Chapter 17

[LAUREN'S POV]

- 12:03 AM -

Hating-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakaka-ilang kasi lalo na't katabi ko si Tim sa pagtulog. At naka-boxer lang siya habang natutulog. Waaaaa! Natatakot ako na baka kunin niya ang virginity ko.

"Asa ka namang kukunin ko ang virginity mo." narinig kong sabi ni Tim.

"Gising ka pa?" tanong ko sa kanya.

Oo nga pala, nakatalikod ako sa kanya habang siya naman ay nakatalikod sa akin. Asa ka namang magkaharap kami. Eww!

"Hindi, tulog na ako. Malamang gising pa ako." sarcastic na sagot niya.

"Pilosopo." bulong ko.

"At saka 'wag ka ngang green-minded. Hindi ko kukunin ang virginity mo lalo na't hindi naman ikaw ang mahal ko." aniya.

Hindi naman ako makapagsalita nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Ewan ko pero parang may tumusok bigla puso ko.

"Gising ka pa ba?" tanong niya sa 'kin.

Pero hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko ang paggalaw niya.

"Magsalita ka naman Nerdy." aniya.

Ayan na naman ang Nerdy endearment niya sa akin.

"Joke lang yung sinabi ko kanina kaya please magsalita ka na." pagmamakaawa niya sa 'kin.

So joke lang rin yung sinabi niyang hindi niya ako mahal.

Pero no response pa rin ako. Pakipot muna ako.

"Kapag hindi ka magsalita, bubuntisin kita ngayon." pananakot niya sa 'kin.

"Ano ba! Natutulog na ako." naiinis kong sabi kay Tim.

Medyo natakot ako sa banta niya kaya nagsalita ako. Pero hindi ko ipinahalata sa kanya na natatakot ako sa kanya.

"Ang cute mo talaga kapag naiinis. Parang gusto kitang halikan." Napaharap naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Pero pinagsisihan ko ang pagharap ko sa kanya dahil pagharap ko ay nagkadikit ang ilong naming dalawa.

"Mukhang gusto mong halikan kita." husky niyang sabi at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Waaaaaaa! Bakit hindi ako makaiwas?

Napapikit na lang ako hanggang sa...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ...narinig ko ang pagtawa niya.

Napamulat naman ako ng mata dahil sa tawa niya.

"Hahahahahahahaha! Akala mo siguro hahalikan kita. Hahahahahahahaha! Yung mukha mo, epic fail. Hahahahahaha!" natatawang sabi niya.

Inis kong tiningnan si Tim. Arrgghh! Minsan nakakainis talaga siya.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tawa pa rin nang tawa si Tim.

'Yan pala ang gusto mo ha. Lintik lang ang walang ganti.

Napatigil si Tim sa pagtawa nang umibabaw ako sa kanya.

"A-anong g-gagawin mo?" tanong niya sa 'kin sabay lunok.

Nginisian ko naman siya at inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa ilang inches na lang ang pagitan ng mukha namin.

Napapikit naman si Tim. At aba! Ngumuso pa ang loko.

Pero imbes na halikan ko siya, piningot ko siya sa tenga para makaganti.

"ARAAAAAAAY!" sigaw ni Tim nang piningot ko ang tenga niya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya sabay hawak sa tenga niyang piningot ko.

"'Yan ang bagay sa 'yo." sabi ko sabay irap sa kanya.

Haaaay! Inaantok na ako. Makatulog na nga.

Zzzzzzzzzzz...  

- KINABUKASAN -

[LUIS' POV]

"Luis, pakikamot naman ang likod ko please." utos sa 'kin ni Ganda gamit ang malandi niyang boses.

"May kamay ka naman ganda kaya ikaw na lang ang magkamot sa likod mo." tugon ko sa kanya habang naghihiwa ako ng sibuyas.

"Oo nga naman Ganda, may kamay ka naman kaya ikaw na lang ang magkamot. O 'di kaya'y ako na lang ang magkakamot sa likod mo." sabi ni Yaya Teresita at lalapit na sana siya kay Ganda ngunit pinigilan siya nito.

"Ako na lang Yaya Teresita." sabi ni Ganda sabay kamot sa likod niya.

"Luis, pakikuha nga ang cellphone ko sa sala." utos sa 'kin ni Yaya Teresita.

"Sige po." tugon ko at pumunta ako sa sala para kunin ang cellphone ni Yaya Teresita.

Pero pagkarating ko sa sala ay may nasaksihan akong isang hindi magandang eksena.

"Honeybunch, mahal kita. Hindi kita niloloko." sabi ni Sir Javier kay Ma'am Summer.

Teka, anong nangyayari?

"Hindi mo ako niloloko? Javier! Hindi ako bulag kaya 'wag mo akong gawing tanga! Sabihin mo sa 'kin, ilang buwan o taon niyo nang tinago sa akin ang relasyon ninyo ni Stephanie?" naiiyak na tanong ni Ma'am Summer kay Javier.

Teka, anong sabi ni Ma'am Summer? May tinatagong relasyon sina Ma'am Stephanie at Sir Javier?

"Honeybunch, hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto niya. I just woke up and..." - Sir Javier

Hindi natuloy ang pagsasalita ni Sir Javier nang magsalita Si Ma'am Summer. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Kahit anong paliwanag mo sa akin ay hindi pa rin magbabago na niloko mo ako!"

"Honeybunch. Please! Hayaan mo muna akong..." Hahawakan sana ni Sir Javier si Ma'am Summer ngunit umiwas si Ma'am Summer.

"Wag mo akong hahawakan!" ani Ma'am Summer.

Bigla namang umeksena si Ma'am Stephanie.

"Gising ka na pala Javier my loves. Did you have fun last night?" tanong ni Ma'am Stephanie kay Sir Javier.

"HAYOP KANG MALANDI KA!" sigaw ni Ma'am Summer at sinabunutan niya si Ma'am Stephanie.

At do'n na ako umeksena para awatin sila.

[LAUREN'S POV]

*amoy*

Hmmm! Ang bango-bango naman ng unan na 'to at ang sarap yakapin.

Niyakap ko nang mahigpit ang unan. Medyo may kahabaan ito at medyo matigas.

"Mukha ba akong unan?"

O_________O

Napabalikwas ako bigla nang magsalita si Tim.

"Masarap ba akong yakapin?" pang-aasar niya sa 'kin.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya. Niyakap ko ba talaga siya?

"A-ano... ahhh! G-good morning." 'yon na lang ang nasabi ko sabay takbo papuntang CR.

Pagpasok ko pa lang sa CR ay napatakip agad ako sa mukha. 

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Tim?

[TIM'S POV]

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong kinikilig na sa akin si Lauren. 

'Yon ang gusto kong mangyari.

Ang mapakilig si Lauren para mas lalo siyang ma-inlove sa akin. 

Kapag ma-inlove na siya sa akin ay papayag na siyang magpakasal sa akin.

At kapag nagpakasal na kami ay bubuo kami ng isang basketball team--este pamilya pala.

Tinamaan na talaga ako kay Lauren. 

Sana si Lauren na nga ang nakalaan sa akin.

[BARBIE'S POV]

Bakit wala pa ang mga kaibigan ko? Tapos na ang flag ceremony pero wala pa rin sila.

"Waaaaaa! Andyan na si Prince Javier. Pero bakit parang ang lungkot niya?" narinig kong sabi ni Milicent.

Napatingin naman ako kay Javier nang makalapit na siya sa akin. Oo nga, ang lungkot nga niya.

"Anong kadramahan na naman 'yan? Siguro na-realize mo nang hindi ka talaga gwapo." mataray na ani ko kay Javier.

"Wala akong ganang makipag-asaran sa 'yo Barbie." malungkot na sabi sa 'kin ni Javier.

Wow! After so many years ay hindi na niya ako tinawag na Manika. Ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Anong problema mo?" tanong ko kay Javier.

Alam kong may problema 'to kaya nagkakaganyan siya.

"Wala na kami ni Summer kaya pwede mo na akong ligawan." malungkot na sagot sa 'kin ni Javier.

Ang kapal din ng mukha nito. As if namang liligawan ko siya. Loyal pa rin ako kay Jameson my loves noh kahit nawawala siya ngayon.

Pero teka, anong sabi niya?

"Break na kayo ni Summer?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Javier.

Malungkot siyang tumango. Hindi naman ako makapagsalita dahil do'n. Niyakap ko na lang si Javier para i-comfort siya. Ewan ko pero nakaramdam ako bigla ng awa kay Javier imbes na matuwa ako dahil sa hiwalayan nila ni Summer.