Kabanata 11

[LAUREN'S POV]

- DELA CRUZ UNIVERSITY -

"Anong nangyari sa braso mo Beshie?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Jameson habang nakatingin sa may support kong braso.

"Wala 'to." sagot ko lang sa kanya.

Wala siyang karapatang malaman ang nangyari sa braso ko.

"Sigurado ka ba?" aniya.

Tumango lang ako.

"By the way, saan ka pala nagbakasyon for the whole week?" tanong sa 'kin ni Jameson.

"Sa Sanya." tipid kong sagot sa kanya.

"Sino naman ang kasama mo? Sayang wala ako diyan." aniya.

"Si Tim." I lied.

Gusto ko lang makita ang magiging reaksyon niya. Ang tinutukoy kong Tim ay ang mahal ko.

Nakita ko namang dumilim ang aura niya tapos nakakuyom pa ang mga kamao niya. I knew na 'yan ang magiging reaksyon niya.

"Yung schoolmate nating si Tim ang tinutukoy ko at kasama ko rin ang mga kaibigan ko." dagdag kong sagot sa kanya.

Nakita ko naman siyang kumalma. "Bakit hindi mo ako sinama?" tanong niya sa 'kin na parang nagtatampo.

Dahil ayokong makasama ang isang tulad mo. Dahil sa 'yo ay naging miserable ang buhay ko. Dahil sa 'yo ay kinamuhian ako ng lalaking mahal ko.

Pero syempre hindi 'yon ang sinagot ko.

"NAKALIMUTAN kasi kita." plastik kong sagot sa kanya. Pinagdiinan ko pa ang salitang NAKALIMUTAN.

"Okay lang kung hindi mo ako sinama. May next time pa naman." sagot niya sa 'kin.

Next time mo mukha mo. Ayoko kong makasama ka kahit kailan.

*tenenenenenenen*

Tumunog bigla ang new phone ko. Nabasag kasi ang screen ng phone ko sa Sanya nang tinulak ako ng tatlong babaeng nakilala nina Tim II sa hagdan.

Chineck ko ang new Vivo X23 phone ko.

(A/N: Bayaran mo 'yan. Haha!)

May text ako galing kay Kuya Lachlan.

***

1 New Message

From: Kuya Lachlan

Good news Lauren. Napaamin ko na si Jasmine na may kinalaman siya sa pagkalat ng scandal noong gabi ng engagement party niyo ni Tim. Sinabi niya sa 'kin ang lahat ng ginawa nila ni Jameson at Melanie. Konti na lang Lauren ang malilinis na natin ang pangalan mo.

***

Nag-reply naman ako.

***

To: Kuya Lachlan

Talaga? Good news nga. Thanks for helping Kuya Lachlan. Now I know kung bakit confident si Barbie na kinuha ka niya para sa akin.

***

Curious siguro kayo kung sino si Kuya Lachlan. Siya ay isa sa mga pinakamagaling na private investigator sa bansa. Si Barbie ang nag-hire sa kanya kahapon para tulungan akong linisin ang pangalan ko. Well, kaibigan ito ng Kuya Joseph niya kaya may tiwala ako kay Kuya Lachlan. Pero hindi ko pa siya nakikita sa personal. Hehehe!

Pero hindi lahat ay tinutulungan ni Kuya Lachlan. Kahit na siya ang pinakamagaling na private investigator sa bansa ay walang nakakaalam sa identity niya, except lang kay Barbie at Kuya Joseph. Kaya nga ang swerte ko dahil tinulungan niya ako.

***

1 New Message

From: Kuya Lachlan

I'll text you kung may nakuha akong bagong inpormasyon.

To: Kuya Lachlan

Okay. :-)

***

"Sino yang ka-text mo?" tanong sa 'kin ni Jameson.

"Isang kaibigan." sagot ko sa kanya.

"Babae ba 'yan o lalaki?" aniya.

Bakit parati na lang 'to tanong nang tanong? Nakakairita na siya.

"Lalaki." sagot ko kay Jameson.

Nakita ko na naman siyang nakakuyom at madilim ang aura. Gusto ko lang siyang inisin. At gusto ko ring ipamukha sa kanya na hindi niya ako makukuha kahit siya na lang ang lalaki sa mundo.

[TIM RAMIREZ'S POV]

I'm here at Dyosa's Modelling Agency dahil may bago na naman akong photoshoot para sa Christmas Edition ng Dyosa's Magazine.

"Hey Tim. Are you listening?" Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita ang photogapher ng magazine na si Dyosa. Nakatingin kasi ako sa screen ng phone ko.

"Yes, I'm listening." sagot ko sabay patay ng phone ko at ipinatong ko ito sa mesa.

"Magbihis ka na para makapagsimula na tayo." sabi sa 'kin ni Dyosa.

***

Pagkatapos ng photoshoot ay pumunta ako sa Dela Cruz University para silayan siya.

*tenenenenenenen*

May nag-text sa phone ko.

Si Melanie.

***

1 New Message

From: Melanie

Nasaan ka na?

***

Hindi ko siya nireplyan dahil masama pa rin ang loob ko kay Melanie.

Dahil sa kanya ay nasira ang engagement party namin ni Lauren.

Pero hindi ko siya pwedeng iwan.

Dahil dinadala niya ngayon ang anak namin.

Nabuntis ko si Melanie nang hindi sinasadya. Lasing ako no'n nang may nangyari sa amin at nagbunga ito.

Pinaplano na ngayon ni Dad ang kasal naming dalawa. Tututol nga sana ako pero pinagbantaan ako ni Melanie na ipapalaglag niya yung bata sa sinapupunan niya. Wala akong nagawa kundi pumayag.

Kahit alam kong inosente si Lauren sa kumalat na scandal noong engagement party namin ay hindi pa rin pwedeng maging kami. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa.

*tenenenenenenen*

Nag-text na naman si Melanie.

***

1 New Message

From: Melanie

Bakit hindi ka nagrereply? Nasaan ka ba Tim.

***

I replied her back para matahimik na siya.

***

To: Melanie

It's none of your business.

***

At pinatay ko ang phone ko.

Nang makarating ako sa Dela Cruz University ay naghintay muna ako mula sa labas. Alam ko ang schedule niya. Mga 30 minutes pa ang hihintayin ko bago matapos ang klase niya.