Kabanata 9

[TIM DEARING'S POV]

"Tim, susundan ba natin sila?" tanong sa 'kin ni Javier.

"Hindi muna. Hayaan muna nating ilabas ang sama ng loob nila sa atin." sagot ko.

"Ang sama natin. Kung sino pa ang mas matagal nating nakasama, sila pa ang pinagsabihan natin nang hindi maganda." ani Mitchell.

Ako nga rin, na-guilty ako sa sinabi ko kay Dave. Hindi ko naman talaga mahal si Maybelline. Sinabi ko lang 'yon para matahimik na siya. Alam niyo naman kung sino ang mahal ko. Nagsisimula sa L ang pangalan niya.

"Tim, Mitch, Javi!" Napatingin naman kami kay Dave na papalapit sa amin. Hingal na hingal siya.

"Anong nangyari sa 'yo Dave? May problema ba?" tanong ni Mitchell kay Dave.

"May nangyaring hindi maganda kay Lauren. Tulungan niyo kami." Nakaramdam ako bigla ng kaba sa sinabi ni Dave.

"Anong nangyari kay Lauren?" nag-aalalang tanong ni Javier.

"Nakita namin siyang walang malay sa may hagdanan sa labas. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital." sagot ni Dave.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pang tumakbo papunta kay Lauren. Sumunod sa akin sina Dave, Mitchell at Javier.

Wala siyang malay.

Wala siyang malay.

Wala siyang malay.

'Yon ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.

"Tim, saan kayo pupunta?" narinig kong tanong ni Maybelline.

Hindi namin pinansin ang tatlong babaeng nakilala namin. Basta ang nasa isip ko lang ay si Lauren. She needs us at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya.

[LAUREN'S POV]

Teka, nasaan ako?

Pero ang ganda naman dito. Ang sariwa ng hangin. Feeling ko ay nasa isang paraiso ako.

"Lauren."

O_____O

Teka, parang kilala ko ang boses na 'yon.

Dahan-dahan akong tumigin sa lalaking tumawag sa akin na nasa likod ko.

Tama nga ang hinala ko.

Siya nga.

"Tim!" masayang tawag ko sa kanya at nilapitan ko siya.

Tapos ay niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit na parang na-mi-miss mo na siya.

Sa wakas.

Nayakap ko na rin ang lalaking mahal ko.

"Na-miss kita nang sobra." masayang sabi ko habang yakap ko si Tim.

"I miss you too Lauren." tugon niya sa 'kin.

Ilang segundo rin kaming magkayakap hanggang sa bumitaw kami pareho.

"Teka, paano mo ako nahanap? At nasaan tayo?" tanong ko kay Tim.

"Hindi ko alam kung nasan tayo. Nagulat nga ako na nandito ako. Hindi ko rin alam kung paano ako napadpad dito. Hanggang sa nakita kita." sagot niya.

"Nakapagtataka naman. Teka, paano tayo makaka-uwi nito?" tanong ko.

"Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ay magkasama tayong dalawa. Sulitin natin ang araw na 'to." tugon niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Tama siya dahil masaya ako nang makita ko siya. Susulitin na namin 'to.

"Kumusta ka na?" tanong niya sa 'kin.

"Okay lang." medyo malungkot kong sabi pero hindi ko ito ipinahalata sa kanya. Ayoko pang sabihin sa kanya na na-mi-miss ko na siya. Natatakot akong ma-reject.

"Ikaw? Kumusta ka na? May girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang din ako at wala akong girlfriend. Hinihintay ko pa kasi siya." sagot ni Tim habang nakatingin sa 'kin.

Bakit ganyan siya makatingin? Natutunaw na tuloy ako sa tingin niya.

Habang naglalakad kami ay may nakita kaming mga taong nakapila kaya nabuhayan naman ako.

"Tim, tingnan mo. May mga tao ro'n." sabay turo ko sa mga taong nakapila. "Tara, lapitan natin sila. Baka alam nila ang palabas dito."

"Wag!" pagpipigil sa 'kin ni Tim.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

Pero pagtingin ko ay wala na siya. Teka, nasaan na siya?

Pati yung mga taong nakapila ay wala na rin? Nasaan sila?

"Tim?" tawag ko at hinanap ko siya.

Pero hindi ko siya makita.

"Tim!" tawag ko muli pero wala pa rin siya. Nakaramdam ako ng takot.

"TIIIIIIIMMMMMMMMMMMMM!"

***

"TIM!"

"Lauren, gising!"

Inimulat ko ang aking mata at nakita ko si Tim II na alalang-alala sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa 'kin ni Tim II.

"Nasaan ako?" tanong ko bigla. Puro puti kasi ang nakikita ko.

"Nasa hospital ka ngayon. Ano ba ang nangyari sa 'yo at nawalan ka ng malay kanina?" tanong sa 'kin ni Javier.

"Malamang nahimatay siya." ani Stephanie.

"Pero may sugat siya sa noo. Sa tingin ko hindi siya nahimatay. Sumigaw pa nga si Lauren." ani Dave.

"I know naman na hindi nahimatay si Lauren." ani Stephanie.

Inalala ko yung mga pangyayari.

At pumasok sa isip ko ang tatlong babaeng nakilala nina Tim II na nagtatawanan habang nakatingin sa akin.

"May tumulak sa akin pababa sa hagdan." sabi ko sa kanila.

"Ha? May tumulak sa 'yo? Namukhaan mo ba sila?" tanong sa 'kin ni Tim II.

"Oo." sagot ko.

Alam kong sila ang may gawa nito sa akin.

"Sino ang tumulak sa 'yo?" tanong sa 'kin ni Dave.

Sinabi ko sa kanila kung sino-sino ang tumulak sa akin pababa sa hagdan. At kitang-kita ko ang galit nina Mitchell, Javier at lalong-lalo na si Tim II sa nalaman nila mula sa akin.

"I told you guys. Masasama talaga 'yang mga babaeng nakilala niyo." sabi ni Dave sa tatlo.

"'Wag kang mag-alala Girl. Humanda sila sa atin kapag nakita natin sila." sabi sa 'kin ni Stephanie.

"Kung ano man ang binabalak niyo. 'Wag niyo nang ituloy. Okay lang naman ako eh." sabi ko sa kanila.

"Hindi 'yon okay Girl. Paano na lang kung namatay ka dahil sa ginawa nila? At saka kapag pinalampas natin 'to ay baka ulitin na naman nila ang ginawa nila sa 'yo. Or worst, baka gawin nila sa amin ang ginawa nila sa 'yo." ani Barbie.

Napa-isip naman ako sa sinabi ni Barbie. Mukhang tama siya. Kapag pinalampas ko 'to ay baka ulitin na naman nila 'yon. Baka madamay ang mga kaibigan ko.

"Don't worry Lauren. Kami na ang bahala sa tatlong 'yon." sabi sa 'kin ni Tim II.

Tumango naman ako. I'm so happy that I have a good friends na handang tulungan ako. Kahit wala si Tim ay may mga tao pa ring handang prumotekta sa akin.