[JAVIER'S POV]
- JOLLIBEE (10:30 AM) -
Mga 9:45 AM pa kami naghihintay ni Ren-ren kay Bie dito sa Jollibee.
15 minutes later ay dumating na si Bie.
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Ang lakas ng kabog ng puso ko nang makita ko siya.
"Waaaa! Sorry Girl kung na-late ako. Nawala kasi sa isip ko eh." ani Bie sabay tingin sa akin.
"Teka, kasama siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Bie nang makita niya ako.
"Yup dahil may sasabihin kami sa 'yo." sagot ni Lauren kay Bie.
"Pero bago 'yan. Order muna tayo. Anong gusto niyong kainin? My treat at ako na ang pipila sa counter." tanong ko sa kanila.
"Ako, burger na lang at tubig." sagot sa 'kin ni Lauren.
"Ikaw Manika, anong gusto mo?" tanong ko kay Bie.
Hindi naman sumagot si Bie dahil tulala siya.
"Binging Manika!" malakas kong sabi sa kanyang tenga at ginulat ko siya.
"AY ANG FIRST KISS KO!" gulat na sigaw ni Bie.
Napatingin naman sa kanya ang mga tao.
"Sorry po." aniya sabay peace sign.
Hindi pa rin nagbabago si Bie. Ang cute pa rin niya sa paningin ko.
"Ikaw, bakit mo ako ginulat?" mahina pero galit na tanong sa 'kin ni Bie.
Maasar nga. "Ang bingi mo kasi Manika." nakangisi kong sagot sa kanya.
"Ugh! Nakakainis ka talaga Javier! At ang kapal din ng mukha mong palitan ang ringtone ng phone ko!" inis na sabi sa 'kin ni Bie.
Hahahaha! Nakakatawa talaga siya. Kaya nga first love ko siya eh dahil maliban sa maganda at cute siya ay nakakatawa rin siya. Medyo may pagkamaarte siya sa ibang bagay pero hindi siya maarte sa pagkain. Kahit anong pagkain ay kinakain niya even streetfoods o mga pagkain sa karinderya.
[BARBIE'S POV]
"Teka lang, bakit 'ay ang first kiss ko' ang sinabi mo imbes na 'ay kabayo', 'ay kalabaw o hindi kaya'y 'ay palaka'? May ginawa ba sa 'yong hindi maganda si Jameson?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Lauren.
Waaaaaa! Bakit kasi ako hinalikan kanina ni Jameson my loves? 'Yan tuloy, hindi ako mapakali.
"W-wala naman." nauutal kong sagot.
"Sigurado ka ba?" tanong ulit sa 'kin ni Lauren.
Tumango lang ako kahit nagtataka na ako sa mga sinasabi niya. Bakit ganyan magsalita si Lauren kay Jameson my loves? Parang pinagmumukha niya itong masama.
[STEPHANIE'S POV]
"Waaaaaa! Hindi na ako nilalapitan ni Tim Baby. Huhuhu!" narinig kong reklamo ni Melanie habang humahagulgol sa iyak na parang sanggol.
Hindi talaga niya deserve ang pagiging isang Professor dahil masama siya at malandi.
"Waaaaaa! Ako naman ay hindi napapansin ni Fafa Jameson ang alindog ko dahil sa chakang Lauren na 'yan. Huhuhu! Bakit kasi nagka-mens pa ako noong may nangyari sa amin ni Fafa Jameson? 'Yan tuloy! Hindi ako nabuntis. Waaaaaaaaa!" narinig ko namang reklamo ni Jasmine.
Isa pa 'tong si Jasmine. Tinuring ko siyang kaibigan tapos ito lang ang igaganti niya sa akin? Mga malalandi nga naman. Gagawin ang lahat para makuha nila ang gusto nila.
KONSENSIYA: Ganyan ka rin naman dati ah.
Che! Hindi kaya.
KONSENSIYA: Weh! Halos kinamuhian mo nga ang kapatid mo dahil sa sobrang obsession mo kay Javier.
Oo na, oo na konsensiya ko. Ganyan nga ako dati pero nagbago na ako. So stop na.
"Waaaaaa! Ano ba kasi ang meron sa chakang Lauren na 'yan para magustuhan siya nina Tim Baby at Fafa Jameson?" ani Melanie.
Ang OA nila.
"Pasalamat siya at may plano sa kanya si Fafa Jameson. Kung wala lang ay noon ko pa siya pinatay." narinig kong sabi ni Jasmine na ikinagulat ko.
O_____O
No way.
"Ako rin Girl. Gusto ko rin siyang patayin noon pa dahil epal siya sa mga lalaking pinagnanasaan ko--este natin pala." narinig ko namang tugon ni Melanie.
"Don't worry Girl. Kapag matapos na ang plano ni Fafa Jameson sa kanya ay doon na natin siya papatayin." ani Jasmine.
"Ay go ako diyan Girl." sang aton ni Melanie.
Hindi! Hindi nila pwedeng patayin si Lauren. Kailangan ko nang makawala rito at iligtas siya.
"Kailan daw gaganapin ang plano?" narinig kong tanong ni Melanie.
"Mamayang gabi na raw. Sa isang engagement party." narinig kong sagot ni Jasmine.
O_____O
Mamayang gabi na? Kailangan ko na talagang makawala rito.
[BARBIE'S POV]
"Ano ba ang sasabihin niyong dalawa?" tanong ko sa kanila.
Huminga naman nang malalim si Lauren. "Naalala mo ba dati si Blake? Yung kaibigan natin sa Korea?" tanong niya.
"Si Blake? Yung nerd nating kaibigan na may gusto sa akin? Of course, hinding-hindi ko siya makakalimutan." sagot ko kay Lauren.
"Maka-nerd ka naman. Ang sakit no'n." narinig kong bulong ni Javier.
Pero hindi ko 'yon pinansin.
"Bakit mo pala 'yon natanong?" clueless kong tanong kay Lauren.
Sasagot na sana si Lauren nang magsalita si Javier na ikinatulala ko.
"Dahil ako si Blake." ani Javier.
O_____O
OMG!
Weh?
Si Blake na may gusto sa akin noon at si Javier na inaasar ako ngayon ay iisa lang?
Pakisampal nga ako mga readers kung nananaginip lang ako.
*pak*
*pak*
*pak*
Waaaaaaa! Hindi nga ako nananaginip!
"P-papaanong... papaanong naging ikaw, siya?" nakatulala at hindi makapaniwalang tanong ko kay Javier.
"Hahahaha! Hindi ka pa rin nagbabago Bie. Ikaw pa rin yung Bie na nakilala ko dati." nakangiting sabi sa 'kin ni Javier.
Feeling ko ay namumula na ako ngayon.
[SUMMER'S POV]
- 4:45 PM -
Malapit nang lumubog ang araw pero hindi pa rin namin nahahanap ni Luis ang kapatid ko.
Tumulong na rin ako kay Luis sa paghahanap sa nawawala kong kapatid since natapos naman nang maaga ang proyekto namin ni Milicent. At isa pa ay kailangan naming mahanap si Stephanie bago ang engagement party nina Lauren at Tim.
"Ma'am Summer, may sinabi sa akin ang mga classmates ni Ma'am Stephanie kung nasaan siya." sabi sa 'kin ni Luis na ikinatuwa ko.
"Talaga? Nasaan daw siya?" tanong ko.
"Mayroon po raw silang hideout ng mga kaibigan niya malapit sa bar na pinupuntahan nila." sagot sa 'kin ni Luis.
"Kung gano'n. Tara na at puntahan natin ang hideout nila."ani ko kay Luis.
"Ito po ang address Ma'am Summer." sabay abot sa 'kin ni Luis ang isang kapirasong papel.
Tiningnan ko naman ang nakasulat sa papel.
[JAMESON'S POV]
It's time for my revenge.
Ngayong gabi na gagawin ang plano ko.
"Siguraduhin niyong hindi makakawala 'yan." sabi ko kina Jasmine at Melanie.
"Hindi ba kami sasama Fafa Jameson?" tanong sa 'kin ni Jasmine with her puppy eyes na hindi naman bagay sa kanya.
"Hindi. Dito lang kayo at babantayan niyo si Stephanie." tugon ko.
Napakamot naman silang dalawa sa ulo. Tila hindi sila sang ayon sa sinabi ko.
"Sige, aalis na ako." sabi ko sa kanila.
Pumunta na ako sa parking area at sumakay sa aking kotse. Pagkatapos ay sinuot ko ang black mask ko para hindi nila ako makilala.
Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa plano ko.
[LAUREN'S POV]
- 7:36 PM -
Waaaaaaa! Kinakabahan ako ngayon. Magsisimula na kasi ang engagement party namin ni Tim.
Dito sa Dyosa's Hotel gaganapin ang engagement party. Ang daming bisita.
"Waaaa! Ang ganda mo Girl sa suot mo. Inggit much na me." sabi sa 'kin ni Barbie habang nakatingin sa suot ko.
Kulay red na sexy dress kasi ang suot ko at backless pa. Masyado ngang revealing eh kaya medyo hindi ako sanay sa suot ko.
"Hindi nga ako sanay eh." sabi ko kay Barbie habang pilit kong tinatakpan ang likod ko.
"Gusto ko sanang ganyan din ang suot ko pero pinagbawalan naman ako ni Javier. Simula nang malaman niya kaninang ako si Bie ay nagiging overprotective na siya sa 'kin." nakasimangot na sabi ni Barbie. "Mas gusto ko pang inaasar niya ako kaysa sa pagiging overprotective niya sa 'kin." dagdag pa niya.
"Hayaan mo na si Blake, Barbie. Ganyan din naman siya sa 'yo noong bata pa tayo at sanay ka na do'n." sabi ko sa kanya.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang engagement party namin ni Tim. Nag-stop ang music na pinatugtog ng DJ tapos yung ilaw ay nasa stage lang.
"Good evening ladies and gentleman. Thank you for coming here tonight." ani Dad.
Narinig ko naman ang palakpakan ng mga bisita.
"Wag na natin 'tong patagalin pa. Now let me introduce to you. My daughter, Lauren Dave Manzano." ani Dad.
Pagkasabi no'n ni Dad ay nagpalakpakan ulit ang mga bisita. Ako naman ay kinakabahang umakyat sa stage.
"And of course hinding-hindi rin mawawala ang fiancé ng anak ko. Please welcome, my future son-in-law, Tim Ramirez." ani Dad.
Nagpalakpakan ulit ang mga bisita pagkasabi no'n ni Dad. Nakita ko naman si Tim na umakyat sa stage at papalapit siya sa akin. Napalunok naman ako dahil napakagwapo niya ngayon.
Nang makalapit na siya ay may ibinulong siya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "You're so gorgeous today, Love."
*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*
Waaaaaa! Wag kang ganyan Tim dahil nanginginig na ako sa kilig.
"As all of you know..." - Dad
Habang nagsasalita si Dad ay may naramdaman ako bigla sa likod ko. Napatingin naman ako do'n.
"Suotin mo." utos sa 'kin ni Tim.
Ang suit pala ni Tim ang nakapatong sa likod ko. Sinuot ko naman ang suit niya. Medyo nahihiya kasi ako sa likod kong naka-expose.
"Any message for our guest, Lauren and Tim?" tanong sa 'min ni Dad.
Kinuha naman ni Tim ang mic mula kay Dad.
[STEPHANIE'S POV]
Waaaaaa! Parang mawawalan na ako ng pag-asang makawala rito.
"Tara na Jasmine, pumunta na tayo sa engagement party." narinig kong sabi ni Melanie.
"Pero inutusan tayo ni Fafa Jameson na bantayin si Stephanie. Baka magalit 'yon sa atin kapag hindi natin nagawa ang utos niya. Bawas ganda points 'yon." narinig kong tugon ni Jasmine kay Melanie.
"Ano ka ba Jasmine. Hindi niya malalaman na hindi natin binantayan si Stephanie dahil masyado siyang busy para sa plano niya." ani Melanie.
"Paano kung malaman niya?" ani Jasmine.
"Hindi niya yun malalaman. Magtiwala ka nga sa 'kin." ani Melanie.
"Sige na nga." napilitang sang ayon ni Jasmine.
"Good. Tara na at pumunta sa engagement party." tugon ni Melanie.
At umalis na nga silang dalawa. Pagkakataon ko nang makawala rito.
[JAMESON'S POV]
Bago magsimula ang engagement party ay pumunta ako sa backstage. Sakto at wala do'n ang nag-o-operate ng projector. Lumapit ako at kinuha ko ang USB sa bulsa.
Pagkatapos ay patago kong pinaste (pineyst) ang video na naglalaman ng picture namin ni Lauren sa laptop ng nag-o-operate ng projector.
Nang ma-paste ko na ang video ay dinelete ko ang isang video na ipapalabas dapat mamaya sa projector. At kinopya ko ang file name ng dinelete kong video sa pinaste kong video. Buti na lang at pareho ang thumbnail ng dinelete kong video sa pinaste kong video. Full black.
Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa table na parang walang nangyari. May inactivate rin akong isang device para tuloy-tuloy lang ang pag-play ng video hanggang matapos at hindi nila ito ma-pause o ma-stop. Excited na ako sa mangyayari mamaya.
[STEPHANIE'S POV]
Konting push na lang at matatanggal ko na ang tali.
Ilang saglit pa ay natanggal ko na ang tali sa kamay ko. Ayos! Makakatakas na ako rito at mapipigilan ko ang masamang plano nina Jameson, Jasmine at Melanie.
Tinanggal ko rin ang tali sa paa ko at ang panyo na nasa bibig ko.
Pagkatanggal ko ay agad akong tumakbo sa pintuan. Pero nanlumo ako nang naka-lock ito. Nakawala nga ako sa pagkakatali pero naka-lock naman ang pinto.
Mukhang mawawalan na talaga ako ng pag-asang makatakas dito.
[SUMMER'S POV]
Nang makarating kami sa hideout nina Stephanie ay agad naming hinanap ni Luis ang kapatid ko.
"Maghiwalay tayo. Ako, sa kaliwa. Ikaw, sa kanan." sabi ko kay Luis.
"Sige po Ma'am. Mag-ingat po kayo." sabi sa 'kin ni Luis.
Tumango naman ako at naghiwalay na kami ni Luis para hanapin si Stephanie.
[STEPHANIE'S POV]
Akala ko ay mawawalan na ako ng pag-asang makawala rito ngunit may nakita akong isang cellphone sa mesa kaya nabuhayan ako ng loob.
Agad akong lumapit sa mesa at kinuha ang cellphone. Pagbukas ko pa lang ng cellphone ay topless picture agad nina Jameson, Javier at Sir Tim ang bumungad sa 'kin. Wallpaper ito at naka-grid. Ang landi ng may-ari nito. Pero buti na lang at walang password o pattern ang cellphone na nahanap ko.
Sinubukan kong tawagan si Javier pero nakapatay ang phone niya. Ano ba 'yan! Sino pa ba ang matatawagan ko? Hindi naman pwedeng mga friends ko na ex-friends ko na dahil sila ang nagkulong sa akin dito.
ISIP: Kung ang kapatid mo na lang kaya ang tawagan mo?
Mas lalong hindi pwede ang kapatid ko. Baka hindi niya ako puntahan at hayaan lang akong makulong dito.
Teka muna...
*ting*
Alam ko na kung sino ang tatawagan ko.
Agad kong dinial ang number ni Luis.
Ayun! Nag-ri-ring. Sana sagutin niya.
("Hello? Sino 'to?") narinig kong sabi ni Luis.
Waaaa! Thank you Lord! Sinagot niya.
"Tulungan mo ako Luis." naiiyak kong tugon sa kanya.
("Ma'am Stephanie? Ikaw ba yan?") hindi makapaniwalang tanong ni Luis mula sa kabilang linya.
"Yes Luis, this is me. I need your help." sagot ko sa kanya.
("Wag kang mag-alala Ma'am Stephanie. Nandito na kami ngayon ni Ma'am Summer sa hideout ninyo para iligtas ka.") ani Luis.
Nabuhayan ako bigla sa sinabi niya. At hindi rin ako makapaniwalang kasama niya si Summer.
"Talaga? Waaaaaa! Thank..."
Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako bigla sa may pintuan.
"Summer?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Totoo ba 'tong nakikita ko?
"Ate?" ani Summer na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Agad kaming lumapit sa isa't isa at...
...nagsabunutan.
Syempre joke lang 'yon. Hindi kami nagsabunutan. Nagyakapan kami sa isa't isa.
Hindi namin mapigilang maluha.
"Salamat sa Diyos at ayos ka lang Ate." sabi sa 'kin ni Summer na ikinangiti ko.
Sobrang nakaka-miss pala ang pagtawag niya sa akin ng Ate.
"Tara na Ate at tumakas na tayo." sabi ulit sa 'kin ni Summer at lalabas na sana kami nang...
"At saan naman kayo pupunta?" ...bigla kaming hinarang ni Jasmine. May hawak siyang baril at nakatutok ito sa amin. "Akala niyo makakatakas kayo rito. Pwes, nagkakamali kayo."
"Pakawalan mo na kami rito Jasmine. 'Di ba magkaibigan naman tayo?" pagmamakaawa ko kay Jasmine.
"Of course, we're friends Stephanie. Pero kung papapiliin lang ako between a friend and an opportunity. Mas pipiliin ko ang opportunity. Opportunity na maging sa 'kin ang mga lalaking gusto ko. Hahahahaha!" ani Jasmine sabay tawa na parang demonyo.
"Ang landi-landi mo talagang babae ka! Akala mo siguro hindi ko napapansin ang pagnanasa mo kina Javier at Jameson? Tapos nag-effort ka pa talagang mag-edit ng picture na hinahalikan ka nina Jameson at Javier at ipinopost mo sa private website mo." galit na sabi ni Summer kay Jasmine.
"How dare you to say that to me? At anong private website ang pinagsasabi mo?" inis na tanong ni Jasmine kay Summer.
"Malandi ka na nga, sinungaling ka pa! Malandi! Sinungaling! Malandi! Sinu..." pang-aasar ni Summer kay Jasmine.
"Shut up!" sigaw ni Jasmine.
*bang*
"AYYYYYYYY!" sigaw namin ni Summer sa gulat.
Natigil ang pang-aasar ni Summer kay Jasmine dahil sumigaw ito at ipinaputok ang baril. Buti na lang at sa ere nakatutok ang baril, kung sa 'min 'yon nakatutok ni Summer ay katapusan na namin.
"Kayo ang mas malandi at mas sinungaling! Nilandi niyo si Javier na dapat ay sa 'kin. Alam niyo si Javier sana ang gusto ko sa school eh nang inagaw mo siya sa 'kin. Sabi ko ayos lang dahil nandyan pa naman si Jameson tapos dumagdag pa sa list si Tim na gusto ko rin. Tapos malaman-laman kong nilalandi na pala sila ng chakang kaibigan niyo na si Lauren. Mga malalandi talaga kayong magkakaibigan! Papatayin ko talaga kayong lahat!" ani Jasmine.
Nanlaki ang mga mata namin nang kinalabit ni Jasmine ang gatilyo ng baril. Pero bago pa niya maiputok ang baril ay may isang lalaking pumigil sa kanya.
Si Luis.
Inaagaw niya ang baril kay Jasmine.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Melanie at tumingin siya kay Luis habang nagpupumiglas siya.
Pero napatigil siya nang makita niya si Luis. Natulala siya bigla.
"Ang gwapo." ang nasabi ni Jasmine nang makita niya si Luis.
Nagkaroon naman ng pagkakataon si Luis na maagaw kay Jasmine ang baril. Natauhan bigla si Jasmine.
"Akin na ang baril ko!" sigaw ni Jasmine at sinubukan niyang kunin ang baril mula kay Luis ngunit hindi siya nagtagumpay.
Inilapit naman ni Luis ang mukha niya kay Jasmine na ikinakunot ng noo ko.
"Do you like me?" tanong ni Luis with his seductive tone.
Napalunok naman si Jasmine at wala sa sariling tumango. Ako naman ay nainis sa ginagawa ni Luis. Nakikipagharutan pa talaga siya sa malanding babaeng 'yan! Ugh!
"Do you want to touch my body?" mapang-akit ulit na tanong ni Luis kay Jasmine.
So gano'n Luis, makikipaglandian ka lang diyan at hindi mo kami ililigtas.
Tumango ulit si Jasmine.
O_____O kami ni Summer
Biglang hinubad ni Luis ang suot niya t-shirt.
"Hawakan mo na." utos ni Luis sa kanya.
Nanginginig na hinawakan ni Jasmine ang dibdib ni Luis pababa sa abs nito. Ewan ko pero mas lalo akong nainis nang hawakan na ni Jasmine ang katawan ni Luis at dinadamdam niya ito gamit ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nakakainis talaga!
Pero nawala bigla ang inis ko nang senyasan kami ni Luis na umalis na kami at tumakas. Parang may bumuong puzzle o sagot sa utak ko kung bakit niya pinahawak kay Jasmine ang katawan niya. Waaaa! Kaya pala niya ginawa 'yon. Akala ko ay nakikipagharutan siya kay Jasmine. 'Yon pala ay may plano siya. Ang i-distract niya si Jasmine para makatakas kaming dalawa ni Summer. Waaaa! I'm sorry Luis for judging you.
At nakatakas na nga kami ni Summer. Nakalabas na kami sa hideout.
"Summer, kailangan nating pumunta sa engagement party nina Lauren ngayon na." sabi ko kay Summer.
"Ha? Bakit ngayon agad? Hindi pa nga tayo nakakapagbihis eh? At paano si Luis? Nasa loob pa siya ng hideout." sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Summer.
"Wala na tayong oras Summer. Kailangan nating maunahan si Jasmine bago pa niya patayin si Lauren. At may balak din si Jameson na sirain si Lauren sa engagement party." nag-aalalang sagot ko sa kanya.
"What? Kung gano'n. Kailangan na nating pumunta sa engagement party at pigilan sila." tugon sa 'kin ni Summer.
Tumango naman ako at sumakay kami sa kotseng dala nila ni Luis. Ako na ang nagmaneho ng kotse.
[THIRD PERSON'S POV]
"Ang tagal naman ni Jasmine. Pagkuha lang sa cellphone niya, matatagalan pa." inis na sabi ni Melanie habang nasa loob siya ng kotse at hinihintay si Jasmine.
Samantala...
"Wow! You have such a nice body Luis. I can't believe that God created you perfectly." sabi ni Jasmine habang hinahawakan niya ang katawan ni Luis.
Halos mandiri naman si Luis sa ginagawa sa kanya ni Jasmine.
"Gusto mo bang matikman ako?" pang-aakit ni Luis kay Jasmine.
Napalunok naman si Jasmine sabay tango.
"Kung gano'n. Umupo ka sa upuan na 'yan." utos ni Luis sabay turo sa upuang ginamit ni Stephanie na nakatali kanina.
Agad namang sumunod si tanga at umupo siya. Desperada na siya at gusto na niyang matikman si Luis.
Lumapit naman si Luis kay Jasmine at kinuha niya ang tali sa sahig. Tinali niya ang mga paa ni Jasmime sa paa ng upuan. At itinali niya rin ang kamay nito sa likod ng upuan. May nakita siyang panyo sa sahig at ginamit niya itong blindfold kay Jasmine.
"Handa ka na bang matikman ako?" husky na tanong ni Luis kay Jasmine.
"Yes, I'm ready Luis. I'm ready to taste your perfectly bod." sabik na sagot ni Jasmine at naghihintay siyang matikman niya si Luis.
Pero hindi niya alam na iniwan na pala siya ni Luis.
Sinuot ni Luis ang t-shirt niya at lumabas sa hideout.
Paglabas niya sa hideout...
"Teka, asan na sila?" tanong ni Luis sabay kamot sa ulo.
Ang tinutukoy niya ay sina Summer at Stephanie.
Samantala...
Hindi na mahintay pa ni Melanie si Jasmine kaya siya na lang mismo ang pumunta sa engagement party para patayin si Lauren.
[LAUREN'S POV]
"First of all, thank you for coming tonight. Sobrang saya ko dahil malapit na akong ikasal sa babaeng mahal na mahal ko." panimula ni Tim sabay tingin sa akin na may ngiti sa labi. "Lauren, we know that this is just an arranged marriage right? Pinagkasundo tayo ng mga Daddy natin para mag-merge ang kumpanya ng ating pamilya. Noong una ay tutol talaga ako sa desisyon ni Dad na ikasal ako sa 'yo lalo na't iiwan ko ang masayang buhay ko sa Australia."
Ouch! Tutol pala siya sa pagpapakasal niya sa akin. Parang may kumurot bigla sa puso.
"Pero wala na akong nagawa pa at sinunod ko na lang si Dad dahil mahal na mahal ko siya at siya na lang ang natitira sa akin simula nang mamatay ang Mom ko. Ang naging tanging hiling ko na lang ay sana ang mga katangiang gusto ko sa babae ay nasa iyo. Parang si Mom lang. Mabait, maalaga, masipag, matalino, mapagmahal, at higit sa lahat ay maganda. Okay ka na sana eh kaso nagka-problema ka lang sa ganda noon." - Tim
Nagtawanan naman ang mga bisita sa sinabi ni Tim. Aray! Ang sakit naman niyang magsalita. Maganda naman ako ha! 'Yon ang sabi ng Dad ko.
"Pero simula nang makilala kita ay... hindi ko alam... pero parang may naramdaman akong kakaiba nang makita kita. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin at ipinahalata sa 'yo. Pero habang tumatagal ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa 'yo. Mabilis ang tibok ng puso ko kapag nandito ka. Normal lang kapag wala ka. Sa tuwing nandito ka ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko mapigilang mapatingin sa napaka-anghel mong mukha. Kahit na hindi ka maganda sa paningin ng iba, pero isa ka namang anghel sa paningin ko." - Tim
Hindi ko mapigilang kiligin sa speech ni Tim. Waaaa! Bakit ganyan siya magsalita? Alam naman niyang arranged marriage lang 'to. Pero seryoso siya sa bawat sinasabi niya.
"Noong 18th birthday mo, nang makasayaw kita. My heart beats fast when I saw you. Hindi kita matanggal sa isip ko nang mga oras na 'yon. At na-realize kong tinamaan na pala ako sa 'yo. Pinana na ni Kupido ang puso ko para ma-inlove sa 'yo. Lauren Dave Manzano..." Biglang lumapit sa akin si Tim. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. "Mahal na yata kita. Handa na akong makasama ka hanggang forever."
"YIEEEEEEEEEEE!"
Rinig ko naman ang tilian ng mga bisita. Halatang kinikilig sila.
Ako?
Spechless.
Parang hindi ako makapaniwalang sinabi 'yon ni Tim sa akin. Waaaaaaaaa! He really loves me?
"Lauren?"
Biglang lumuhod sa harap ko si Tim. Napatakip ako sa bibig ko nang may inilabas siyang maliit na bagay na kulay pula sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito at may nakita akong singsing.
Isang engagement ring.
"Will you marry me?" nakangiting tanong sa 'kin ni Tim.
Hindi ko mapigilang maiyak at matuwa sa nakikita ko ngayon. Yes Tim! I will marry you. 'Yon ang sabi ng isip at puso ko.
"Oh my gosh!"
"What the hell is that?"
"Is that her?"
Sasagot na sana ako ng 'yes' nang marinig ko ang gulat na reaksyon ng mga bisita. Napatingin ako sa kanila at nakita kong shock sila habang nakatingin sa monitor.
Dahan-dahan akong tumingin sa monitor.
O_____O
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako makagalaw at nabato ako sa kinatatayuan ko.
Pictures of me habang may katabi akong isang lalaki sa kama. Naka-slideshow ang mga pictures at puro malalaswa ito. I was naked there at kumot lang ang nagsisilbi kong takip sa katawan. Hindi kita yung mukha ng lalaki dahil tinapalan ito ng mosaic para mag-blurred ito. Pero alam kong siya yung nasa pictures.
Napakagat ako sa labi habang nanginginig sa kaba. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga bisita.
"Fuck! Patayin niyo ang monitor!" narinig kong sigaw ni Dad.
Napatingin ako sa direksyon ni Tim.
Tulala siya habang nakatingin sa monitor.