Kabanata 10

[LAUREN'S POV]

Nakalabas na rin ako sa hospital. Medyo okay na ako, pero ang kaliwang braso ko ay may fracture pa kaya nilagyan ito ng support.

"Girls, kumain muna tayo bago bumalik sa rest house. Our treat." sabi sa 'min ni Javier.

"Weh!" react ni Dave.

"Kung ayaw niyo, balik na lang tayo sa rest house." ani Mitchell.

"Hindi naman kayo mabiro." sabi ni Dave habang nakaharang kina Tim II.

"Ano pa ang hinihintay natin. Tara na't kumain na." ani Tim II.

Pumunta kami sa isang sikat na kainan dito sa China.

"Gusto ko ng maraming siomai." ani Barbie.

"Baka tumaba ka niyan." sabi ni Javier kay Barbie.

"Okay lang na tumaba ako. Pwede naman akong mag-exercise para pumayat ulit." tugon ni Barbie kay Javier.

"Ikaw talaga Bie. Sige, kumain ka lang kung 'yan ang gusto mo." sabay gulo ni Javier ang buhok ni Barbie.

"Bie? Kayo ba ni Javier, Barbie?" biglang tanong ni Mitchell kay Barbie.

"Hindi bro, Bie ang tawag ko sa kanya noong bata pa lang kami." si Javier na ang sumagot kay Mitchell.

Tumango naman si Mitchell at parang nakahinga na siya nang maluwag. Parang na-fi-feel kong may gusto 'tong si Mitchell kay Barbie. Yieee! Sana maging sila in the future. At sana mawala na ang feelings ni Barbie para kay Jameson. I know na masasaktan lang siya sa lalaking 'yan.

"Ikaw Lauren, anong gusto mong kainin?" tanong sa 'kin ni Tim II.

"Gusto kong i-try ang noodles nila." sagot ko sa kanya.

"Mukhang pareho tayo ng gusto." ani Tim II.

"Oo nga. Parang destiny yata tayo." banat ko.

Nakita ko namang namula siya. Kilig na kilig si Kuya. Charot!

Hindi niya siguro ine-expect sa sasabihin ko 'yon sa kanya. Pero banat lang 'yon. Wag sana niya bigyan ng meaning.

***

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa rest house. Busog na busog ako sa kinain kong noodles at naka-apat na servings ako. Nahiya nga ako kay Tim II dahil napagastos siya. Pero ang sabi niya ay ayos lang 'yon.

Pagkarating namin sa rest house ay nakita namin ang tatlong babaeng nakilala nina Tim II na nasa labas.

"Anong ginagawa niyo rito? Ang kapal din ng mukha niyong pumunta rito pagkatapos niyong saktan ang kaibigan ko." mataray na sabi ni Dave sa tatlo.

"Gusto lang naman namin mag-sorry sa ginawa namin. Sana mapatawad niyo kami. At sana wag niyo nang ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa amin." pagmamakaawa ni Maybelline.

"Oo nga, sorry talaga sa ginawa namin." ani Bench.

"Paano na lang ang mga parents namin kapag makulong na kami kaya sorry talaga." ani Avon.

"Kay Lauren kayo mismo mag-sorry. Wag sa 'min." sabi ni Tim II sa tatlo.

Napatingin naman sa akin ang tatlong babae at saka sila lumapit sa gawi ko.

"Sorry Lauren sa ginawa naming pagtulak sa 'yo. I hope you'll forgive us." sabi ni Maybelline at sabay na nag-bow ang tatlo.

Mukhang nagsisisi naman sila sa ginawa nila.

"Okay, pagbibigyan ko kayo. Pero 'wag niyo nang ulitin ang ginawa niyo." sabi ko sa kanila na ikinatuwa nila.

Dahil sa tuwa ay niyakap nila ako.

"Thank you so much Lauren. Ang bait mo talaga." sabi sa 'kin ni Maybelline na ikinangiti ko.

Ang sarap kasi sa pakiramdam na sabihan kang mabait ng isang tao.