Chapter 22

[LAUREN'S POV]

Since napaaga nga ang kasal namin ni Tim ay puspusan ang paghahanda nina Dad at Tito Bill kasama ang mga kinuha nilang event coordinators (kasama na rin ang wedding planner) para sa gaganaping engagement party at kasal namin ni Tim.

"Oh my gosh! Really? Mapapaaga ang kasal ninyo ng lovey dovey mo?" masayang tanong sa 'kin ni Summer.

"Yup, at next week na ang engagement party namin." masayang sagot ko.

"Congrats sa 'yo Lauren. Ikaw ang mauunang ikakasal sa amin." nakangiting sabi sa 'kin ni Javier.

Nga pala, bati na sina Javier at Summer. But sad to say, hindi na sila magkasintahan. Ito'y dahil mas pinili ni Summer ang mag-focus sa pag-aaral kaysa sa lovelife. 

For me, it's good namang mas pinili niya ang pag-aaral kaysa sa lovelife pero nanghihinayang ako sa relasyon nila ni Javier. Almost 3 years silang magkasintahan pero mapupunta lang sa hiwalayan, pero in a good way naman.

Oh well! That's her choice and I will respect it. At isa pa, willing namang maghintay si Javier hanggang sa maging ready na si Summer. Hindi ko nga alam kung kailan magiging ready si Summer for the relationship.

"Oh my gosh Girl! Congrats sa inyo ni Prof Handsome. Kami ni Summer ang mag-o-organize ng bridal shower mo ha." excited na sabi sa 'kin ni Barbie.

Natatawang tumango lang ako.

Pagkatapos ng morning classes ay nag-excuse ako sa mga Prof na hindi muna ako papasok sa afternoon class nila due to prior commitment. Due to prior commitment talaga. Hahaha! Feeling celebrity.

By the way, mayroon kaming wedding pictorial ngayon ni Tim.

"Hi Miss Lauren. I'm Queen Dyosa, but call me Dyosa. And I'm here to give you a makeover. A makeover that will make your future husband drools and wows to you." nakangiting sabi sa 'kin ng babae.

Natawa naman ako dahil do'n. Infairness, ang ganda ng name niya. Queen Dyosa.

"I'm not joking Miss Lauren. I'll make sure of it." sabi sa 'kin ni Dyosa.

Pinaupo ako ni Dyosa sa upuan at sinimulan na niyang murderin ang mukha at buhok ko. May kung ano-ano siyang nilalagay sa buhok at mukha ko.

"Arayyyy!" sigaw ko nang hilain ni Dyosa ang buhok ko.

"Mukhang hindi mo naaalagaan nang maayos ang buhok mo Miss Lauren." sabi sa 'kin ni Dyosa.

"Hindi naman. Sadyang tamad lang akong mag-shampoo at mag-suklay." tugon ko sa kanya.

Sabon kasi ang ginagamit kong pang-shampoo imbes na shampoo mismo kaya nagkaganito ang buhok ko. Hehehe! Just kidding. Kaya nagkaganito ang buhok ko dahil hindi uso sa akin ang suklay. Gano'n kasi ang mga ugly nerds like me eh.

Hindi rin nakaligtas ang mga kuko ko sa kamay at paa. Minurder din ito ng dalawa pang beki na sina Reyna at Senyora.

Pero ang mas nakakainis pa ay ang tinanggal nila ang suot kong eyeglasses at pinalitan ito ng contact lens.

After nila akong murderin ay pinasuot nila ako ng white and elegant wedding gown.

"Wow! Beautiful bride." puri sa 'kin ni Senyora pagkatapos nila akong ayusin.

"Ganda mo Girl." puri naman sa 'kin ni Reyna.

"Amazing!" ani Dyosa.

"Weh!" ang naging tugon ko sa mga papuri nila.

"Look at yourself at the mirror at your back." utos sa 'kin ni Dyosa.

Tumalikod naman ako para humarap sa isang human-size mirror.

Pagtapat ko sa mirror...

O0O

OMG! Ako ba talaga 'to?

"Yes Miss Lauren, ikaw 'yan." sagot sa 'kin ni Dyosa.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tanong ko dahil sa isip ko lang 'yon sinabi. Pero waaaaaaaa! Ako talaga 'to. Hindi ako makapaniwalang ako talaga 'to.

"Miss Lodi, how to be you po?" tanong sa 'kin ni Reyna.

Nagtaka naman ako sa tinawag niya sa alin. "Ha? Lodi? Ano 'yon?"

"Hindi niyo po alam ang salitang LODI Miss Lauren?" tanong sa 'kin ni Reyna.

Umiling ako.

"Miss Lauren, ang ibig pong sabihin ng LODI is IDOL. Binaliktad lang po ang salitang IDOL para maging LODI." paliwanag sa 'kin ni Senyora.

Ah! Ganun pala 'yon. So ang ibig sabihin ng PETMALU ay ULAMTEP.

"Here comes the groom." wika ni Dyosa. 

*drools*

Muntik na akong matumba sa kinauupuan ko nang bumungad sa amin ang napakagwapong fiancé ko na si Tim. Oh my god! He's so handsome on his white tuxedo. He looks like 18 years old only.

"Mukhang ikaw yata ang napalaway at napa-wow, Miss Lauren." sabi sa 'kin ni Dyosa.

Bumalik naman ako sa huwisyo dahil do'n.

Pagkatapos nila akong ayusin ay nagsimula na ang wedding pictorial. Una ay solo muna, at ako ang naunang kinuhanan ng picture.

*pose*

*click*

*click*

*pose*

*click*

*click*

*pose*

*click*

*click*

Pagkatapos ay si Tim naman ang kinuhanan ng solo picture.

*pose*

*click*

*click*

Waaaa! Bakit ang gwapo niya?

*pose*

*click*

*click*

Haaay! Nakaka-inlove talaga siya.

*pose*

*click*

*click*

Kahit saang anggulo ay gwapo pa rin siya.

*pose*

*click*

*click*

*pakita abs* (Charing! XD)

"Okay done. Kayong dalawa naman ang kukuhanan ko together as a couple. Pumuwesto ka na sa tabi ng fiancé mo, Lauren." sabi ng photographer namin na si Prinsesa.

Pumuwesto na ako sa tabi ni Tim.

"Okay first pose. Nakatingin kayo sa camera habang nakangiti. Lauren, ipatong mo ang right hand mo sa dibdib ni Tim. At ikaw naman Tim, hawakan mo ang bewang ni Lauren." utos sa 'min ni Prinsesa na sinunod namin ni Tim.

"Okay, very good. 1, 2, 3..." ani Prinsesa.

*click*

*click*

"Second pose, magkaharapan kayo at nakangiting nagkakatitigan. Nakapatong pa rin ang kanang kamay mo Lauren sa dibdib ni Tim habang yung free hand mo naman ay nasa right shoulder niya. At ikaw naman Tim, nakapulupot ang kanang kamay mo sa bewang ni Lauren habang ang free hand mo naman ay hinahawi ang buhok niya." utos ulit sa 'min ni Prinsesa na sinunod naman namin ni Tim.

Waaaa! The way he stares me... I'm melting.

"Nice. 1, 2, 3..." ani Prinsesa.

*click*

*click*

"Next pose, nasa likod ka ng fianceé mo Tim habang backhug mo siya. Lauren, iposisyon mo ang kamay mo na parang nakayakap ka sa sarili mo. Tapos ay nakangiting nagkakatitigan kayo." utos ulit sa 'min ni Prinsesa na sinunod namin ni Tim.

Waaaa! Ang ganda talaga ng mata niya sa malapitan.

"Wow! 1, 2, 3..." ani Prinsesa.

*click*

*click*

"Perfect. Next pose, Tim, buhatin mo ang fianceé mo in bridal style. At nagkakatitigan din kayong dalawa." utos ulit ni Prinsesa.

Teka, napapansin ko lang, bakit may laging titigan sa bawat pose namin ni Tim? Except lang sa first pose.

"Ayy!" Nagulat na lang ako nang bigla akong binuhat ni Tim nang pa-bridal style.

At hindi ko namalayang napatitig na ako sa mga mata niya. Gano'n din siya sa akin habang nakangiti siya.

"Oh my gosh! 1, 2, 3..." ani Prinsesa.

*click*

*click*

*click*

*click*

*click*

"Perfect na perfect. Bagay talaga kayong dalawa." sabi sa 'min ni Prinsesa.

Ano ba! Wag kang ganyan dahil kinikilig ako.

"For the last pose, maghalikan kayong dalawa." utos sa 'min ni Prinsesa Dyosa na ikinagulat ko.

O______O as in ganito.

Oh my god!

No way!

Napatingin naman ako kay Tim. Nakita ko siyang nakangisi.

Waaaaaaaaaaaaaaaa! Bakit parang may binabalak siya?