila. Bagay silang pag-untugin sa isa't isa.
"Who's that handsome guy na nasa tabi mo Lauren?" tanong sa 'kin ni Summer sabay turo sa katabi kong si Tim.
"Oo nga, ang gwapo naman niya. Wait! Siya na ba yung fiancé mo?" tanong naman sa 'kin ni Barbie.
Nabato naman ako sa kinauupuan ko.
"So, totoo nga ang sinabi sa akin ni Jameson na may fiancé ka na." seryosong sabi sa 'kin ni Javier na ikinagulat ko.
"Alam na ni Beshie ang tungkol do'n?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. Tumawag nga siya sa akin kaninang umaga tungkol do'n. Hindi nga ako makapaniwala na may fiancé ka na pala." sagot sa 'kin ni Javier.
Paano niya nalaman ang tungkol do'n? Teka lang, parang alam ko na kung sino ang nagsabi no'n.
Tinignan ko si Barbie at saktong nakatingin din siya sa akin. Parang malakas kasi ang kutob kong siya ang nagsabi no'n kay Jameson dahil may pagkamadaldal siya.
"What? Hindi ako ang nagsabi no'n sa kanya." depensa ni Barbie sa sarili niya.
"Wag muna nating problemahin kung paano nalaman ni Jameson ang tungkol do'n. Ipakilala mo muna sa amin ang super duper handsome mong fiancé." sabi sa 'kin ni Summer.
"Psh! Mas gwapo pa ako diyan." narinig kong bulong ni Javier. Halatang nagseselos siya nang sabihan ni Summer si Tim na 'super duper handsome'.
"Mga bestfriends, meet my fiance, Tim." pagpapakilala ko kay Tim sa mga bestfriends ko.
"Tim, meet my bestfriends, Summer, Barbie at Javier." pagpapakilala ko naman sa mga bestfriends ko kay Tim.
"Hi Tim, I'm Barbie. But you can call me baby." sabi ni Barbie kay Tim.
Kumunot naman ang noo ni Tim.
"Wag kang mag-assume na tatawagin ka niyang baby dahil mukha kang chanak." pang-aasar ni Javier kay Barbie.
"Che! Ikaw ang mas mukhang chanak." nakasimangot na tugon ni Barbie kay Javier.
Tumawa lang kami ni Summer sa kakulitan nina Barbie at Javier.
Hindi lang puro sayawan ang naganap sa debut ko kundi may pa-raffle din at may party games pa na lalong nagpa-enjoy sa mga bisita. Syempre, nag-enjoy din ako.
Pero ito ang pinakapaborito ko. Nang maglaro kami ng newspaper dance.
"Here's the mechanics. Each pairs dances around a sheet of newspaper. Once the music stop, the pair will stands on a newspaper. They may only touch the newspaper but not the floor. As soon as the music is turned on, the pairs have to dance as best as possible. Any pair touching the floor is out of the game. After some time, the music stops and the newspaper will be folded in half. Then, the music starts again. The pair that manages to survive the dancing as last pair has, of course won the game. The prize is trip to Hongkong Disneyland, good for 2 persons with P100,000 pocket money." paliwanag ng MC sa laro.
Okay, wala akong maintindihan sa sinabi ng MC. English kasi eh. Nakaka-nosebleed. Hahaha!
Pero buti na lang at alam ko ang larong 'to. At waaaaa! Trip to Hongkong Disneyland ang prize. Ginanahan ako bigla dahil do'n. Gustong-gusto kong manalo sa game na 'to para makapunta ako sa Disneyland. Gusto kong makita si Mickey Mouse.
At nagsimula na nga ang game. Minsan ay natutulala ako sa gitna ng laro dahil habang paliit nang paliit ang newspaper ay palapit kami nang palapit ni Tim sa isa't isa hanggang sa kailangan naming yakapin ang isa't isa. Naaamoy ko na nga ang hininga ni Tim dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dalawang pairs na lang ang natitirang naglalaro at kasama kami ni Tim. Ang kalaban namin ay hindi namin kilala.
"Okay, fold the newspaper for the last time." sabi ng MC.
Tinupi naman ni Tim ang newspaper.
"Mukhang iisang paa na lang ang pwedeng apakan ng newspaper. Ano ang gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko kay Tim.
Waaaa! Natatakot ako na baka matalo kami. Sayang ang pang-disneyland.
"Ako na ang bahala. I will make sure that we will win this game." sabi sa 'kin ni Tim na ikinangiti ko.
Nawala bigla ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Nag-play na ang music.
***
It's always a good time (Whooo)
Whoa-oh-oh, oh-oh-oh, whoa-oh-oh
It's always a good time
Whoa-oh-oh, oh-oh-oh
We don't even have to try,
It's always a good time
***
Nang tumigil ang music ay nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Tim at inapakan niya ang newspaper gamit ang isa niyang paa. Natulala na naman ako.
"Mukhang magkaiba ang kanilang strategy. Sino kaya ang matirang matibay at mananalo ng Trip to Hongkong Disneyland?" narinig kong sabi ng Emcee.
Tulala pa rin ako.
- AFTER 5 MINUTES -
"Okay, may nanalo na." Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita ang MC.
At doon ko nalamang talo pala kami ni Tim na ikinalungkot ko naman.
Ibinaba naman ako ni Tim mula sa pagkakabuhat. Waaaa! Ang pang-disneyland ko. Huhuhu!
"Wag ka nang malungkot dahil makakarating ka sa disneyland balang araw." nakangiting sabi ni Tim sabay kindat sa 'kin.
Hindi na ako nagsalita pa at bumalik na kami sa table namin. Tama siya, makakapunta rin ako do'n balang araw.
- AFTER 1 HOUR -
***
Happy birthday to you,
Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday,
Happy birthday to you.
***
"Make a wish and blow the candles." sabi sa 'kin ni Dad.
Pumikit naman ako para mag-wish at isa-isa kong hinipan ang mga birthday candles na nasa three-layer cake.
Nagpalakpakan naman ang mga bisita. Napakasaya ko ngayon.
Sana hindi na matapos ang gabing 'to.
[THIRD PERSON'S POV]
- BAR HOUSE -
"Babe, let's dance." malambing na sabi ng babae sa binatilyo sabay halik sa pisngi nito.
Hindi ito pinansin ng binatilyo at lumaklak siya ng isang basong tequilla. Ito ang unang beses na makapunta siya sa isang bar. At ito rin ang unang beses na uminom siya ng nakakalasing na inumin kaya isang baso pa lang ang nainom niya kanina ay lasing na agad siya.
"Babe, sige na. Sayaw tayo." pagpupumilit ng babae na isayaw siya ng binatilyo.
Tumingin naman ang binatilyo sa babae.
Pagtingin niya ay nakangiting mukha ni Lauren ang bumungad sa kanya.
"B-beshie." wala sa sariling sabi ng binatilyo.
Hinawakan niya ang batok ng babae at saka siniil niya ito ng halik. Lingid sa kaalaman ni Jameson na hindi si Lauren ang kahalikan niya ngayon.
[LAUREN'S POV]
- NEXT DAY -
Kagigising ko pa lang. Nagulat nga ako eh dahil iba ang kwarto ko. Nakalimutan kong hindi pa pala kami naka-uwi nina Dad.
"Good morning Birthday Girl. Let's go downstairs. Breakfast is ready na." sabi sa 'kin ni Summer na nakasilip sa pinto.
Tumango lang ako at ngumiti. Bumangon na ako sa kama at bumaba na kami ni Summer para mag-breakfast.
"Good morning Dad." masayang bati ko kay Dad.
"Good morning din my beautiful daughter." nakangiting bati naman sa 'kin ni Dad.
Umupo na ako sa nag-iisang vacant seat which is katabi ni Tim.
"Nag-enjoy ka ba sa debut mo iha?" tanong sa 'kin ni Tito Bill.
Nakangiting tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Oo nga pala anak, pagkatapos ng breakfast ay magbubukas tayo ng mga gifts." sabi sa 'kin ni Dad.
"Sige po Dad." nakangiting tugon ko.
"Bes, kailangan mong pumasok mamayang tanghali dahil makikilala na natin ang substitute teacher na tinutukoy ni Sir." sabi sa 'kin ni Barbie.
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
Pagkatapos naming mag-breakfast ay pumunta na kami sa sala para magbukas ng gifts.
"Okay anak, bawat pagbukas mo ng gift ay kukunan ko ng picture." sabi sa 'kin ni Dad na may hawak na camera. Si Tim naman ay nasa tabi ko para tulungan ako sa pagbubukas ng gifts.
Sina Barbie, Summer, Javier at Tito Bill naman ay audience lang. Okay start na.
Ang una kong nakuhang gift ay mula kay Barbie.
"Buksan mo na." sabi sa 'kin ni Barbie.
Binuksan ko naman yung gift sa akin ni Barbie at napatakip ako sa bibig ko dahil Nokia 3310 lang naman ang gift ni Barbie sa akin. Pero ito yung pinabongga at latest version ng Nokia 3310. Waaaa! Mas gusto ko pa 'to kaysa sa old version ng Nokia 3310.
"Waaaaa! Thank you for this Bes." sabi ko kay Barbie sabay yakap.
"Yung akin naman ang buksan mo Lauren." sabi sa 'kin ni Javier.
Kinuha ko naman ang gift sakin ni Javier binuksan ko 'yon.
Waaaaa! Puro siya notebooks pero yung cover ng notebook ay mga pictures naming magkakaibigan. Halatang nag-effort si Javier para rito.
"Waaaaaaa! Ang ganda naman nito Javier. Thank you so much." sabi ko kay Javier sabay yakap sa kanya.
Yumakap din sa akin si Javier.
"Ehem." - Summer
Napabitaw naman ako sa yakap ni Javier nang mag-ehem si Summer. Kumuha ulit ako ng gift at sakto namang mula kay Summer 'yon.
Binuksan ko ang gift sakin ni Summer at...
"Waaaa! Mga novels." masayang sabi ko.
Puro novels ang gift sakin ni Summer. Mga 15 novels ito at halos lahat ng novels ay sinulat ni Dyosa AriadneWP.
(A/N: Abangan niyo po soon. Hahaha! Assuming ako.)
Ang ibang gifts naman ay puro gadgets, makeups, dresses at kung ano-ano pa.
"Teka, asan po ang gift niyo Dad? Pati na rin ang sa 'yo Tim? Tito Bill?" tanong ko sa kanila.
Nabuksan na kasi namin ni Tim ang lahat ng gifts. Pero yung gift sa akin nina Tito Bill, Tim at Dad ay hindi ko pa nabubuksan at hindi ko pa nakikita dahil wala rito.
"Ito ang gift namin ng Tito Bill mo." sabi ni Dad sabay bigay sa akin ang... isang kumpol ng mga susi?
"Ito po ba ang gift niyo ni Tito Bill sa akin?" nagtatakang tanong ko kay Dad sabay kuha sa kanya ang isang kumpol ng mga susi.
"Hindi mga susi ang gift namin sa 'yo Lauren. Ang mga susi na 'yan ay para sa bagong bahay na titirahan niyo ni Tim ngayon." sagot sa 'kin ni Dad.
Teka, ano ang ibig niyang sabihin?
"Simula ngayong araw na 'to ay dito na kayo titira ni Tim sa bagong bahay niyo." sabi sa 'kin ni Tito Bill.
"WHAT? TITIRA KAMI SA IISANG BAHAY?" sabay na sabi namin ni Tim.
Hindi kami makapaniwala sa narinig namin.