[TIM'S POV]
"Tim Baby. Manuod tayo ng Fifty Shades of Grey. Mukhang magandang panoorin." malanding sabi sa 'kin ni Melanie.
"Tsk! Don't call me that." inis kong tugon sa kanya. Ano ako, sanggol para tawagin niyang Tim Baby?
Pumasok na kami ni Melanie sa loob ng sinehan pagkatapos naming bumili ng popcorn at slurpee. Naghanap kami ng vacant seat at pinili namin ang seat na wala masyadong tao.
Habang nanonood kami ng movie ay panay react naman ni Melanie sa mga hot scenes ng bidang si Christian Grey.
"OMG! Christian Grey is so damn hot! Ang swerte naman ng bidang girl. Aaaahhhh!" narinig kong sabi niya at umugol. "Oooohhhh! Christian Grey, I want you. I want you inside me. I want to kiss you. I want to touch your body. I want to hold your length and suck it. I want you on bed. Aaaahhhhh!"
Napa-iling na lang ako sa mga kalaswaang sinasabi ni Melanie. Buti na lang at malayo kami sa mga nanonood kaya hindi nila maririnig ang ingay ni Melanie. At isa pa ay busy sila sa pakikipaghalikan sa mga partners nila. Mukhang kami lang yata ni Melanie ang hindi partners. Ang partner ko kasi ay sumama sa baduy niyang bestfriend na mukhang gangster (which is alam niyo na kung sino).
Habang nanonood ako ay nagulat na lang ako nang may humihimas na sa hita ko. Napatingin ako sa hita ko. Kamay ni Melanie ang humihimas sa hita ko.
Tinanggal ko naman 'yon. Ngunit binalik din ito ni Melanie at ipinagpatuloy niya ang paghimas sa hita ko.
"DAMN IT!" sigaw ko at umalis na ako sa sinehan dahil sa inis.
"Tim Baby, wait!" aniya.
Hindi ko siya pinansin dahil inis na inis na ako sa kanya. Wala siyang karapatang landiin ako dahil si Lauren lang ang may karapatang gawin 'yon sa 'kin.
[LUIS' POV]
"Nahanap mo na ba si Ma'am Stephanie, iho?" tanong sa 'kin ni Yaya Teresita.
"Hindi pa po. Wala po siya do'n sa bar na pinupuntahan niya." sagot ko.
"Nasaan na kaya siya?" nag-aalalang tanong ni Yaya Teresita.
"Hayaan lang muna natin ang kapatid ko." Napatingin kami ni Yaya Teresita sa nagsalita.
Si Ma'am Summer pala.
"Alam kong may topak na naman 'yang kapatid ko kaya hindi siya umuuwi. One week nga hindi siya nakauwi rito, one day pa kaya? Hayaan muna natin siyang mag-isa." sabi sa 'min ni Ma'am Summer.
"Sige po Ma'am Summer." tugon namin ni Yaya Teresita.
[LAUREN'S POV]
- 7:46 PM -
Argh! Ang sakit ng ulo.
Napabangon akong hawak-hawak ang noo ko. Teka, ano ba ang nangyari?
"Gising ka na pala Beshie."
O_____o
Napatingin ako bigla sa nagsalita.
O_____O
Si Jameson.
Katabi ko siya sa kama at wala siyang suot na damit. Tanging kumot lang ang nakatakip sa kanya.
Pati rin ako, hubad. At bra lang ang suot ko.
"It's payback time EX-BESHIE."
May biglang pumasok na kataga sa isip ko at alam kong si Jameson ang nagsabi no'n.
Hindi...
Nananaginip lang ako.
Bangungot lang 'to.
Hindi totoong gagawin 'to sa akin ni Jameson.
"A-ano ang ginawa mo sa akin?" may halong takot kong tanong kay Jameson.
"Mali ang tanong mo Beshie. Dapat ang tanong mo sa akin ay 'Ano ang ginawa ko sa 'yo?'" nakangising tugon niya sa 'kin.
*pak*
I slapped him.
"Hayop ka! Bakit mo 'to ginawa sa 'kin? Tinuring kitang kaibigan pero anong ginawa mo? Pinagsamantalahan mo ako! Binaboy mo ako!" naiiyak pero galit kong sabi kay Jameson.
Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to sa 'kin. Bestfriend ko siya since birth pero sinira niya lahat ng 'yon.
"Nagawa ko lang 'to sa 'yo Beshie dahil mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. Tapos ito lang ang igaganti mo sa 'kin? Pinaasa mo lang ako sa wala? Tapos nalaman ko pang may fiancé ka na pala for almost two months?" sagot sa 'kin ni Jameson.
Nawala bigla ang galit ko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. "B-beshie, patawarin mo sana ako. Hindi ko sinasadyang saktan ka." ani ko sa kanya.
Alam kong kasalanan ko kung bakit ko siya nasaktan. Naglihim ako sa kanya at pinaasa ko siya. Ang sama ko palang kaibigan. Naging mabait siya sa akin simula noong bata pa kami, pero ako hindi.
"'Wag na 'wag mo akong tatawaging Beshie dahil hindi kita kaibigan. Wala akong kaibigang sinungaling at manloloko. Sa tingin mo ba palalampasin ko ang ginawa mo sa akin? Hindi dahil gagawin ko ring miserable ang buhay mo tulad ng ginawa mo sa buhay ko." galit at seryosong sabi sa 'kin ni Jameson.
"Parang awa mo na Jameson. Patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako sa aking nagawa." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hahahaha! Hinding-hindi mo ako madadala sa awa mo Lauren. Umalis ka na nga dito dahil naaasiwa na ako sa presensya mo." pagtataboy sa 'kin ni Jameson.
Tumayo naman ako at sinuot ko ang school uniform ko.
Aalis na sana ako nang magsalita muli si Jameson. "By the way, salamat pala sa pagdala mo sa 'kin sa langit. I really enjoyed it." Alam kong nakangisi siya nang sinabi niya 'yon.
Tumakbo na ako paalis hanggang sa makalayo na ako sa impyerno. Binuhos ko lahat ng luha ko sa gilid ng kalsada dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Jameson.
[TIM'S POV]
Pagkaalis ko mula sa sinehan ay sinusundan pa rin ako ni Melanie.
"Tim Baby, why are you like that to me?" narinig kong tanong niya.
"Shut up Melanie!" sigaw ko sa kanya nang hindi tumitingin sa gawi niya.
Pagkarating ko sa kotse ko ay agad akong sumakay sa kotse at iniwan ko siya.
"Tim Baby, you forgot me. Wait! Comebaaaaacccckkkk..." sigaw ni Melanie hanggang sa hindi ko na marinig ang boses niya.
Habang nagmamaneho ako ay may nakita akong isang babae sa gilid ng daan. Nakitang kong umiiyak siya.
Itinigil ko muna ang kotse ko at lumabas. Tapos ay lumapit ako sa babaeng umiiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nilapitan. Siguro ay nakaramdam lang ako ng awa sa kanya.
"Miss, why are you crying?" tanong ko sa babae.
Napatingin naman ito sa akin.
O_____O
Si Lauren yung babaeng umiiyak?
Biglang napayakap sa akin si Lauren nang makita niya ako.
"Tim *sniff*. Buti at dumating ka." sabi sa 'kin ni Lauren habang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? May nangyari bang hindi maganda sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Eh kasi Tim. Ahh ano *sniff*... Naliligaw kasi ako tapos wala akong dalang pera at cellphone *sniff*." sagot niya sa 'kin.
"Gano'n ba? Buti na lang at nakita kita." tugon ko kay Lauren at niyakap ko siya pabalik.
[LAUREN'S POV]
Hindi ko na sinabi pa kay Tim ang totoo dahil sa takot. Baka mandiri siya sa akin kapag sinabi kong binaboy ako ni Jameson.
Pagka-uwi namin ni Tim sa mansyon ay agad akong pumunta sa banyo para maligo. Sinabunan ko talaga nang maayos ang buong katawan ko para mawala ang dumi na nasa katawan ko.
"By the way, salamat pala sa pagdala sa 'kin sa langit. I really enjoyed it."
Napaiyak na naman ako nang maalala ko ulit yung ginawa sa akin ni Jameson.
Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya 'to. Alam kong nagkamali rin ako. Pero kailangan ba talaga humantong 'to sa ganitong sitwasyon?
[JAMESON'S POV]
Nang makaalis na si Lauren ay nanghina agad ako nang makita ko siyang umiiyak kanina. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag umiiyak siya. Kahit gusto ko siyang kamuhian pero ang sabi ng puso ko ay mahalin ko siya. Sa totoo lang ay hindi ko naman siya ginalaw kanina. Pero hinalikan ko siya sa labi dahil parte 'yon ng plano ko.
Kailangan kong maging matatag at malakas. Kailangan kong gawing bato ang puso ko para mawala na ang pagmamahal ko sa kanya.