Chapter 15

[LAUREN'S POV]

(WARNING: Medyo Rated SPG.)

*toot toot toot*

Kanina ko pa tinatawagan si Jameson pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Mukhang nagtatampo siya sa akin." malungkot kong sabi kina Summer, Barbie at Javier.

"Wag kang ngang mag-isip ng negative, Girl. Hindi 'yan nagtatampo sa 'yo. At isa pa, kung magtampo man siya sa 'yo, I'm sure hindi ka niya matitiis." sabi sa 'kin ni Summer.

"Pero ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko man lang inamin sa kanya na may fiancé na ako." ani ko kay Summer.

"Think positive Bes. Hindi 'yan nagtatampo sa 'yo. Baka nagulat lang siya sa nalaman niya. Pero sana hindi siya malungkot ngayon." ani Barbie.

"Malalaman natin 'yan kapag pumasok na tayo mamaya sa klase. 'Wag ka nang malungkot." ani Javier.

"Tama si honeybunch, Girl. Makikita mo naman mamaya si Jameson sa school." ani Summer.

Sana nga hindi siya nagtatampo sa akin.

[STEPHANIE'S POV]

"Girls, success ang plan natin. Sa wakas, mapapasakin na rin si Fafa Jameson dahil buntis ako at siya ang ama ng dinadala ko." masayang sabi ni Yasmine. Teka, Yasmine nga ba 'yon?

"Your so bobo talaga Jasmine. Paano ka niya mabubuntis kung may period ka kahapon? At isa pa, masyado kang advance. Kahapon pa lang may nangyari sa inyo ni Fafa Jameson pero buntis na agad ang nasa isip mo." mataray na sabi ni Melamine kay Yasmine--este Jasmine pala. Ano ba 'yan, makakalimutin talaga ako sa pangalan.

"Well at least naka-sex ko ni Fafa Jameson. Nakuha ko ang virginity niya at siya ang kumuha sa virginity ko kaya pananagutan namin ang isa't isa at magpapakasal kami at bubuo kami ng isang masayang pamilya at araw-araw kaming mag-ho-honeymoon sa aming kwarto." ani Jasmine.

"Ang lapad naman ng imagination mo Jasmine. Pero may itatanong lang ako sa 'yo." ani Melamine.

"Ano 'yon Melanie?" ani Jasmine.

Ay hindi pala Melamine. Melanie pala.

"Masarap ba si Fafa Jameson sa kama?" tanong bigla ni Melanie kay Jasmine.

Walang filter talaga 'tong mga bibig nila.

"Super sarap niya sa kama Melanie. Sobrang wild niya kahapon at hard fucker siya. Ang laki pa ng junior niya, 8 inches ang haba at may katabaan pa. Ang lakas ng stamina niya, Girl." sagot ni Jasmine na ikinangiwi ko.

"Ang swerte mo naman Jasmine. Sana ako na lang ang nasa posisyon mo kagabi." ani Melanie.

"May mga picture pa nga ako sa kanya na nakahubad eh. Gusto mo i-SHAREit ko sa 'yo?" ani Jasmine.

"Sige, gusto ko 'yan." masayang tugon ni Melanie.

Jusko! Ang lalandi talaga nila. Hindi lang malandi kundi ang babastos pa nila. Pasalamat sila na kailangan ko sila sa plano ko.

Pero sobrang saya ko ngayon dahil successful ang plano namin na masira ang pagkakaibigan nila ni Jameson at 'yang chakang Lauren na 'yan. Buti na lang at nalaman ko kahapon na may fiancé na pala ang chakang 'yan at doon nabuo ang plano ko.

Pero grabe lang, sobrang gwapo at yummy ng fiancé ng chakang 'yon. Ang malas naman niya dahil mapupunta lang siya sa chaka at traydor na Lauren na 'yon. Pero don't worry dahil si Melanie na ang bahala sa kanya.

Simula pa lang 'yan Lauren, mas malala pa ang mawawala sa 'yo lalo ka na Summer dahil mapapasakin din balang araw si Javier.

[LAUREN'S POV]

Katatapos ko pa lang maligo dito sa shower room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang titira kami ni Tim sa iisang mansyon. At kami lang ang nandito. Nakakakaba naman lalo na't lalaki ang kasama ko.

Nang makapagtapis na ako ay binuksan ko ang pinto ng shower room para lumabas.

Pero pagbukas ko ng pinto...

O_______O

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako bigla sa nakita ko.

Nagulat nga siya eh kaya nabitawan niya ang bra at panty ko.

"BASTOS KA!" sigaw ko kay Tim at pinagpapalo ko siya nang makalapit ako sa kanya.

"Ouch! Wait Lauren! Ouch! I can explain! Ouch! Tama na!" awat sa 'kin ni Tim habang pinagpapalo ko siya.

"BAKIT HAWAK HAWAK MO ANG BRA AT PANTY KO?" sigaw na tanong ko sa kanya at tumigil ako sa pagpalo ko.

"Hindi ko naman sinasadya eh. Nakita ko lang 'yan sa kama." sagot sa 'kin ni Tim.

Kukunin sana niya ang bra at panty ko na nahulog sa sahig pero napatigil siya bigla at napalunok habang nakatingin sa katawan ko. Namumula pa nga siya eh.

"Hoy! Bakit ka nakatingin sa katawan ko?" tanong ko kay Tim at tumingin ako sa aking katawan.

O_________O

At do'n ko na-realize na nakatapis lang pala ako. Kita pa ang cleavage ko.

"AAAAAAAHHHHHHHH! TUMALIKOD KA!" sigaw na utos ko kay Tim.

Agad naman siyang sumunod.

[TIM'S POV]

Shit! Nakaramdam ako bigla ng init nang makita ko ang cleavage ni Lauren. Sobrang sexy niya kapag nakatapis. At unti-unting nabubuhay si Tim Jr. na nasa loob ng brief ko.

"Pwede ka nang humarap." narinig kong sabi ni Lauren.

Humarap naman ako sa kanya at nakita kong naka-school uniform na siya. Sa wakas nakadamit na rin siya. Pero grabe, ang ganda-ganda na niya ngayon. Nerdy look pa rin siya pero magandang nerd. Para siyang isang model ng eyeglasses. Mas lalo tuloy akong na-inlove sa kanya.

"Tara, kumain muna tayo." sabi ko kay Lauren.

Tumango naman siya at pumunta kaming dalawa sa dining area.

Nga pala, matutula mamaya si Lauren kapag makita niya ako sa school nila. I will surprise her.

[LUIS' POV]

Ang tagal naman umuwi nina Ma'am Stephanie at Ma'am Summer. Kahapon pa sila wala rito sa mansyon. Ang alam ko lang ay pareho silang nasa debut party ng isang schoolmate namin kahapon. Hindi ko alam ang pangalan ng debut celebrant since hindi ko naman ito kilala.

"Pogi, tulungan mo akong maghanda ng lunch. Parating na raw sina Ma'am Stephanie at Ma'am Summer." sabi sa 'kin ng bagong kasambahay dito sa mansyon na si Ganda.

"Sige." tugon ko kay Ganda at tinulungan ko siyang maghanda ng pananghalian.

Medyo nakaramdam ako ng konting pagod dahil sa dami ng gawaing-bahay na ginawa ko kanina.

"Pogi, may pawis ka sa noo oh." sabi sa 'kin ni Ganda sabay hawak sa laylayan ng t-shirt ko at ginamit niya itong pamunas sa noo ko.

Nakikita na niya ang katawan ko.

"Ang ganda talaga ng katawan mo Pogi." ani Ganda.

Biglang iginala ni Ganda ang kamay niya sa katawan ko. Mula sa abs ko, hanggang sa dibdib ko. Balik ulit sa abs ko, balik ulit sa dibdib ko. Paulit-ulit niya itong ginawa.

"Ang hard." manghang sabi ni Ganda.

"Baka mahuli tayo nina Ma'am Summer, Ganda." sabi ko kay Ganda sabay tanggal ng kamay niya na nakapatong sa dibdib ko.

"Wag kang mag-alala Pogi dahil wala pa sila rito." sabi sa 'kin ni Ganda at nagulat ako dahil sinakop niya ang labi ko gamit ang labi niya.

Naramdaman ko muli ang paggala ng kamay niya sa katawan ko.

"Naglalandian pa talaga kayo sa oras ng trabaho ninyo."

O______O

Napahiwalay ako bigla kay Ganda nang marinig ko ang boses ni Ma'am Stephanie.

Lagot na.

[STEPHANIE'S POV]

Wow! Ang galing.

Nahuli ko pa talaga silang naglalandian sa oras ng trabaho nila. Kabago-bago pa lang ni Ganda rito ay lumalandi na agad siya.

Pero bakit parang na-hurt ako nang makita ko silang naghahalikan? At parang gusto kong sabunutan si Ganda.

"Pasensiya na po sa inyo Ma'am Stephanie. Hinalikan po kasi ako ni Luis. P-pinigilan ko po siya kanina pero napaka-agressive niya." kinakabahang sabi sa 'kin ni Ganda.

Aray! Ang sakit naman sa puso. Si Luis pa talaga ang humalik kay Ganda.

"Ma'am hindi po to..." - Luis

"Bumalik na kayo sa trabaho." sabi ko sabay lakad papalayo sa kanila.

Hindi ko na pinatuloy pa sa pagsasalita si Luis dahil ayoko muling makaramdam ng kirot sa puso.

[LAUREN'S POV]

- RODRIGUEZ UNIVERSITY -

Pagpasok ko pa lang sa loob ng Rodriguez University ay napansin kong may mga matang nakatutok sa akin mostly boys. Teka, may dumi ba ako sa mukha?

"Wow! Ang ganda niya." narinig kong sabi ng isang lalaki. Junior siguro siya.

Hindi ko pinansin yung lalaki.

"Hi Miss." Biglang humarang ang lalaki sa dinadaanan ko.

Okay, kakaiba na 'to. Hindi ako sanay.

"H-hi." nauutal at naiilang na bati ko sa lalaki.

"Bago ka ba rito?" tanong sa 'kin ng lalaki.

"Ahm! Hindi?" patanong na sagot ko sa kanya dahil sa pagtataka.

Nginitian niya ako. "Talaga? Sa ganda mo kasing 'yan for sure ay noon pa kita napansin. By the way, I'm Ace."

"Ah okay, dadaan na ako." tugon ko sa lalaki at hindi nagpakilala.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga classmates niya.

"Bro wala ka pala eh!"

"Akala ko ba malakas ka sa chicks, Ace."

Halatang nainis sa akin ang Ace na 'to.

"Alam mo Miss, wala pang humihindi sa akin. I'm sure nagpapakipot ka lang. Pero ayos lang dahil 'yan ang gusto ko sa 'yo." aniya at nagulat ako dahil kinulong niya ako sa mga bisig niya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. At eww lang, amoy na amoy ko ang bad breath niya. Halatang hindi siya nagsisipilyo three times a day.

"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko mula sa yakap niya.

"Eh paano kung ayaw ko?" aniya sabay kindat.

Ganito pala ang gusto mo ha!

"RAPE! RAPE!" sigaw ko at nakuha ko ang atensyon ng mga estudyante.

*pruuuuutttt!*

"Fuck! Bro tumakbo na tayo. Parating na ang mga security guard." sabi ng lalaking kasama ng Ace na 'yon at tumakbo na sila.

"Hintay!" sabi ng Ace na 'yon at tumakbo na rin siya.

Pinaghahabol na sila ngayon ng mga security guard. Buti nga sa kanya. Feeling naman niya lahat ng babae ay makukuha niya. Ang yabang niya at saka mas gwapo pa sa kanya si Tim noh.

Habang naglalakad ako papuntang room ng first subject ko for this afternoon ay nagtitinginan pa rin ang mga schoolmate ko sa akin. Yung mga lalaki ay nakangiti sa akin habang ang mga babae naman ay masama ang tingin.

Kinuha ko ang baon kong salamin na nasa bag ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Wala naman akong dumi sa mukha ha. Bakit kaya sila nakatingin sa akin?

Nang makarating na ako sa room ng first subject ko for this afternoon ay napatingin sa akin ang mga classmates ko.

"Wow! Ang ganda talaga ni Lauren kapag nakaayos." narinig kong sabi ng classmate kong si Cristian--este Cristine pala.

"Oo nga Girl, pero mas maganda pa rin ako sa kanya." narinig ko namang sabi ni Milicent.

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo ako sa assigned seat ko. To be honest ay na-touch ako sa mga papuri nila sa akin. 

"Waaaaaa! Girl, may i-chi-chika ako sa 'yo. I'm sure manlulumo ka sa malalaman mo." narinig kong sabi ni Bella.

"Anong i-chi-chika mo Girl?" narinig kong tanong ni Milicent.

I'm sure puro kalandian na naman 'yan.

"Sinisante na nila ang gwapong nurse na pinagnanasaan mo." narinig kong sagot ni Bella.

Napukaw bigla ang atensyon ko nang marinig ko 'yon. Hahaha! Buti nga sa kanya. Ang sama ng ugali ng nurse na 'yon. Hindi niya deserved na maging nurse dito.

"What? Nooooooo! Why did they fire him?" hysterical na tanong ni Milicent.

"Huminga ka muna nang malalim Girl. Baka mahimatay ka sa sasabihin ko." ani Bella kay Milicent.

Huminga nang malalim si Milicent. "Okay, sabihin mo na."

"Silahis ang gwapong nurse na pinagnanasaan mo, Girl. Narinig kong hinipuan daw niya ang substitute Prof natin sa General Math." ani Bella na ikinagulat ko.

Ano? Silahis ang gwapong nurse na 'yon? Kaya pala gano'n siya makasabi ng masasakit na salita sa akin dati. Diring-diri pala siya sa mga babae at lalaki ang gusto niya. Hahahaha

"Waaaaaaaaahhh! Noooooooo!" Nahimatay bigla si Milicent.

"Milicent! Gising!" sabi ni Bella sabay yugyog kay Milicent.

Ang O-OA talaga nila.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang Adviser namin.

"Good afternoon Class. Good news to all of you dahil nandito na ang pansamantala ninyong Prof sa General Mathematics." sabi sa 'min ng Adviser namin.

At saktong dumating na sina Summer, Barbie at Javier.

"Waaaaaa! Ba't ang gwapo ni Fafa Javier?" narinig kong bulong ni Cristine.

"Sana maghiwalay na sila ni Summer para mapasakin na rin si MVP Prince." narinig ko namang bulong ni Bella.

As if namang papatulan ka ni Javier.

Umupo na sina Summer, Barbie at Javier sa seat nila.

"Ito na siya. Say hi to your substitute Prof on your General Mathematics subject." ani Adviser.

"KYYYYAAAAAAAAAAAAAA!" biglang tilian ng mga babae at beking estudyante.

O_________O  

Si Tim?

Siya ang substitute Prof namin sa General Mathematics?