[LAUREN'S POV]
Nagulat ako nang ibinato bigla ni Tim ang box na may singsing sa sahig.
"Tim, let me explain." sabi ko at hahawakan ko na sana siya ngunit umiwas siya.
"You don't have to explain. Wala namang tayo 'di ba?" sabay tingin niya sa akin. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng luha niya. "Walang tayo. This is just an arranged marriage." dagdag pa niya.
Hindi ko mapigilang masaktan sa sinabi niya. Pero ang mas masakit ay ito...
"Acting lang ang lahat ng sinabi ko sa 'yo kanina. Hindi naman kita mahal eh." sabi niya sabay pahid ng luha niya.
Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sinabi niya.
A-akala ko...
A-akala ko... ay totoo ang sinabi niya sa 'kin. Asang-asa ako sa sinabi niya kanina pero hindi pala 'yon totoo.
Acting lang pala niya 'yon.
Ang mga sinabi niya sa akin ay scripted lang.
Ang sakit!
Akala ko ay mahal din niya ako. Hindi pala.
Ako kasi, mahal ko na talaga siya.
[SUMMER'S POV]
Pagkarating namin sa engagement party ay natulala kami sa nakita namin.
Huli na ang lahat.
Nagtagumpay na si Jameson sa plano niya.
Sinira na niya ang buhay ni Lauren.
Sinira na niya ang pagmamahalan nina Tim at Lauren.
"Huli na tayo." narinig kong sabi ni Ate Stephanie.
Nakita ko namang nag-walkout si Tim habang si Lauren naman ay umiiyak. Bakit hindi siya nagpaliwanag kay Tim?
Agad kaming lumapit kay Lauren.
Nang makalapit kami kay Lauren ay agad namin siyang niyakap.
"Tahan na Girl." sabi ko kay Lauren. "Maging matatag ka." dagdag ko pa.
[THIRD PERSON'S POV]
Nang makarating si Melanie sa Dyosa's Hotel ay saktong nakita niya si Tim. Papalabas ito ng hotel.
Nagtaka siya sa kanyang nakita at iniisip niyang maagang natapos ang engagement party. Dahil sa kuryusidad ay sinundan niya si Tim at hindi natuloy ang kanyang planong patayin si Lauren.
Nagtungo naman si Tim sa Dyosa's Bar para magpakalasing. Gusto niyang kalimutan ang nakita niya kanina lalo na ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Lauren.
Habang nagpapakalasing si Tim ay lumapit sa kanya si Melanie.
"Oh my Tim. What are you doing here? I thought you're in the engagement party." nagtatakang tanong ni Melanie kay Tim.
Pero hindi sumagot si Tim.
"Can I join with you?" tanong ulit ni Melanie kay Tim.
No answer pa rin si Tim at patuloy lang siya sa pag-inom ng alak.
"Okay, silent means yes." sabi ni Melanie sabay upo sa bar stool.
"One glass of tequilla please." sabi ni Melanie sa Bartender.
Pagkatapos umorder ni Melanie ay sinamahan niya si Tim na uminom. Hinintay niyang malasing si Tim dahil may plano siyang naisip. Isang plano na siguradong mapapasakanya na si Tim habangbuhay.
"Ano pala ang nangyari sa engagement party niyo ng fiancée mo? May nangyari bang hindi maganda do'n kaya ka nandito ngayon?" tanong ni Melanie kay Tim.
"It's none of your business." walang emosyong sagot ni Tim sabay inom ng alak.
Napa-isip naman si Melanie kung bakit nagkakaganyan si Tim at do'n pumasok sa isip niya ang masamang plano ni Jameson. Sa isip niya ay nagtagumpay si Jameson sa masamang plano nito.
Napangisi bigla si Melanie at may pumasok sa isip niya na isang masamang plano. 'Yon ay ang bilugin ang utak ni Tim.
"Let me guess. May ibang lalaki siguro ang fiancée mo kaya nagkakaganyan ka." sabi ni Melanie na ikinalingon ni Tim sa kanya.
Lihim na napangiti si Melanie sa reaksyon ni Tim.
"I knew it. Malandi talaga yang Lauren na 'yan. Ang pangit pangit na nga niya, malandi pa siya." ang panglalait ni Melanie para kay Lauren.
Hindi naman umimik si Tim sa sinabi ni Melanie. May nag-udyok sa isip niya na tama ang sinabi ni Melanie na malandi talaga si Lauren.
"Nahuli ko nga siyang nilalandi niya sina Jameson at Javier noon sa school. Tapos nakita ko rin siyang may kasamang isang lalaki noon papasok sa hotel. Paglabas nila ng hotel ay binayaran niya yung lalaki tapos umalis na parang walang nangyari." ang pagsisinungaling ni Melanie kay Tim.
Naikuyom naman ni Tim ang kamao niya sa narinig mula kay Melanie. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya ng sandaling iyon. Parang gusto niyang manuntok, sumigaw, magwala dahil sa narinig niya.
At nabilog na nga ni Melanie ang utak ni Tim.
[LAUREN'S POV]
"I'm so damn disappointed to you Lauren Dave Manzano! Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi kita pinalaking makipagtalik sa ibang lalaki!" galit na sabi sa 'kin ni Dad.
Hindi ko na pinagtanggol pa ang sarili ko dahil kahit anong paliwanag ko ay hindi niya ako papakinggan. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Dahil sa eskandalong nangyari kanina ay hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Tim! Galit na galit kanina sa akin ang Tito Bill mo lalong-lalo na sa 'yo!" dagdag pa ni Dad.
"Dad..." sinubukan ko ulit magpaliwanag kay Dad ngunit pinigilan na naman niya ako.
"Wag kang magsalita hangga't hindi pa ako natatapos..." - Dad
"PINAGSAMANTALAHAN PO AKO NI JAMESON DAD!" hindi ko na mapigilang mapasigaw at mapahagulgol sa pag-iyak. "Pinagsamantalahan po niya ako at wala akong kaalam-alam do'n. Siya po yung kasama ko sa mga litrato na 'yon." mahinahon kong sabi kay Dad habang umiiyak.
Akala ko ay paniniwalaan ako ni Dad pero nagkamali pala ako. "Idadamay mo pa talaga si Jameson sa kalandian mo. Kaibigan mo 'yan noong ipinanganak pa lang kayo tapos isisisi mo pa sa kanya yung nangyari? Lauren, wala kang katibayan na pinagsamantalahan ka ni Jameson. Mabait siyang tao at may takot sa Diyos."
Yun na yata ang pinakamasakit na sinabi sa akin ni Dad. Hindi na nga niya ako pinagkakatiwalaan tapos naniwala pa siyang malandi ako.
Ang sakit!
[THIRD PERSON'S POV]
Nang malasing na si Tim ay dinala siya ni Melanie sa mansyong tinitirahan nito at ni Lauren.
"Bakit mo nagawa sa 'kin 'to Lauren? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" lasing na sabi ni Tim.
Hindi pa rin niya makalimutan at matanggap ang mga litratong nakita niya kanina sa engagement party nila ni Lauren. Pakiramdam niya ay parang pinagtaksilan siya ng babaeng mahal na mahal niya.
Nang madala na ni Melanie si Tim sa kwarto nito ay agad niyang hiniga ang lalaki sa kama. Umupo si Melanie sa kama at pinagmasdan niya si Tim.
"Kawawa ka naman. Dahil sa chakang Lauren na 'yon ay nagkakaganyan ka. Dapat kasi ay sa akin ka na lang napunta. Dapat kasi ay ako na lang ang naging fiancée mo. Dapat kasi ay ako na lang ang minahal mo. Pero gagawin ko ang lahat para maging akin ka. At ito na ang pagkakataon ko." sabi ni Melanie at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Tim.
Nagdadalawang-isip siya kung hahalikan ba niya ito o hindi.
Dahil sa kalasingan ay nakita ni Tim ang napakagandang mukha ni Lauren. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Hindi mapigilan ni Tim na halikan niya ang inaakala niyang si Lauren.
Nagulat naman si Melanie nang halikan siya ni Tim. Pero ilang sandali lang ay tumugon siya sa halik ni Tim.
Walang kaalam-alam si Tim na si Melanie pala ang hinahalikan niya at hindi si Lauren.
[JAMESON'S POV]
"MGA WALANG KWENTA KAYO! BAKIT NIYO HINAYAANG MAKAWALA SI STEPHANIE? ALAM NIYA ANG PLANO NATIN AT BAKA SABIHIN NIYA 'YON SA IBA!" galit na sigaw ko kay Jasmine.
"Pero wala namang maniniwala sa kanya eh." takot na tugon sa 'kin ni Jasmine.
"SA TINGIN MO BA WALANG MANINIWALA SA KANYA? MAY TESTIGO SIYA JASMINE KAYA MAY POSIBILIDAD NA MAY MANIWALA SA KANYA! GAMITIN MO NGA ANG UTAK MO!" galit na sigaw ko ulit kay Jasmine.
Wala akong pakialam kung nasaktan ko siya. Bagay lang 'yan sa kanya dahil hindi nila sinunod ni Melanie ang utos ko.
"Sorry Jameson." naiiyak na sabi ni Jasmine.
Tsk! Ang arte.
"Asan si Melanie?" tanong ko kay Jasmine.
"Ah... ano. H-hindi ko alam." sagot ni Jasmine sabay iwas ng tingin sa 'kin.
Hindi ko na siya tinanong pa at tinawagan ko si Melanie.
Pero hindi sinagot ni Melanie ang tawag ko kaya mas lalo pa akong nainis.
*crash*
Dahil sa inis ay naibato ko ang cellphone ko sa sahig.
"Iwanan mo muna ako." utos ko kay Jasmine na agad namang sinunod niya dahil sa takot.
Umupo naman ako sa silya at kinuha ko ang wallet ko sa bulsa. Dinukot ko sa wallet ang litrato ni Lauren at pinagmasdan ko 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang litrato ni Lauren.
You will be mine soon, Lauren.
- END OF BOOK 1 -