Chapter 24

[BARBIE'S POV]

Hindi ako makapaniwalang nagbago na ng looks si Jameson my loves. Waaaaa! Mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko.

Hindi ako makapag-concentrate sa dinidiscuss ni Sir Sebastian dahil nakatitig lang ako kay Jameson my loves. Waaaaa! Why so gwapo?

Natulala naman ako nang biglang tumingin sa akin si Jameson at nakangiting kinindatan niya ako.

Waaaaa! Nakakakilig ang ginawa niyang pagkindat sa amin! Nagwawala na ang cells ko--I mean puso ko.

"Ms. Lo, are you listening to my discussion?" Napatingin ako bigla sa nagsalita at nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na pala si Sir Sebastian.

"Y-yes Sir." nauutal kong sagot kay Sir Sebastian.

"Really huh? What is the meaning of timing without looking at your notes?" tanong sa 'kin ni Sir Sebastian.

Patay! Hindi ko alam ang sagot.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Sir, ahh timing... ahh ano po... ahh... timing po ang pangalan ng alaga naming baby shark sa bahay." ang napakawalang kwenta kong sagot.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Biglang nagtawanan ang mga classmates ko dahil sa sagot ko lalo na si Javier na sobrang lakas ang tawa.

"Listen to my discussion Ms. Lo. Porket kakilala mo ang may-ari ng school na 'to ay hindi ka na makikinig sa mga discussion ko." sabi sa 'kin ni Sir Sebastian.

"Yes Sir. Sorry po." nakayukong tugon ko kay Sir Sebastian.

[SUMMER'S POV]

"Hahahahahahahaha! May alaga ka palang baby shark Manika. Pakilala mo naman ako sa alaga mong baby shark." natatawang sabi ni Javier kay Barbie.

"Oo, ipapakilala talaga kita sa baby shark ko at ipapakain sa kanya." tugon ni Barbie kay Javier.

"'Wag naman. Kapag ipakain mo ako sa alaga mong baby shark ay hindi mo na makikita ang napakagwapo kong mukha." sabi ni Javier sabay pogi sign.

"Wow! Feeling mo naman gwapo ka. Mas gwapo pa kaya sa 'yo si Jameson." ani Barbie kay Javier.

"Weh! Umamin ka nga sakin na crush mo ako dahil gwapo ako at may abs." ani Javier kay Barbie.

Natapilok naman ako nang marinig ko 'yon mula kay Javier. Buti na lang at nasalo niya ako.

"Ayos ka lang ba hon--Summer? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Javier.

"A-ayos lang ako." nauutal kong sagot sa kanya.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. *sings*" Napatingin naman kami ni Javier kay Barbie na kumakanta.

"Joke lang." sabi ni Barbie sabay peace sign.

"Ikaw talagang Manika ka." sabi ni Javier sabay akbay kay Barbie at ginulo niya ang buhok nito.

"Ano ba! 'Wag mo ngang sirain ang buhok ko!" naiinis na sabi ni Barbie kay Javier.

Hindi ko mapigilang magselos habang nakatingin sa kanila. Ewan ko kung bakit ako nagseselos eh nag-aasaran lang naman sila? At isa pa, wala naman akong karapatang magselos dahil hindi naman kami ni Javier.

Hindi na kami. Alam kong balang araw ay susuko rin sa paghihintay sa akin si Javier at mahahanap din niya ang babaeng magpapatibok sa puso niya.

[TIM'S POV]

"Sige na Tim, labas tayo mamaya." malanding sabi sa 'kin ni Melanie habang nakayakap siya sa braso ko.

"Sabi ko hindi pwede dahil may date kami mamaya ng fianceé ko." pagsisinungaling ko kay Melanie.

"Pwede mo namang i-cancel 'yan eh at ituloy sa ibang araw. Please, let's hang out." pagmamakaawa sakin ni Melanie.

Naiinis na talaga ako sa presensiya niya. "SINABI NANG..."

Hindi natuloy ang pagsigaw ko sa kanya nang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ko muna ang screen nito para malaman ko kung sino ang caller.

***

My Future Wife

calling...

***

Ehem! Ang fianceé ko tumatawag. Siguro nami-miss na niya ako.

Agad kong sinagot yung tawag.

"Hello!" kunwaring bored kong sabi pero sa totoo lang ay kinikilig na ako rito.

("Ahm Tim? Hindi muna ako makakasabay sa 'yo sa pag-uwi mamaya dahil inaya ako ni Beshie na magmeryenda sa mansyon nila.") ani Lauren.

Nag-iba agad ang mood ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Parang nakaramdam ako bigla ng tampo, inis at selos dahil do'n.

"Ah gano'n ba? Sige, bye." walang emosyon kong sabi sabay baba ng phone.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita.

"So ngayon, pwede na ba?" malanding tanong sa 'kin ni Melanie.

"Sige, labas tayo mamaya." walang emosyon kong sagot.

Na-badtrip ako bigla kay Lauren kaya pumayag na ako.

[LAUREN'S POV]

*toot toot toot*

Ay! Binabaan niya ako?

"Halika na Beshie. Excited na akong makasama ka." masayang sabi ni Jameson pero halatang pilit ito.

"Beshie, may problema ka ba?" biglang kong tanong sa kanya.

"Ha? Wala naman." nakangiting sagot sa 'kin ni Jameson.

Nang makarating kami sa parking area ay natigilan ako sa nakita ko.

O__________O

Yung kotse.

'Yan yung kotse ng lalaking naka-hoodie at naka-shades, na nakatingin sa akin noong lumipat kami ni Tim sa bagong mansyon at yung kahapon. 

Yung dilaw na kotse.

"S-sa'yo ba 'to Beshie?" tanong ko kay Jameson sabay turo sa dilaw na kotse.

"Ah o-oo. K-kakabili ko lang k-kanina 'yan." nauutal na sagot ni Jameson.

Napatango na lang ako. Sa kanya nga ang dilaw na kotse pero kanina pa lang niya binili 'yon. Ibig sabihin no'n ay hindi siya yung lalaking naka-hoodie at naka-shades kahapon at noong lumipat kami ni Tim.

"Sakay na Beshie." utos sa 'kin ni Jameson.

Pumasok na ako sa loob ng kotse niya sa may passenger seat sa harap. Pumasok na rin si Jameson sa may driver seat pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng kotse.

[LUIS' POV]

Pagkauwi ko galing eskwela ay tinanong ko agad si Yaya Teresita kung umuwi na si Ma'am Stephanie.

"Hindi pa siya umuuwi iho. Kanina pa kami nag-aalala rito ni Ganda dahil kagabi pa siya hindi umuuwi." sagot sa 'kin ni Yaya Teresita.

"Gano'n po ba? Sige po, hahanapin ko po siya." tugon ko kay Yaya Teresita at pumunta ako sa kwarto ko para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay nagsimula na akong maghanap kay Ma'am Stephanie.

[LAUREN'S POV]

Pagkarating namin ni Jameson sa mansyon nila...

"Beshie, upo ka lang muna diyan habang pinaghahanda kita ng meryenda." nakangiting sabi sa 'kin ni Jameson.

"Kumusta na pala si Tito Jayme? Nami-miss ko na kasi siya." tanong ko sa kanya.

"He's fine. May business trip siya ngayon." sagot niya sa 'kin.

"Ang mga kasambahay niyo? Nasaan sila?" tanong ko kay Jameson.

"Pinag-day-off ko muna sila dahil gusto kitang masolo." sagot sa 'kin ni Jameson na may nakakalokong ngiti.

"Hehehe! Gano'n ba?" tugon ko sa kanya.

Bakit parang hindi ako komportableng kasama siya?

[TIM'S POV]

"Tim, I want this dress." sabi sa 'kin ni Melanie na may hawak na pink sleeveless dress worth 10,999 pesos. "I want also this shoes." sabi ulit niya at may hawak din siyang heels worth 14,999 pesos.

Ako naman ay no response dahil iniisip ko pa rin ang pagsama ni Lauren sa baduy niyang bestfriend na mukha nang gangster ngayon. Nagtatampo ako kay Lauren dahil nakikipag-date pa siya sa ibang lalaki kahit may gwapo at hot na siyang fiancé.

"Hey! Are you with me?"

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Melanie.

"Y-yeah." nauutal kong sagot.

[LUIS' POV]

Nandito ako ngayon sa isang bar na laging pinupuntahan ni Ma'am Stephanie. Baka kasi nandito siya.

"Miss, nandito po ba ang babaeng 'to?" tanong ko sa babaeng nakalabas ang pusod sabay pakita sa kanya ang litrato ni Ma'am Stephanie.

"I don't know her Honey." malanding sagot sa 'kin ng babae na nagpakunot sa noo ko.

Kailan ba naging Honey ang pangalan ko? Ano ako, bubuyog?

Naghanap ulit ako ng matatanungan.

"Miss, nandito po ba ang babaeng 'to?" tanong ko sa babaeng malaki ang ano sabay pakita sa kanya ang litrato ni Ma'am Stephanie.

"I don't know Babe." sagot sa 'kin ng babae at kinindatan niya ako bago umalis.

Babe? Ano ako baboy? Kanina Honey, ngayon Babe naman.

Naghanap ulit ako ng matatanungan pero this time ay lalaki naman. At mukha siyang modelo o artista.

"Kuya, nandito po ba ang babaeng 'to?" tanong ko sa lalaking mukhang model sabay pakita sa kanya ang litrato ni Ma'am Stephanie.

"She's not here Hottie, but you can join me and have some fun here. Or we can go to my condo and have... you know. You're the top and I will be the bottom." husky na sagot sa 'kin ng lalaki sabay dila sa upper lip niya.

O_________O

Tangna! Bading pala 'to!

[LAUREN'S POV]

"Ito na ang niluto kong meryenda. Sana magustuhan mo." ani Jameson sabay lapag sa mesa ang hinanda niyang meryenda para sa akin.

"Wow! Mukhang masarap 'to." masayang tugon ko sa kanya.

"Tikman mo na." utos niya sa 'kin.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor mula sa tray at tinikman ko ang hinanda niyang pagkain.

"Hmmm! Ang sharap." komento ko habang ngumunguya.

Pagkatapos ay nilunok ko ito.

"Ano ang tawag mo dito Beshie?" tanong ko kay Jameson habang kumakain.

"Revenge ala Jameson. Ginawa ko talaga 'yan para LANG sa 'yo." nakangising sagot niya sa 'kin na ipinagtaka ko.

"A-anong ibig mong..."

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang makaramdam ako bigla ng hilo.

Pero bago ako mawalan ng malay ay may narinig akong kataga mula sa kanya na hinding-hindi ko makakalimutan.

"It's payback time LAUREN."

BLANK.