Chapter 14

[LAUREN'S POV]

"Simula ngayong araw na 'to ay dito na kayo titira ni Tim sa bagong bahay niyo." sabi sa 'kin ni Tito Bill.

"WHAT? TITIRA KAMI SA IISANG BAHAY?" sabay na sabi namin ni Tim. 

Hindi kami makapaniwala sa narinig namin. Pati nga sina Barbie, Javier at Summer ay hindi rin makapaniwala sa narinig nila.

"Pasensiya na kung nagulat kayo sa sinabi namin. Siguro mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol dun. Tignan na lang natin kung ano ang regalo ni Tim para sa birthday girl natin." ani Dad.

Gusto ko sanang magprotesta sa sinabi nina Dad at Tito Bill pero pinigilan ako ni Dad.

"Ibigay mo na ang regalo mo sa kanya, anak." ani Tito Bill kay Tim.

Binigay na ni Tim ang regalo niya para sa akin. Bakit ang gaan ng regalo niya kahit malaki ang gift box?

Nang makuha ko na kay Tim ang regalo niya para sa akin ay binuksan ko ito.

Pagbukas ko...

-______-

Kaya naman pala magaan ang regalo niya sa akin.

Dahil isang sobre ang laman ng gift ni Tim sa akin.

"Ano ang gagawin ko rito?" tanong ko kay Tim sabay kuha sa sobre na nasa gift box.

"Pwede mong kainin 'yan." walang kwentang sagot niya. Namilosopo pa talaga siya.

"Sige, kakainin ko na 'to." pamimilosopo ko rin.

Akmang kakainin ko ang sobre nang pigilan ako ni Tim. "Hehehe! Joke lang Ms. Celebrant. Hindi ka naman mabiro. Tingnan mo ang nasa loob niyan."

"As if naman kakainin ko 'to." ani ko.

Tiningnan ko ang laman ng sobre.

O0O

Waaaaaaaaaaaaa!

Tama ba 'tong nakikita ko?

Trip to Hongkong Disneyland with P120,000 pocket money na good for 7 persons?

"IHHHHHHHHHHHHHHH!" tili ko sa tuwa sabay yakap kay Tim. "Thank you! Thank you! Thank you!" masayang sabi ko sa kanya.

Waaaaaa! Matutupad na ang dream ko na pumunta sa Disneyland.

[TIM'S POV]

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang yakapin ako ni Lauren. Alam ko na kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

I'm in love with her at sigurado ako sa nararamdaman ko sa kanya.

Simula nang makasayaw ko siya kahapon sa debut niya ay lagi siyang pumapasok sa isip ko at bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naiisip ko siya. And I realize that I really love Lauren so much. Siya lang ang nag-iisang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito.

Dati noong nasa Australia pa lang ako ay wala akong sineseryoso kahit isang babae. Pinapayagan ko lang silang landiin ako pero hindi ko sila pinapayagang makipagrelasyon sa akin. 

Pero ngayon ay nag-iba na, may nagpapatibok na sa puso ko. Ayoko nang makipaglandian sa mga babae at gusto ko nang makipagrelasyon sa babaeng mahal ko.

At 'yon ay si Lauren.

"Bagay talaga kayong dalawa." narinig kong sabi ni Tito Laurence.

Napabitaw bigla si Lauren mula sa pagkakayakap niya sa akin.

"Sorry Tim." nahihiyang sabi niya which makes her cute.

"It's okay." nakangiting tugon ko sa kanya.

"What's that smile Son?" tanong sa 'kin ni Dad.

"Nothing Dad." nakangiti ko pa rin 'yon sinabi.

[BARBIE'S POV]

Waaaaaa! Parang na-se-sense kong inlove na 'tong si Tim sa bestfriend kong si Lauren. At gano'n din si Lauren kay Tim.

Ang haba talaga ng hair ni Lauren.

May Jameson my loves na nga siya tapos may hot, sexy and handsome pa siyang Tim. Haaaay! Sana ako na lang siya para ma-inlove na sa akin si Jameson my loves.

Speaking of Jameson my loves, nasaan na kaya siya? Alam kong nasasaktan siya ngayon dahil nalaman na niyang may fiancé na ang babaeng mahal niya. Pero sana okay lang siya ngayon at ligtas siya.

[JAMESON'S POV]

What the fuck! Ang sakit ng ulo ko.

Napabangon ako hawak-hawak ang noo ko.

O________O

Teka, nag-iba yata ang itsura ng kwarto ko.

"You're awake handsome."

O________O

Napatingin ako sa side ko at may nakita akong isang babaeng walang saplot sa pang-itaas.

"WHO THE HELL ARE YOU?" bigla kong sigaw sa babae.

Parang pamilyar sa akin 'tong babaeng 'to.

"I'm Jasmine. Did you enjoy last night Handsome?" tanong niya sa 'kin na ikinagalit ko.

"Fuck! Get the hell out. I don't want to see your fucking face." galit kong sabi sa babae.

"No, you're the one who should get out because this is my hotel. Oh wait! You can't leave me because you're mine now lalo na't may nangyari sa atin." tugon niya.

Napakagat ako sa dila ko at pinipigilan ko ang sarili ko na baka may magawa akong hindi kanais-nais sa babaeng 'to kaya bumangon ako at nagsuot ng damit.

"Iiwan mo ako?" aniya.

Hindi ko siya kinibo at kinuha ko ang wallet, susi ng kotse at cellphone ko sa mesa at lumabas ng hotel.

Nang nakalabas na ako mula sa hotel ay pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.

*kriiiiiiiinnnnnnnnggggggg!*

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa passenger seat at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag.

***

Beshie

calling...

***

Naikuyom ko bigla ang kamao ko dahilan ng pagkasira ng cellphone ko. Naalala ko na naman ang ginawa niyang paglilihim sa akin tungkol sa fiancé niya. Tama nga si Stephanie, she's really a traitor.

*flashback*

Nang makarating ako sa Dyosa's Bar ay papasok na sana ako sa loob nang makasalubong ko bigla si Stephanie.

"Oh! Hi Jameson or should I say my former friend. What are you doing here? Ngayon lang kita nakitang pumunta sa lugar na 'to. I bet may dinadala ka ngayong mabigat na pinagdadaanan." sabi sa 'kin ni Stephanie nang makasalubong niya ako.

"It's none of your business." walang emosyon kong tugon sa kanya.

"Huhulaan ko. Nalaman mo na ang katotohanan na may fiancé na ang babaeng minamahal mo slash traitor." sabi sa 'kin ni Stephanie na ikinainis ko.

Alam din niya ang tungkol do'n?

"She's not a traitor." galit na sabi ko kay Stephanie.

How dare she na tawagin niyang traydor si Lauren.

"Oh really? Kung hindi siya traydor ay dapat hindi niya nilihim sa 'yo ang tungkol sa fiancé niya. Sina Barbie at Summer nga ay alam nila ang tungkol do'n, pero ikaw hindi mo alam? Ikaw ang bestfriend niya since birth pero ikaw pa ang nilihiman niya. 'Yan ba ang hindi traydor?" ani Stephanie.

Napa-isip ako bigla sa sinabi ng babaeng 'to. Tama siya, kung hindi siya traydor ay hindi niya ito nilihim sa akin.

*end of flashback*

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" sigaw ko at sinuntok ko ang manibela ng kotse ko.

Bakit mo 'to ginawa sa 'kin Beshie? Minahal kita pero ito ang igaganti mo sa akin?

Simula ngayon ay hindi na kita kaibigan at kakalimutan ko na rin nararamdaman ko sa 'yo...

LAUREN.