Chapter 21

[LAUREN'S POV]

- ONE WEEK LATER-

One week has passed at hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ni Prof Melanie ang paglandi niya kay Tim. At ang mas masama pa do'n, kapitbahay namin siya sa bago naming tinitirahang mansyon kaya mabibisita niya si Tim anytime. Bagong lipat lang siya kahapon. Nag-effort pa talaga siya para lang landiin ang FIANCÉ KO.

*ding dong*

Habang busy kami ni Tim sa mga gawain namin (Ako, gumagawa ng project. Siya naman, nag-che-check ng project) ay biglang may nag-doorbell.

*ding dong*

"May tao sa labas. Pagbubuksan ko muna." sabi ko kay Tim.

*ding dong ding dong*

"Ako na ang magbubukas." pigil niya sa 'kin at tumayo siya para tingnan kung sino ang nag-doorbell.

Baka sina Dad yan.

[TIM'S POV]

Pagbukas ko ng pinto ay nag-iba agad ang mood ko. Parang na-badtrip ako nang makita ko siya.

"Hey handsome. I cook some menudo for you." sabi ni Melanie sabay abot sa 'kin ang tupperware na may lamang pagkain.

"T-thanks." tugon ko kay Melanie sabay kuha sa kanya ang niluto niyang menudo.

Ayaw kong namang maging rude kaya tinanggap ko na lang imbes na tanggihan.

Isasara ko na sana ang pinto nang...

"Sandali! Hindi mo man lang ba ako iimbitahang papasukin sa mansyon mo?" parang disappointed na tanong ni Melanie pero nakakagat-labi siya.

Napakamot naman ako sa likod ng leeg ko. Lagi na lang dikit nang dikit sa akin si Melanie. Nakakairita talaga!

"Pa-pasok ka." nauutal kong sabi.

Mabilis na naglakad papasok si Melanie.

"Wow! Ang laki naman ng mansyon mo. Parang yung ano mo lang, malaki at masarap pa." sabi ni Melanie habang tinitingnan ang paligid ng mansyon.

"Wait! What is she doing here?" tanong ni Melanie habang mataray na nakatingin kay Lauren.

Kumunot naman ang noo ni Lauren nang makita niya si Melanie.

"Well, we're live-in partners." sagot ko kay Melanie na ikinalaki ng mga mata niya.

"WHAT? NO WAY!" hindi makapaniwalang ani Melanie.

"Yes way! We're live-in partners kaya kung ano man ang binabalak mo kay Tim, itigil mo na 'yan." matapang na sabi ni Lauren.

"Arrgghh!" inis na sabi ni Melanie sabay walk out.

Nilapitan ko naman si Lauren. "That's my girl." nakangiting sabi ko sabay akbay sa kanya.

[LAUREN'S POV]

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Kyaaaaa! Pinupuri ba ako ni Tim kaya sinabihan niya ako ng 'that's my girl'?

Waaaaa! Parang na-fi-feel ko tuloy na mahal din niya ako.

"Kinikilig ba ang asawa ko?" aniya.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Eeeeeeeeeeeeee! Tinawag pa niya akong asawa ko! Enebe Tim! Negwewele ne eng pese ke.

"Hindi noh!" pagsisinungaling ko.

Waaaaa! Kinikilig talaga ako. 

Niyakap naman ako ni Tim mula sa likod.

"Nag-ba-blush ka oh." pang-aasar sa 'kin ni Tim sabay kiss sa pisngi ko. Enebe Tim! Tama 'yan--este tama na 'yan.

"Hmmmm! Ang bango talaga ng asawa ko." sabi ni Tim sabay amoy sa leeg ko.

"Waaaa! Hihihi! Ano ba Tim! Hihihihi! Nakikiliti ako!" natatawang sabi ko.

"Ang bango-bango mo talaga asawa ko." Patuloy pa rin siya sa pag-amoy sa akin nang...

"Woah! Bakit dito kayo gumagawa ng baby?"

O_______O   kami ni Tim

Napatingin kami ni Tim sa nagsalita.

O_______O

Waaaaaa! Bakit sila nandito?

Sina Dad at Tito Bill.

"D-dad, T-tito Laurence, what are you doing here? P-paano kayo nakapasok?" nauutal na tanong ni Tim.

"May susi kami para sa mansyon na 'to kaya nakapasok kami. By the way, hindi sa sala ginagawa ang baby kundi sa kwarto. Porn ba ang ginagawa niyo?" ani Tito Bill.

Feeling ko ay namumula na ako sa kahihiyan.

"D-dad, h-hindi namin ginagawa 'yon. We're making--ano... her project. Tama! We're making her project." depensa ni Tim na halatang hindi convincing.

Napa-iling tuloy ako.

"Sabi mo eh. Pero wag kayong gagawa ng baby ha kapag hindi pa kayo kasal." sabi sa 'min ni Dad.

"Dad! Hindi namin ginagawa 'yon." sabi ko sa kanya.

"Okay, okay. Hindi niyo nga 'yon ginagawa. Nga pala, napadaan kami rito para kamustahin kayo." ani Dad.

"We're fine. Medyo nasasanay na kami rito ni Lauren na kaming dalawa lang." sagot ni Tim kina Dad.

"Good. Mukhang ready na kayong mag-asawa." sabi ni Tito Bill na ipinagtaka namin ni Tim.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Well, mapapaaga ng three weeks ang kasal ninyo. At yung engagement party niyo ay magaganap na next week." sagot ni Dad na ikinagulat namin ni Tim.

"WHAT?" sabay na sabi namin ni Tim.

"Yes, mapapaaga ang engagement party at wedding ninyo. Isn't it amazing?" ani Tito Bill na may matamis na ngiti.

Hindi naman kami makasagot ni Tim dahil ramdam namin ang kaba sa sinabi nila.

"P-pero, paano ang pag-aaral ko?" tanong ko kina Dad.

"No worries, hangga't wala pa kayong anak ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral mo. Magiging Mrs. Ramirez ka nga lang habang nag-aaral." sagot ni Dad.

"Isn't it surprising?" ani Tito Bill.

"Bakit po mapapaaga ang kasal namin?" tanong ni Tim.

"Dahil napapansin naming may umaaligid na mga kontrabida sa paligid niyo at balak sirain ang pagmamahalan ninyo." sagot ni Tito Bill.

May nalalaman pa talagang kontrabida si Tito Bill. Teleserye lang ang peg. 

At pagmamahalan talaga namin. Hindi ko pa nga alam kung mahal din ako ni Tim.

"Pero Dad, Tito Bill, masyado naman po yatang maaga para magpakasal kami." sabi ko kina Dad.

"You're on the legal age now Lauren at hindi na masyadong maaga 'yon. Dapat nga, 14 years old ka pa lang ay kasal ka na kay Tim pero hindi pwede eh." Napanganga naman ako sa sinabi ni Dad.

So, matagal na pala nila 'tong pinaghandaan.

"Pakitikom ang bibig mo Lauren. Baka matulad ka kay Anne Curtis. Malaki ang bibig." sabi sa 'kin ni Tito Bill.

Tinikom ko naman ang bibig ko.

"Okay, aalis na kaming dalawa. Enjoy your honeymoon." paalam ni Dad at umalis na sila ni Tito Bill.

Ako naman ay tulala at hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi nila. Waaaaa! Mapapaaga ang engagement at kasal namin ni Tim. 

At saka, anong sabi ni Dad? Enjoy your honeymoon daw?

Honeymoon agad! Hindi pa nga kami kinasal ni Tim, honeymoon agad ang nasa isip niya?