Chapter 16

[LAUREN'S POV]

Hindi ako makapaniwalang siya ang mag-su-sub kay Mr. Hope.

"Good afternoon students. My name is Tim Ramirez. I'm your substitute teacher in General Mathematics. You can call me Prof Handsome." pagpapakilala ni Tim sa sarili niya sabay kindat.

Prof Handsome daw! Ang hangin ng utak niya. Pero totoong handsome talaga siya.

"Good afternoon Prof Handsome." bati ng mga classmates ko kay Tim. Ako lang yata ang hindi bumati sa kanya.

"Grabe Girl, gwapo nga." narinig kong bulong ni Milicent.

"At ang hot pa." narinig ko namang bulong ni Christian--este Christine pala.

Pigilan niyo ako. Masasabunot ko talaga ang mga nagnanasa sa fiancé ko.

(A/N: Go Girl! Push mo 'yan. Hindi ka namin pipigilan.)

"Gusto ko kayong makilala isa-isa. Can you introduce yourselves in front?" ani Tim.

Isa-isang nagpakilala ang mga students.

"Hi Prof Handsome!" pabebeng bati ni Bella habang nakatingin kay Tim. Halatang kinikilig siya.

"Hi. What's your name?" nakangiting tanong ni Tim kay Bella.

"I'm Bella Kiti-kiti. 17 years old and I'm single and available. Hihihi!" kinikilig na pagpapakilala ni Bella sa sarili niya.

'Wag na kayong magtaka kung bakit 'yan ang apelyido niya. Bagay na bagay. Hahahaha!

"Next." ani Tim.

Pagkatapos magpakilala ni Bella ay si Milicent na ang sunod. Oo nga pala, unang magpapakilala ang mga nasa back seat at huli ang mga nasa front.

"Hello po Prof Handsome!" mahinhin pero kinikilig na bati ni Milicent kay Tim.

"Hello. Can I know your name?" nakangiting tanong ni Tim kay Milicent.

"My name is Milicent Malandi. 18 years of age and I'm single and available like Bella. My cellphone number is 09987654321. Save niyo na lang po ang number ko Prof Handsome." pagpapakilala ni Milicent sa sarili niya.

Sinabi pa talaga niya ang cellphone number niya. At tama po kayo ng basa. Malandi po talaga ang apelyido niya. Bagay din.

Sunod namang nagpakilala ay si Christine.

"Good afternoon Prof Handsome. My name is Christian Mabaho Ang Kili-kili. You can call me My Christine, Honey, Baby, Love, o kung ano ang gusto mong itawag sa akin. I'm 20 years old. And I'm single and ready to mingle. Ang type kong lalaki ay ang katulad niyo Prof Handsome. Gwapo, macho, may sex appeal, model..., yummy!" pagpapakilala ni Christine sa sarili niya.

Ang landi talaga ng baklang 'to. At tama po ang basa ninyo. Christian Mabaho Ang Kilikili talaga ang full name ni Christine.

"Next" ani Tim.

Oh my gosh! Ako na pala ang susunod. Sa totoo lang, kinakabahan ako.

Tumayo ako at pumunta sa front para magpakilala.

"Hello po." nahihiyang bati ko kay Tim.

"Hi. Ang ganda mo naman." nakangiting puri sa 'kin ni Tim.

Feeling ko nagba-blush na ako ngayon.

"Yieeeeeeeeeeeeee!" reaction ng mga classmates ko.

Ene bey! Weg keyeng genyen.

"Can I know your name Miss Beautiful?" nakangiting tanong sa 'kin ni Tim.

"I'm Lauren Da-- Manzano. 18 years old." pagpapakilala ko sa sarili ko.

Muntikan ko nang masabi ang Dave. Pero buti na lang at napigilan ko.

Pagkatapos kong magpakilala ay umupo na ako sa seat ko.

"Ang swerte mo naman Lauren. Mukhang type ka yata ni Prof Handsome." bulong sa 'kin ni Milicent.

"Oo nga Lauren. Inggit much kami. How to be you ba?" bulong naman sa 'kin ni Bella.

Kung alam lang nilang fiancé ko si Tim, I'm sure mas maiinggit pa sila sa akin.

"Teka, asan nga pala ngayon si Fafa Jameson? Bakit hindi siya pumasok?" narinig kong tanong ni Christine.

Nakaramdam ako bigla ng lungkot nang marinig ko ang pangalan ni Beshie. Asan na kaya siya ngayon? Nagtatampo kaya siya sa akin dahil sa may fiancé na ako?

Pagkatapos naming magpakilala ay nagsimula nang mag-discuss si Tim about Combinations. To be honest, medyo hindi ko maintindihan ang dini-discuss ni Tim dahil iniisip ko ngayon si Beshie. Pero magaling siyang magturo at masasabi kong siya si Pietro Boselli ng Pilipinas. Ang hot kasi niyang Math Teacher.

***

Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa mansyon namin ni Dad para kunin ang mga gamit ko at ilipat ito sa mansyon na titirahan namin ni Tim.

"Mamimiss kita Ma'am Lauren." malungkot na sabi sa 'kin ni Yaya habang tinutulungan niya akong buhatin ang dalawang maleta ko. Yung mga importanteng bagay lang ang dinala ko since mayroon naman akong mga bagong gamit do'n sa bagong mansyon na titirahan namin ni Tim.

"Mamimiss ko rin kayo Yaya." malungkot ko namang tugon kay Yaya.

At nagsimula na nga kaming humagulgol sa iyak. Waaaaaaa! Mamimiss ko talaga si Yaya.

***

Nang madala ko na ang mga bagay na importante sa akin sa bagong mansyon ay tinulungan ako ni Tim na dalhin 'yon.

"Gusto mo bang magmeryenda?" tanong sa 'kin ni Tim.

"Ah 'wag na. Hindi pa naman ako nagugutom." sagot ko sa kanya.

Papasok na sana ako sa loob ng mansyon nang may nakita akong isang pamilyar na mukha sa loob ng isang dilaw na kotse at nakatingin pa ito sa direksyon ko. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil may suot siyang hoodie at may suot din siyang shades. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.

Ilang saglit lang ay umalis na yung dilaw na kotse. Sino kaya 'yon?

"Kailan ka papasok sa loob?" narinig kong tanong ni Tim.

Natauhan naman ako.

"Pasensiya na." sabi ko kay Tim at pumasok na kami sa loob.

[SUMMER'S POV]

Kanina ko pa tinatawagan si Javier sa phone ko pero out of coverage area siya. Ano kaya ang ginagawa ni honeubunch ngayon?

"Ma'am Summer. Nakahanda na po ang hapunan." sabi sa 'kin ni Luis.

"Susunod na lang ako." tugon ko kay Luis.

Tinawagan ko ulit si Javier pero out of coverage area pa rin siya. Mamaya ko na lang siguro siya tatawagan.

Pumunta na lang ako sa dining area para maghapunan.

"Hindi pa ba umuuwi si Stephanie?" tanong ko kay Ganda.

"Kanina po, umuwi siya pero nagpaalam siya sa amin kanina dahil may pupuntahan daw siyang party. Bihis na bihis nga po siya kanina eh." sagot sa 'kin ni Ganda.

"Gano'n ba?" naging tugon ko.

Well, hindi na ako nagtataka do'n dahil mahilig talaga si Stephanie na umattend ng mga parties kahit hindi niya kilala.

Nagbago na nga talaga siya. Hindi na siya ang Stephanie na kapatid ko.

[LAUREN'S POV]

*katahimikan*

Bakit parang ang tahimik? Naka-ilang naman.

Ito ang unang dinner namin ngayon ni Tim sa bagong mansyon.

*katahimikan*

Ano ba 'yan! Ang tahimik. Bakit ayaw magsalita ni Tim?

"Nga pala, okay lang ba sa 'yo na iisang kama lang ang tutulugan natin?" tanong sa 'kin ni Tim.

Sa wakas, nagsalita rin siya. Pero ano raw? Iisang kama lang ang tutulugan namin? It means magkatabi kami sa pagtulog.

"Ayoko nga!" sagot ko kay Tim. "Baka kunin mo ang virginity ko." bulong ko sa sarili ko.

"Wag ka ngang green-minded. Hindi ko kukunin ang virginity mo." sabi niya sa 'kin.

Waaaaa! Mukhang napalakas yata ang pagkabulong ko.

"Hindi ako green-minded noh. As if gwapo ka naman." pagde-deny ko kay Tim.

"As if maganda ka naman. Pero sorry ka na lang dahil wala ka nang magagawa. Matutulog tayo nang magkatabi whether you like it or you like it." sabi sa 'kin ni Tim sabay kindat.

Duh! As if may choice ako. Whether you like it or you like it talaga.

Pero waaaaaaaa! Kinakabahan ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag first time mong tumira sa isang mansyon kasama ang isang lalaki? At kayong dalawa lang ha. Feeling ko nga ay live-in partners kami.

[SOMEONE'S POV]

"AAAAAAHHHHHHHH!" sigaw ko sabay suntok ng maraming beses sa punching bag na nasa harap ko.

"MAHAL KITA! MINAHAL KITA!" sigaw ko ulit sabay suntok sa punching bag.

"PERO BAKIT HINDI MO AKO KAYANG MAHALIN?" sabay suntok ulit sa punching bag.

Sinuntok ko nang sinuntok ang punching bag hanggang sa malaglag ito mula sa pagkakasabit.

Nang malaglag ito ay napaluhod ako bigla habang umiiyak.

"Minahal kita Lauren pero bakit mo 'to ginawa sa 'kin?" ani ko habang nakatingin sa punching bag.

Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. 

Simula ngayon ay bato na ang puso ko. Hinding-hindi na ulit ako magmamahal kahit kailan. At pagsisihan ni Lauren ang ginawa niya sa akin.